top of page
Search

ni Lolet Abania | July 19, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Naglalaman ng mga bitamina A,K,C, B6, B1, B2 at folate. Ito ang naibibigay ng gulay na gumbo o okra sa ating katawan tuwing kakain nito. Higit na importante ang Vitamin C at K na mayroon ang okra, dahil ang bitamina C, ay nagpapalakas ng immune system at ang bitamina K, pagsasaayos ng daloy ng dugo. Narito ang mga benepisyong biyag ng okra na kailangan ng ating katawan.


  1. Isinasaayos ang Digestion. Tuwing kakain tayo nito, nagiging maayos ang ating panunaw at takbo ng ating digestion dahil sa nililinis ng okra ang labis na kolesterol at nakokontrol ang pagkapit ng asukal sa katawan na agad din nating inilalabas, gayundin, tumutulong sa problema sa tiyan.

  2. Katulong sa paggamot sa Diabetes. Nalalaman ang okra ng myricetin, na sumisipsip sa mga asukal ng katawan, na sa tuwing kakain nito, bumaba ang sugar level sa dugo natin para hindi humantong sa diabetes.

  3. Pakinabang sa buntis at bata. Mayroon itong folate na kailangang mineral at folic acid ng mga buntis at baby niya. Maganda rin sa balat ito dahil sa nakakapagpakinis ng balat.

  4. Nag-aalaga sa mata. Napoprotektahan ng gulay na ito, ang mata laban sa pagkakaroon ng katarata o paglabo ng mata dahil sa Vitamin A at ang Xanthive lutein beta-carotene na mayroon nito.

  5. Proteksyon sa puso. Sa tuwing kakain ng okra, bumababa ang antas ng kolesterol sa ating katawan, kaya nakatutulong nang husto sa ating puso. Binabawasan nito ang panganib sa sakit na cardiovascular at stroke. Mayroong itong fectin na mahahalagang sangkat ng okra dahil sa pinabababa nito ang kolesterol ng dugo at nagpapaganda ng ating apdo sa bituka.


Kahit maliit na gulay lamang ang okra, marami itong naibibigay na pakinabang sa sinumang kakain nito. Lagi nating tandaan na dapat nating pangalagaan ang ating katawan.

 
 

ni Lolet Abania | July 18, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Kapag pinag-uusapan ang Vitamin E, agad na isinasagot natin ay para sa beautiful and glowing skin. Pero, alam niyo bang mayroon pa itong naibibigay para sa ating kalusugan na kinakailangan natin sa ngayon. Heto ang ilan sa mga iyon.


  1. Sa skin cell health: Paglaban sa free radicals. Isang antioxidant ito na nakapagpapasigla ng balat at nagpapanatili ng fresh, youthful skin. Pinatunayan ito sa pag-aaral na ginawa sa UL Skin Sciences Inc. (ULSSI), “Vitamin E helps maintain membrane integrity in all cells of the body including the nerve tissues by acting as the body’s fat-soluble antioxidant. It promotes cell and tissue renewal of the skin, heart, lungs, muscles, and liver.” Lumalaban ito sa free radicals, kung saan chemicals ito na nabubuo sa normal na proseso ng katawan tulad ng paghinga, metabolism at immune system response. Kaya importante ng Vitamin E bilang antioxidant properties.

  2. Sa immunity research: Free radicals kontra antioxidants. Hindi lang sa skincare may isyu ang dalawang ito, free radicals at oxidants. Kailangan ng tamang balance sa dalawa na hindi puwedeng marami ang isa o mababa ang isa dahil maaaring magresulta ito bilang serious illness. Dapat na ma-identify ang oxidant sources tulad ng cigarette, alcohol, bad food, stress at iba pa. Ayon sa pag-aaral, “If free radicals overwhelm the body's ability to regulate them, a condition known as oxidative stress ensues.” Ang function ng antioxidants ay hindi para alisin ang free radicals, kundi upang ibalanse ang amount na naibibigay nito sa katawan. Sumusuporta ang Vitamin E sa pag-increase ng immune functions at pagbibigay ng higit na proteksyon laban sa infectious diseases. Higit sa lahat ang bitaminang ito ay essential bilang immunity booster na kailangan ng katawan.

  3. Sa health maintenance: Pagsasaayos ng health cells. May mga research nang ginawa na nagpoprotekta sa ating cell. Nakita sa pag-aaral na ang Vitamin E ang may naitutulong sa paglaban sa mga matinding sakit tulad ng heart disease, cancer at eye disorders. Patuloy ang isinasagawang research ng mga scientist dahil sa lumalabas na ito ay may malaking role sa nerve healing ng isang taong may sakit.


Isa lang ang patunay, malaki ang naitutulong ng Vitamin E sa ating immune system, na dapat na isama sa ating pang-araw-araw pamumuhay, lalo na sa panahon na nakararanas tayo ng health anxiety.

 
 

ni Thea Janica Teh - | July 17, 2020


ree


Siguradong na-miss nating lahat ang Starbucks dahil sa ilang buwang lockdown. Kaya naman may regalo sa atin ang coffee shop na ito sa bago nitong flavor!


Mapapalangoy ka sa dagat dahil sa bago nitong Fantasy Tail Frappuccino, isang magical concoction ng red dragon fruit at mango sauce na kikiliti sa ating taste buds!

Mayroon itong kasamang mermaid tail chocolate topping, dreamy whipped cream at blueberry powder sprinkle na parang magic dust. Tunay nga namang nasa fairy tale! (P175/tall; P190/grande; P205/venti)


ree

Wait there’s more! Kung super fanatic ka ng coffee at chocolate, may bago ring inilabas ang Starbucks para sa’yo! Ang Choco Choco Nutty Frappuccino ay isang blended beverage na may chocolate hazelnut sauce at java chips. Kinumpleto nito ang mocha-infused whipped cream, chocolate hazelnut drizzle at almond crunches na talaga namang makakapagpa-hyper sa ating katawang-lupa! (P175/tall; P190/grande; P205/venti)


Order na mga mars at pars dahil limited lang ito. Available ito, dine-in, take-out at drive-thru. Maaari ring magpa-deliver diretso sa inyong doorstep gamit ang GrabFood.


Para sa iba pang impormasyon, maaaring bisitahin ang kanilang website sa www.starbucks.ph

 
 
RECOMMENDED
bottom of page