top of page
Search

ni Lolet Abania | August 13, 2020




Patok ang Pinoy food na nagmula sa Dumangas, Iloilo dahil sa natatanging recipe nito sa gitna ng quarantine sa iba't ibang panig ng bansa, ito ang "Talaba Pizza."


Gawa ang Talaba Pizza ng isang residente ng lugar, na nagnais matulungan ang mga kababayang workers at negosyante na natigil ang trabaho dahil sa lockdown.


Sa kuwento ni Benjielyn Pan, nalaman niyang wala nang mapagbentahan ng talaba ang mga vendor sa kanilang lugar dahil sarado ang mga restoran, wala na ring bumibili nito sa kanila at suspendido ang serbisyo ng mga ro-ro.


"Isa talaga sa mga paborito ko ang talaba. Nagdasal ako, humingi ako ng wisdom sa Panginoon para maka-generate ako ng income sa gitna ng lockdown at the same time makatulong sa kabuhayan ng mga kababayan ko," sabi sa wikang Ilonggo ni Pan.


Sa sarap ng Talaba Pizza, marami ang nagte-take out order na customer sa kanya. Mayroon itong butter, cheese, talaba, bell peppers, garlic, at iba pang sangkap at siyempre ang secret recipe niya.


Gayundin, araw-araw mahigit 200 orders ang natatanggap ni Pan, na sadyang nakatulong sa kanilang pangangailangan.


Dagdag pa ni Pan, nakakapagbigay pa siya ng trabaho sa mga kababayan.

Sa kasalukuyan kahit may pandemya, nakapag-branch out na siya sa Passi City, Guimaras, at Calinog.

 
 

ni Justine Daguno - @Life and Style | August 6, 2020




Alam n’yo ba na ang sibuyas ay hindi lamang simpleng sangkap sa ating niluluto?


Ang gulay o “spice” na ito ay maraming benepisyo — hilaw man at luto nating ikokonsumo. Ito ay nagtataglay ng iron, antioxidant at iba pang mahahalagang bitamina. Mayaman din ito sa Vitamin C at B kabilang ang folate.


Narito ang ilan pa sa mga mabuting benepisyo ng pagkonsumo ng sibuyas:

1. PAMBALANSE NG TEMPERATURA. Know n’yo ba na sobrang oks ipanghalo sa pagkain o kumain ng sibuyas kapag summer season? Ito ay dahil ang sibuyas ay nagtataglay ng cooling properties o mayroon itong tinatawag na volatile oil na nakatutulong upang mabalanse ang temperatura ng katawan kapag mainit ang panahon. Mas oks kung kakainin ito ng hilaw o bilang salad.

2. PANGKONTROL HIGH BLOOD PRESSURE. Para sa matatanda o sinumang nakararanas ng high blood pressure o may hypertension, maaaring isama ang sibuyas o onion salad sa listahan ng inyong “snack” o meryenda. Ito ay dahil ang sibuyas ay mayaman sa potassium na siyang bitamina na nakatutulong upang mapanatiling normal ang presyon ng dugo.

3. OKS PARA SA MGA MAY DIABETES. Kinakailangan din isama sa food diet ng mga diabetic ang sibuyas. Ang glycemic index ng sibuyas ay mas mababa sa 10 na siyang dapat kinokonsumo ng mga may diabetes. Kaunti lamang din ang taglay nitong carbs, ngunit mataas ang fiber content. Ang ganitong kombinasyon o properties ang kailangan upang mapanatiling normal ang blood glucose levels ng mga diabetic.

4. NAPALALAKAS ANG GUT AT HEART HEALTH. Ang sapat na dami ng fiber at prebiotics na tinataglay ng sibuyas ay malaki ang pakinabang upang mapanatiling malusog ang ating gut (panunaw) at heart health. Sa regular na pagkonsumo ng sibuyas, maiiwasan ang pagkakaroon ng indigestion. Gayundin, nakatutulong ito upang makontrol ang cholesterol levels na mabuti naman para sa puso.

Sa panahon ngayon, make sure na healthy ang ating kinakain o kinokonsumo. Sa dami ng mga nauuso at nagkalat na sakit, mahalagang may sapat tayong panlaban dito. Panatilihin ang regular na ehersisyo, pagtulog na may sapat na oras at pagkonsumo ng masusustansiyang pagkain. Okay?

 
 

ni Thea Janica Teh | August 5, 2020




Trending ngayong quarantine period ang Sushi baked na sobrang nagustuhan ng mga maki at sushi lover. Kaya naman good news ang hatid ng Family Mart Philippines para sa ating lahat!


Matapos makipag-partner ang Family Mart Philippines at Baked by Machew, matitikman na at makabibili na sa lahat ng Familiy mart ang baked sushi!

Mabibili na ang Premium Kani Sushi Bake ng Baked by Machew ng Php449 sa lahat ng Family Mart. Ito ay served in microwavable plastic container at makikita ang layer ng Japanese rice at kani sushi filling na sobrang creamy at tasty! Bukod pa rito, may kasama rin itong 2 pack ng nori sheets para kumpleto ang sarap.

Maaari itong i-stock sa freezer at kung gusto ng kainin, maaaring i-defrost ng 3 hours at saka ilagay sa microwave ng 4-5 minutes.

Good news dahil wala itong preservative at MSG kaya siguradong healthy.

Kaya naman para maka-order, maaaring bumisita sa website ng Family Mart mula 8am-4pm para sa same-day delivery. Ang mga order na makokolekta matapos ang 4pm ay kinabukasan na made-deliver. Maaari ring mag-message sa kanilang Facebook Messenger at SMS/ Viber sa 09176216758.

Kaya ano pang hinihintay ninyo mga bes, ihanda na ang nori sheet at sabay-sabay ibalot ang baked sushi na yummy!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page