top of page
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | July 25, 2025



Bulgarific

Hello, Bulgarians! Sa patuloy na mga pag-ulan at sa pagbahang dulot nito sa maraming bahagi ng bansa, tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa publiko na sagot nito ang pagpapaospital dulot ng dengue at leptospirosis, dalawa sa pinakakaraniwang kondisyon na nakakaapekto sa mga Pilipino tuwing tag-ulan.


Ang pinalawak na benepisyo ng PhilHealth ay umaabot na ngayon sa P19,500 para sa moderate dengue at P47,000 naman para sa severe dengue. Samantala, ang saklaw para sa leptospirosis ay napabuti na sa P21,450. Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na gawing abot-kamay at tunay na nararamdaman ang mga benepisyo sa pangangalaga ng kalusugan.


“Kung tinamaan ng dengue o leptospirosis sa kabila ng pag-iingat, magpunta na po kayo agad sa malapit na PhilHealth-accredited health facility para kayo ay magamot. Huwag na po kayong mag-agam-agam dahil sagot ng PhilHealth ang malaking bahagi ng inyong gastos sa pagpapagamot,” paniniguro ni PhilHealth President at CEO Dr. Edwin M. Mercado.


Ipinapaalala rin ng PhilHealth sa publiko na unahin ang personal na kaligtasan tuwing tag-ulan. Upang maiwasan ang mga sakit na dala ng tubig at upang maiwasan ang impeksyon sa leptospirosis, mahigpit na ipinapayo na: umiwas na lumusong o maglaro sa baha, maghugas ng kamay bago kumain at pagkatapos gumamit ng banyo, uminom ng malinis na tubig at tiyakin na malinis at lutung-luto ang pagkain.


At para naman maiwasan ang dengue, ipinapayo ng mga awtoridad na panatilihing malinis ang kapaligiran at gumamit ng kulambo o insect repellent upang maiwasan ang mga lamok na may dalang dengue.


Para sa karagdagang detalye o katanungan tungkol sa mga benepisyo, maaaring tumawag ang mga miyembro sa 24/7 hotline ng PhilHealth sa (02) 866-225-88 o sa sumusunod na mobile touchpoints: 0998-857-2957, 0968-865-4670, 0917-1275987, o 0917-1109812.



Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | July 5, 2025



Pag-IBIG Fund

Hello, Bulgarians! Kamakailan inihayag ng mga opisyal ng Pag-IBIG Fund na nakamit muli nito ang ika-13 na magkakasunod na Unmodified Opinion mula sa Commission on Audit (COA), na nagpapatibay sa kahusayan nito sa pamamahala sa pananalapi at maayos na kasanayan sa pamamahala.


Ang pinakabagong audit opinion ay kasunod ng komprehensibong pagsusuri ng COA sa mga financial statement at operasyon ng Pag-IBIG Fund para sa taong 2024.


Kinumpirma sa pagsusuri na ang mga transaksyon ng ahensya ay wastong isinagawa ayon sa naaangkop na batas at regulasyon, at ang financial statement nito ay patas na ipinakita sa lahat ng materyal na aspeto, alinsunod sa mga nauugnay na pamantayan sa accounting at pag-uulat ng pamahalaan.


“This is further proof that Pag-IBIG Fund has been, and continues to be, managed with professionalism, prudence, and integrity,” saad ni Secretary Jose Ramon P. Aliling, namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development at Chairperson of the 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees. “It is a testament to how Pag-IBIG Fund upholds the highest standards in managing our members’ hard-earned savings and in fulfilling its mandate to serve the Filipino worker. This achievement also reflects Pag-IBIG Fund’s strong position, as it plays a key role in the administration’s flagship Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Housing Program. We remain committed to the directive of President Ferdinand Marcos Jr. to build a more secure, resilient, and prosperous future for every Filipino family.”


Binigyang-diin din ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta ang kahalagahan ng pagkilalang ito, na itinatampok kung paano sumasalamin sa namumukod-tanging pagganap at paghahatid ng serbisyo ng ahensya noong 2024.


“Pag-IBIG Fund exceeded the one-trillion-peso mark in total assets and posted a historic net income of P66.78 billion last year. We also achieved all-time highs in our housing loan releases, cash loan disbursements, and loan collections, enabling more Filipino workers to access affordable home financing and meet their short-term financial needs. Earning COA’s Unmodified Opinion for the 13th consecutive year affirms that we accomplished all these while upholding the highest standards of integrity, in line with President Marcos Jr.’s call for excellence and accountability in public service,” pahayag ni Acosta. 


 “This recognition reinforces our members’ trust, knowing that their savings are safe, protected, and responsibly managed. We will continue to serve them with Tapat na Serbisyo, Mula sa Puso, and remain focused on sustaining this track record of integrity in the years ahead,” dagdag pa niya.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | June 30, 2025



PhilHealth

Hello, Bulgarians! Pinapaalalahanan ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang lahat kaugnay ng kumakalat na pekeng mensahe kung saan si Dr. Edwin M. Mercado, acting President and Chief Executive Officer (APCEO) ng PhilHealth, ay humihiling ng pagdedeposito ng pera dahil siya ay nasa isang mahalagang pulong kapalit ng pangakong ito ay ibabalik kaagad.


Ang mga sumusunod na detalye ang ginamit ng scammer:


GCASH Number: 0938-4354071

NAME: MIEEL BRIIN LIIN

VIBER NAME: PCEO MERCADO EDWIN M

VIBER Number: 0961-8296586


Mariing pinabubulaanan ng PhilHealth na ang nasabing mensahe ay mula kay Dr. Edwin M. Mercado, at ang mga mensaheng ito ay hindi totoo at mapanlinlang.


Kung makatatanggap ng ganitong mensahe, mangyaring huwag tumugon, huwag magpadala ng pera, at i-report agad sa PhilHealth o sa mga otoridad. 


Maaaring makipag-ugnayan sa Corporate Action Center sa mga sumusunod na hotline numbers na bukas 24/7: Landline: (02) 8662-2588; Smart: 0998-857-2957 / 0968-865-4670; Globe: 0917-127-5987 / 0917-110-9812.


Maging mapagmatyag at magtulungan tayo upang mapigilan ang pagkalat ng mga scam na kagaya nito.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page