top of page
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | August 1, 2024


Hello, Bulgarians! Ipinahayag ng Social Security System (SSS) na mahigit 8,000 miyembro ng SSS ang maaari nang magbayad ng kanilang buwanang kontribusyon sa pamamagitan ng kani-kanilang mga kooperatiba matapos lumagda ang SSS ng partnership deal sa dalawang kooperatiba sa lalawigan ng Antique.



Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet na pumirma ang SSS ng isang kasunduan sa Belison at Hamtic Multi-Purpose Cooperatives (MPC) noong Hulyo 9 na magbibigay-daan sa kanila na tumanggap ng mga bayad ng kontribusyon at mapadali ang mga online transaction ng kanilang mga miyembro. 


Sa ilalim ng SSS Accreditation Program for Cooperatives, sinabi ni Macasaet na ang mga awtorisadong kooperatiba ay maaaring mangolekta at magpadala ng mga kontribusyon sa SSS at Employees’ Compensation (EC), at idinagdag na “ang kanilang mga miyembro ay maaari ring magbayad ng kanilang buwanang loan amortization sa pamamagitan ng pagsasaayos na ito”.


“Establishing durable partnerships with cooperatives is crucial in securing the active SSS membership of our members as well as in fulfilling member-borrowers’ responsibility to pay their monthly amortizations regularly,” pahayag ni Macasaet.


Bukod sa pagiging SSS collection partners, sila ay awtorisado rin na mag-facilitate ng mga piling transaksyon sa SSS tulad ng membership at My.SSS registrations, disbursement account enrollment, at online submission ng benefit at loan applications.


“In providing such assistance to its members, the cooperatives may claim a service fee of P6.00 from SSS for every processed and approved transaction,” dagdag pa ni Macasaet.


Ibinahagi rin niya na mahigit 2,000 miyembro ng coop na walang SSS membership, ang irerehistro na SSS member bilang bahagi ng kasunduan.


“It will give their members a more convenient way of conducting SSS transactions through Hamtic and Belison MPC. It will also help them save money because they no longer have to visit SSS Antique, which is approximately 8 to 16 kilometers away from their towns, for their SSS transactions,” pahayag ni Macasaet.


Idinagdag ni Macasaet na bukod sa Hamtic at Belison MPC, mayroong limang partner na kooperatiba sa Antique: DAO MPC, Barbaza MPC, Patnongon MPC, Pandan MPC, at Libertad MPC.


Bukod dito, si Macasaet at iba pang opisyal ng SSS ay nakipagpulong din sa mahigit 100 employer, barangay officials, self-employed member, at local media practitioners sa isang stakeholder’s forum na ginanap sa Eagles Place Hotel at tinalakay ang halaga ng membership ng SSS at update sa mga programa nito at mga serbisyo.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | July 3, 2024



Hello, Bulgarians! Kamakailan ay nakiisa si Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta sa iba pang ahensya ng gobyerno sa pagsuporta sa programa ni First Lady Louise Araneta-Marcos’ Lab for All sa Mandaluyong College ng Mandaluyong City, sa pagsisikap na maihatid ang mga serbisyong panlipunan at medikal na mas madaling maabot ng mga komunidad sa buong bansa.


LAB FOR ALL

Dinala ng Pag-IBIG ang Lingkod Pag-IBIG on Wheels o LPOW para tulungan ang mga miyembro sa kanilang membership registration, cash loan, housing loan applications, issuance ng Pag-IBIG Loyalty Plus cards, at tugunan ang mga tanong sa membership.


“As Lingkod Pag-IBIG, we are committed to ensuring that our members are able to utilize our programs and services, whenever it is needed, wherever they may be. Our LPOW is prepared to be mobilized nationwide and participate in future Lab for All deployments,” pahayag ni Acosta.  Nagpakita rin ng suporta ang Pag-IBIG CEO sa mga miyembro ng LGBTQA+ na kasama sa pagdiriwang ng PRIDE month.


“Our Lingkod Pag-IBIG mantra -- Tapat na Serbisyo, Mula sa Puso, does not discriminate against anyone. Kami ang Pag-IBIG na walang pinipiling paglingkuran. Ang aming mga serbisyo at programa ay para sa bawat isang manggagawang Pilipino, ano man ang kasarian at antas ng pamumuhay. Nais naming makapagbigay ng isang Pag-IBIG na ramdam ng lahat,” dagdag pa ni Acosta.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | June 28, 2024



Media Photo


Hello, Bulgarians! Ang sikat sa buong mundo na “Parada ng Lechon” na nagmula sa lumang kaugalian na pasasalamat ng mga pamilyang pinalad na makatanggap ng ilang makabuluhang pagpapala sa nagdaang taon ay nagpaparada ng lechon sa plaza ng bayan tuwing Hunyo 24 – ang Araw ng Kapistahan ni San Juan Bautista, kung saan sentro ang Simbahang Romano Katoliko, ang pinakamagandang pagpapakita ng pasasalamat at pagpupugay sa kanilang patron.


Ipinagdiwang kamakailan ang nasabing okasyon para sa ika-65 Parada ng Lechon, sa pangunguna ni young-talented at visionary Balayan, Batangas Mayor Emmanuel Salvador P. Fronda II, na kilala rin bilang “JR Fronda”. Maraming lechon ang ipinarada at nag-uumapaw ang pagkain, kasabay nito ang mga kantahan, palabas at foam party sa Town Plaza habang game na game ang lahat sa basaan kasama si Mayor JR Fronda.


Bukod sa masayang pagdiriwang, ang samahan ng mga club sa distrito ay nagpakilala ng mga karagdagang sangkap ng beer at mga live band kasama ang Noah Band, Soul Groove Band, Allmo$t at iba pang mga performer na nag-ambag ng kanilang talento at oras para sa mas matinding kasiyahan sa pagdaraos ng pista.


Ang mga lokal at dayuhang turista, maliliit at malalaking negosyo, pati na rin ang national at international media ay dumagsa sa Balayan, Batangas nitong Hunyo 24 upang saksihan at lumahok sa natatanging pagdiriwang ng pista sa bansa.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page