top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Feb. 8, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


MAY PUNTO SI CONG. UNGAB SA SINABING DIVERSIONARY TACTIC ANG IMPEACHMENT KAY VP SARA PARA PANTAKIP SA BLANK BUDGET DOCUMENTS SA 2025 GAA -- Para kay Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab ay diversionary tactics lang daw ang pag-aprub ng Kamara na ma-impeach si Vice Pres. Sara Duterte para mailihis dito ang isyu tungkol sa kinukuwestiyong mga blank budget documents sa pinirmahang 2025 General Appropriations Act (GAA).


Parang ganu’n nga, kasi ilang araw lang matapos kuwestiyunin nina Cong. Ungab at senatorial candidate, former Executive Sec. Vic Rodriguez ang legalidad ng mga blank budget document sa 2025 GAA, ay saka in-impeach ng Kamara si VP Sara, period!


XXX


SIGURADONG REJECT ANG IMPEACHMENT KAY VP SARA KAPAG NANALO LAHAT NG SENATORIAL CANDIDATES NI EX-P-DUTERTE -- Sinabi ni Senate President na sa June 2, 2025 o after election na didinggin ng Senado bilang impeachment court ang mga impeachment complaints laban kay VP Sara. 


Kaya kapag sa senatorial election ay lahat ng kandidato ni ex-P-Duterte sa pagka-senador ang mga nagsipagwagi, siguradong absuwelto sa kasong impeachment si VP Sara, reject impeachment sa kanya, abangan!


XXX


SA IMPORTASYON LANG PALA MAGALING SI DA SEC. LAUREL -- Matapos na ianunsyo ni Sec. Francisco Tiu Laurel ng Dept. of Agriculture (DA) na may nagbabadyang krisis ng sibuyas sa bansa, sinundan niya ito na need daw ng gobyerno na mag-import ng 4,000 toneladang sibuyas.


Nang italaga ni PBBM si Sec. Laurel sa DA, daming senador at kongresistang pumuri rito, magaling daw, eh ‘yun pala, sa importasyon lang magaling, pwe!


XXX


NAKAKAKABA ANG OIL PRICE ROLLBACK DAHIL ANG KABUNTOT NIYAN BIGTIME OIL PRICE HIKE NA NAMAN -- Nagbida na naman ang Dept. of Energy (DOE) na may oil price rollback next week, pero kung ang iru-rollback lang ay kakarampot, P0.30 sa gasolina, P0.50 sa diesel at P0.25 sa kerosene.


Sa totoo lang, nakakakaba kapag may ganyang announcement na oil price rollback, kasi malamang may kabuntot iyan, bigtime oil price hike na naman, boom!


 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Feb. 6, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


DAHIL KAY SEN. BONG GO, MGA MAHIHIRAP NA PASYENTE HINDI NA MAGSISIKSIKAN SA ISANG KAMA SA MGA OSPITAL -- Pasado na sa third and final reading ang panukalang batas ni Sen. Bong Go na lakihan at dagdagan ang mga pasilidad sa mga public hospital sa buong bansa para ang mga pasyente ay hindi na nagsisiksikan sa isang kama.


Puwede naman pala ‘yan, pero ang ibang senador hindi naisip ‘yan, pulos pabida lang ginagawa sa Senado.


Dahil sa panukalang ‘yan ni Sen. Bong Go, magiging komportable na sa pagpapagamot ang mga mahihirap na pasyente, hindi na sila magsisiksikan sa isang kama sa mga pampublikong ospital, palakpakan naman diyan!


XXX


HINDI MAN AMININ SIGURADONG NATORETE ANG MARCOS ADMIN NANG AKSYUNAN NG SC ANG MGA BLANK BUDGET DOCUMENTS SA 2025 GAA -- Inatasan ng Supreme Court (SC) ang Malacañang, Senado at Kamara na sagutin o magkomento sa petisyon ni senatorial candidate, former Executive Secretary Vic Rodriguez na kumukuwestiyon sa legality ng 2025 General Appropriations Act (GAA), kung saan sa 2025 national budget na nakapaloob dito ay may mga nakatalang blank budget documents.


Hindi man aminin ay siguradong natorete rito ang Marcos administration kasi ang petisyon pala ni Atty. Vic tungkol sa 2025 GAA na may mga nakatalang blank budget documents ay inaksyunan ng SC, period!


XXX


SA CITY JAIL DAPAT IKULONG ANG MGA FAKE NEWS VLOGGERS -- Pinadalhan ng Tri-Committee ng Kamara ng show cause order ang 39 fake news vloggers na umisnab kamakalawa sa House hearing, at kapag inisnab uli nila, tiyak ang kasunod na n’yan ay contempt at huhulihin na ang mga vlogger na ito na nagpapakalat ng fake news sa social media.


Kapag nilabasan na ng arrest order at pinahuhuli nila, sana sa mga city jail sila ikulong para magtanda, maturuan sila ng leksyon at maitanim sa kanilang mga kokote na bad ang mga pinaggagawa nilang pagpapakalat ng fake news sa social media, boom!


XXX


DAPAT MAGTALAGA NA SI PNP CHIEF GEN. MARBIL NG PERMANENTENG PNP SPOKESPERSON NA HAHALILI KAY GEN. FAJARDO PARA MAKAPAG-CONCENTRATE ITO SA TUNGKULIN NIYA SA PNP-REGION 3 -- Bukod sa pagiging regional director ng PNP-Region 3 na nakabase sa Camp Olivas, Pampanga, ay si P/Brig. Gen. Jean Fajardo pa rin pala ang umaaktong spokesperson ng PNP sa Camp Crame sa Quezon City.


Dapat magtalaga na si PNP Chief Gen. Rommel Marbil ng permanenteng spokesperson ng PNP para makapagpokus na si Gen. Fajardo sa kanyang tungkulin bilang PNP-Region 3 Director, lalo’t may mga nagngangalang "Delfin," "Parak," "Jemar," "Paras," "John" at "Jack" na sumisira sa imahe ng Camp Olivas sa pamamagitan ng protection racket sa Central Luzon, period!

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Feb. 5, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


LABAN-BAWI SI CONG. STELLA QUIMBO SA ISYU NG 2025 GAA -- Naglaban-bawi si Marikina City Rep. Stella Quimbo, chairperson ng House Committee on Appropriations sa kanyang mga statement patungkol sa 2025 General Appropriations Act (GAA).


Noong January 28, 2025 ay kinumpirma ni Cong. Stella na may mga blank budget documents nga sa 2025 GAA, pero kahapon ay nag-iba ang kanyang tono, kesyo wala naman daw blangko sa GAA na pinirmahan ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM), boom!


XXX


ATAKE KAY PBBM, DURUGISTA DAW AT ATAKE KAY VP SARA, SCAMMER DAW NG CONFI FUNDS, AT DAHIL SA MGA BANAT NA ‘YAN, LAGAPAK ANG KANILANG RATING SA SURVEY -- Sa inanunsyong survey ng Social Weather Stations (SWS) ay pareho na namang lumagapak ang net trust rating nina Pres. Bongbong Marcos (PBBM) at Vice President Sara Duterte-Carpio.


Sa totoo lang, patuloy talagang lalagapak ang rating nina PBBM at VP Sara kasi ang kanilang mga tagasuporta ay patuloy na nagsisiraan sa social media, ang atake ng mga Duterte Diehard Supporter (DDS) vloggers sa Presidente ay durugista daw ito, at ang atake naman ng mga Marcos loyalists sa bise presidente ay scammer daw ito ng confidential funds, period!


XXX


SA SOCIAL MEDIA LANG MATATAPANG ANG MGA FAKE NEWS VLOGGER, PERO SA KAMARA NAGTIKLUPAN SA TAKOT ANG MGA BUNTOT -- Karamihan sa mga fake news vlogger na inimbitahan sa imbestigasyon ng Kamara ay hindi sumipot sa pagdinig at sa halip ay nagtungo at nagpapasaklolo sa Supreme Court (SC) para pigilan ang mga kongresista na sila ay imbestigahan.


Hay naku, sa social media ang tatapang magpakalat ng fake news, pero sa imbestigasyon ng Kamara nagtiklupan ang mga “buntot” sa mga cong., boom!


XXX 


PINAGTAWANAN SA SOCMED SI SEN. DELA ROSA DAHIL PINIPILIT NA MAY MGA ‘PIATTOS’ DAW SA DAVAO CITY KAHIT WALA NAMANG GANITONG APELYIDO SA ‘PINAS -- Sa interview ni TV host Karen Davila kay Sen. Ronald Dela Rosa ay pinagtawanan siya ng netizens sa social media nang sabihin niyang maraming tao raw na may apelyidong “Piattos” sa Davao City, at ang hindi lang daw alam ng senador ay kung may nagngangalang “Mary Grace Piattos” na itinala ng Office of the Vice President (OVP) na kabilang daw sa binigyan nila ng confidential fund.


Aba’y pagtatawanan talaga si Sen. Dela Rosa kasi mismong Philippine Statistics Authority (PSA) na ang nagsabi walang taong may apelyidong “Piattos” sa Pilipinas, tapos ipinagpipilitan pa ng senador na maraming may apelyidong “Piattos” sa Davao City para lang maipagtanggol niya na may “Mary Grace Piattos” na nakatanggap ng confi fund sa OVP, period!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page