top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 30, 2023


ree

Hindi lang sa mga beauty products at clothing brands, insurance at life plan mabenta ngayon sina Heart Evangelista, Pia Wurtzbach at Bea Alonzo. Kinukuha na rin sila upang mag-endorse ng mga bagong tayong condo, townhouse at mga subdivision.


Malakas kasi ang hatak at recall sa publiko kapag sina Heart, Pia at Bea ang endorser ng real estate.


At ‘yun ang bentahe ng mga celebrities, kapag madalas silang nakikita sa TV at social media.


Si Heart ang paboritong endorser ngayon ng mga mahal at sikat na brands ng bags, pabango at clothing line.


Nagbunga nang maganda ang pagrampa ni Heart sa mga fashion events sa Paris, New York at Milan, Italy. Rubbing elbows siya sa mga sikat na fashion designers abroad at sa mga international ramp models.


Kumikita si Heart nang malaki kahit walang TV show at pelikula sa ‘Pinas. Ngayon ay may bagong collaboration si Heart sa Italian luxury brand na Fornasetti.


Ang Fornasetti ay isang artistic design company na itinayo noong 1940 ni Piero Fornasetti. Ito ang gumagawa ng luxury porcelain at handmade decorative objects para sa bahay ng mga rich and famous.


Makikipag-collab si Heart Evangelista para sa Fornasetti Home Decor collection for 2024! Bongga!


 
 

by Info @Brand Zone | July 5, 2023




Beauty and wellness reigned supreme at the culmination of the biggest health and beauty caravan in the country at the SM Mall of Asia on June 28 and 29, 2023.


ree

In partnership with the Philippine Hairdressers Association (PhilHair) and the Philippine Red Cross, this year’s National Health and Beauty Caravan aimed to give new life to the beauty industry through an exhibition of health, beauty, and wellness products, a showcase of Filipino talent through a hair and makeup competition, and a search for beauty and wellness ambassadors from all over the country.


“I would like to thank PhilHair on behalf of Mr. Hans Sy and the SM family for launching the Health and Beauty Caravan in 22 malls nationwide, with the goal of discovering and awarding our creative and innovative local talents,” said SM Supermalls Senior Vice President for Marketing Joaquin San Agustin.


Mr. and Ms. Health and Beauty Ambassadors 2023

Fifty candidates from 25 SM malls nationwide competed for the most-coveted title of Mr. and Ms. Health and Beauty Ambassadors 2023 at the SM Mall of Asia Music Hall on June 28.


The candidates flaunted their stunning physiques at the competition and showed the crowd what they got during the activewear and formal wear competitions. From there, the judges chose the Top 5 female and male candidates who then advanced to the Question and Answer portion of the competition.


In the end, Mr. SM Muntinlupa Louie Faundo and Ms. SM Olongapo Central Missia Ishikawa were hailed as this year’s Mr. and Ms. Health and Beauty Ambassadors and took home Php 40,000 worth of prizes.


ree

Additional Photo:

ree

“This is the best contest in the country! Here, we talk not only about beauty but also focus on health. With the Mr. and Ms. Health and Beauty Ambassadors 2023 competition, we’re able to show that beauty and health go hand in hand,” said PhilHair president Ricky Reyes.


ree

The competition’s panel of judges included the country presidents of the Asia Pacific Hairdressers & Cosmetologists Association including Airene Wang (Malaysia), Sun Heang (Cambodia), Edward Wong (Singapore), Wong Kwok Wa (China), Sherly Sheik (Hong Kong), Chao Ka Cheong (Macau), Theresa Tam (Thailand), and Chen Jiong Ming (Thailand). Completing the judges were Carousel Productions’ Peachy Veneracion and Miss Philippines Earth-Water 2022 Angel Santos.


ree

Hair and Makeup Trends 2023

Meanwhile, the caravan’s makeup and hair competition culminated on June 29, 2023. Participants showcased their talents and skills in Masquerade Evening Party Makeup, Bridal Makeup, Unisex Color Styling Competition, and Rebond Plus. Each had a model to stylize and beautify who then came up onstage to showcase the stylized hair and makeup.



ree

Daniel Forro was named the champion of the Masquerade Event Makeup, Paulo Torda for Bridal Makeup, Trisha Marquez for Rebond Plus, and Marvin Habla for the Unisex Color Styling Competition.


ree


ree


ree

Additional Photo:

ree

Additional Photo:

ree

It’s a celebration of beauty and health like no other

Aside from the exhibition of beauty experts, well-being was also underscored during the caravans. Representatives from the Philippine Red Cross conducted blood typing and medical training and provided medical assistance to women and children in the communities surrounding the mall.


“Beauty and health work in tandem and SM is proud to partner with PhilHair to reach more communities in the country with this important message,” Mr. San Agustin closed.


The National Health and Beauty Caravan 2023 was made possible with the help of China Bank, Watsons, Binondo Beauty Supply, Bremod, Bio-Reach, Kemans, and the Philippine Cancer Society.


To know more about exciting deals on anything wellness and beauty at SM, make sure to log on to www.smsupermalls.com or follow @smsupermalls on all social media platforms.


 
 

ni Ejeerah L. Miralles @Life & Style | March 1, 2023



ree


Ilang dekada nang umiiral ang tindahan ng ukay-ukay. Ayon sa ilan, matagal na itong kalakalan, ngunit nang mangyari ang pandemya noong 2020, isa ang ukay-ukay sa mga negosyong sumunod sa agos ng pakikipagsalarang magbenta online.


At dahil nanatiling budget-friendly ang mga ukay, hanggang ngayon ay sikat pa rin ito online. Maiuugnay din sa online selling ang "first dibs" mechanics o ang pag-comment ng “mine” sa pag-angkin sa naturang segunda manong damit na naka-post.


Hindi rin maikakaila na bagama’t online ito, kailangan pa rin nating maging mapagbantay at mapanuri, kaya narito ang ilan sa mga friendly tips sa maingat na pag-uukay online habang nananatiling fashionista.


  1. BABAAN ANG EXPECTATION. Isaisip na ukay pa rin ang iyong binibili at hindi brand new. May mga pagkakataon din na nakakaapekto ang ilaw o lightning sa kulay ng damit, kaya mas okey na i-klaro ito.


  1. ALAMIN ANG NAIS BILHIN. Bago magtangkang mag-scroll sa social media o online shops, mag-isip-isip muna. Itanong sa sarili kung ano ang hinahanap, kung blusa, kamiseta, pantalon o sandals pa man. Kung mayroon na, magtakda ng budget sa pag-uukay para makasiguradong maraming mabili at pasok sa badyet.


  1. SURIIN ANG IYONG TAMANG SUKAT. Kumpara sa pisikal na ukay-ukay na nasusuot mo pa ang mga damit bago bilhin, sa online ukay, dapat alam mo ang iyong sukat o size. Magiging bestfriend mo sa oras na ito ang medida. Tandaan na dapat mo ring bigyan ng “allowance” ang damit para maaari mo pa itong maisuot sa mga susunod na panahon. Gayunman, dahil mahirap pakawalan ang magagandang damit na maluluwag, naire-repair naman ito sa pamamagitan ng pagtatahi.


  1. TUMINGIN SA MGA FLAWS O DEPEKTO. Madalas ay nagiging honest naman ang mga seller sa ganitong isyu, pero mas makabubuti rin kung itatanong ito. Sa ganitong palagay, sure kang sulit ang iyong mabibili. Kung may minimal flaws man ito, gaya ng nabanggit sa taas ay maaari naman itong solusyunan sa pamamagitan ng tahi o gawing “thrift flips” kung saan binabago ang damit upang magmukhang uso o bagong style. Maaari ka ring mag-DIY at magburda sa mga plain shirt!


  1. MAGING MATIYAGA. Sabi nga ng ilan, “Everything comes in time to those who can wait.” Kaya maging matiyaga ka sa pag-scroll sa mga ukay posts o kaya manood ng mga live streams. Maging sure rin dapat sa desisyon at ‘wag magpadalos-dalos. Mag-isip nang mabuti bago i-comment ang “mine” kung tunay mo itong maisusuot at hindi pang-picture lang.


  1. SUMABAYBAY SA MGA SALE. Alamin kung ang online ukay store na bet ay may mga sale. May pagkakataon din kasi na sumasabay sa seasonal sales ang mga ito at ang mga presyo a lalo pang nagiging abot-kaya. Sa ganitong paraan, tiyak na makakatipid ka ng malaki.


  1. PASABUY WITH SISTERS. Ang ukay-ukay ay likas na nagiging bonding din magpa-pamilya at magkakaibigan, kaya kung nakakita man ng swak sa gusto ng mga ka-sis, better grab it na! Hindi lang sa damit nakakatipid, bagkus sa shipping fee rin.


  1. MAG-INGAT SA SCAM. Dahil online, hindi maiiwasan na ang ukay ay isa sa mga talamak ang scam. Kaya before you hit “mine” sa post, eh, i-check mo muna ang profile ng seller o kung may history man ito ng pagbebenta. Isaisip na malaki ang posibilidad na ang locked profile, no visible friends, bagong gawang account o walang seller posts ay scammer. Maging mapagmatyag.


  1. BE YOU. Anuman ang iyong fashion style, mapa-vintage, goth, cottage core o iba pa, ang pinakamahalaga ay ang pananamit o pag-express batay sa ‘yong katauhan. Kaya magpapakatotoo sa sarili at yakapin ang iyong pagka-inner fashionista.


Hindi maikakaila na bagama’t malaki ang pinagkaiba ng tradisyonal at online ukay-ukay, iisa pa rin ang layunin nito — ang maging stylish kahit on a budget. Palaging pakakatandaan na i-sanitize ang mga damit na mabibili at be safe online! Kaya, keri na ba mga bes?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page