top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 31, 2025



Photo File: Sarah G - IG


Bukod sa pagkakaroon ng sariling G Studio at G Productions, may sarili na ring record label ngayon si Sarah Geronimo, ang G Music.


At sa kanyang first release ay nakipag-collab si Sarah sa SB19 at ini-record ang awiting Umaaligid. Marami pang gustong gawin ang Popstar Royalty at suportado siya ng kanyang mister na si Matteo Guidicelli. 


Sabi nga ni Matteo, ang pagkakaroon ng sariling record label ay bahagi ng mga pangarap ni Sarah at ilang taon din nila itong pinag-aralan at pinagplanuhan upang ganap na maisakatuparan.


At sa tulong ng kanilang mga mentors ay nabuo nga ang G Music.

Ganunpaman, ang hinihintay ngayon ng mga loyal fans ni Sarah Geronimo ay ang muli niyang paggawa ng pelikula at pagkakaroon ng malaking concert. Kailangang uminit at sumiglang muli ang career ni Sarah. Kailangan niya ng exposure sa TV at pelikula upang hindi siya mawala sa mainstream. 



BUMUHOS ang papuri kay Barbie Forteza mula sa mga nakapanood ng horror movie na P77 na produced ng GMA Pictures at Warner Bros.


Napakagaling daw umarte ni Barbie kahit na sa horror film. Maging ang mga direktor na nakatrabaho niya sa mga serye at pelikula ay nagsasabing napakagaling na artista ni Barbie Forteza.


Mapa-drama, comedy o horror ay kaya niyang gampanan. Through the years ay nahubog nang husto ang talento ni Barbie sa pag-arte. Kaya ganu’n na lamang ang tiwala sa kanya ng GMA Network.Napaka-professional sa trabaho at marunong makisama si Barbie Forteza. Panahon na rin upang mabigyan siya ng mas mabibigat na roles at de-kalidad na project upang mag-level-up ang kanyang pagiging aktres.


Deserve ni Barbie Forteza na magkaroon ng marami pang acting awards.



MARAMI ang pumuri sa anak ni Katrina Halili na si Katie. Kahit na may mild autism ito ay marunong magpasalamat at tumanaw ng utang na loob.


Sa isang post sa social media ay nagpa-thank you si Katie sa GMA Network dahil binigyan daw nila ng work ang kanyang mom na si Katrina Halili. At ‘pag may work ang mommy niya, may pambili na siya ng candy.


Mahilig ding mamigay ng pagkain si Katie sa kanyang mga kaklase kahit walang okasyon. Kaya kapag nag-grocery sila ng kanyang Mom Katrina ay bumibili sila ng mga ipamimigay sa kanyang mga classmates. 


Nagpapasalamat naman si Katrina sa mga teachers ni Katie dahil nagagabayan at pinagmamalasakitan ng mga ito ang kanyang anak. Sobrang malambing si Katie kaya mahal na mahal ni Katrina Halili.



MUKHANG hindi na lang sa pagluluto ng masasarap na recipes ang sentro ng vlog ng Mommy Grace ni Miguel Tanfelix. Napagod na rin yata ito sa pagluluto kaya iba-iba na ang kanyang content ngayon.


Nagti-TikTok na rin siya at umaakting-akting na rin.Pang-dramatic actress ang peg ni Mommy Grace. Puwedeng-puwede niyang gawing career ang pag-aartista.

Marami rin ang naaaliw sa ginawang version ni Mommy Grace  ng viral reel na “Pagod na pagod na ako” na ginawa na rin nina Pokwang, Kylie Padilla at Melai Cantiveros.


Sa totoo lang, pinakagusto namin ang version ni Mommy Grace Tanfelix ng naturang viral reel. With feelings talaga! 


At kapag napagod na siya sa pagluluto, puwede na rin siyang mag-artista dahil may talent siya sa pag-arte.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 30, 2025



Photo File: Paolo Contis at Yen Santos - IG


May pakiusap si Paolo Contis sa ex-GF na si Yen Santos matapos ibunyag ng aktres ang kanyang bangungot na dinanas sa piling ng aktor.


Sey ni Paolo, puwede naman daw silang maging magkaibigan ni Yen kahit tapos na ang kanilang relasyon. 


Hindi itinanggi ni Paolo ang mga alegasyon sa kanya ni Yen. Wala siyang panunumbat sa dating karelasyon. Gusto rin niyang maka-move on na ito sa kanilang breakup.

Well, makakatagpo pa kaya si Paolo Contis ng bagong pag-ibig pagkatapos siyang sira-siraan ni Yen Santos? 


Bistado na ang pagiging chickboy ni Contis kaya tiyak na hindi na basta magtitiwala ang sinumang babae na kanyang liligawan.


Hindi marrying type si Paolo Contis. At hindi sigurado kung magpapakasal pa siya ‘pag muling umibig. 


Sey nga ng mga netizens, dapat behave at magtino na si Contis dahil wala na si Manay Lolit Solis (SLN) na manager niya para magtanggol sa kanya.



Nauntog sa pang-aagaw kay Paolo, umamin…

LJ KAY YEN: TOO LATE NA ANG PAGSO-SORRY



NAGLABAS na ng kanyang saloobin si LJ Reyes nang makarating sa kanya ang paghingi ng tawad ni Yen Santos, ang third party sa paghihiwalay nila noon ni Paolo Contis.

Post ni LJ sa socmed, “Maligaya na ako sa buhay ko ngayon! Too late na ang iyong pagso-sorry.” Nakatagpo na ng bagong pag-ibig si LJ Reyes at tinanggap ang dalawa niyang anak bukod sa pinakasalan siya ni Philip Evangelista. 


Ikinasal sina LJ at Philip sa New York, USA noong Oct. 8 2023 at garden wedding ang naganap.


Tuluyan nang nakalimutan ni LJ Reyes ang malungkot na kabanata ng kanyang buhay sa piling ni Paolo Contis. 


Sa kanyang mga anak na sina Aki at Summer niya ibinuhos ang kanyang panahon. At nagpapasalamat siya sa kanyang mister na si Philip Evangelista dahil minahal siya at ang dalawa niyang anak.



STAR of the hour ang PBB Celebrity Collab housemate na si Shuvee Etrata dahil ang lakas ng karisma niya sa tao! Hindi man siya ang tinanghal na PBB Celebrity Collab Edition Big Winner, dumagsa naman ang mga offers na malalaking product endorsements. 


Kabi-kabila rin ang kanyang TV guestings. Dumami rin bigla ang kanyang mga fans.


Marami ang natutuwa sa pagiging jologs at down-to-earth ni Shuvee Etrata. Natural na natural siyang kumilos at magsalita at hindi feeling big star.

Ngayon pa lang ay marami na ang nagsasabing sisikat pa nang husto ang Island Girl na si Shuvee Etrata. 


Samantala, marami naman ang pumupuri sa friendship nina Shuvee at Ashley Ortega. Dati na pala silang magkaibigan noong nagkasama sila sa seryeng Heart On Ice ng GMA-7 na si Ashley ang bida.


Kaya nang magkasama sina Ashley at Shuvee sa PBB Celebrity Collab Edition, si Ashley ang umalalay kay Shuvee upang maka-adjust sa loob ng Bahay ni Kuya! 

Magaan ang loob ni Ashley kay Shuvee kaya niyaya niya ito noon na tumira na sa condo niya bago siya pumasok sa Bahay ni Kuya.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 29, 2025



Photo File: JInkee Pacquiao - IG



Maraming netizens ang nagtatanong kung may ipinaayos ba si Jinkee Pacquiao sa kanyang mukha? Kapansin-pansin kasi na may pagkakahawig na sila ni Kristine Hermosa ngayon. 


Si Kristine kaya ang peg ni Jinkee? Ilang beses na raw na nakikita si Jinkee sa ilang events at napagkakamalan nga siya na si Kristine Hermosa.


Ganunpaman, kailangan lang na medyo maging soft at sweet ang kanyang aura tulad ni Kristine Hermosa. Medyo matapang (fierce) at suplada kasi ang mukha ni Jinkee Pacquiao. Bihirang-bihira siyang ngumiti at laging pormal. At parang laging may pader na harang at hindi basta-basta nalalapitan.


Wala ring circle of friends si Jinkee na taga-showbiz. Hindi siya buddy-buddy sa mga artista. At mukhang ang mga taga-GenSan lang ang kanyang mga amigas.


Wala man lang daw pasabi…

ALDEN, NO SHOW SA PRE-GMA GALA DINNER


MARAMI ang nagtatanong at nagtataka kung bakit no show si Alden Richards sa ginanap na pre-GMA Gala Dinner nu’ng Huwebes?


Wala raw anumang pasabi o explanation mula sa kampo ng actor kung bakit hindi ito nakasipot sa important event ng GMA Network? 


Marami ang naghanap kay Alden pero walang makapagsabi kung bakit inisnab niya ang pre-GMA Gala dinner.


Nagkasakit ba siya o may mahalagang lakad? May tampo ba siya sa Kapuso Network? May demand ba siyang hindi napagbigyan?! 


Well, may ilang nagsasabi naman na baka sobrang napagod lang si Alden (physically and emotionally) dahil sa dami ng kanyang pinagkakaabalahang gawin. 


Maaaring na-burn-out na siya kaya minabuti  munang magpahinga at magkaroon ng privacy. Tao lang naman si Alden na napapagod din.


Hindi naman issue para sa GMA Network ang hindi pagsipot ni Alden sa pre-GMA Gala dinner. Inirerespeto nila ang karapatan ng aktor. 


Recently ay lumabas si Alden Richards upang mamahagi ng relief goods para sa mga binaha.



PINAMUNUAN ni Heart Evangelista ang pamamahagi ng relief goods sa mga binaha sa Calumpit, Bulacan. 


Kasama ni Heart ang iba pang maybahay ng mga senador na bumubuo sa Senator Spouses Foundation. Nag-charity work sila upang damayan ang mga residente ng Calumpit na inabot ng matinding pagbaha. Namigay sila ng bigas, groceries, damit, atbp. gamit. 


Sa ganitong charity work ay maaasahan si Heart Evangelista. Kinalilimutan muna niya ang pagiging fashion icon. Gustung-gusto niya ang makatulong sa mga nangangailangan.


Kaya naman proud na proud sa kanya si Senate President Chiz Escudero. Aktibung-aktibo si Heart sa mga projects ng Senate Spouses Foundation. 


So far, maganda ang feedback kay Heart sa kanyang pamumuno sa Senator Spouses Foundation, Inc..


Pagluluto at panonood ng sine ang bonding… 

DINA AT MISTER NI DANICA NA SI MARC, SUPER CLOSE


MAHILIG din palang magluto ang mister ni Danica Sotto na si Marc Pingris, kaya sila nagkakasundo ng kanyang mom-in-law na si Dina Bonnevie.


Naging cooking buddies sina Dina at Marc. ‘Pag may bagong recipe si Dina ay nagpapaturo si Marc. Kaya naman, hats-off si Bonnevie sa kanyang manugang. 


Mahilig ding manood ng sine si Dina Bonnevie kaya niyayaya siya ng movie date nina Danica at Marc. Panatag ang loob ni Dina na si Marc ang napangasawa ni Danica.


Mabait si Marc, masipag, marespeto at responsableng padre de familia. At kahit hindi milyonaryo si Marc Pingris, alam ni Dina Bonnevie na mabibigyan  nito ng magandang future si Danica at ang kanilang mga anak.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page