top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 13, 2025



Photo: Ivana Alawi - YT


Patuloy ang pagiging good Samaritan ng top influencer-actress na si Ivana Alawi sa pagse-share ng kanyang mga blessings sa mga nangangailangan. 


Bukod sa pamimigay niya ng bigas, groceries, cellphones, tablets, laptop, at cash na ayuda, dumalaw din siya sa ilang government hospitals upang magbigay ng medical assistance sa mga pasyente. 


Nagbigay siya ng P50,000 sa bawat pasyente na nangangailangan ng gamot at pambayad sa operasyon. 


Ang ganitong charity work ay regular na ginagawa ni Ivana bilang bahagi ng kanyang pasasalamat sa mga natatanggap niyang biyaya. 


Kaya naman, napapa-“Sana all” na lang ang kanyang mga natutulungan. Bibihira sa mga celebrities ngayon ang tumutulong sa mga kapuspalad. Ang ilang mayayamang artista ay todo-display lang ng kanilang collection ng luxury bags, alahas, cars at panay ang travel abroad. 


Kahit sa panahon ng kalamidad ay iilan lang ang dumaramay sa mga nasalanta, pero si Ivana ay consistent sa kanyang pagtulong. 


Kaya naman, kahit na anong intriga at kontrobersiya ang ibinabato kay Ivana Alawi ay hindi naaapektuhan ang kanyang career. Ang natatandaan at nagmamarka sa lahat ay ang ginagawa niyang pagtulong sa mahihirap.



Maraming kasamahang artista ang nakikiramay at nakikisimpatya ngayon kay Rufa Mae Quinto sa pagpanaw ng kanyang mister na si Trevor Magallanes. 


Biyuda na ngayon ang sexy comedienne at ang tanging nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob ay ang kanyang unica hija na si Athena.


Bagama’t naghiwalay sila ni Trevor, walang sinuman sa kanila ang nag-file ng annulment. Dito sa ‘Pinas sila nagpakasal ni Trevor.


Nasa bansa ang aktres nang ibinalita sa kanya ang pagpanaw ng kanyang mister kaya agad siyang bumalik sa USA kasama ang anak na si Athena. 


Well, hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ang lahat sa official statement ni Rufa Mae at ng pamilya ni Trevor Magallanes sa tunay na dahilan ng pagkamatay nito. 


Una nang humiling si Rufa Mae ng privacy para sa kanilang pagluluksa sa pagpanaw ng kanyang mister, alang-alang na rin sa kanyang anak. 


Pero, marami pa ring lumulutang na kuwento sa tunay na istorya, ganoon din sa ilang isyu sa pera na naiwan ni Trevor Magallanes. 


May bali-balita rin na ang bahay at mga sasakyan na naiwan ni Trevor ay sa kanyang anak na si Athena mapupunta at may parte na ido-donate niya sa charity. 


Ganunpaman, walang reaksiyon dito ang kampo ni Rufa Mae. Sa panahon ng kanyang pag-aartista, kahit papaano ay nakaipon at nakapagpundar naman siya. In fact, napag-aral niya sa kolehiyo ang kanyang mga kapatid at mga pamangkin kaya maganda ang naging buhay ng mga ito. 


Karamihan sa kanila ay nasa USA na at nasa ibang bansa ang iba. ‘Yun ang malaking naitulong ni Rufa Mae Quinto sa kanyang pamilya. At no regrets siya sa buhay kahit hindi naging masaya ang kanyang married life.




NAPAKASUWERTE ni Shaira Diaz dahil sa maikling panahon na naging bahagi siya ng programang Unang Hirit (UH) ng GMA-7 ay agad siyang minahal ng lahat ng mga hosts ng show tulad nina Arnold Clavio, Susan Enriquez, Suzie Entrata-Abrera, Lyn Ching-Pascual, Connie Sison at Ivan Mayrina. 


Napaka-humble, simple at down-to-earth kasi ni Shaira at siya ang “Sunshine Girl” ng UH


Ang gaan-gaan ding katrabaho at game sa lahat ng assignments na ipinagagawa sa kanya. 


Kaya naman, lahat ng UH hosts ay natutuwa sa kanilang pagpapakasal ng kanyang longtime BF na si Edgar Allan Guzman. Binigyan pa sila ng UH ng napakabonggang pre-wedding celebration, ang despedida de soltera sa mismong show. 


May natanggap din silang regalo mula sa mga hosts ng UH


Ganoon kamahal ng UH si Shaira Diaz at hindi ito malilimutan ng bride-to-be. 

Ilang araw na lang at ganap nang Mrs. Guzman si Shaira Diaz. Tiyak na mami-miss siya ng mga viewers kapag pansamantalang nag-leave sa UH pagkatapos ng kanilang kasal ni EA.


‘Di lang wais kaya never yumaman…

JANICE, UMAMING NAGING KABIT NG PULITIKO, MILITAR, AKTOR AT BUSINESSMAN


MARAMI ang nagulat nang diretsahang aminin ng dating sexy star na si Janice Jurado na naging mistress siya ng ilang sikat na personalidad. May pulitiko, may military man, may popular na aktor, businessman atbp..


Kakaiba siyang klase ng mistress dahil hindi niya inaagaw ang mister ng iba, nakikihati lang siya sa panahon at pagmamahal ng mga lalaking naugnay sa kanyang buhay. 


Pero marami ang nagsasabing hindi wise at hindi materyosa (materialistic) si Janice. Kung ginusto lang niya ay mayaman na sana siya ngayon dahil puro rich ang mga lalaking kanyang nakarelasyon. 


Pero ni hindi nga siya nagkaroon ng sariling bahay at kotse, hindi umangat ang kanyang buhay dahil hindi siya nagsamantala. 


Nang magka-breast cancer siya ay kung kani-kaninong artista siya lumapit para humingi ng medical assistance. 


Isang malaking himala na naka-survive si Janice sa kanyang sakit. 

Well, madiskarte siya sa buhay at napakasipag kaya hanggang ngayon ay nakaka-survive siya sa mga hamon ng buhay kahit madalang ang projects. Maraming artista ang patuloy na tumutulong sa kanya dahil marunong siyang makisama.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 12, 2025



Photo: Vice Ganda - IG


Bina-bash ngayon ng mga DDS supporters ang comedian/host na si Vice Ganda dahil sa ginawa nitong pagbanat sa dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ginanap na concert sa Araneta Coliseum kasama si Regine Velasquez. 


Hindi raw katawa-tawa ang spiel ni Vice tungkol kay ex-PRRD. Maraming DDS supporters ang dismayado dahil sa ginawa nitong pagkutya at pambabastos sa dating pangulo na ngayon ay matanda na at may sakit. 


Wala raw sa lugar at hindi napapanahon ang pagpapatawa ni Vice. Dahil sa ginawa niyang ito, isang araw pagkatapos ng kanyang concert sa Big Dome, nabawasan agad ng 1M ang kanyang followers sa Facebook (FB). 


Nag-trending sa social media si Vice Ganda at tiyak na araw-araw ay mas marami pa ang bibitaw at hindi na hahanga sa kanya. 


Nangunguna sa pagbatikos ngayon kay Vice Ganda si Harry Roque at tiyak na malaki ang impluwensiya niya sa mga DDS. May ilang grupo ng mga supporters ni ex-PRRD ang nagsabing ibo-boycott nila at hindi tatangkilikin ang mga produktong ineendorso ngayon ni Vice Ganda.



MAY latest update ngayon sa status ng kalusugan ni Kris Aquino. Nadagdagan na naman daw ang kanyang autoimmune disease at bumaba ang kanyang blood pressure, kaya kailangan niya ng intensive isolation at dapat na ilipat sa ibang lugar. 


Iiwan na ni Kris ang private beach resort na kanyang tinirhan ng dalawang buwan. Ililipat siya sa kanilang family compound sa Tarlac. Doon siya ia-isolate for 6 months. 


Samantala, nagpaabot ng pasasalamat si Kris sa lahat ng doktor, nurses at staff ng Makati Medical Center at St. Luke’s BGC sa kanilang pag-aalaga at malasakit sa kanya. Sasailalim sa kanyang bagong treatment si Kris habang nasa isolation. 

Kasama pa rin niya ang kanyang mga anak na sina Bimby at Joshua pati na rin ang private nurse at doctors. 


Nagpapasalamat din si Kris sa lahat ng taong patuloy na nagdarasal para sa kanyang paggaling. Patuloy siyang lalaban at hindi susuko para sa kanyang mga anak at sa taong nagmamahal sa kanya.



MARAMI ang nagsasabing phenomenal ang pagsikat ng Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Shuvee Etrata dahil sa sobrang atensiyon na ibinibigay sa kanya ng lahat. Kung saan-saang TV shows na siya napapanood dahil sa kanyang kasikatan. 


Well, patuloy ang dating ng mga offers sa kanya upang maging endorser. Ang kanyang mga fans ang gumastos nang malaki para sa kanyang billboard sa New York, USA at maging sa NAIA Terminal 3 ay may malaking billboard din si Shuvee na ginastusan ng kanyang mga tagahanga. 


May gumawa rin ng Shuvee mascot at Shuvee dolls na mabenta sa mga fans. Ganunpaman, may ilang mga netizens naman ang nagsasabing overexposed na raw si Shuvee. Baka raw maumay na ang mga tao sa kanya at pagsawaan siya agad. Dapat ay hindi raw nakababad si Shuvee sa telebisyon. Okey na ‘yung mga mall shows to

promote her endorsements. 


Well, kung dati ay pinagtatawanan at tinatawag si Shuvee na ‘Starlet ng Kamuning Network’, ngayon ay marami na ang humahanga sa kanyang ganda, talino at pagiging palaban. Hindi na siya mabu-bully at dededmahin ng ibang artista. 


Samantala, may ilan naman ang nagpapayo na kailangan ni Shuvee na magabayan siya sa kanyang finances ngayong marami na siyang endorsements. Kailangan na may mag-manage ng kanyang kinikita upang matiyak na makakaipon siya para sa future ng kanyang pamilya. 


For sure, hindi naman pababayaan si Shuvee Etrata ng GMA Network. Sisikat pa ito nang husto kapag naalagaan ang kanyang career.


Todo-displey sa socmed… P10 M DIAMOND RING NI BEA, BIGAY DAW NI VINCENT


TRUE kaya na P10 million ang halaga ng engagement ring na bigay ni Vincent Co kay Bea Alonzo? 


Recently, may lumabas na post sa social media na idinispley ni Bea ang kanyang kamay na may suot na diamond ring at may caption na ito na raw ang pinakamahal na engagement ring na kanyang natanggap. 


Pero may ilang mga netizens ang nagdududa dahil wala pa namang formal na announcement sina Bea at Vincent na engaged na sila. Kaya abangers ang lahat kung totoo o fake news ang tungkol sa P10M engagement ring ni Bea. 


Pero ang totoong nakikita ng publiko ay madalas nang magkasama sina Bea at Vincent sa mga showbiz events. Sabay silang nanood noong concert nina Vice

Ganda at Regine Velasquez sa Araneta Coliseum. 


Well, for sure, hindi na magpapa-hard to get si Bea Alonzo kapag inalok na siya ng


kasal ni Vincent Co. Pareho na silang nasa tamang edad at gusto na rin niyang bigyan ng apo ang kanyang Mommy Mary Anne.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 11, 2025



Photo: Gina Alajar - YT Luchi Cruz-Valdes


Marami ang nagulat at hindi makapaniwala nang mapanood ang mahusay na aktres/direktor na si Gina Alajar sa podcast ng broadcast journalist na si Luchi Cruz-Valdes. 


Matapang na inamin ni Gina na minsan sa kanyang buhay ay sumubok siyang gumamit ng droga. Ito ay nu'ng nasa mid-20s siya at abalang-abala sa kanyang shooting at taping.

Nakatulong daw ang droga upang hindi siya makaramdam ng antok at pagod. Halos dalawang taon din siyang gumamit ng droga noon, hanggang sa ma-realize niya na kailangan nang ihinto ang kanyang bisyo. 


Nagkahiwalay sila ni Michael de Mesa at isinama niya ang kanilang anak. Hard lesson learned iyon para kay Gina Alajar.


Sinikap niyang harapin ang mga hamon ng buhay at mag-isang itinaguyod ang kanyang mga anak. Hindi ikinahiya ni Gina na aminin ang kanyang pinagdaanan. Naging matatag siya para sa kanyang mga anak, ibinuhos niya ang kanyang panahon sa kanyang career bilang artista at direktor. At ang mga karanasan niya sa showbiz ang kanyang isine-share sa mga baguhang artista na kanyang mine-mentor.


Ang pagiging professional sa trabaho at mabuting pakikisama sa lahat ang madalas niyang ipaalala sa lahat ng mga baguhang artista ngayon.



Marami ang nagtatanong kung posible kayang mapatawad din ni Bea Alonzo si Cristy Fermin at ang dalawang kasama nito na sina Romel Chika at Wendell Alvarez na sinampahan niya ng cyber libel. 


May warrant of arrest na ang mga ito at nakapagpiyansa na. Inaabangan ng lahat kung magpoprogreso ang kaso.


Ganunpaman, may ilang netizens ang nagsasabing baka naman lumambot din ang puso ni Bea at mapatawad na si Cristy at ang mga kasama, tulad ng ginawang pagpapatawad nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na nagsampa rin noon ng demanda kay Cristy Fermin, pero kalaunan ay iniurong ang demanda at tuluyan na siyang pinatawad.


Well, napakasuwerte ni Bea sa kanyang career at masaya ang kanyang love life ngayon. Baka may ilang anghel na mamagitan upang maayos ang problema sa kasong isinampa niya kay Cristy Fermin at mga kasama. 


Mas magiging magaan ang buhay ni Bea Alonzo kung magagawa niyang magpatawad sa mga nagkasala sa kanya.



MANANATILI pa ring Kapuso si Rhian Ramos dahil muli siyang pipirma ng kontrata sa GMA Network sa August 12. 


Kasabay ng kanyang pagpirma ng bagong kontrata ay ia-announce rin ang mga bagong shows na kanyang gagawin.


Nagmarka ang role ni Rhian Ramos sa Encantadia bilang si Mitena, ang mahigpit na kalaban ng mga Sanggres. Maraming viewers ang naiinis sa pagpapahirap ni Mitena sa mga Sanggres. 


Flattered naman ang aktres dahil kahit saan siya magpunta ay nakikilala pa rin siya kahit hindi nakaayos at laging naka-hoodie. Marami pa rin ang nagpapa-picture sa kanya, maging ang mga bata.


Kahit busy sa serye, nagagawa pa rin ni Rhian ang tumanggap ng pelikula. 

Samantala, marami ang pumuri sa kanyang pagganap sa pelikulang Meg & Ryan (M&R), kung saan kapareha niya si JC Santos. Swak na swak ang kanilang tandem sa nasabing romantic movie.



AKTIBUNG-AKTIBO ngayon ang dating singer-composer na si Jimmy Bondoc na isa nang abogado at legal analyst. Madalas siyang dumalo sa mga forums ng iba’t ibang sektor na tumatalakay sa napapanahong isyu tulad ng corruption, pork barrel, flood control at budget para sa 2025 at 2026.


Kasama si Atty. Jimmy sa grupo ng anti-corruption advocates sa ginanap na Pandesal Forum sa Kamuning Bakery. Kabilang sa mga dumalo ay sina Atty. Ferdinand Topacio, Cong. Isidro Ungab, at Jiggs Magpantay ng Citizens Crime Watch.


Bagama’t hindi nakadalo sa forum si Baguio City Mayor Benjamin Magalong ay nagkaroon siya ng partisipasyon via Zoom. Ang problema sa baha at ang isyu sa DPWH ang main topics ng forum. 


Nakatakdang ibunyag ni Mayor Magalong ang 3 congressmen na tumatayo rin bilang contractors sa mga anti-flood control projects ng DPWH.


Sey nga ni Mayor Magalong, willing siyang magsalita ng kanyang nalalaman tungkol sa tatlong congressmen sakaling ipatawag siya sa Senado, pero sa kondisyon na hindi nila ibubunyag ang kanyang mga resource persons na nagbigay ng impormasyon tungkol sa anomalya sa flood control ng DPWH projects. 


Nagkakaisa naman ang mga anti-corruption advocates sa kanilang nominasyon na gawing anti-corruption czar si Mayor Benjamin Magalong.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page