top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Mercy Lejarde @Talkies | July 18, 2026



TALKIES - ANGELICA, DUMUGO ANG SUSO NANG UNANG MAGPADEDE-IG _iamkarendavila

Photo: IG _iamkarendavila



Nagka-postpartum pala ang aktres na si Angelica Panganiban matapos manganak sa unica hija nila ni Gregg Homan na si Bean, ayon sa ibinahagi niya sa panayam sa YouTube (YT) channel ng broadcast journalist na si Karen Davila.


Sa panayam, tinanong siya ni Karen, “Did you experience postpartum?”

Sumagot si Angelica, “Yes.”


Sinundan ito ni Karen ng tanong na, “How?”

Ikinuwento ni Angelica ang ilan sa mga naging hamon niya bilang bagong ina.

“Nahirapan akong magpadede. As in, dumudugo ang breast ko. Akala ko, ‘pag ginanu’n mo lang, dedede na. ‘Di pala,” ani Angelica.


Tanong pa ni Karen, “Ano ‘yung mga concerns mo sa kanya (Baby Amila)? Gusto mo, matalino, gusto mo, ganito? That’s all with food and nutrition?”


Sumagot si Angelica na ang pinakamahalaga para sa kanya ay ang kalusugan ng kanyang anak.


“Oh, yes. Ako, ayoko s’yang magkasakit. S’yempre, may support ng vitamins, good food, nutrition, milk, at lifestyle. Pero ‘yun talaga ang lagi kong ipinagdarasal. Prayers, sa prayers ako umaasa. Parang, ‘Naku, Lord, alam Mo kung ano ang laman ng puso ko. 


“Alam Mo kung ano lang ang kaya ko. So please, ‘wag sakit. Kasi ‘yung talino, feeling ko, kaya ko pa ‘yun. Ipa-tutor ko, kaya ko. ‘Yung pagiging bibo, parang meron talaga s’ya — ang daldal, ang bibo. Pero ‘yung health, ako pa naman, sakitin,” sey ng aktres.

Well, tumpak, dahil health is wealth.





NAGBAHAGI ang komedyanteng si Ate Gay ng pinakabagong update tungkol sa kanyang kalagayan sa pamamagitan ng kanyang social media post.


Ayon kay Ate Gay, nadagdagan ang kanyang mga araw ng CyberKnife treatment at aabot na sa anim ang kabuuang sessions niya.


Aniya, “Nadagdagan ako ng isa pang araw ng CyberKnife bukas, Friday, Monday at Wednesday. Bale, 6 sessions na. Inaalis nila nang bongga ang bukol ko.


“Salamat sa Poong Maykapal at sa anghel na ipinakilala Niya sa akin. May nutritionist-dietitian akong gumagabay sa akin. Napakapalad ko dahil isa sa mga doktor ko ang direktor ng Asian Hospital. May doktor din akong tumitingin sa boses ko.


“Kaya sa mga nagkokomento tungkol sa pagkain, pahinga at pagpupuyat ko, ang mga doktor ko ang pinakikinggan ko. Natutuwa sila na nagpe-perform pa rin ako, basta ‘wag ko lang kalimutang magpahinga at kumain. Wala raw bawal—maaari kong kainin ang anumang gusto ko.

“Salamat po.”


Praying for your fast recovery, Ate Gay.





NAGSALITA na ang aktres-singer na si Tuesday Vargas sa kanyang Facebook (FB) page matapos makatanggap ng mga mapanuring komento mula sa ilang kapwa-pintor tungkol sa kanyang mga obra.


Sa kanyang post, sinabi ni Tuesday, “‘Yung mga nagpipinta rin dito na kung maka-comment, eh, akala mo sila lang anak ng Diyos—wala akong pake kung ‘di kayo nagagandahan.


“Ang sining ko ay para sa akin. ‘Di ako gumuguhit para sa mga kagaya n’yo na walang ginawa kundi patayin ang pangarap ng mga sumusubok.


“Kung walang pumapansin sa artwork n’yo, ‘wag ako ang pag-initan n’yo. Wala akong goal na i-please ang lahat, lalo na ang mga kagaya n’yong makikitid ang isip.


“You call yourselves artists, and yet you trample on those trying to improve their skills and showing their vulnerability to the world through art? Ano’ng klaseng ugali ‘yan? Wala kang ability to clap for others?


“Uulitin ko—art is therapy for me. I am doing this for me. Sana, naturuan ka ng mama mo. If you don’t have anything nice to say, shut up.”


Korek, Tuesday! Ang pagpipinta ay nakapagpapagaan ng isip at talagang nakaka-relaks. 



 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 18, 2026



SHOWBIZ SPECIAL - MAJA, UMAMIN KUNG BAKIT ‘DI SILA PUWEDENG MAGSAMA NI KATHRYN SA TENT-IG _maja

Photo: IG _maja



Balik-Kapamilya si Maja Salvador sa seryeng Someone, Someday na pagtatambalan for the first time nina Kathryn Bernardo at James Reid.


Sa ginanap na solo mediacon for Maja kagabi sa 14th Floor ng ELJ Bldg. ng ABS-CBN, kitang-kita sa awra ni Maja ang saya na balik-serye siya sa ABS-CBN kung saan hindi naman actually villain ang kanyang role, pero napakaimportante sa kuwento ng Someone, Someday para mas mabigyang-buhay ang karakter nina Kathryn (as Billy) at James (as Jordan).


Hindi ito ang first time na makakatrabaho ni Maja si Kathryn. 


After ng solo mediacon ni Maja, ipinakuwento namin sa kanya kung paano nag-start ang friendship nila ni Kath at kung bakit “Ate” ang tawag nito sa kanya.


Kuwento ni Maja, “Matagal na! Mga bagets pa kami. May mga shows pa kaming ginawa abroad. And siya ‘yung young Bea Alonzo sa It Might Be You. So, imagine mo, It Might Be You, 2003 pa.”


When asked kung du’n ba nag-start na maging close sila, sagot ni Maja, “Hindi naman close pero I mean du’n kami unang nagkatrabaho. Tapos, tuwing nagkikita kami rito sa ABS, ‘yun, parang nandiyan lang ako lagi bilang ate niya, hanggang sa lumalim na nang lumalim ang friendship.”


Na-curious kami sa history ng friendship nila dahil nabanggit at naitanong ng host ng mediacon kagabi na si TV Patrol reporter MJ Felipe kung true raw bang hindi sila magkasama ni Kathryn sa tent.


Paliwanag dito ni Maja, “Oo, kasi nga ‘pag magkasama kami sa tent, wala po tayong matatapos na eksena dahil bilang mag-ate sa totoong buhay, ‘di kami natatapos magkuwentuhan.”


Ang hirap daw ng mga eksena nila sa Someone, Someday na intense ang confrontation. So, kung super chikahan sila tapos biglang in character ‘pag sumalang sa mga eksena, mahirap nga naman ang adjustment.


“So, umpisa pa lang, pagdating pa lang sa location, separate na kaagad ‘yun,” chika pa ni Maja.


Tinanong din ni MJ kung sina Kathryn at James ba ay magkasama sa tent dahil best of friends ang role ng dalawa.


“Hindi, nagkakahiyaan,” diretsong sagot ni Maja bilang pambubuking sa first time pa lang na nagsama sa serye na sina James at Kathryn.


Well, base pa lang sa trailer ng Someone, Someday, marami na ang nag-aabang sa advance airing nito sa Netflix on July 24 at sa iWant on July 25.


Sa July 27 at 8:45 PM naman ito magsisimulang mapanood sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, and Kapamilya Online Live (KOL) on Facebook and YouTube. It will also be available on TFC. 





Wow na wow! Aray ko!!! 

EX-NOONTIME SHOW DANCER NA KABIT NG PULITIKO, SINAMPAL NG ORIG AT MGA ANAK SA BAR, NAGDEMANDA



BLIND ITEM:

KABIT-kerida-kulasisi-escabetche, mistress, other woman, No. 2 (nasabi na ba namin lahat? Chos!) pala ng isang politician-businessman-philanthropist ang dating dancer ng isang noontime show.


Ang girl na ito ang dahilan kung bakit iniwan ng lalaki ang kanyang misis at mga anak na malalaki na ngayon.


In fairness, matagal na rin ang relasyon ni Mr. Politician-Businessman (MPB) sa dating dancer at in fact, may 2 na silang anak.


Siyempre, alam ito ng original wife, kaya nga sila naghiwalay ni MPB dahil iniwan sila para kay Ms. Kabitsina.


One time, biglang nagkita sa isang Japanese resto sa Greenbelt ang orig wife at si Ms. Kabitsina. Hindi nakapagpigil si orig na kasama pa naman that time ang kanyang mga anak at sinampal ang sumira sa masayang relasyon nila ni MPB.


Ang ending, si Ms. Kabitsina pa ang nagdemanda kay orig na misis, pero hindi niya isinama sa demanda ang mga anak dito ni MPB kahit pa sinaktan din siya ng mga ito.


Jusko! Para sigurong nanonood ng eksena sa teleserye ang mga nasa Japanese resto na nakasaksi ng pangyayari.


Oh, well, kung may nakapag-video man sa pasabog nilang drama sa Japanese resto, eh, abangan na lang natin kung lalabas. ‘Yun ay kung hindi matatakot kay Mr. Politician-Businessman ang maglalabas ng video footage. Hahaha!


Ang masasabi ko lang is… Eh, di wow!!! Aray ko! Ang sakit yatang masampal, ‘no!


 
 

ni Lucille Galon @Special Article | July 18, 2026



SPECIAL ARTICLE (LUCILLE) - ANDREA BROWN, WALANG BALAK MAGPAKASAL AT MAGKAANAK-IG __andreabrownnn

Photo: IG __andreabrownnn



Nagsalita na ang rumored GF ni Enrique Gil na si Andrea Brown matapos ang sunud-sunod na pambabatikos na natatanggap kaugnay ng napapabalitang relasyon sa aktor.

Sa kanyang group channel sa Instagram (IG) na “my thought process but on IG,” nilinaw ni Andrea na wala umanong pumipilit sa kanya at sariling desisyon niyang manatili sa sitwasyong kinasasangkutan niya sa kabila ng kaliwa’t kanang negatibong komento.


Sey ni Andrea, “All of us are aware that I’m very young, but I'm not stupid, and I know exactly what I’m doing.


“None of you understand that I’m actively choosing to be in the situation that I'm in because despite all the hate I’m getting from the country, I feel really seen and taken care of and understood by whoever I’m with.”


At eto pa, mula sa isang voice message na mula rin sa group channel ay sinabi niyang wala siyang balak magpakasal soon o magkaroon ng anak. 


Nitong nakaraan kasi ay may tsismis na nabuntis umano siya ng aktor.

Diin niya, “I’ve learned many, many things.”


Paliwanag pa niya, “It’s honestly a choice I’m actively making and a path I'm willingly taking because I’ve never felt more stable ever in my personal life.”


Matatandaang naging sentro ng usapan sa social media sina Andrea at Enrique matapos kumalat ang mga larawan at video nila na magkasama. 

Well, hanggang ngayon, nananatiling tikom ang bibig ni Enrique Gil tungkol sa totoong relasyon nila. 





SIMPLE pero elegante, ito ang piniling wedding nina Bea Alonzo at Vincent Co, na umani ng papuri mula sa publiko at sa mga fans ng aktres.


Kamakailan ay ibinahagi ni Bea sa kanyang Instagram (IG) account ang ilang larawan mula sa kanilang intimate civil wedding na ginanap sa Makati. Bagama’t pribado ang naging selebrasyon, unti-unti ring lumabas ang ilang detalye tungkol sa kanilang espesyal na araw.


Ayon sa isang cake studio, P3,000 lang ang halaga ng wedding cake nina Bea at Vincent. Ito ay minimalist wedding cake na may buttercream icing at binubuo ng red velvet, vanilla at chocolate cake na may tablea ganache filling. 


Isang simpleng order lang daw ang dumating at wala silang kaalam-alam na para iyon sa kasal ng aktres.


Samantala, matapos ang civil wedding ay nagkaroon ng simpleng reception ang bagong kasal kasama ang 12 bisita lang.


Ayon sa event stylist na humawak sa okasyon, hindi kailangang maging engrande ang isang kasal para maging maganda at memorable.


Nag-viral tuloy ngayon ang mga simpleng wedding at maraming netizens ang nagsabing mas okay ito kesa gumastos nang malaki, tapos ang mga bisita ay marami namang sinasabi. Hahaha!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page