top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | July 26, 2026



WINNER - SARAH, NAPATAWAD NA NI MOMMY DIVINE, HAPPY TOGETHER-FB Circulating

Photo: FB / Circulated



Bumaha ng pagbati kay Sarah Geronimo sa X (dating Twitter) kahapon. Sa dami ng Popsters, hindi na kataka-taka.


Sarah just turned 38 yesterday. Kering-keri pa niya ang magka-baby sa edad niya.

Pero nang silipin namin ang Instagram (IG) ng mister ni Sarah na si Matteo Guidicelli, wala kaming nakitang sweet message para sa Popstar Royalty.


Although, ini-repost ni Matteo sa kanyang IG Story ang video ng recording ni Sarah kasama ang kanyang daddy na si Delfin Geronimo para sa bagong album ng singer.


A day before her birthday, nag-post si Sarah ng latest photo niya at nagbigay ng pa-clue para sa kanyang mga tagahanga.


Naaliw ang mga netizens sa new look ni Sarah sa picture. Hawig daw kasi ang buhok ni Sarah sa iconic hairstyle ng sikat na Hollywood celebrity na si Audrey Hepburn.


Sabi ni Sarah sa kanyang post, “Ang bagong simula ay paghakbang pabalik.”

Tama naman ang hula ng mga fans ni Sarah na may kinalaman sa kanta at pamilya ang latest post niya sa socmed sa pa-clue niyang ‘hakbang pabalik’.

Sey nila…


“This is going to be a stretch... It’s going to be a pregnancy announcement. Kaya rin ganu’n ‘yung profile picture. Inspired by family, new inspiration in building her own family.”


“As a delulu (delusional) myself, here's my theory: HOME where LOVE and STARS will align. - SARAH G. Ewan ko pero I feel it... she’s going back to what made her feel at home: MUSIC and her FAMILY. An album and an updated Family Photo Album, perhaps.”


“@JustSarahG Love you! So excited kung ano man 'yan!”

“Excited for this too. Imagine magko-concert na naman s’ya (heart emoji.”


Samantala, kagabi ay muling nag-post si Sarah sa Facebook ng mga video clips na kuha sa recording nila ng kanyang Daddy Delfin na may caption na: “This is a gift to myself, to everyone and my father. To celebrate him and our love for music. 

“Watch our live performance video on my YouTube Channel.”


Sa isang part ng video ay nahagip ng camera si Mommy Divine Geronimo habang hinahalikan sa pisngi si Sarah.

Touching na makitang okay na uli at nagkabati na pala ang mag-ina, at sabi nga ni Sarah sa isang part ng video, “Sobra akong masayang-masaya dahil I got to do this with the dearest person in my life, siyempre ang tatay at nanay ko. Kasama ko ang tatay ko ngayon na sharing beautiful music, performing together is such a dream come true.”

No wonder, ibang-iba na ang mga ngiti ni Sarah at pati ang kanyang mga mata ay nagniningning!

Happy 38th birthday, Sarah Geronimo!





Nagsanib-puwersa muli sina Anne Curtis at Bea Alonzo sa isang proyekto.

This time, hindi aarte ang dalawang ‘queens’ sa harap ng kamera. Instead, rarampa sina Anne at Bea para sa isang malaking collaboration bilang endorsers.


Trending agad ang tsikang pagsasamang muli nina Anne at Bea. Ito ay malaking collaboration ng dalawa.


Nagsimula ang balita tungkol sa collaboration ng dalawang aktres noong kumalat ang isang video clip ng dalawang babae, pero walang mukha at katawan lang ang makikita.


Malakas ang hinala ng mga netizens na sina Anne at Bea ang nasa video clip.

Maaaring may kinalaman daw sa produktong ine-endorse at pag-aari ni Bea ang bagong collaboration nila ni Anne.


At the same time, may duda rin ang mga netizens na collaboration ito ng makeup product na ine-endorse ni Anne at bag naman kay Bea.


Matatandaang nakitang magkasama sina Bea at Anne sa isang restaurant. Nagkita ang dalawang aktres pagkatapos pumutok ang balitang naudlot ang kasal ni Bea kay Vincent Co. 


Kahapon ay ini-reveal na ang mga babae sa video clip. Tama ang hinala ng mga netizens na sina Anne at Bea nga ‘yun.

Ka-vogue!



 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 26, 2026



TEKA NGA - MARIEL, NEVER IIWAN SI SEN. ROBIN-FB Mariel Rodriguez-Padilla

Photo: FB Mariel Rodriguez-Padilla



Hindi masisisi si Mariel Padilla kung kampihan at ipagtanggol niya ang kanyang mister na si Sen. Robin Padilla. Kahit na nilalait at pinagtatawanan na ng lahat ang kanyang mister, tuloy pa rin siya sa pagdepensa.


Kahit marami nang showbiz people ang dismayado sa performance ni Sen. Robin sa Senado, asawa pa rin niya ito na dapat damayan at unawain.


Hindi rin kagustuhan ni Mariel kung mabawasan man ang kanyang mga kaibigang artista. No choice siya kundi isakripisyo ang mga ito dahil mas kailangan ni Sen. Padilla ang dadamay at kakampi sa panghuhusga sa kanya ngayon ng taumbayan.





IPINASILIP na sa social media nina Carlo Aquino at Charlie Dizon ang ipinatatayo nilang bahay. Kaya masaya ang mga fans ng aktor dahil nag-mature na ang kanilang idolo at seryoso na sa kanyang pagiging padre de familia. 


Nagbago na nga si Carlo mula nang makilala niya at pakasalan ang aktres. Kahit 11 years ang agwat ng kanilang edad, tila naniniwala si Charlie na seryoso na si

Carlo sa kanilang relasyon at pinaghahandaan na ang kanilang future.


Well, posibleng na-realize na rin ni Carlo na nagkakaedad na siya at dapat nang magseryoso sa buhay.


At sakaling matapos na ang kanilang dream house, puwede na nilang isunod na paghandaan ang pagbuo ng kanilang pamilya upang makumpleto na ang kanilang kaligayahan.


Sa dami ng artistang nakarelasyon ng aktor, si Charlie ang sadyang itinakda na makasama niya forever. At mas nagsisikap siya ngayon upang bigyan ng magandang future ang kanyang pretty wifey.





PAREHONG magaling na comedians ang real-life couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles. Swak na swak ang kanilang tandem at natural ang kanilang atake sa pagpapatawa. 


Bihirang-bihira na nagki-click ang partnership sa comedy ng real-life couples. Pero sina Kim at Jerald Napoles ay effortless kung magpatawa dahil iba ang brand o style ng kanilang comedy. Ang lahat ay naaaliw sa kanila.


Big hit sa Netflix ang pelikula nilang Wonderful Nightmare (WN). Ilang linggo rin itong namayagpag at pinanood.


Bago ito ay nag-hit din ang Un-Ex You (UY) nina Kim at Jerald.


Parehong mahusay sa comedy sina Kim at Jerald, pero nananatili silang underrated at hindi gaanong napu-push ang kanilang career. Viva Films lang ang nagtiwala sa kanilang talent sa comedy.


At ang maganda sa KimJe movie, hindi na kailangan ng malalaking artista. Sa kanilang dalawa pa lang ay aliw na aliw na sa panonood ang lahat.

 
 

ni Mercy Lejarde @Talkies | July 26, 2026



TALKIES - SEN. ROBIN, OPEN NA MAKAUSAP NI ANGEL-FB Robin Padilla & Angel Locsin

Photo: FB Robin Padilla & Angel Locsin



Nagsalita na ang aktor-pulitiko na si Sen. Robin Padilla hinggil sa naging post ng aktres na si Angel Locsin sa isang panayam sa DWSI 864 radio station.


Nang tanungin kung ano ang kanyang reaksiyon sa naging post ng kanyang kasamahan sa industriya, sinabi ni Sen. Robin na nauunawaan niya ang posibleng pinagdaraanan ng aktres.


“Si Angel Locsin, kaibigan ko ‘yan. Ang katotohanan, kaming mag-asawa ni Mariel, nang mabalitaan namin ‘yun, isa lang ang sinabi naming dalawa, ‘Baka may pinagdaraanan si Angel.’ Kami naman, wala. Kaya siguro intindihin na lang namin. ‘Wag na kaming sumagot, ‘wag na kaming magsalita. Kung gusto n’ya kaming makausap, bukas naman ang linya,” sey ni Sen. Robin.


Wish lang ni yours truly na sana ay magkausap na sina Angel at Sen. Robin. Pareho naman silang mabubuting tao kaya umaasa akong darating ang panahon na magkakaayos sila at tuluyan nang matatapos ang isyung ito. 

‘Di ba naman, beautiful Mariel Rodriguez Padilla?





PINAG-UUSAPAN ngayon ng mga netizens si Bimby Aquino matapos siyang purihin dahil sa ipinakitang pagiging maginoo sa kanyang kamakailang TikTok (TT) Live.


Sa live, ipinakilala ni Bimby sa mga manonood ang nurse na nag-aalaga sa kanyang ina na si Kris Aquino. Habang nasa harap ng kamera ang nurse at tila umaawra, napansin ito ni Bimby at agad na nagbigay ng paalala.


Aniya, “‘Wag kang ganyan, magagalit ang boyfriend mo. Don’t make pakita ng puwet. Don’t show that.”


Marami sa mga netizens ang natuwa sa naging reaksiyon ni Bimby, na inilarawan nilang magalang, disente, at may respeto sa kababaihan.


Samantala, sa pinakabagong post ng entertainment editor na si Dindo Balares, ibinahagi niya ang isang karanasan na umano’y nagpapakita ng magandang asal ni Bimby.


Aniya, “Kuwentuhan ko kayo ng konti tungkol kay Bimby Aquino. Ito, nang puntahan ko sila ng kanyang Mama Kris sa beach last year. Para lang may konting idea ang kanyang followers kung sino o ano s’ya sa personal.


“‘Pag pumasok po kayo sa kuwarto ni Kris Aquino, para kayong nag-teleport sa North Pole. As in, super-lamig talaga! Kaya lang, ‘pag magkukuwentuhan kaming dalawa, parang wala yatang katapusan. Hehehe!


“Eh, one night, nang dumating si Bimb galing Manila, lalong sumarap ang kuwentuhan. So, ‘di ko namamalayan, frozen delight na pala ako!


“Si Bimb ang nakapansin. Pinatayo n’ya ako at sinuotan ng kanyang jacket. Maliit na bagay. Pero sadyang ganyan s’ya pinalaki ng kanyang Mama Kris.


“‘Yun, muntik na tuloy kaming umagahin!”

In fairness, napakaganda ng pagpapalaki ni Kris sa kanyang anak na si Bimby.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page