top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Nitz Miralles @Bida | July 31, 2026



Jericho at Janine - IG

Photo: Jericho at Janine - IG



Tanong ng mga nakabasa sa caption ng ABS-CBN sa photo nina Jericho Rosales at Janine Gutierrez, tama ba o totoo ang kanilang nabasa? 


Hindi raw ba nagkamali lang sa caption ang sinumang nagsulat ng post?

Ang nakasulat kasi sa caption ay: “Janine Gutierrez ‘sent postcards’ from Surrey, United Kingdom with husband Jericho Rosales.”


Ikinagulat ng mga nakabasa ang caption dahil kung totoo, ibig sabihin daw, kasal na at mag-asawa na sina Janine at Jericho. Kaya lang, agad ding binura ng ABS-CBN News ang post, kaya iilan lang ang nakapag-comment.


Ang ilan sa mga comments ay, “WTH (what the heck)! Is this true? Kasal na sina Janine at Jericho?” “Deleted agad s’ya. Magko-comment sana ako,” at “OMG! Kasal na sila!”

May nagtanong naman kung annulled na si Jericho at kung paanong nangyari na kasal na sila ni Janine.


May nag-comment naman na baka promo nila sa bago nilang serye ang post na husband ni Janine si Jericho dahil husband daw ni Janine ang role ni Jericho sa series nilang The Loyalty Game (TLG).


Nabasa nga namin na mag-asawa ang kanilang role sa series at baka nga teaser ang nasabing caption.


Anyway, ang makakapaglinaw sa naging kontrobersiyal na caption ay sina Janine at Jericho mismo. Pero, kung totoo ang balita, matutuwa ang kanilang mga fans na inaabangan kung kailan magpapakasal ang couple.





PINAG-ISIP nina Jairus Aquino at Nicole Omillo ang present sa mediacon ng Viva One Original na Our Yesterday’s Escape (OYE) kung magdyowa ba sila. Mula kasi nang lumabas sa stage hanggang matapos ang mediacon, magkadikit na ang dalawa.


Comment ng isang press, hindi lang pang-magka-love team ang dalawa, dikit na pangdyowa raw ang kanyang nakita. Kasi naman ang aktor, magkatabi na nga sila ni Nicole sa upuan, nakapatong pa ang kanang kamay nito sa hita ng ka-love team. 


Kung aalisin man niya ang kamay sa hita, nakahawak naman siya sa braso ng aktres.


Tanong ng katabi namin sa mediacon na ginanap sa Quantum Skyview, Gateway 2 Mall, clingy lang ba si Jairus o gustong ipaalam na Nicole is his girl? 

Pero, ang gesture na ‘yun ay labis na nagustuhan ng kanilang mga fans at karamihan ay kinilig, lalo na kapag sumasagot sila sa tanong at magtitinginan muna.


Ang OYE ay ang 6th and final installment ni Gwy Saludes ng University Series sa Wattpad. Ginagampanan nina Jairus at Nicole ang mga karakter nina Shan at Kierra, respectively.


Masayang-masaya sina Jairucs at Nicole sa pagbibida nila sa installment ng University Series. Emotional ang aktor dahil 3 years daw niyang hinintay ang magka-lead project at nangyari na nga. 


Pinasalamatan din niya ang mga co-stars nila ni Nicole na kinabibilangan nina Angelu de Leon, Yayo Aguila, Anjo Yllana, Bernadette Allyson, Cris Villanueva, Jan Marini at Michael Flores.





MAY dagdag na hashtag kay Jillian Ward kapag siya ay ini-introduce dahil hindi na lang siya actress/singer/dancer, composer na rin ang Kapuso actress dahil siya ang sumulat ng bago niyang awiting Lowkey


Proud nitong ipinost ang reel video ng song at may caption na, “Wrote a song.”

Maganda ito, swak ang beat at magugustuhan ng makakarinig. May music video na rin ito kung saan may kasama siyang guy na hindi ipinakita ang mukha. 


Naghulaan ang mga fans kung ang may crush ba sa kanya na si Raheel Bhyria ang nasa music video o si Kobie Brown. Sa launch ng song ni Jillian makikilala at malalaman kung sino siya.


Nakatulong ang pagka-postpone ng concert ni Jillian dahil kapag natuloy sa December 8, 2026 ang kanyang concert, madaragdagan ang kanyang repertoire. Makakasama sa kanyang kakantahin ang own composition niyang Lowkey.


And speaking of Jillian, sunod siyang mapapanood sa series ni Marian Rivera at excited na ang mga fans sa pagsasama ng dalawa. Maraming fans kasi ang naniniwala na sa mga Kapuso actress, kung ire-remake man ang Marimar, kay Jillian babagay ang role. Kahit daw si Marian ay papayag kapag si Jillian ang napiling gumanap sa role.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 30, 2026



TEKA NGA - RICCI, TUMINO KAY JULIANA-IG _ricciiirivero & _gomezjuliana

Photo: IG _ricciiirivero & _gomezjuliana



Tanggap na ni Richard Gomez ang basketball player na si Ricci Rivero para sa kanyang unica hija na si Juliana.


Katwiran ni Goma, nasa tamang edad na ang kanyang dalaga (25 years old) at may sarili nang disposisyon sa buhay.


Isang bagay lang ang ipinaalala ni Richard kay Juliana – dapat ay dadalaw sa bahay ang sinumang manliligaw sa kanya. At naipakilala na nga ni Juliana si Ricci sa kanyang mga magulang.


Noon pang 2025 ay madalas nang nakikitang magkasama sa iba't ibang okasyon ang dalawa. Namamataan din silang namamasyal sa mga malls. At nakasama na rin nilang kumain sa labas si Goma.


Well, nakilatis na kayang mabuti ni Goma ang pagkatao ni Ricci Rivero? Nagkaroon na kaya sila ng man-to-man talk?


Mukhang pasado naman ang basketbolista sa parents ni Juliana.

Sa kabila ng warning ng ilang kakilala at kaibigan na chickboy si Ricci, behave naman ang basketbolista nang makilala ang anak ni Goma. 


At marami ang humanga sa tapang ni Ricci dahil hindi siya umatras at nasindak.

Kumpara sa naging relasyon nila noon ni Andrea Brillantes na puno ng iskandalo at kontrobersiya, kay Juliana ay tahimik ang mundo ni Ricci.





KAYA pala ‘pinatay’ na ang character ni Shuvee Etrata bilang si Tonet sa seryeng The Master Cutter (TMC) ay magsisimula na siyang mag-taping sa bagong serye ni Alden Richards sa GMA-7, ang Code Gray (CG), kung saan kasama rin dito si Andrea Torres.


Tiyak na makaka-relate sa kuwento ng CG si Shuvee dahil mga doktor ang gagampanan ng mga lead cast. Nurse naman ang role ni Shuvee.


Pangarap kasi niya na maging doktor bago siya napadpad sa showbiz. Nag-aral siya sa Cebu ng kursong Physical Therapy (PT), pero tumigil muna siya sa pag-aaral dahil kailangan niyang tulungan ang kanyang pamilya. 


Siya ang tumatayong breadwinner. Kaya lumuwas siya ng Maynila upang humanap ng pagkakakitaan hanggang mapasok siya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab (PBBCCE) at doon nagbukas ang magandang oportunidad kay Shuvee.


Napakabilis ng kanyang pagsikat at nagkaroon siya ng malalaking endorsements. Ngayon ay nasa pangangalaga na ng GMA Sparkle Artist Management ang career niya.





HANGGANG ngayon ay hinayang na hinayang pa rin si Direk Edgar ‘Bobot’ Mortiz sa paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel). Fan na fan daw siya ng tambalang KathNiel na nagpakilig sa milyun-milyong fans.


Nakikita raw ni Edgar sa KathNiel ang tambalan nila noon ni Vilma Santos na sinuportahan din ng kanilang loyal fans. Halos hindi na sila pinaghihiwalay dahil ipinantapat sila noon sa tambalang Guy and Pip. 


Nabuo ang Vi and Bot love team na tinangkilik ng mga fans. Ilang taon ding namayagpag ang kanilang tambalan at pareho silang sumikat nang husto.


Well, bibihira kasi ang tambalang tumatagal sa showbiz tulad ng KathNiel. Ganito rin ang naramdaman ni Bobot nang maghiwalay sila ni Vilma bilang love team.


 
 

ni Mercy Lejarde @Talkies | July 30, 2026



TALKIES - SEN. ROBIN, BINANATANG ‘BOBO’ NI TED-FB Robin Padilla & FB Circulating Ted Failon

Photo: FB Robin Padilla & FB Circulated / Ted Failon



Sa isang opisyal na pagtitipon sa Davao Oriental, nagpahayag ng saloobin ang aktor-senador na si Robin Padilla tungkol sa broadcast journalist na si Ted Failon. 


Ayon kay Robin, hindi niya maintindihan kung bakit tila personal ang mga naging puna umano ni Ted laban sa kanya at pinalalabas pa umanong ‘bobo’ siya, bagay na ikinasama ng kanyang loob. 


Paulit-ulit umano siyang binatikos sa mga naging pahayag at aksiyon niya, lalo na kaugnay ng impeachment trial at iba pang isyung pampulitika. 

Pahayag niya, “‘Di ko maintindihan si Ted Failon. Kung banatan ako nito, akala mo, ‘di ko s’ya kaibigan. Sa totoo lang, namemersonal pa. Napakasakit isipin.


“‘Pag namersonal s’ya, alam naman n’yang may asawa ako, babanatan n’ya ako nang ganu’n. Eh, di ikaw na ang pinakamagaling na lalaki kung gusto mo. Wala naman akong question du’n. Ikaw na ang pinakamagaling, pero sana, Pare, tandaan mo lang na ‘di kita tinrato bilang iba kundi kaibigan.”


Sa huli, nagpahayag si Robin ng pag-asang magkakaroon sila ng pagkakataong makapag-usap upang maipaliwanag ang kani-kanilang panig sa isa’t isa.


Aniya, “Hanggang du’n na lang. Magkakausap din tayong muli. Maipapaliwanag ko rin sa ‘yo.”


Well, wish lang ni yours truly na magkausap na sina Sen. Robin at Ted para matapos na ang isyung ito.





NAPANSIN ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang natural na kagandahan ng Kapuso actress na si Bianca Umali sa noontime show na It’s Showtime (IS), kung saan nagsilbi itong special guest co-host sa segment na Miss Q and A: Reyna Talak-era 2026.


Sa kanilang masayang kuwentuhan, tinanong ni Vice si Bianca kung nakaranas na ba itong sumali sa mga beauty pageant noong bata pa.


“Hindi, Meme, ‘di pa. ‘Di ko pa na-try,” sagot ni Bianca.


Dahil sa kapansin-pansing natural na ganda ng aktres, hindi napigilan ni Vice ang magbiro.


“Pinay ang beauty mo. Walang make-up, ‘noh? Nakakapikon din ‘to minsan, eh. Ang gandang bata,” ani Vice.


“‘Wag na mapikon sa akin kasi ikaw ‘yung pine-peg ko every morning. Every time I wake up, ang una kong panalangin sa Ama ‘pag magso-Showtime ako, ‘Please make me look like Meme today,’” saad ng aktres.


Natawa si Vice at muling nagbitiw ng nakaaaliw na hirit.


“Sawa ka lang sa pagiging maganda? Gusto mo nang gumising na pangit? Gusto mo nang gumising na chaka (pangit)?” biro ni Vice.


“Pero ang gusto ko, umabot ako sa araw na ‘di ko na kailangang mag-make-up nang makapal,” dagdag pa ng Unkabogable Star.


Well, Vice, maganda naman talaga si Bianca kahit itanong pa natin kay Ruru Madrid. ‘Di ba, madlang people?





LALO pang hinahangaan ng marami si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Imelda Papin habang mas nakikilala nila ang kanyang kabutihan at malasakit sa kapwa.


Bukod sa pagiging kilala bilang ‘Jukebox Queen’, nakilala rin si Papin bilang lingkod-bayan. Bilang direktor ng PCSO, madalas siyang maiugnay sa pagtulong sa mga mahihirap na pasyenteng nangangailangan ng tulong para sa kanilang pagpapagamot at gastusin sa ospital.


Hindi lamang sa kanyang tungkulin sa PCSO umiikot ang kanyang pagtulong. Sa pamamagitan ng Imelda Papin Foundation, patuloy din siyang nag-aabot ng tulong sa mga kapuspalad, lalo na sa mga pasyenteng nangangailangan ng pambili ng gamot, laboratory tests, at iba pang pangangailangang medikal.


Dahil sa kabutihan niya, maraming tao ang naghihikayat kay Imelda na tumakbo bilang senador sa 2028 national elections.


Kung pagbibigyan ni Imelda ang mga panawagang ito, panahon lamang ang makapagsasabi. 


Sa kasalukuyan, wala pa siyang inilalabas na pormal na pahayag hinggil sa usapin. Hinihintay na lamang ng publiko kung ano ang magiging pasya niya kaugnay ng 2028 national elections.


‘Yun lang, and I thank you.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page