top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 3, 2026



SPECIAL - MASAKIT… NAAAWA AKO SA PILIPINAS – NADIA-FB Nadia Montenegro

Photo: FB Nadia Montenegro



Isa si Nadia Montenegro sa mga nakapanayam naming guest celebrities sa katatapos lang na Maddox Iconic Runway: Diamond Jewelry Fashion Show sa EDSA Shangri-La Hotel last Thursday bilang suporta sa CEO ng Maddox Jewelry na si Ms. Charo Cordial.


Bago si Nadia, nakapanayam din namin si Dennis Padilla na kaibigan ni Sen. Robin Padilla, na nagpahayag ng saloobin sa mga namba-bash ngayon sa aktor-pulitiko sa social media dahil sa mga sablay daw na hirit nito.


At dahil kilala rin si Nadia bilang close friend at naging staff pa nga ni Sen. Robin sa Senate, hiningan na rin namin siya ng reaksiyon sa mga pamba-bash sa mister ni Mariel Rodriguez na diumano ay “bobo” itong senador.


“Nasasaktan ako siyempre. Hindi lang naman si Robin, basta kaibigan mo, masakit. Iba na kasi ang culture ngayon, eh, sobrang ang dami nang abogado ngayon. Parang everybody has so much hatred. Sana lang, let’s be kinder kasi tingnan mo naman ang nangyayari sa mundo, tapos ganu’n pa tayong lahat. Naaawa ako sa Pilipinas. Naaawa ako sa mga Pilipino,” pahayag ni Nadia bilang pagtatanggol sa kaibigan.


Sa tanong kung nakikita ba niyang naaapektuhan si Sen. Robin sa mga pamba-bash, sagot niya, “Knowing him, hindi na. Manhid na ‘yun. Sanay na sanay na ‘yun. ‘Wag lang ang pamilya. ‘Wag lang ‘yung mga anak siyempre. Tao pa rin siya na nasasaktan, ‘di ba? 

“Pero like what I said, konting kibot nga nu’n, trending na, eh!”


Well, kung kilala nga namin si Nadia kung gaano ka-loyal sa mga kaibigan, ibagsak man nang buong mundo si Robin, sigurado kaming hinding-hindi niya ito tatalikuran.





Ipinagdiwang kamakailan ng Knights of Rizal (KOR), isang pampublikong korporasyong itinatag sa pamamagitan ng batas (Republic Act 646 noong 1951), ang ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag nito sa pamamagitan ng paglulunsad ng pambansang programa sa gatas na tinatawag na M.I.L.K. IN THE PHILIPPINES (M-ake I-ntelligent L-ots of K-ids in the Philippines). 


Layunin ng programang ito na magbigay ng isang basong gatas araw-araw sa mga mahihirap na nagbubuntis na ina (sa halip na direkta sa bata) sa loob ng tinatawag na "First 1000 Days" o unang 1,000 araw ng buhay ng bata (mula pagsilang hanggang sa edad na dalawang taon). 


Ipinaliwanag ni Knights of Rizal Supreme Commander Dr. Manny Calairo, KGCR, na sa loob ng 15 magkakasunod na buwan, makikipagtulungan ang KOR sa iba't ibang lokal na pamahalaan (LGU) sa buong bansa upang labanan ang malnutrisyon na nagdudulot ng pagkabansot ng pag-unlad ng utak sa mga bata dahil sa kahirapan.


"Kabilang dito ang tuluy-tuloy na pagbibigay ng gatas araw-araw sa mga mahihirap at nutritionally at-risk na mga nagdadalantao (ideyal ay sa pinaka-unang bahagi ng unang trimester ng pagbubuntis) upang labanan ang malnutrisyon na nagreresulta sa permanenteng pagkabansot ng pag-unlad ng utak ng bata pagkalampas ng edad na dalawa," pahayag ni Calairo.


Inanunsiyo ng KOR Supreme Commander sa publiko, sa panahon ng kanilang Gala Night Celebration noong Hulyo 28, 2026 sa Manila Hotel, na inilunsad na ng KOR (sa pakikipagtulungan sa mga LGU) ang kanilang M.I.L.K. Program sa San Jose, Batangas noong Hulyo 25, 2026 at sa Magdalena, Laguna noong Hulyo 27, 2026.


Dumalo ang iba't ibang celebrities sa nasabing KOR Gala Night upang ipakita ang kanilang suporta sa nasabing M.I.L.K. project ng grupo.


Kabilang sa kanila ang mga sikat na mang-aawit noong dekada '70 at '80 na The Rainmakers na binuhay ang dugo ng maraming senior citizens that night na nakikanta at nakipagsayawan pa sa kanila, ang mga award-winning singing divas na sina Gerphil Flores at Allison Gonzales; at ang singing diva ng Philippine Navy na si Commander Lady Chatterly Alvaro-Sumbeling, PN.


Kabilang din sa mga nagpakita ng suporta sa KOR M.I.L.K. Project ang mga sumisikat na P-Pop star ng bansa na NOVA, at ang singing senator at Manila Hotel president na si Sen. Joey Lina na todo-bigay din sa pagkanta.


“Minsang sinabi ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na ‘Ang kabataan ang kinabukasan ng ating bayan.’ Magtulungan tayo upang tiyakin ang kinabukasan ng ating minamahal na Pilipinas sa pamamagitan ng pagtutok sa kapakanan ng ating kabataang Pilipino... ang ating mga anak," pagtatapos ni Calairo.





Akala, knight in shining armor na, Barbie doll pala ang fave toy… TISOY NA AKTOR, CAUGHT IN THE ACT NG MAGALING NA AKTRES NA MAY KAHALIKANG LALAKI



Sinetch itech - Blind Item


BLIND ITEM:


MAY source kaming nagbulong sa amin ng dahilan kung bakit bigla na lang naputol ang gumagandang relasyon na sana ng tisoy na guwapong aktor at ng magaling na aktres.

Akala ng lahat, after ng breakup ng magaling na aktres sa kanyang long-time boyfriend ay naka-jackpot na siya sa tisoy na aktor na taga-kabilang network dahil guwapo na ito ay mabait pa.


Madalas na silang makitang sweet in public, nagho-holding hands at nagyayakapan.

Pero nagulat ang lahat nang bigla na lang, wala nang balita tungkol sa gumaganda nilang relasyon. Hindi na rin sila nakikitang magkasama in public at ayaw nang pag-usapan ng aktres ang aktor sa kanyang mga interviews.


Ang rason, ayon sa aming reliable source, na-caught in the act pala ni magaling na aktres na may ibang kahalikan ang aktor!


But wait… hindi magandang dilag o kapwa aktres ang nahuli ng magaling na aktres na kalaplapan ng akala niya ay knight in shining armor na niya kundi kapwa nito lalaki!

Yes, trulili! Kaya shocked to the max ang magaling na aktres dahil akala pa naman niya ay gagawin siyang baby ng tisoy na aktor, ‘yun pala, Barbie doll din ang favorite toy nito!

Gusto lang pala siyang gawing trophy GF ng tisoy na aktor, buti na lang at nauntog siya agad. 


Aguuuy!!!


 
 

ni Melba R. Llanera @Insider | August 3, 2026



INSIDER - FAITH, BITBIT NI SAM SA B-DAY NI ANDREW E.-FB Circulated

Photo: FB Circulated



Tiyak na ikatutuwa ng mga tagahanga ni Andrew E. dahil mapapakinggan muli nila ang itinuturing na ‘Godfather of Pinoy Rap’ sa bago nitong rap song na Pasta


Katulad ng iba niyang pinasikat na kanta gaya ng Alabang Girls, Humanap Ka ng Panget, atbp., nakakaengganyo rin ang tono at lyrics ng kanta.


Sa panayam ng press kay Andrew E., nabanggit niya na bukod sa Pasta, may lima pang kantang ilalabas na kasama sa kanyang album na Wholesome Again.


Sa tanong kung may pressure ba sa kanya sa pagbabalik niya sa rap scene, para kay Andrew ay mas bawas nga ang pressure ngayon dahil may social media na.


Konting kibot, konting galaw lang ay kumakalat na, hindi gaya dati na talagang pagbubuhusan mo ng effort kapag may ipino-promote kang kanta.



Sa panayam ng press kay Andrew E., nabanggit niya na bukod sa Pasta, may lima pang kantang ilalabas na kasama sa kanyang album na Wholesome Again.


Kuwento rin sa amin ng rapper, mga elitista ang una niyang market noon, pero nabago lang ito kalaunan at nakuha niya ang pulso ng masa.


Tinanong din namin kung sa hanay ba ng mga sikat na rappers sa bansa ay may napipisil siyang puwede niyang maka-collaborate. Nagpakatotoo naman si Andrew na sa tema ng mga rap songs ay mahirap nang makahanap ng makaka-collaborate niya, pero sa ngayon ay may collaboration siya sa anak na si Andrew Fordy, o mas kilala bilang si ‘4D’, sa kanta nilang Interstellar.


Samantala, present din sa birthday salubong-cum Pasta launch ang nababalitang magkarelasyon na sina Sam Versoza at Faith da Silva. Ngayon lang daw nakilala ni Andrew si Faith na si Sam mismo ang nag-introduce sa kanya, pero wala raw siyang alam kung anuman ang relasyon ng dalawa.


Naging magkaibigan daw sina Andrew at Sam bago pa nag-pandemic, kung saan nagsimula na siyang maimbitahan sa mga events ng Frontrow. Dito ay nalaman niya na fan pala ng mga rap songs niya si Sam at ang paborito nito ay ang kanta niyang Andrew Ford Medina.





Co-parenting daw ang setup…

DIEGO, UMAMING NAGTATABI PA RIN SILA SA KAMA NG MADIR NG ANAK KAHIT HIWALAY NA



Pumayat man dahil hindi nakapag-gym sanhi ng injury nang rumampa sa katatapos na Maddox Jewelry Iconic Runway Fashion Show, kita at ramdam kay Diego Loyzaga na masaya ito and at peace dahil na rin sa tatlong taong gulang na anak na si Hailey sa model-yoga teacher at ex-partner na si Alexis Suapengco.


Nauwi man sa hiwalayan ang ilang taon nilang relasyon ay maayos ang kanilang co-parenting agreement kung saan nakikita ang kanilang pamilya sa mga public events at family trips.


Nang tanungin namin kung iniwasan na ba niya ang paglabas-labas mula nang maging ama siya, sabi ni Diego, kasinungalingan kung sasabihin niyang hindi na siya lumalabas at nagsasaya paminsan-minsan. Pero ngayon ay mayroon na siyang anak na nasa top priority niya at laging una niyang isinasaalang-alang.


Ayon nga sa aktor, hindi na niya matatawag na baby pa rin ang anak dahil tatlong taon na ito noong nakaraang Mayo. Bawat linggo ay panibagong yugto raw sa kanya dahil ang galing nang sumagot ni Hailey at magmanipula kapag may gusto itong makuha.

Tough love nga ang ibinibigay niya kay Hailey dahil may mga pagkakataong nag-aalburoto raw ito. Masakit man kay Diego ay kailangan niyang tiisin minsan ang anak kahit umiiyak ito.


Paglalarawan nga ni Diego, ang anak ang nagsisilbing angkla niya sa ngayon kung saan hindi siya puwedeng umalis ng bansa o pumunta kung saan-saan dahil mayroon na siyang responsibilidad bilang ama.


Maaaring kakatwa para sa iba ang co-parenting nila ng ex-partner dahil natutulog pa rin sila sa iisang kuwarto kasama ang bata, pero ang mahalaga ay maayos ang sitwasyon nila sa ngayon at gumagana sa kanila ang ganitong setup.


Proud ding nagkuwento sa amin ang aktor na lilipat na siya sa bago niyang bahay na naipatayo niya pagkatapos ng 15 taon sa industriya. 


Mapapanood din ito sa kanyang social media accounts dahil marami siyang partners at sponsors sa pagpapatayo nito.


Sa ngayon ay single si Diego. Inamin naman ng aktor na parehong bad breakup ang naging hiwalayan nila ng mga ex-girlfriends na sina Sofia Andres at Barbie Imperial. 

Hindi pa raw niya nakakausap si Barbie, pero may komunikasyon naman sila ni Sofia.


Ayon kay Diego, sana ay naayos niya ang relasyon niya kay Sofia noon pa, samantalang sa kanila naman ni Barbie ay pareho silang may mga nasabing hindi maganda sa isa’t isa sa publiko dahil bata pa kasi sila noon.


Masaya naman si Diego na alam niyang masaya na ang mga dati niyang kasintahan sa bago nilang karelasyon, kung saan may anak na si Sofia sa live-in partner na si Daniel Miranda at si Barbie naman ay kay Richard Gutierrez.


Huling napanood sa seryeng Totoy Bato (TB) ng TV5, ngayon nga ay masaya si Diego sa ilang raket na ginagawa niya gaya ng sa Maddox Jewelry, kung saan isa siya sa mga celebrity guests sa ginanap na fashion show nu’ng Huwebes sa EDSA Shangri-La Hotel.

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 3, 2026



BULGARY - NADIA, NEVER NANG BABALIK SA SENADO-FB Nadia Montenegro

Photo: FB Nadia Montenegro



“Magpahinga at mag-enjoy sa life n’ya,” ito ang sagot ni Nadia Montenegro nang matanong sa reaksiyon niya sa muling pagtakbo ni Sen. Robin Padilla sa susunod na eleksiyon.


Nilinaw ni Nadia na hindi na nababahala ang aktor-pulitiko sa patuloy na pambabatikos sa kanya sa social media dahil sanay na siyang maging sentro ng mga kontrobersiya online.


Sa kabila ng kanilang pagkakasundo kamakailan sa isang premiere ng pelikula, mariing ipinahayag ng aktres na wala siyang balak na bumalik sa trabaho sa Senado. 


Pinatunayan ng beteranang aktres na ang tunay na suporta ay higit pa sa mga propesyonal na titulo at ambisyong pampulitika.


Nang direktang tanungin kung sa tingin niya ay kayang tumakbo ng senador para maging pangulo sa 2028, mahinahon siyang sumagot na, “Masunod ang kalooban Mo. Diyos lamang ang nakakaalam.”


Pero nang tanungin pa kung gusto ba talaga nitong tumakbo, talagang lumitaw ang pagiging defender ni Nadia bilang kaibigan.

“Ang tanong, gusto ba n’ya?” aniya. 


Hinggil naman sa mga kritisismong natatanggap ng senador, sey niya, “Naku! Manhid na ‘yun sa ganu’n, sanay na sanay na ‘yun. Nu’ng time pa lang na nasa office ako ni Sen. Robin, ‘ika nga, eh, konting kibot lang, trending na.”


Lagi naman daw siyang nasa likod ng senador kapag sobra na ang bashing na natatanggap nito.


Sey ni Nadia, “Anything na makakatulong ako or anything he will need sa akin, personal o hindi, nariyan ako para sa kanya.”


Nang tanungin siya kung babalik na ba siya sa Senado, sagot niya, “‘Di ako babalik sa opisina. Kasi wala pa akong ginagawa, ganu’n na ako (nagbisyo sa loob ng Senado). Ayoko





Ang daming humanga kay Bea Alonzo nang ipaglaban ang kanyang pag-ibig o kaligayahan sa kabila ng maraming akusasyon ng hindi matuluy-tuloy na kasal nila ni Vincent Co.


Never siyang nagsalita kung bakit at kung ano ang nangyari. Tahimik lang ang aktres, pero pagkalipas lang ng ilang buwan, may pasabog pala siya.


Naging inspirasyon ng mga kababaihan si Bea dahil sa consequences na kanyang hinarap.


May nag-post nga na, “What I learned from this woman: She made herself high-value by ‘working hard’. She didn’t settle for less even though people were mocking her after she broke her engagement with Dominic Roque. You attract who you are. A billionaire who attracts her fellow billionaire.


“Never get pressured by the society’s timeline and standard. You can also be a diamond that’s been heated & pressured, and eventually gets precious. You do you!”

Sey pa ng mga netizens…


“A woman of her status and net worth? Kahit mga anak lang, puwede na, eh. Frozen eggs, artificial insemination, baby carriers, kahit 8 agad, eh. Societal pressure is nothing for her.”

“She can be compared to a diamond. Tough and beautiful.”


“My favorite Filipina actress. She becomes a different person depending on her role. Always in character.”


“Good luck. It is not all about money forever.”


“Ang gusto ko sa kanya, bumili s’ya ng farm, tapos sa nanay n’ya ibinigay at ipinagkatiwala. Grabe ‘yun, sana magawa ko rin sa nanay ko.”


“‘Di ba nga, may kasabihan na, ‘Love conquers all?!’”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page