top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Mercy Lejarde @Talkies | August 7, 2026



TALKIES - MGA ANAK NI MELAI, NAWALAN NG GANA DAHIL SA VIDEO NILA NI DONNY-IG _mrandmrsfrancisco & IG _donny

Photo: IG _mrandmrsfrancisco & IG _donny



Good vibes ang hatid ng ibinahaging video ng komedyante-TV host na si Melai Cantiveros sa kanyang social media.


Sa naturang video, makikitang nasa kuwarto ang kanyang mga anak na sina Mela at Stela kasama ang ilang bata habang pinapanood sa telebisyon ang isang eksena mula sa espesyal na pagtatanghal ng ASAP sa Australia, kung saan nakasama ni Melai si Donny Pangilinan sa isang parody ng Meteor Garden (MG) serye.


Sa caption ng kanyang post, pabirong ani ni Melai, “Mela and Stela reaction for If-4/Sanchai ‘Meteor Garden’ deleted scene in #ASAPXPAustralia. Si Donny pa ang kawawa? Paano ako? Ako ang binalibag at pinagpasa-pasahan? Sorry, Mela and Stela, si Mama ang nagwagi kay Donny Pangilinan.”


Dagdag pa niya, “‘Yung mga anak mong number one basher mo.”

Aliw na aliw ang mga netizens sa naging reaksiyon nina Mela at Stela habang pinapanood ang eksena ng kanilang ina.


Habang nagtatakip ng unan sa mukha, bulalas ni Mela, “Oh, my gosh, Mama!”

Samantala, hindi naman napigilan ni Stela ang matawa habang paulit-ulit na sinasabing, “Yak! Yak! Yak!”


Biro naman ni Melai, “Mama, ‘di man ‘yan si Sanchai, si Annabelle man ‘yan.”

Ang tinutukoy niyang ‘Annabelle’ ay ang kilalang haunted doll na naging inspirasyon sa horror film na The Conjuring (TC).


Hindi pa rito natapos ang pang-aasar ng magkapatid.

Tanong ni Stela sa kanyang mother dearest, “Paano ka kinaya ni Donny?”

Sagot naman ni Melai, “Akala ko kikiligin kayo, nandiri pa kayo.”


Diretsahang hirit ni Stela, “‘Di bagay.”

“Kawawa naman si Donny,” dagdag pa ni Mela.


Maya-maya, sinabi pa niya, “Mama, wala na kaming ganang kumain dahil sa video.”

Depensa naman ni Melai sa sarili, “Sa kanya pa kayo naaawa? Sa akin kayo maawa. Ako ang kawawa ru’n.”


Marami sa mga netizens ang natawa sa video at sinabing natural na natural ang pagiging ‘number one basher’ nina Mela at Stela sa kanilang ina, dahilan upang lalo pang umani ng good vibes ang naturang post ni Melai.





SUPER-PROUD ang aktres na si Yasmien Kurdi sa kanyang panganay na anak na si Ayesha matapos nitong makamit ang First Honors at Exemplary Conduct sa paaralan.


Sa isang emosyonal na post, ibinahagi ni Yasmien ang pinagdaanan ng kanilang pamilya noong Disyembre 2024.


Aniya, “December 2024 was one of the hardest seasons for us as a family. As your mom, all I wanted was to take away your pain. Kung puwede lang sana akong sumalo ng lahat ng sakit mo, ginawa ko na. Every night, I prayed that God would heal your heart, restore your confidence, and remind you that you are loved, valued, and capable of so much more than you could see at that moment.”


Dagdag pa niya, “Today, those prayers have been answered in the most beautiful way.

“Seeing you receive First Honors and Exemplary Conduct isn’t just about awards or certificates. Para sa akin, these represent so much more. They tell the story of your courage, resilience, determination, and God’s faithfulness in carrying you through one of the most difficult chapters of your life.


“More than the awards, what fills my heart with the greatest joy is seeing you smile again, believe in yourself again, and genuinely look forward to going to school every day. For me, that’s the biggest victory of all.


“We celebrated this milestone with a simple family dinner, good food, laughter, stories, and grateful hearts. It was the way to celebrate not just your achievements but the beautiful journey that brought you here.


“Your Papa and I couldn’t be prouder. Thank you for never giving up, for choosing kindness even after everything you’ve been through, for staying humble, and for always giving your best. Keep chasing your dreams, keep your faith in God, and always remember that wherever life takes you, we’ll always be right here, cheering you on every step of the way.


“We love you more than words could ever express. Congratulations, Ms. Class President. #TGBTG.”


Isang malaking congratulations sa ‘yo, Ayesha!

‘Yun lang, and I thank you.


 
 

ni Sarah Munoz (OJT) @Special Article | August 7, 2026



SPECIAL ARTICLE - SASSA GURL, NA-BASH SA HIRIT NA 'WALANG PLASTIKAN', TODO-SORRY-IG _itssassgurl

Photo: IG _itssassgurl



Matapos umani ng iba't ibang reaksiyon ang kanyang biro tungkol sa Kapuso Network sa nakaraang Regal Entertainment’s Saving Cherry mediacon, humingi ng paumanhin ang content creator at comedian na si Sassa Gurl. 


Nag-ugat ang isyu sa mediacon ng Saving Cherry nang after sabihin ni AC Bonifacio na masaya siyang makasama for the first time ang mga Kapuso stars na sina Barbie Forteza, Mikee Quintos at Mika Salamanca, humirit si Sassa Gurl ng “Naloka ka sa mga Kapuso, ‘no? Walang plastikan, ‘no?” 


Dahil dito, nakatanggap siya ng sangkatutak na pamba-bash mula sa mga netizens.


Sa kanyang pahayag, nilinaw ni Sassa na wala siyang intensiyong makasakit o makainsulto sa GMA Network at sa mga Kapuso artists. Aniya, biro lamang ang kanyang sinabi at hindi niya inaasahang magkakaroon ito ng negatibong interpretasyon.


Dahil dito, agad na naglabas ng public apology si Sassa at inaming hindi naging maganda ang naging dating ng kanyang biro.


Iginiit din niya na malaki ang respeto niya sa GMA Network at sa mga artistang bahagi nito. Wala rin umano siyang hangaring lumikha ng alitan sa pagitan ng mga Kapuso at Kapamilya supporters.


Matapos ang kanyang paghingi ng paumanhin, hati ang naging reaksiyon ng mga netizens. May mga nagsabing tama lamang ang kanyang ginawa upang linawin ang isyu, habang may ilan ding nanindigang wala namang masamang intensiyon ang comedian at bahagi lamang ito ng kanyang estilo ng pagpapatawa.


Sa kabila ng kontrobersiya, imaasa si Sassa na magsisilbing aral ang pangyayari at muling maibabalik ang atensiyon ng publiko sa kanyang trabaho bilang content creator at performer.





Dalawampung taon matapos isantabi ang kanyang pag-aaral para sa kanyang showbiz career at personal life, sa wakas ay naka-graduate na ng kolehiyo ang aktres-komedyanang si Cai Cortez!


Ibinahagi ni Cai sa social media ang ilang larawan mula sa kanyang graduation rites habang suot ang toga at hawak ang diploma. 


Kasabay nito, ipinahayag niya ang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanyang mahabang paglalakbay bilang estudyante.


Ayon sa aktres, hindi naging madali ang pagsabayin ang pagiging artista, asawa, ina at estudyante, ngunit pinatunayan niyang walang imposible kung may tiyaga at determinasyon.


Umabot ng halos dalawang dekada bago niya tuluyang nakamit ang kanyang diploma, ngunit para kay Cai, naging sulit ang lahat ng sakripisyo at paghihintay.


Marami namang kapwa artista at netizens ang bumati kay Cai matapos niyang ibahagi ang magandang balita. Pinuri rin siya ng kanyang mga tagasuporta dahil nagsilbi siyang inspirasyon sa mga taong nangangarap pa ring makapagtapos ng pag-aaral anuman ang kanilang edad o sitwasyon sa buhay.


Hindi si Cai ang unang celebrity na bumalik sa pag-aaral upang tapusin ang kolehiyo. Nitong mga nakaraang buwan, ilang kilalang personalidad din ang nagtapos ng college degree tulad nina Epy Quizon, Geneva Cruz, Wilbert Tolentino atbp., patunay na hindi hadlang ang edad o trabaho sa pag-abot ng pangarap.


Sa kanyang mensahe, ipinakita ni Cai na ang pagtatapos ay hindi lamang tungkol sa diploma kundi sa pagtupad sa isang matagal nang pangarap. 

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 7, 2026



SHOWBIZ SPECIAL - KORINA MAR, AYAW NANG TUMAKBONG PANGULO-IG _korina

Photo: IG _korina



Game na game na nakipagtsikahan ang Face-to-Face at Rated Korina host na si Korina Sanchez kahapon sa media people sa ginanap na TV5’s 2026 Midyear Media & Trade Celebration.


Masayang ibinalita ni Ateng Korina na very happy siya sa pagre-reformat ng Face-to-Face dahil kung dati, puro awayan, sigawan at talakan ang ganap sa show kung saan siya ang nagsisilbing referee, mas magaan at positive vibes daw ang dala ng mga topics nila ngayon kung saan minsan ay may ipini-feature silang mga genius kids, buhay ng mga celebrities at kung anik-anik pang trending topics na interesting din naman para sa mga manonood.


At siyempre raw, hindi niya magagawa ‘yan sa Face-to-Face kung wala ang dalawa niyang sidekicks na sina DJ Laila Chikadora at Cheena Crab a.k.a. Pera Godmother.

Sa edad ngayon ni Ateng Korina na hindi na rin naman na bumabata, siyempre nga naman, mas gusto niya ‘yung less stress at good vibes para hindi siya magka-wrinkles agad, ‘no? Hahaha!


Chika nga rin niya sa amin, sa kabila ng kaliwa’t kanang shows niya, sinisigurado niyang nakakatulog pa rin siya ng 8-10 hours a day, dahil malaking bagay daw ‘yun para sa kanyang younger looking aura at healthy body.


Samantala, natanong si Ateng Korina na bukod sa pagho-host, na-consider din ba niyang pumasok sa pulitika?


Pag-amin nito, “Actually, matagal na akong may plano, dati-dati pa. Napipigilan parati. Palagay ko, mapipigilan na naman ngayon.”


Dagdag pa nito, “Lahat sila, gusto akong tumakbo. Pero mahirap na, kailangan alamin muna natin ‘yung…” na hindi na naituloy ang sinasabi.


Nang tanungin naman namin kung si dating Sen. Mar Roxas ba ay wala nang balak tumakbo uli sa 2028, diretsong sagot niya, “Ayaw na niya, eh. I get it. Inaalok ngang maging talk show host, sabi ko, ‘Tumigil ka. Naging presidential candidate ka na. ‘Wag ka nang host-host pa ng programa d’yan.’”


Alam daw niyang may mga alok sa mister para maging cabinet secretary pero ayaw na raw ni ex-Sen. Mar. 


Gusto pa rin daw nitong mag-public service pero kailangan, right position. Ayaw daw nitong balikan ‘yung mga nagawa na niya.


Eh, kung pagka-pangulo sa 2028 national elections?

“As president? Wala na. Ayaw na niya ‘yan,” sagot sa amin ni Korina Sanchez-Roxas.





Happy na natuloy din… DIMPLES, ‘DI NAGTAMPO KAY BEA NA ‘DI INVITED SA KASAL



TAWANG-TAWA naman ang nagsilbing host ng TV5’s 2026 Midyear Media & Trade Celebration na si Dimples Romana, kasama ang anchor na si Andrei Felix, nang uriratin ng ilang press people tungkol sa naging secret civil wedding ng kaibigan niyang si Bea Alonzo kay Mr. Vincent Co ng Puregold.


Natatawang hirit ni Dimples, parang hihimatayin siya sa mga tanong ng press tungkol kina Bea at Vincent, pero very happy daw siya para sa dalawa na ine-enjoy muna ang wifey and hubby duties.


Hindi raw siya allowed na magsalita sa mga nagaganap sa relasyon ng dalawa kaya ingat na ingat si Dimples sa pamimiga ng press sa kanya.

Hindi ba siya nagtampo kay Bea na wala siya sa mga selected few sa ginanap na civil wedding?


Sagot ni Dimples, “Sa tagal naming magkaibigan, hindi uso sa matagal na magkakaibigan ang tampu-tampo.”


At dahil mag-best friend nga sila ni Bea, ayaw naman daw niyang pangunahan ito. Basta masaya siya sa kasiyahan ngayon ng kaibigan. 


Hindi rin naman daw niya kailangang bigyan ng payo si Bea dahil love lang daw bilang kaibigan ang nakikita ni Dimples na kailangan nito.


Samantala, thankful and grateful si Dimples dahil not just one but three ang shows niya na umeere sa Kapatid Network – ang morning show na Gud Morning Kapatid, ang seryeng Someone Someday na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at James Reid at may guest appearance rin siya sa news program na Frontline Pilipinas.


No wonder, ang rich-rich na ngayon ni Dimples Romana hindi lang sa friends kundi maging sa datung! Hahaha!





Girl, nagtago na lang kesa magsumbong…

ANAK NG INFLUENTIAL PERSONALITY, NAKABUNTIS NG SEXY STAR, GUSTONG IPALAGLAG NG MADIR



  • Da who, blind item


BLIND ITEM:

MALA-TELESERYE ang hatid naming blind item ngayon na may tatlong part, pero siyempre, unahin na natin ang Part 1.


Chika ng aming reliable source, nabuntis pala ng isa sa mga anak ng prominent at influential male personality ang hindi pa naman kasikatang sexy star na kung katawan lang ang basehan ay talagang vavavoom, pero kung face card ang pag-uusapan ay… sige na nga, sakto lang, hahaha! 


Ano ngang tawag ng mga millennial du’n? Hipon?! Parang ganu’n na nga!

Eto na, nang malaman ng misis ng influential male personality na nakabuntis ang anak ng hindi na nga kagandahan ay ‘mababang uri’ pa para sa kanyang pamantayan ay galit na galit ito. Siyempre nga naman, from alta-sosyedad sila at ang dami namang magaganda at sosyal na girlalu na puwedeng makarelasyon ng anak na guwapo na ay matalino pa, pero bakit pumatol sa chipipay na sexy star?


Of course, hindi nga naman matatanggap ni mudra na maging parte ng kanilang pamilya ang anak ng sexy star, kaya sa galit nito, ipinahanap niya ang girl at gustong ipalaglag ang kanyang magiging apo!

Owemgee, pero trulili!!! 


Ano’ng next ganap? Well, abangan sa Part 2 ng aming BLIND ITEM SERYE!

Wa’ na muna clue sa sexy star. Basta ang chika ng aming source, nagtago ito kesa magsumbong sa tatay ng kanyang magiging anak.

Boom!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page