top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 9, 2026



TEKA NGA - HEART, IPINAKITANG DINALAW NI SEN. CHIZ-FB Circulated

Photo: FB Circulated



Sa latest post ni Heart Evangelista ay ipinakita niyang nasa background si Sen. Chiz Escudero at sinabing may special guest na dumalaw sa kanya habang nagpapaayos siya para sa isang event.


Patunay lang ito na hindi totoo ang kumalat na blind item na hiwalay na sila kaya raw madalas na bumibiyahe si Heart sa Paris at New York.


Mula raw nang madawit si Sen. Chiz sa flood control scandal, hindi na nagpo-post si Heart ng larawan nila ng mister na magkasama. Doon nabuo ang espekulasyon na hiwalay na nga sila.


Kaya ang pagdalaw ni Sen. Chiz kay Heart ay patunay na solid pa rin ang kanilang pagsasama.


Samantala, may issue rin ang mga bashers tungkol sa jewelry creations ni Heart. Diumano, ang mga lumang alahas ni Heart ay inire-recycle lang niya upang mabenta.


Ganunpaman, marami ang nakakita sa post niya na namimili ng precious gems na siya niyang ginagamit sa pagbuo ng kanyang mga bagong jewelry creations.


Kakaiba ang style ng mga jewelry ni Heart kaya marami ang gustong bumili. Maging abroad ay marami rin ang may gusto nito.


Ginagamit din ni Heart ang kanyang mga alahas sa kanyang pagrampa sa Paris kaya agaw-pansin ang kanyang mga suot.





NAGSILBING challenge at inspirasyon kay Ruru Madrid ang pagkakamit niya ng award sa pelikulang Green Bones (GB) na isinali last year sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025.


Alam niyang malaki ang expectation sa kanya ng lahat sa mga susunod niyang projects na gagawin. Kaya naman nang siya ay mapili para sa isang entry sa Cinemalaya, ang Hands of God (HOG), pinaghandaan niya nang husto ang kanyang character.


Matagal na pinangarap ni Ruru ang makagawa ng pelikula para sa Cinemalaya. Wish granted nga na makuha siya sa movie. Dito ay gagampanan niya ang character ng isang sundalo, si Lt. Reyes.


Well, sa abot ng kanyang kakayahan ay ibinigay ni Ruru ang dapat asahan sa kanya. Kailangan niyang mag-level-up bilang isang aktor. Ayaw niyang biguin ang mga taong naniniwala sa kanya, kaya sineseryoso niya ang mga projects na kanyang tinatanggap.


Maging ang upcoming serye niya sa GMA-7, ang Hari ng Tondo (HNT) ay isang mabigat na project na malalim ang tema. Magkakatrabaho sila rito ni Dennis Trillo, na co-star niya sa GB.


Maganda ang tandem nina Ruru at Dennis. Nakakaya niyang makipagsabayan sa aktingan sa Drama King ng GMA Network.





IBANG klase ang karisma sa tao ni Andrew E.. Kahit ilang taon siyang nagpahinga sa music scene, kahit wala siyang regular na TV show at pelikula, malakas pa rin ang karisma niya sa masa.


Patuloy siyang dinudumog kahit saan siya magpunta.

Ngayon ay may bagong single si Andrew E., ang Pasta at ipino-promote niya ito kaya naging visible siyang muli at nakipag-bonding sa entertainment press.


Taglay pa rin ni Andrew Espiritu ang pang-masang appeal, kaya hanggang ngayon ay uso pa rin siya.


Paborito rin siya ng mga pulitiko, kaya mabenta siya sa bawat rally na kanyang pinupuntahan.


Gustung-gusto siya ng mga tao. Pati ang mga luma niyang kanta ay kabisado pa rin ng lahat, kaya sulit na sulit ang malaking talent fee (TF) na ibinibigay sa kanya.





NGAYON ang launching ng SINE. FILM. PELIKULA kaya inaasahan ang pagdalo ng malalaking showbiz celebrities.


Kasabay din nito ang book launching ng The 100 Greatest Movies of Philippine Cinema na gaganapin sa Cinema 3 ng Shangri-La Plaza.


Mahalaga para sa movie industry ang pagbibigay ng pansin sa mga pelikulang nagkamit ng awards at pagkilala.


Tampok dito ang mahuhusay na artistang nagbida sa malalaki at de-kalidad na pelikulang tampok ang magagaling na artista.


Magagaling na direktor din ang nasa likod ng mga pelikulang kasama.

Tiyak na kasama rito ang mga pelikula nina Nora Aunor, Vilma Santos, Gina Alajar, Amy Austria, Hilda Koronel, Christopher de Leon, Phillip Salvador, atbp..


 
 

ni Mercy Lejarde @Talkies | August 10, 2026



TALKIES - VICE, ‘DI AKO SUSPENDED, NAGBAKASYON LANG AKO-IG _praybeytbenjamin

Photo: IG _praybeytbenjamin



Nilinaw ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na nagbabakasyon lamang siya sa Vietnam at hindi siya sinuspinde sa trabaho, taliwas sa kumalat na balita online.


Sa latest episode ng It’s Showtime (IS) sa segment na Laro Laro Pick, napag-usapan ni Vice at ng contestant ang kahalagahan ng pagiging positibo at ang mga bagay na patuloy nitong inaabangan sa araw-araw.


Ayon kay Vice, kahit ano pa man ang mangyari—masaya man, malungkot, stressful, o puno ng pagsubok—patuloy pa rin siyang nae-excite na pumasok sa IS.


“Every day, dapat excited tayo, ‘no? Ang ganda ng inspirasyon na ibinigay mo sa amin ngayon. Ako, everyday, whatever happens—minsan matamis, minsan maalat, minsan mapait, stressful, minsan, masaya—but every day, for 16 years, I’ll still look forward to going to Showtime. Every day, kahit ano’ng ganap, gusto ko pa ring pumasok,” pahayag ni Vice.


Dito na rin nilinaw ng komedyante ang kumalat na balitang sinuspinde umano siya sa IS.

Ayon kay Vice, matagal nang nakaplano ang kanyang pagpunta sa Vietnam at isa lamang itong bakasyon.


“Kaya nu’ng nasa bakasyon ako, gusto ko nang pumasok. Pero bakasyon po ‘yun, ah, ‘di suspension. Echosera ‘tong mga fake news na ‘to,” biro ni Vice.


Ikinuwento rin ni Vice na maging ang kanyang ina ay nagtanong kung totoong sinuspinde siya matapos makita ang mga kumakalat na balita.


“Nanay ko, tumawag, ‘Suspended ka ba?’ Hindi. ‘Ba’t ka nasa Vietnam?’ Nakabakasyon talaga ako ngayon,” kuwento niya.

‘Yun na!





NAGBAHAGI ang aktres na si Rochelle Pangilinan ng isang emosyonal na mensahe sa kanyang social media para sa ika-9 na anibersaryo ng kanilang pagsasama ng kanyang asawang si Arthur Solinap.


Sa kanyang post, tinawag ni Rochelle si Art na kanyang ‘legit na PAPA-PAPA’ at pinasalamatan ito sa patuloy na pag-aalaga at suporta sa kanya at sa kanilang anak na si Shiloh.


Aniya, “My legit na PAPA-PAPA! Happy 9th Anniversary, Bhe! 9 years na agad?! Parang kailan lang, ah!


“Thank you for everything, Bhe. Kahit madalas wala ako sa bahay dahil sa trabaho, alam kong ikaw ang super PAPA-PAPA na laging nand’yan para sa akin at kay Shiloh.

“Salamat sa pag-intindi, pag-aalaga, at pagiging solid mo sa amin.


“Makakatakas din tayo para sa date natin... pero October na, ha! Kapit lang, Bhe, Hahaha!

“Love you always!”


Samantala, hindi rin nagpahuli si Arthur sa pagbabahagi ng kanyang mensahe para kay Rochelle bilang pagdiriwang sa kanilang ika-9 na anibersaryo.


Sa kanyang social media post, sinabi ni Arthur na siyam na taon na silang magkasama at patuloy pa rin nilang pinipiling manatili sa isa’t isa sa kabila ng mga pagsubok at pagkakataong magkahiwalay sila dahil sa trabaho.

Ani Arthur, “Happy Anniversary, Bhe!


“9 beautiful, colorful, and minsan crazy years with you. And here we are, still choosing each other every single day.


“Nand’yan ka man ngayon sa UAE (United Arab Emirates) at gumagawa na naman ng history and doing what you love. ‘Di man tayo magkasama ngayon, itong alis mo yata ang pinakamabigat sa akin.


“Naalala ko, nakatingin ako sa ‘yo sa dressing room habang nag-aayos ka at naghahanda para sa flight mo. Pagpasok ko sa room, bigla akong naging emotional.


“Ayoko man sanang umalis ka ulit, but I’ll support your dreams. Kahit saan ka pa dalhin ng dreams mo, nandito lang ako, cheering for you and supporting you all the way.


“Mag-celebrate na lang tayo pagbalik mo. For now, sige lang, go make another beautiful memory and another piece of history.

“Miss na kita agad. I love you forever.”


Happy 9th Anniversary, Art and Rochelle! Wishing you both many more years of love, happiness, and beautiful memories together.

‘Yun lang, and I thank you.


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 10, 2026



SPECIAL - KIM, TAMEME SA KASAL DAW NILA NI PAULO SA US-IG _chinitaprincess

Photo: IG _chinitaprincess



Kahit diretsahan nang sinagot ni Kim Chiu ang kumalat na haka-hakang buntis siya dahil sa napansing laki ng tiyan at puson niya sa ilang events – na aniya ay sa damit lang daw niyang suot ‘yun – ayaw pa ring maniwala ng ilang netizens na nakapuna sa pagge-gain ngayon ng timbang ng It’s Showtime host.


Iniintriga rin nila ang kakaibang aura ni Kim at hindi raw sapat na dahilan ‘yung pagwo-workout nito para isiping hindi siya buntis dahil kahit naman daw buntis na ay puwede pa ring magbuhat tulad ng ginawa noon nina Iya Villania at Iza Calzado.


May mga netizens din ang nag-comment na bakit ang espekulasyon lang sa pagbubuntis ang sinagot ni Kim, pero hindi naman nito idinenay na boyfriend si Paulo Avelino, maging ang napabalitang ikinasal na sila sa USA.


“Pa’no naman ako maniniwalang hindi buntis si Kim? Kung ‘di siya buntis courtesy of Paulo Avelino, dapat ang sagot niya, ‘Paano naman ako mabubuntis kung wala naman akong boyfriend?’ Oh, ‘di ba?” chika pa ng isang showbiz insider na nakausap namin.

May tama siya!!! 


Sey mo d’yan, Kim Chiu?





Anak nina Dudut at Mikee, anti-dynasty…

ROBBIE: AYOKONG SUMALI SA KULTURA NG MAGNANAKAW



  • Robbie Jaworski - IG
    Robbie Jaworski - IG


BUKOD sa showbiz, nasa sports at politics din ang pamilya ng Star Magic artist na si Robbie Jaworski.


Equestrian ang kanyang inang si Mikee Cojuangco at dati namang PBA player-coach ang ama niyang si Robert “Dodot” Jaworski, Jr. na ngayon ay vice-mayor ni Mayor Vico Sotto sa Pasig.


Pero ayon kay Robbie, mas nae-enjoy niya ngayon ang showbiz mula nang maging bahagi siya ng Star Magic. 


Sa ginanap na Spotlight mediacon recently, ani Robbie, gusto niyang makagawa ng makabuluhang pagbabago sa pamamagitan ng entertainment at ibinahagi rin niya ang kanyang career journey, adbokasiya, at mga nalalapit na proyekto.


Aniya, bagama’t malaking bahagi ng kasaysayan ng kanilang pamilya ang pulitika, natagpuan niya ang sariling layunin sa pamamagitan ng pag-arte, pagho-host, at mga proyektong naghihikayat ng makabuluhang diskusyon para sa kabataang Pilipino.


"Gusto kong maging isang halimbawa na hindi mo kailangang pumasok ng pulitika para gumawa ng difference sa Pilipinas," ani Robbie.


Advocate rin daw siya ng anti-dynasty kaya hanggang nasa posisyon ang kanyang ama, hinding-hindi siya papasok sa pulitika.


“May usapan kami (ng daddy ko) na anti-dynasty kami. So, habang nasa politics siya, hindi talaga ako papasok.”


Dagdag pa nito, “And maliban du’n, ako, kahit alam ko na may talino ako sa sistema o pangyayari sa pulitika, wala akong balak pumasok ng pulitika kasi alam ko na ‘yung kilos sa pulitika. Kung wala kang sariling kaya, matututo ka talagang magnakaw. At ayokong sumama sa kultura ng magnanakaw. Gusto kong sumali sa kultura ng nag-aambag sa solusyon at pag-unlad ng bansa natin.”


No wonder na swak talaga si Robbie bilang isa sa mga hosts ng Y-Speak 2.0, isang youth-oriented program na tumatalakay sa mga isyu tungkol sa pulitika, kultura, ekonomiya at media literacy habang hinihikayat ang mga manonood na maging mapanuri bago bumuo ng sariling pananaw.


"Ang tema ng Y-Speak 2.0 is to listen, discern, and act. So, huwag lang tayo basta-basta makinig at maniwala sa mga napapanood at nakikita natin sa social media," dagdag ni Robbie.


Sinabi rin niya na nais pa niyang palawakin ang kanyang karanasan sa pag-arte matapos ang ilan sa kanyang mga proyekto tulad ng The Alibi, Meet, Greet, Bye, at sa Prime Video series na The Loyalty Game.


"Sa tingin ko, gutom na gutom ako in terms of acting projects na I just want to experience more. Ang pangarap ko in terms of acting is gusto ko sumali sa mga action."


Pangarap din niyang makagawa ng action projects at balak niyang magsanay sa martial arts bilang paghahanda sa mga ganitong papel.


Ilan sa mga beteranong personalidad sa industriya na naging malaking impluwensiya sa kanya bilang artista ay sina John Arcilla, Paulo Avelino, Sam Milby, Jojo Saguin, Onat Diaz, Cathy Garcia-Sampana, at May Cruz-Alviar. 


Ayon kay Robbie, malaki ang naitulong ng kanilang gabay upang mas maunawaan niya ang sining ng pag-arte.


Excited ang batang host at aktor na maging bahagi ng Star Magic All-Star Games ngayong taon kung saan naging host siya noong isang taon. Isa siya sa magiging pambatong players ng Team Star Magic. 





ISA si Gerald Santos sa mga celebrities na dumalo sa ginanap na special advance screening ng Chinese box office hit movie na Dear You (A Love Letter to Grandma) last August 5 sa IMAX Theater sa SM Mall of Asia.


Sinalubong si Gerald sa lobby ng mga officers ng Federation Of Filipino Chinese Chambers Of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) sa pangunguna ng president nitong si Mr. Victor Lim, kasama ang mga board members na sina Mr. Eddie Cobankiat at Wilson Flores ng Kamuning Bakery.


Nakausap namin si Gerald after ng screening at aniya, sobra siyang naka-relate at na-appreciate niya nang husto ang story ng Dear You, na showing on August 12 sa mga sinehan. Isa itong family drama kung saan kinailangang mag-abroad ng ama ng tahanan para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.


Minsan na rin kasing naging OFW si Gerald nang matagal siyang manatili abroad at naging bahagi ng Miss Saigon musical stage play.


Naka-relate siya sa malaking sacrifice na naranasan ng bidang aktor sa Dear You kaya napaluha pa raw siya sa ilang eksena ng movie.


Samantala, malaki ang ipinayat ngayon ni Gerald at aniya, para ‘yun sa kanyang bagong pelikulang Liwanag at Dilim na sana raw ay makapasok sa MMFF 2026.

Tungkol ito sa biopic ni Emilio Jacinto na ang direktor ay ang manager niyang si Rommel Ramilo.


Napanood na namin ang trailer ng pelikula at malalaking artista pala ang sumuporta rito kay Gerald tulad nina Alden Richards, Aljur Abrenica at Angel Aquino.

Well, sana nga ay mapili ito for MMFF 2026 dahil tiyak na tatatak kay Gerald ang role niya rito bilang si Emilio Jacinto.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page