top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Mercy Lejarde @Talkies | August 11, 2026



TALKIES - HEART, DIAMOND RING NA BIGAY NG EX, IDINONEYT NI HEART SA CHARITY-IG _iamhearte

Photo: IG _iamhearte



Ibinahagi ni Heart Evangelista ang kanyang pananaw tungkol sa pagseselos at pagiging independent sa isang relasyon.


Sa last episode ng The People Have Spoken (TPHS) sa GMA-7 last Saturday, tinanong si Heart kung ano ang mas pipiliin niya sa isang asawa — sobrang seloso o taong walang pakialam sa kanya.


Sagot ni Heart, “Agree ako ru’n sa walang pakialam, kasi ‘di productive ‘yung seloso. Parang, in a way, competition din ‘yun. Kung seloso, it can be with a person, it can be with your career.


“Mas gusto ko nang walang pakialam para maabot ko rin ‘yung pangarap ko. Ikaw din, gawin mo ‘yung kailangan mong gawin. That’s independence, guys.”


Samantala, isa rin sa mga itinanong kay Heart ay kung ano ang gagawin niya sa mga regalong ibinigay ng isang dating dyowa na nagtaksil sa kanya at hindi naging maayos ang kanilang paghihiwalay.


Inamin ni Heart na personal para sa kanya ang tanong, bago niya ibinahagi ang isang karanasan tungkol sa isang dating nagbigay sa kanya ng heart diamond ring.

Sagot ni Heart, “Una, ano’ng ginagawa ko? Masyadong personal, pero ibibigay ko. Show naman natin ‘to.


“Merong nag-propose sa akin dati. ‘Di naman s’ya official na proposal, pero binigyan n’ya ako ng heart na diamond, na tatlong diamond na pinagsama-sama.

“Sobrang heartbroken ko, ipinamigay ko s’ya sa charity.”


Well, at least, may napasaya at natulungan ang heart diamond ring ni Heart, ‘di ba naman, madlang people?





10 taon nag-aral ng Interior Design… 

NIKKI, PROUD NA NAKA-GRADUATE SA SECOND DEGREE BAGO NAG-EDAD 40



BINAHAGI ng aktres na si Nikki Gil ang mga larawan kasama ang kanyang asawa at dalawang anak kasabay ng kanyang pagtatapos sa kolehiyo.


Nagtapos si Nikki ng Bachelor of Science in Interior Design sa SoFA Design Institute, kung saan nakatanggap siya ng Highest Distinction at Best Thesis Award.


Sa kanyang post, ibinahagi ni Nikki ang pinagdaanan niya sa loob ng sampung taon bago niya tuluyang nakamit ang kanyang degree.


Aniya, “10 years, two kids, one pandemic, countless deadlines, and a whole lot of ‘Lord, please see me through this,’ prayers later.





“I started this journey in 2016, never knowing just how much LIFE would happen along the way. I had days when I wondered if I would ever actually finish. But God is good! He knew every season, every delay, every prayer.


“And what a surprise to end this chapter with an award for Highest Distinction and another for Best Thesis.


“Let this be your reminder that it’s never too late to pursue your dreams. Take it from

Tita Nikki, who earned her second degree before turning 40!

“To God be the glory!”


Amen to that, Nikki! Isang malaking congratulations sa ‘yo!





Misis ni PBBM, sobrang touched…

FL LIZA, SINORPRESA NG CAKES  NINA KRIS AT MGA ANAK



ISANG maagang birthday surprise ang natanggap ni First Lady Liza Araneta-Marcos mula sa aktres-TV host na si Kris Aquino at sa mga anak nitong sina Josh at Bimby noong Linggo.


Ibinahagi ni Liza sa kanyang social media account ang kanyang pasasalamat kina Kris, Josh, at Bimby matapos siyang padalhan ng mga birthday cake.


“Thank you, Kris, Josh & Bimby for the lovely advanced birthday cakes! Such a thoughtful surprise that truly warmed my heart. Feeling very blessed,” saad ni Liza sa kanyang post.

Magdiriwang ng kanyang ika-67 kaarawan si First Lady Liza Araneta-Marcos sa Agosto 21, 2026.





PATOK sa mga netizens at music fans ang 2018 dance-pop single ni Kyle Echarri na Pangako, na kasalukuyang trending bilang dance challenge at lyric-video edit sa TikTok (TT) at ngayon ay pumasok na rin sa Hot 100 chart ng Billboard Philippines bilang No. 94.


“This song is almost 8 years old but thank you everyone who’s listening to it again,” post ni Kyle sa X (dating Twitter).


Masaya namang sumagot ang mga fans ni Kyle at pinuri ang timeless appeal ng kanta at hinikayat din ang singer-actor, na unang nakilala bilang contestant sa The Voice Kids Philippines Season 2 (TVKPS2), na maglabas muli ng album.


Mula ang Pangako sa komposisyon ni Gabriel Tagadtad, inareglo ni Theo Martel, at ipinrodyus ni StarPop label head Roque ‘Rox’ Santos. Naging bahagi ito ng self-titled album ni Kyle na inilabas din noong 2018. Una niyang inawit ito nang live sa 2018 MYX Music Awards sa Araneta Coliseum.

‘Yun lang, and I thank you.


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 11, 2026



SPECIAL - MARIEL, SWAK DAW KAY SEN. ROBIN DAHIL PAREHONG BOBO-IG _marieltpadilla

Photo: IG _marieltpadilla



Forty-second birthday kahapon, August 10, ng misis ni Sen. Robin Padilla na si Mariel Rodriguez-Padilla.


Pero bagama’t inulan ng pagbati si Mariel mula sa mga kapatid na Muslim ni Sen. Robin, hindi siya pinatawad ng mga bashers ng mister.


Nag-viral kasi ang dating video reels ni Mariel na lumabas nu’ng 2022 pa, kung saan ipinagmamalaki niya si Sen. Robin at ipinagtatanggol sa mga bashers nito na graduate ng Criminology ang asawa, at kahit daw nu’ng panahong nakakulong pa dahil sa illegal possession of firearms ay “nakapagpasa” na raw ng batas dahil sa mga naging karanasan nito sa loob ng Bilibid, kaya qualified daw na maging senador.


May mga netizens na nag-react sa sinabi ni Mariel at inakusahan itong “b*bo” tulad ng asawang senador.


Naglabas ng pahayag si Mariel bilang paglilinaw sa mga sinabi niya sa lumang video reels at simula ng caption ng post niya, “Common sense is most uncommon.”Ipinaliwanag niya rito na hindi naman niya literal na ibig sabihing si Robin ang nagpasa ng batas dahil talaga namang hindi pa ito senador that time. 


Ang ibig daw niyang sabihin, “His experience was being cited to show that even before becoming a senator, he had firsthand experience of how laws—and changes in laws—can directly affect a person’s life.” 


Gayunman, sa kabila ng paglilinaw ni Mariel, meron pa ring mga hindi nakaunawa sa kanya at kahit nga birthday niya, pinagsalitaan siya nang masasakit.

Ilan sa mga komentong nabasa namin sa isang entertainment page…


“Etong si Mariel, kulang ng iodized salt. Bagay na bagay sila ni Robin.”

“Kung ako sa 'yo, Mariel, mag-live selling ka na lang sa bagong mansion n’yo ni Binoe.”

“Hirap na hirap si Mariel ilusot. LoL. Pa-glutha drip ka na lang sa Senado ulit. Dali! LoL!”

“In short, diarrhea of the mouth. Fake info sinabi n’ya kaya walang sense. Ang hina ng comprehension n’ya kasi ang labo ng sinasabi n’ya sa video na ‘yun. No wonder talaga pumasa si Robin sa standards nito kasi kulang din sa sustansiya ang pag-iisip.”


Tsk! ‘Yan talaga ang hirap ‘pag nasa pulitika ang asawa, damay ang pamilya. Pero alam naman na ni Mariel ‘yan, kaya for sure, alam na rin niyang i-handle ang mga bashers ni Sen. Robin. 





Maysakit ang role, kinarir… 

GERALD, BIGLANG PAYAT DAHIL SA MOVIE



ISA si Gerald Santos sa mga celebrities na dumalo sa ginanap na special advance screening ng Chinese box office hit movie na Dear You (A Love Letter to Grandma) last August 5 sa IMAX Theater sa SM Mall of Asia.


Sinalubong si Gerald sa lobby ng mga officers ng Federation Of Filipino Chinese Chambers Of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) sa pangunguna ng president nitong si Mr. Victor Lim, kasama ang mga board members na sina Mr. Eddie Cobankiat at Wilson Flores ng Kamuning Bakery.


Nakausap namin si Gerald after ng screening at aniya, sobra siyang naka-relate at na-appreciate niya nang husto ang story ng Dear You, na showing on August 12 sa mga sinehan. Isa itong family drama kung saan kinailangang mag-abroad ng ama ng tahanan para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.


Minsan na rin kasing naging OFW si Gerald nang matagal siyang manatili abroad at naging bahagi ng Miss Saigon musical stage play.


Naka-relate siya sa malaking sacrifice na naranasan ng bidang aktor sa Dear You kaya napaluha pa raw siya sa ilang eksena ng movie.


Samantala, malaki ang ipinayat ngayon ni Gerald at aniya, para ‘yun sa kanyang bagong pelikulang Liwanag at Dilim na sana raw ay makapasok sa MMFF 2026.

Tungkol ito sa biopic ni Emilio Jacinto na ang direktor ay ang manager niyang si Rommel Ramilo.


Napanood na namin ang trailer ng pelikula at malalaking artista pala ang sumuporta rito kay Gerald tulad nina Alden Richards, Aljur Abrenica at Angel Aquino.


Well, sana nga ay mapili ito for MMFF 2026 dahil tiyak na tatatak kay Gerald ang role niya rito bilang si Emilio Jacinto.





Ipinagkakalat ng manager ng ibang artista… SIKAT NA YOUNG ACTRESS, MALANDI, MAHILIG SA LALAKI, TODO-PATOL KAHIT SA MAY-ASAWA



Blind Item


BLIND ITEM:


IMBIYERNA ang manager ng ilang sikat na artista sa sikat na young actress na magaling umarte at nagbibida sa serye.


Kuwento ng aming source, dinig na dinig niya kung paano i-bad mouth ng manager ang young actress nang may isang client na gustong kumuha rito para maging endorser ng kanilang produkto.


Dating nasa kuwadra ng manager ang young actress, na ngayon ay nasa pangangalaga na ng ibang talent manager.


At dahil ilang taon ding hinawakan ng manager ang young actress, alam na alam niya ang ugali nito.


Sabi ng source, sinabihan daw ng manager ang client na ‘wag kuning endorser ang magaling na young actress dahil hindi wholesome ang image nito. Malandi raw ang young actress at mahilig sa lalaki. Inisa-isa rin nito sa client ang mga nakarelasyon at naugnay sa young actress, na ‘yung isa ay may-edad nang pamilyadong guwapong aktor na naging tatay pa niya sa isang serye.


Hindi naman daw seryosong relasyon ang namagitan sa dalawa kundi tamang flirting at tikiman lang.


Naku, ‘pag nakarating ito sa bagong manager ng young actress, hindi kaya giyerahin ang dating mayhawak sa kanyang alaga?


Well, sabi nga, walang secret na ‘di nabubunyag.  

 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 11, 2026



SHEET - PAGLILIBOT NI AIKO SA MGA INULAN, IBINI-VIDEO NI ONEMIG-IG _aikomelendez

Photo: IG _aikomelendez



Paborito talagang gawan ng isyu si Konsehala Aiko Melendez ng 5th District of Quezon City ng kanyang mga kalaban sa pulitika dahil for the nth time ay sinabihang may troll account siya para roon ilagay ang mga puna niya sa mga kasamahan.


Sabi ni Konsi Aiko sa kanyang Facebook (FB) account kahapon nang tanghali, “Kung may gusto kayong patunayan, sa trabaho at serbisyo na lang sana. ‘Wag n’yo na akong idamay sa paggawa ng mga page na kayo-kayo rin naman ang naglalaban, tapos sa akin ipapasa at ipapalabas na ako ang nasa likod.


“‘Di ko kailangan ng page o trolls para sabihin ang gusto kong sabihin. Sarili kong account at sarili kong paninindigan lang ang ginagamit ko (pray emoji),” katwiran ng konsehala.

Ipinagdiinan pa ni Aiko, “Marami akong alam, pero pinipili kong manahimik. ‘Di lahat ng bagay, kailangang patulan o ipaliwanag.


“Gusto ko lang magtrabaho nang maayos at makatulong sa mga tao. Sayang ang oras sa gulo, mas mabuti pang gamitin natin sa serbisyo.

“Ingat sa ulan. God bless sa ating lahat.”


Namo-monitor namin ang galawan ng ilang public servants sa ilang araw ng pag-ulan sa Quezon City at isa si Konsi Aiko sa mga nakita naming naglilibot sa kanyang mga constituents para kumustahin ang lahat at magbigay ng mga kakailanganin sa ganitong panahon. 


Kung hindi kami nagkakamali ay kasama niya sa paglilibot ang boyfriend niyang si Onemig Bondoc bilang support sa pagtulong nito at higit sa lahat, ito rin ang nagbo-voice over para ilarawan ang laman ng video. 


Nabanggit pa ni Onemig na nilalagnat si Aiko sa araw na namamahagi siya ng tulong, pero mas inuna nito ang mga kabarangay.


Kailangang idokumento ng konsehala ang bawat kilos niya sa pagtulong para may resibo siya kapag ginawan siya ng mas matinding isyu ng mga bashers niya.





Kahit OA naman…

MARVIN, HAPI NA PINAGKAKAKITAAN PA RIN NILA NI JOLINA ANG LOVE TEAM NILA



NAKAKATUWA ang tambalang Marvin Agustin at Jolina Magdangal dahil napanatili nila ang kanilang magandang samahan kahit na siguro minsan ay umaabot na sa birong personal. Pero dahil idinaan nga sa biro ay walang sumeryoso.


Kasi naman itong si Marvin, laging binibiro si Jolina, tulad sa nakaraang Tara, Kapatid! Midyear Media and Trade Celebration ng TV5, nabanggit niyang mga anak nila ng ‘labtim’ niya ang dalawang batang nasa loob ng MVP Studio para panoorin ang mama nila. Kaya naman, agad-agad siyang sinaway ng aktres.


For sure, aware naman na ang mag-aama ni Jolina na palabiro ang labtim nito kaya hinahayaan na lang at saka para malaman din ng lahat na nananatiling malapit na magkaibigan ang dalawa at makakatulong ito sa kanilang upcoming TV series na Mommy Guard (MG) na mapapanood simula sa susunod na buwan, Setyembre.


Anyway, aktibo na ulit ang mga supporters ng MarJo love team dahil may mga nababasa kaming excited sila sa pagsasama ulit ng kanilang idolo. Kaya si Jolina ay labis na nagpasalamat sa lahat dahil nandiyan pa rin sila at pasalamat ding natupad ang isa pa niyang pangarap.


Nag-post si Jolina sa kanyang Instagram (IG) account nu’ng isang gabi.

Aniya, “Sa launch ng Mommy Guard sa Trade Event, mas tumindi ang pakiramdam ko na unti-unti nang natutupad ang proyektong matagal ko nang idinasal. Sa totoo lang, sobra akong overwhelmed at punong-puno ng saya.


“Napakarami nang taon ang lumipas, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ninyo ako iniwan, ganu’n din ang labtim kong si @marvinagustin. Ang sarap isipin na kahit kami ay nag-pursue na ng aming mga kanya-kanyang buhay ay nabibigyan pa rin kami ng pagkakataon na magsama at gumawa ng malalaking proyekto tulad nito.


“Habambuhay kong pahahalagahan ang pagmamahal at tiwalang ipinagkaloob ninyo sa amin. Patuloy akong magsisikap na mag-evolve kasama ang mga taong walang sawang naniwala at sumuporta sa amin sa pagdaan ng mga taon, habang buong-puso ring tinatanggap at pinapahalagahan ang mga bagong nakikiisa sa aming paglalakbay.


“Taos-puso akong nagpapasalamat sa buong TV5 Management at sa aking @starmagicphils Family sa napakalaking pagkakataong maibahagi muli sa mga manonood ang aking talento at maipakita kung sino na ako ngayon, bilang isang artista at bilang isang tao.


“Maaaring nostalgia ang naiisip ninyo palagi sa akin at sa aming dalawa pero wish ko na makapaghatid kami ng mas marami pang dahilan upang mas maging makulay ang pagsasama natin lahat.


“This is really it! #MommyGuard soon on @tv5manila Excited na ‘ko.”

In fairness, napangiti naman kami sa teaser ng MG kahit na OA pa rin ang MarJo, pero iyon kasi ang brand nila, eh, kaya hindi ‘yun mababago dahil doon sila sumikat at kumita sa lahat ng projects nila. Kaya hanggang ngayon ay marami pa ring may gusto sa kanila, na tulad nga ng sabi ni Marvin, malapit na silang mag-50-anyos ay pinagkakakitaan pa rin nila ang kanilang love team. Why not, ‘di ba?


Anyway, mapapanood na ang Mommy Guard sa TV5 sa Setyembre, mula sa direksiyon ni Roman Perez, Jr. at kasama rin sina Roxanne Guinoo, Dominic Ochoa, Cedric Juan at Susan Africa.


Ang iba pang ka-join sa serye ay sina Dominic Ochoa, Pearl Gonzales, Amo Wilding, Nathalie Apollo, Patrick Ballesteros, Celyn David, Geraldine (Ge) Villamil, Ankie (Angkir) Gray, Tabs Sumulong, GB Labrador, Inah Evans, Hershey Neri, Migo Manikan, Quin Carrillo at Ian Mark Kamangkang.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page