ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 11, 2026

Photo: IG _marieltpadilla
Forty-second birthday kahapon, August 10, ng misis ni Sen. Robin Padilla na si Mariel Rodriguez-Padilla.
Pero bagama’t inulan ng pagbati si Mariel mula sa mga kapatid na Muslim ni Sen. Robin, hindi siya pinatawad ng mga bashers ng mister.
Nag-viral kasi ang dating video reels ni Mariel na lumabas nu’ng 2022 pa, kung saan ipinagmamalaki niya si Sen. Robin at ipinagtatanggol sa mga bashers nito na graduate ng Criminology ang asawa, at kahit daw nu’ng panahong nakakulong pa dahil sa illegal possession of firearms ay “nakapagpasa” na raw ng batas dahil sa mga naging karanasan nito sa loob ng Bilibid, kaya qualified daw na maging senador.
May mga netizens na nag-react sa sinabi ni Mariel at inakusahan itong “b*bo” tulad ng asawang senador.
Naglabas ng pahayag si Mariel bilang paglilinaw sa mga sinabi niya sa lumang video reels at simula ng caption ng post niya, “Common sense is most uncommon.”Ipinaliwanag niya rito na hindi naman niya literal na ibig sabihing si Robin ang nagpasa ng batas dahil talaga namang hindi pa ito senador that time.
Ang ibig daw niyang sabihin, “His experience was being cited to show that even before becoming a senator, he had firsthand experience of how laws—and changes in laws—can directly affect a person’s life.”
Gayunman, sa kabila ng paglilinaw ni Mariel, meron pa ring mga hindi nakaunawa sa kanya at kahit nga birthday niya, pinagsalitaan siya nang masasakit.
Ilan sa mga komentong nabasa namin sa isang entertainment page…
“Etong si Mariel, kulang ng iodized salt. Bagay na bagay sila ni Robin.”
“Kung ako sa 'yo, Mariel, mag-live selling ka na lang sa bagong mansion n’yo ni Binoe.”
“Hirap na hirap si Mariel ilusot. LoL. Pa-glutha drip ka na lang sa Senado ulit. Dali! LoL!”
“In short, diarrhea of the mouth. Fake info sinabi n’ya kaya walang sense. Ang hina ng comprehension n’ya kasi ang labo ng sinasabi n’ya sa video na ‘yun. No wonder talaga pumasa si Robin sa standards nito kasi kulang din sa sustansiya ang pag-iisip.”
Tsk! ‘Yan talaga ang hirap ‘pag nasa pulitika ang asawa, damay ang pamilya. Pero alam naman na ni Mariel ‘yan, kaya for sure, alam na rin niyang i-handle ang mga bashers ni Sen. Robin.
Maysakit ang role, kinarir…
GERALD, BIGLANG PAYAT DAHIL SA MOVIE
ISA si Gerald Santos sa mga celebrities na dumalo sa ginanap na special advance screening ng Chinese box office hit movie na Dear You (A Love Letter to Grandma) last August 5 sa IMAX Theater sa SM Mall of Asia.
Sinalubong si Gerald sa lobby ng mga officers ng Federation Of Filipino Chinese Chambers Of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) sa pangunguna ng president nitong si Mr. Victor Lim, kasama ang mga board members na sina Mr. Eddie Cobankiat at Wilson Flores ng Kamuning Bakery.
Nakausap namin si Gerald after ng screening at aniya, sobra siyang naka-relate at na-appreciate niya nang husto ang story ng Dear You, na showing on August 12 sa mga sinehan. Isa itong family drama kung saan kinailangang mag-abroad ng ama ng tahanan para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
Minsan na rin kasing naging OFW si Gerald nang matagal siyang manatili abroad at naging bahagi ng Miss Saigon musical stage play.
Naka-relate siya sa malaking sacrifice na naranasan ng bidang aktor sa Dear You kaya napaluha pa raw siya sa ilang eksena ng movie.
Samantala, malaki ang ipinayat ngayon ni Gerald at aniya, para ‘yun sa kanyang bagong pelikulang Liwanag at Dilim na sana raw ay makapasok sa MMFF 2026.
Tungkol ito sa biopic ni Emilio Jacinto na ang direktor ay ang manager niyang si Rommel Ramilo.
Napanood na namin ang trailer ng pelikula at malalaking artista pala ang sumuporta rito kay Gerald tulad nina Alden Richards, Aljur Abrenica at Angel Aquino.
Well, sana nga ay mapili ito for MMFF 2026 dahil tiyak na tatatak kay Gerald ang role niya rito bilang si Emilio Jacinto.
Ipinagkakalat ng manager ng ibang artista… SIKAT NA YOUNG ACTRESS, MALANDI, MAHILIG SA LALAKI, TODO-PATOL KAHIT SA MAY-ASAWA

BLIND ITEM:
IMBIYERNA ang manager ng ilang sikat na artista sa sikat na young actress na magaling umarte at nagbibida sa serye.
Kuwento ng aming source, dinig na dinig niya kung paano i-bad mouth ng manager ang young actress nang may isang client na gustong kumuha rito para maging endorser ng kanilang produkto.
Dating nasa kuwadra ng manager ang young actress, na ngayon ay nasa pangangalaga na ng ibang talent manager.
At dahil ilang taon ding hinawakan ng manager ang young actress, alam na alam niya ang ugali nito.
Sabi ng source, sinabihan daw ng manager ang client na ‘wag kuning endorser ang magaling na young actress dahil hindi wholesome ang image nito. Malandi raw ang young actress at mahilig sa lalaki. Inisa-isa rin nito sa client ang mga nakarelasyon at naugnay sa young actress, na ‘yung isa ay may-edad nang pamilyadong guwapong aktor na naging tatay pa niya sa isang serye.
Hindi naman daw seryosong relasyon ang namagitan sa dalawa kundi tamang flirting at tikiman lang.
Naku, ‘pag nakarating ito sa bagong manager ng young actress, hindi kaya giyerahin ang dating mayhawak sa kanyang alaga?
Well, sabi nga, walang secret na ‘di nabubunyag.



