top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 13, 2026



SPECIAL - “VICE, QUEEN OF ALL NETWORKS” - MVP-IG _praybeytbenjamin

Photo: IG _praybeytbenjamin



“The Queen of All Networks!” 

Ito ang titulong ibinigay ni MVP Group Chairman Manny V. Pangilinan sa nag-iisang Unkabogable Star na si Vice Ganda kasabay ng pagpirma kahapon ng It's Showtime host ng kontrata para sa partnership nila ng MediaQuest Holdings, Inc..


Ginanap ang monumental alliance sa pagitan ng dalawang panig sa Lighthouse, Meralco Building sa Ortigas Avenue, Pasig City kung saan present din sina Slingshot Studios Head for Partnerships, People and Business Development Ranvel Rufino and MediaQuest Holdings President and CEO Victorico P. Vargas.


Bagama't kinilig, aminado si Vice na may kaakibat na responsibilidad ang naturang titulong ibinigay sa kanya.


Pero lubos siyang nagpapasalamat kay MVP sa malaking tiwalang ibinigay sa kanya para maging partner sa paghahatid ng mga kakaibang contents na hindi tulad ng mga ginagawa na niya sa ABS-CBN.


Pinuri rin ni MVP si Vice na may exceptional talent at “gift to Filipino people” dahil sa entertainment na dala nito sa marami.


Kaya naman, sa kanilang partnership, binigyan si Vice ng kalayaan na mag-isip ng mga concepts para sa mga shows at contents na kanyang gagawin na mapapanood sa TV5 at iba pang platforms ng Kapatid Network.


Kaya soon, hindi na lang sa ABS-CBN at GMA-7 (through It's Showtime) mapapanood si Meme Vice kundi maging sa TV5 nga.


Pag-amin ni Vice Ganda nang makapanayam ng entertainment press, matagal na ang naging alok sa kanyang partnership ni MVP.


Actually, mga 2 months after mawala ang kanilang It's Showtime sa TV5 noon, na napalitan nga dahil sa pagpasok ng kalaban nilang noontime show na Eat… Bulaga!, nagkaroon na raw ng offer si MVP.


Pero dahil siyempre, sumama raw ang loob niya noong mawala nga sila sa noontime slot ng TV5, natagalan bago niya tinanggap ang offer na mag-partner na nga sila.


Ang katwiran naman ni Vice ngayon, kailangan nilang magtulungan para sa ikabubuti ng TV industry, kaya napag-isip-isip niyang magandang opportunity ito, lalo na't recently ay may mga pinagdaanan din daw siya, at siyempre, gusto pa rin niyang i-challenge ang sarili at may patunayan.


Ayaw daw niyang maging kampante lang, gusto niyang ilabas pa ang kanyang ibang potential na makakatulong din sa industriya.


Sa ngayon ay hindi pa masabi ni Vice Ganda ang mga shows at contents na gagawin niya para sa TV5, pero tiniyak nga niyang kakaiba ito sa mga napapanood na sa kanya sa ABS-CBN.


Samantala, dahil nabanggit ni Vice na sumama ang loob niya sa TV5 noon, tinanong na rin namin siya kung sumama rin ba ang loob niya sa TVJ (Tito Sotto, Vic Sotto & Joey de Leon) dahil nga nawala ang It's Showtime at napalitan ng Eat…Bulaga! sa noontime slot.


Sagot ni Vice, “Wala akong sama ng loob sa TVJ, ha? Wala akong sama ng loob. Parang TVJ has nothing to do with it. Wala naman akong relationship o deal with them, eh. ‘Di naman kami nagkatrabaho together so hindi naman sila ‘yung nakasakit sa akin. Wala naman silang obligasyon sa akin and TVJ is just doing their job as well as entertainers.”

So, klaro, ha?!


No wonder, heto nga't magsasama sina Meme Vice at Bossing Vic sa MMFF entry na The Greatest Showdown na mapapanood na sa December 25 sa mga sinehan.


Kaya lang, mukhang malabong mangyari na makitang magpo-promote si Vice ng movie nila ni Bossing Vic sa Eat… Bulaga!, habang si Bossing naman ay lalabas sa It's Showtime dahil sabi nga ni Vice, kahit iconic sana ang moment na ‘yun, gusto niyang ibigay ang respeto sa mga TV networks dahil tapatan nga ang dalawang noontime shows.


Pero come to think of it, hindi ba't parehong makikinabang ang dalawang networks kapag nangyari ‘yan dahil for sure, aabangan ng madlang pipol at mga dabarkads ang pagkakataong ‘yan!


Well, malayo pa naman, so let's just keep our fingers crossed.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 13, 2026



BULGARY - HEART MAS OKS NA MAY TUNAY NA FRIEND NA, MAY DATUNG PA-IG _iamhearte

Photo: IG _iamhearte



Hindi pinanindigan ni Heart Evangelista na mas mahalaga ang pera kaysa kaibigan. Nilinaw niya na iba ang ibig niyang sabihin sa salitang ‘friends’.

Ipinaliwanag niya na noon daw ay marami siyang kakilalang mga taong tunay na malapit sa kanya.


Sinabi niya na mas gusto niyang magkaroon ng iilang tunay na kaibigan na parang pamilya kaysa sa napakaraming kakilala.


At malinaw niyang sinabi na kung mabibigyan siya ng pagkakataon, babawiin niya ang dati niyang sagot.


Sey niya, “Mas gugustuhin kong magkaroon ng pamilya at mga tunay kong kaibigan kaysa maraming pera.”


Pero hindi rin naman niya tinatanggihan ang halaga ng pera. Para sa kanya, mas maganda kung parehong mayroon—financial success at tunay na relationships.

Samantala, nag-react naman ang King of Talk na si Boy Abunda. Sinabi niyang may mga pagkakataong ang ganitong mga sagot ay nasasabi lamang nang pabiro.


Ang pananaw niya ay “You work hard for the money and then you work hard at friendships. Importante ‘yan.”


Sa madaling salita, hindi binago ni Heart ang pagpapahalaga niya sa tunay na mga kaibigan. Ang pananaw niya ngayon: pamilya, tunay na kaibigan at financial success—mas okay kung makukuha ang lahat.





Mas mahalaga kina Dingdong Dantes at Marian Rivera, na kilala bilang ‘Primetime King and Queen’ ng GMA Network, ang kanilang papel bilang mag-asawa at mga magulang kapag nasa bahay sila.


Binibigyang-diin nila sa mga anak ang tatlong bagay: mangarap nang malaki, magsumikap at hangarin ang kahusayan, pero huwag kailanman hayaang baguhin ng tagumpay ang pakikitungo sa ibang tao.


Para sa kanila, mas mahalaga ang karakter kaysa tagumpay. Naniniwala silang puwedeng pagsabayin ang pagiging mahusay at pagiging mabait.


Itinuturo rin nila sa kanilang mga anak ang kulturang Pilipino at kasaysayan ng pamilya sa pamamagitan ng pelikulang Pilipino, pagbisita sa museo at paglalakbay sa iba’t ibang bahagi ng bansa.


Ginagamit din nila ang mga simpleng karanasan sa bahay para maipasa ang kanilang pinagmulan, kabilang ang kuwento ng pamilya ni Dingdong at ang mga alaala ni Marian sa Cavite, sa kanyang ina at Lola Iska.


Palawan ang isa sa mga lugar na espesyal sa kanilang pamilya. Lalo raw nilang napapahalagahan ang Pilipinas habang mas marami silang nakikitang lugar sa ibang bansa.


May bahagi rin tungkol sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Aminado silang walang perpektong marriage at may mga panahong sinusubok ang bawat mag-asawa. Para sa power couple, ang commitment ay isang desisyong ginagawa araw-araw—ang patuloy na pagpili sa isa’t isa at pagiging present sa bawat yugto ng buhay.


Pinakamalaking mensahe nila sa ibang pamilyang Pilipino, huwag maliitin ang halaga ng pagiging present — hindi lamang physically kundi emotionally.

Ang tunay na legacy ng Dantes family ay hindi lamang ang mga tagumpay nila sa showbiz, kundi ang pagmamahal, values at mga alaala na binubuo nila bilang pamilya.





Video nila ni Thea Astley, kumalat na.. 

ELIJAH, ‘DI PA MAAMING HIWALAY NA SILA NI MILES



MAY personal na pinagdaraanan ngayon si Elijah Canlas, kasabay ng mga ulat na nagkahiwalay na sila ni Miles Ocampo.


Ayon sa pahayag ng aktor, hindi siya masaya sa yugto ng kanyang buhay ngayon. Sinabi niyang nakatutulong ang pagiging abala sa trabaho at ang oras kasama ang pamilya para makalimutan ang problema niya.


Sagot niya, “‘Di naman, pero ayos lang, kasi busy sa trabaho. Mahirap balewalain ang mga biyayang ‘yun. S’yempre, ang paggugol ng oras kasama ang pamilya, pero ‘di ito ang pinakamasayang sandali ng buhay ko.”


Dagdag pa ng aktor, “Ang buhay, alam mo, pinagdaraanan ko talaga ‘to, pero ang ginagawa ko lang ay ang mabuhay at magpokus sa trabaho at sa mga taong nakapaligid sa amin.”


Hindi niya direktang binanggit si Miles o kinumpirma na hiwalay na sila.

Nauna rito, sinabi ni Ogie Diaz na may source siyang nagsabing hiwalay na sina Elijah at Miles, pero wala pang direktang kumpirmasyon mula sa dalawa.


Nadagdag sa usapan ang video nina Elijah at Thea Astley sa La Union kung saan makikitang hinawakan ng aktor ang braso nito. Gayunman, sinabi ni Ogie na may iba silang kasama noong panahong iyon.


Hindi rin sinabi ni Elijah na si Thea ang dahilan ng anumang problema sa relasyon nila ni Miles ngayon, kung meron pa.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 12, 2026



Queenie Pacquiao certified sharon - Circulated

Photo: Queenie Pacquiao - Circulated



Walang pakialam si Queenie Pacquiao sa pagkuha sa kanya ng video habang nagbabalot ng pagkain sa restaurant.


Sandok lang nang sandok si Queenie sa video. Mukhang nag-e-enjoy talaga siya sa kanyang pagsa-Sharon (pagbabalot) ng mga natirang pagkain.


Naka-post ang video ni Queenie sa Instagram (IG) ng isa nilang relative. Caption ng video habang nagsa-Sharon si Queenie: “Si Queenie na very simple na marunong sa buhay!”


Hindi kami kokontra r’yan. Tila naturuan talaga ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ang kanilang mga anak kung paano i-appreciate at ingatan ang mga blessings nila.


Kahit lumaking may pera na sa buhay ang kanyang mga magulang, nanatili ang kasimplehan ni Queenie.


Minsan na ring pinuri si Queenie ng mga netizens. Despite all the branded dresses and accessories, plus mga nagmumura sa laking alahas ni Jinkee, nakitang namimili si Queenie sa ukay-ukay.


Sey ng mga netizens:


“Napaka-humble.”

“‘Yan ang marunong sa buhay kahit bilyonaryo ang ama!”

“Legit nepo babies! ‘Di ‘yung gaya ng mga memasabeng nepo lang, nakinabang muna sa kaban ng bayan.”

Sabeee?





TAMA ang naging desisyon ng younger brother ni Gerald Anderson na si Ken Anderson na lumihis sa linya ng kanyang kapatid.


Busy si Ken behind the camera bilang direktor. Mas pinili niyang i-pursue ang directorial career sa Amerika dahil mas marami raw siyang oportunidad doon. 


Gayunman, nakatakda siyang muling bumalik sa Pilipinas sa October. May isa pang aabangan sa pagbabalik niya dahil may pag-uusapang proyekto na kasama niya ang kanyang Kuya Gerald.


Sa kanyang Instagram (IG) page namin nakita ang isang documentary na isinu-shoot ni Ken. 


And last Friday, all-out support si Ken sa launching ng bagong singer na si Jam Leviste. Si Ken ang nagdirek ng music video ng debut single ni Jam titled Awit ng Puso at NASSA (Nawala Ako Sa Sarili).


Jam is only 15 years old and she’s one of the newest young artists to watch this

year, huh?


Ipinanganak si Jam noong Agosto 9, kaya kase-celebrate lang niya ng kanyang 15th birthday.


Taga-Malolos, Bulacan si Jam and currently a Grade 9 student sa Stella Maris Academy.


Sey ni Jam, “I’m so grateful to finally share my music with everyone. Awit ng Puso at NASSA is just the beginning. Nagpapasalamat ako kay Tito Audie See for discovering me and believing in me. I want to inspire other teens to chase their dreams, whether it’s singing, acting or even flying a plane. ‘Wag silang matakot magsimula.”


Ang dalawang awitin niya ay parehong nilikha ng batikang composer na si Vehnee Saturno. 


Hopefully, masundan ang collab ni Ken bilang director at singer sa mga next music video ni Jam.


Para kay Leviste, malaking bagay ang magkaroon ng sariling mga awitin na magsisilbing pagpapakilala niya sa publiko. 


Dream din nito ang umarte at i-try ang iba pang larangan ng entertainment.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page