top of page
Search

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | November 19, 2020



Habang palapit nang palapit ang laban sa final leg ng Triple Crown malakas ang ugong na maglalaban ang magkapatid na Heneral Kalentong at Union Bell.


Sa darating na Nobyembre 29 magaganap ang 3rd Leg Triple Crown sa Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI),Malvar,Batangas. Ang Heneral Kalentong at Uniom Bell ay magkapatid sa amang Union Rags (USA).


Ang Heneral Kalentong ay ipinanganak sa inahin ng Lorinda (USA) samantalang ang Union Bell ay sa inahin ng Tocqueville. Ang Union Bell ay itinanghal na Juvenile Champion noong 2019 at nakuha rin nito ang korona sa Philtobo 2 year old noong 2019.


Hinulaan ang Union Bell ang siyang magiging kampeon sa Triple Crown subalit nahinto sa pagtakbo nang suspendihin ang karera dahil sa lockdown sa pananalasa ng COVID-19. Nang maganap ang 1st Leg Triple Crown Stakes Race, hindi nakatakbo kaya nagwagi ang kapatid na Heneral Kalentong.


Sa unang yugto ng Triple Crown hugandong nanalo ang Heneral Kalentong na ginanap sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite. Ganundin ang nangyari sa 2nd Leg Triple Crown sa Philippine Racing Club Inc.(PRCI) sa Naic,Cavite nang talunin ang mga kalahok.


Ngayon magaganap ang 3rd Leg Triple Crown maraming umaasa na masisilayan nila ang laban ng magkapatid sa ama.

 
 

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | November 17, 2020



Nagkampeon sa 2020 Philracom Ambassador Eduardo M. Cojuangco, Jr., Memorial Cup ang Righteous Ruby na ginanap sa San Lazaro Leisure Park(SLLP) sa Carmona,Cavite nitong Linggo ng hapon.


Sa simula ng karera agad kinuha ng Viva Morena hanang nakasunod ang Chance the Racer na sinundan ng National Pride, Stella Malone at pang-anim na puwesto ang Righteous Ruby.


Pagsapit sa gitna ng karera kinuha ng Chance the Racer ang pangunguna sa Viva Morena habang kasunod ang Righteous Ruby. Ilang saglit lang ang nakalilipas kinuha na ng Righteous Ruby ang pangunguna habang nakabuntot ang Chance the Racer at unti-unti nagpapalakas ang Pangalusian Island.


Tuluyan nang lumayo ang Righteous Ruby pagsapit sa huling likuan kasunod ang Chance the Racer at Pangalusian Island hanggang sapitin ang finishline.


Nag-uwi ng P1.8 milyon ang Righteous Ruby,habang P675,000 ang 2nd place, tumanggap ng P375,000 ang 3rd place at P150,000 ang 4th place na Gomper Girl.


Nanalo ang Stardust matapos na tanghaling kampeon sa 1,000 meters na karera. Ang Stardust ay naorasan sa bilis na 0.59 segundo na natapos ng bandera.


Itinanghal naman na kampeon ang Calbayog sa 25th Marho Breeders 3 Year Old Colt and Filly Mile makaraang abutan ang nauunang si Radio Gaga na dumating ng pangatlong puwesto matapos dumating na pangalawa ang Tifosi mula sa pangungulelat.

 
 

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | November 16, 2020



Itinanghal na kampeon ang King Tiger sa 25th Marho Breeder sa 2 Year Old Juvenile na ginanap kahapon sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite.


Nagharap ang 2 YO Filly and Colt ang mga kalahok na Cole N Cool, King Tiger, Work From Home, Chief Maurice sa distansiyang 1,400 meters.


Sa simula ng laban kinuha agad ang unahan ng King Tiger habang pangalawa ang liyamadong Work from Home at dumating na pangatlo ang Chief Maurice at pang-apat na dumating ang Cole N Cool.


Naging mahigpit ang labanan subalit habang papalapit sa finish line hindi nagbabago at nangunguna ang King Tiger at segundo pa rin ang Work From Home ng may limang kabayo ang layo. Ang King Tiger ay naorasan sa bilis na 1:32 nang tapusin ang karera na may limang kabayo ang layo.


Nagwagi ang Sari Baby habang pumangalawa ang Mini Model sa Race 1 sa pagtikada ng Marho-Petron Corporation-Skyway 3 sa 1,400 meters. Sa nagwagi naman sa race 3 ang Speeding Hero at dumating na pangalawa ang Claudia’s Pride.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page