top of page
Search

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | November 22, 2020



Limang kalahok ang maglalaban-laban sa 2020 Philracom 3rd Leg Imported-Local Challenge Stake Race ngayon sa Philippine Racing Club,Inc.(PRCI) sa Naic,Cavite.


Maghaharap ang mga kalahok na Kick the Gear, American Factor, In the Zone, Tony’s Love at Spuntastic. Pinapaboran ang American Factor na pag-aari ni horse owner Paolo Mendoza at makakalaban ang In the Zone at Tony’s Love.


May nakalaan na P600,000 sa mananalo at naghihintay ang P225,000 sa 2nd place, tatanggap ng P125,000 ang 3rd place at P50,000 sa 4th place. Nagwagi sa unang yugto ng karera ang Tony’s Love at napanalunan ang 2nd Leg Imported-Local Challenge Stakes Race ng American Factor. Ang ‘In the Zone’ bagamat walang nananalong laban sa palagay ko angkop sa distansiya ng karera.


Sa race 1,pinapaboran ang Bottoms Up panegunda ang double sunrise at sa race 2 nakalalamang ang American Factor, posibleng talunin ng Tony’s Love at kung maghahangad ng dehado kunin ang In the Zone.


Sa race 3 nakalalamang ang Guenevere at Mutya ng Nayon para sa mga dehadista, tatlong kabayo ang posibleng maglaban sa unahan ang Silver Glow,Tool of Choice at Misha sa race 4.


Sa race 5 posibleng maglaban ang Tidal Wave at Beyond D’ Sea sa race 6 binibigyan ng malaking panalo ang Call to Honour at posibleng talunin ng Rockbye. Sa race 7 mahirap bunuin ang Money In My Pocket at subukan ang Alezzadro at race 8 nakalalamang ang King Jeff at Line Them Up ang tatalo.


Maglalaban-laban ang Star Light; One More,One More; Ahala at Apollo of Aquila sa race 9. Sa race 10 nakalalamang ang Trust Worthy habang ang Feather ang tatalo at isama ang Enry No.3 at sa race 2 pinapato ang Beli Bell.

 
 

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | November 21, 2020



Maganda ang karera at tiyak na magkakadehaduhan kasabay ng pag-arangkada ng apat na carry over ng Winner Take All (WTA),Pick 6, Pick 5 ay Pick 4 ngayong araw sa Philippine Racing Club Inc.(PRCI) sa Naic,Cavite.


Ayon sa PRCI tagapangasiwa ng karerahan ng Santa Ana Leisure Park magaganap ang carry over ng P427,695.09 sa WTA na magsisimula sa race 1.


Nasusundan ng Pick 6 carry over ng P41,393.49 sa race 2. Mahigpit na paglalabanan sa Race 3 ang mga kalahok sa panimula ng Pick 5 kung saan carry over ng P22,278.70. Pagsapit sa Race 4 magaganap ang carry over sa Pick 4 ng halagang P10,340.30.


Sa simula ng karera race 1, kung saan simula ng WTA ay pinapaboran ang Juliana’s Gold panegundo ang Princess Via,pandehado ang Et Al. Sa umpisa ng Pick 6 sa race 2, kinakampihan ang Spy Glass at makakalaban ang Band of Halo at Maker’s Mark. Sa Race 3 kung saan simula ng Pick 5 pinapaboran ang Entry No.1, makakalaban ang Entry No.4 at Double Rock.


Pinapatok ang Rodrigo habang magsisilbing kalaban ang Lucky Noh Noh at Bond Lady sa Race 4 kung saan magsisimula ang Pick 4. Sa race 5 nakalamang ang Noh Sen Young Yana habang nanguna ang This Time.


Sa Race 6 nakalalamang ang Break Shine, Prince Popeye at mahigpit na makakalaban ang Rock Well Again at sa Race 7 magiging paratingan ang entry No.6 at panegundo ang Classic example.

 
 

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | November 20, 2020



Isa pang kalahok ang magbibigay ng magandang laban sa 3rd Leg Triple Crown Stakes Race ang Sky Shot sa Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) sa Malvar, Batangas.


Sa darating na Nobyembre 29,2020 magaganap ang paghaharap ng dalawang itinuturing na magaling na kabayo sa 3rd Leg Triple Crown ang Heneral Kalentong ang 2 time leg champion at 2019 Philracom Juvenile champion at Philtobo Juvenile Champion.


Ang dalawang kampeon ay nakatakdang maglaban sa huling yugto ng Triple Crown na kapwa na gugustuhin ng bayang karerista. Subalit may isang nagbabanta na maging kaagaw sa titulo ng Triple Crown ang Sky Shot ng nagkampeon sa 2nd leg ng Hopeful Stakes Race at 3 Year Old Locally Bred.


Nagpakita ng magandang laban ang Sky Shot sa apat na karera mula ng manalo sa Navotas race at tatlong seryosong karera sa 3 Year Old above maiden race, 3 YO Locally Bred at Hopeful Stakes Race.


Maganda ang ipinakitang galing ng Sky Shot sa dalawang takbo. Maghaharap sa 2,000 meters ang tatlong kalahok.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page