top of page
Search

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | November 29, 2020



Makapigil-hininga ang magaganap na laban ngayon sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa paghaharap ng magkapatid sa ama sa pagitan ng Heneral Kalentong at Union Bell sa 3rd Leg Triple Crown Stakes Race sa Malvar, Batangas.


Sa gitna ng pandemic maguguhit sa kasaysayan sa industriya ng karera sa bansa ang paglalaban ng mahigpit na magkaribal ang Heneral Kalentong, ang two time champion sa Triple Crown Stakes Race at Union Bell, na itinanghal na grand slam champion sa 2019 Philracom Juvenile Stake Race.


Magkapatid sa ama ang Heneral Kalentong at Union Bell sa Union Rags na parehong nagpakitang husay sa pagtakbo.


Ayon sa Philippine Racing Commission (Philracom) ang final leg ng Triple Crown ay paglalabanan ng dalawang kampeon kasama sa mga kalahok ang anim pang makakalaban na Sky Shot, Blazing Bullet, Cartierruo, Lucky Savings, Runway at Winner Bidder.


Gaya ng Heneral Kalentong at Union Bell nag-aangkin ng magandang tiyempo ang Sky Shot sa dalawang panalo sa 3 YO Localy Bred at 2nd Leg Hopeful stakes race.


Tatawirin ng mga kalahok ang 2,000 meters na distansiya at magkakamit ng P1.8 milyon ang mananalo habang tatanggap ng P675,000 ang 2nd place, P375,000 sa 3rd place at mag-uuwi ng P150,000 ang 4th place.


Sa Hopeful Stakes Race pinapaboran ang Tifos, Zenaida, Calbayog at Bourne Leader. Makakalaban ng mga kalahok na Bishop Blue,Exponential at Spandau Bullet.


Tatawid sa distansiyang 2,000 meters ang mga kalahok at naghihintay ang premyong P600,000 sa magiging kampeon at tatanggap ng P225,000 ang 2nd place, mapupunta ang P125,000 sa 3rd place at P50,000 sa 4th place.

 
 

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | November 24, 2020



Naghari sa 2020 Philracom 3rd Leg Imported-Local Challenge Stakes Race ang diremate na Tony’s Love na ginanap noong linggo sa Philippine Racing Club,Inc.(PRCI) sa Naic, Cavite.


Sa mahusay na pagdadala ni jockey P.M Cabalejo dumating ang Tony’s Love na segundo pagsapit sa huling likuan. Sa huling 300 meter inagaw ni jockey Cabalejo ang unahan kay American Factor hanggang sapitin ang finish line.


Dumating na pangalawa ang American Factor, pangatlo ang In the Zone at pang-apat ang Kick the Gear. Tinanggap ng Tony’s Love ang unang premyo na P600,000 at iniuwi ng American Factor ang P225,000 na itinanghal na 2nd place, tumanggap ng P125,000 ang 3rd place na In The Zone at tumangggap ang Kick the Gear ng P50,000 bilang 4th place na puwesto.


Na liyamado ang American Factor sa bentahan at segunda ang nanalong Tony’s Love Tersera ang In The Zone.


Samantala magaganap na ang huling yugto ng Triple Crown sa Metro Manila Turf Club Inc.,(MMTCI) sa Malvar, Batangas sa Nobyembre 29,2020.


Walong kabayo ang maglalaban sa pangunguna ng dalawang beses na nanalo sa 1st at 2nd Leg Triple Crown, ang grand champion ng 2019 Philracom Juvenile Colts and Fillies na ang Union Bell, Sky Shot, 2020 2nd Hopeful Stakes Race at 3 Year Old Locally Bred Stakes race champion, Blazing Bullet, Cartierruo, Lucky Savings, Runway at Winner Bigger.


Nakataya ang P3-M na papremyo na hahatiin sa apat na puwesto na ang magkakampeon ay mag-uuwi ng P1.8-M.

 
 

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | November 23, 2020



Inilabas ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang mga kabayong maglalaban sa huling yugto ng Triple Crown Stake race at Hopeful Stakes Race sa Nob. 29 Metro Manila Turf Club Inc.,(MMTCI) sa Malvar,Batangas.


Ang mga kalahok sa 3rd Leg Triple Crown ay ang Blazing Bullet,Cartierruo, Heneral Kalentong, Lucky Savings, Runway,Sky Shot, Union Bell at Winner Bidder.


Mangyayari na ang pinapangarap ng bayang karerista ang maglalaban ang hinahangaan na mananakbo na kinabibilangan ng Heneral Kalentong at kapatid na Union Bell at Sky Shot.


Tatawirin ng mga kalahok ang 2,000 meters na distansiya at magkakamit ng P1.8 M ang mananalo habang tatanggap ng P675,000 ang 2nd place,P375,000 sa 3rd place at mag-uuwi ng P150,000 ang 4th place.


Mahigpit ang laban na magaganap sa mga kalahok na Heneral Kalentong,Union Bell at Sky Shot. Sa Hopeful Stakes Race may pitong kalahok ang tatakbo sa pangunguna ng Bishop Blue, Bourne Leader, Calbayog, Exponential,Spandau Bullet, Tifosi at Zenaida.


Tatawid sa distansiyang 2,000 meters ang mga kalahok at naghihintay ang premyong P600,000 sa magiging kampeon at tatanggap ng P225,000 ang 2nd place, mapupunta ang P125,000 sa 3rd place at P50,000 sa 4th place.


Hawak ngayon ang 2nd leg hopeful nang manalo ang Calbayog at mahigpit na makakalaban ang Bourne Leader, Tifosi,at Zenaida.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page