top of page
Search

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | December 5, 2020



Nakataya ngayon ang carry over sa Pick 6 na P148,923.64 at Super Six na P50,992.86 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.


Magaganap ang walong karera na kapapalooban ng dalawang Winner Take All na magsisimula sa Race 1 hanggang Race 7 at Race 3 hanggang Race 9.


May dalawang Pick 6 na magsisimula sa Race 2 hanggang Race 7 at Race 4 hanggang Race 9. Idaraos din ang Pick 5 sa Race 5 hanggang Race 9 at Pick 4 sa Race 6 hanggang Race 9.


Sa race 1 pinapaboran ang Marino ng Tanglaw at Toscana at race 2 simula ng Pick 6 at pinapaboran ang Noh Sen Young Yana, mahigpit na makakalaban ang Rockaway at Professor Jones.


Sa Race 3 kung saan magsisimula ang 2nd WTA at ipinapatok ang Magnifico at sa Race 4 kung saan mag-uumpisa ang 2nd Pick 6 at nakalalamang ang Karizma. Ang Pick 5 ay magsisimula sa Race 5 pinapaboran ang couple No.4 (Chance the race at Jayz) at mahigpit na makakalaban ang entry No.6 (Shoo-In at Certain to Win).


Sa Race 6,kung saan magsisimula ang Pick 4 higit na pinapaboran ang Our Secret at Blue Mystic ang tatalo. Huwag mawawalan sa mga paratingan sa Race 7 ang Doktora, Ambet Ko To at Doctor Amorette. Sa Race 8 nakalalamang ang Significant Pay,Kingwash Dirtbgone at entry no.1 at ipinapatok ang Sky Candy sa Race 9.

 
 

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | December 1, 2020



Itinanghal na kampeon ang Spandau Ballet sa katatapos na Hopeful Stakes Race at hinirang na kampeon sa Philtobo Juvenile championship naman ang Spandau Ballet sa hiwalay na laban sa Metro Manila Turf Club Inc.,(MMTCI) sa Malvar, Batangas noong linggo ng hapon.


Nagkampeon ang Flattering You sa 1,600 meters na karera makaraang agawin sa kakamping King Tiger ang pangunguna sa MMTCI sa Malvar. Pumangalawa ang Money Changer at dumating na pangatlo ang Welcome Home at 4th place ang Stayinthe Moment.


Sa simula ng karera pinangunahan ni King Tiger habang nakasunod ang Flattering You habang nakabuntot ang mga kalaban. Pagsapit sa huling kurbada ng likuan kinuha ng Flattering You ang pangunguna mula sa kakamping si King Tiger hanggang sa sapitin ang finish line habang nakasunod ang Money Changer.


Nagkampeon ang Spandau Ballet sa Hopeful Stakes Race nang pangunahan ang karera. Tinanggap ng Spandau Ballet ang unang premyo na P600,000 habang pangalawa ang Bourne Leader, na nagkamit ng P225,000 habang may P125,000 ang pumangatlong Zenaida at 4th ang Bishop Blue na may P50,000 na premyo.


Narito ang datingan ng karera noong linggo: RACE 01 – SMILING LADY (11) Finish: 11/2/4/3/12/5 P5.00 WIN 11 P71.00 P5.00 FC 11/2 P2,223.50 P5.00 TRI 11/2/4 P32,529.50 QRT CarryOver P19,939.02 PEN CarryOver P15,175.94 SIX CarryOver P2,218.05

RACE 02 – SILAB (2) Finish: 2/8/3/1/5/12 P5.00 WIN 2 P33.50 P5.00 FC 2/8 P401.50 P5.00 TRI 2/8/3 P2,297.00 P5.00 DD 11/2 P947.50 P2.00 QRT 2/8/3/1 P19,397.80 PEN CarryOver P21,313.94 SIX CarryOver P3,493.64


RACE 03 – CANDID MOMENT (5) Finish: 5/9/10/4/6/12 P5.00 WIN 5 P18.00 P5.00 FC 5/9 P148.00 P5.00 TRI 5/9/10 P2,021.50 P5.00 DD 2/5 P379.50 P2.00 QRT 5/9/10/4 P5,061.40 P5.00 DD1 11/2/5 P4,462.00 P5.00 XD 11/5 P211.00 PEN CarryOver P34,661.30 SIX CarryOver P5,208.94 RACE 04 – BIG LAGOON (7) Finish: 7/3/4/6/8/5 P5.00 WIN 7 P63.00 P5.00 FC 7/3 P272.50 P5.00 TRI 7/3/4 P33,017.50 P5.00 DD 5/7 P160.00 QRT CarryOver P21,056.69 P5.00 DD1 2/5/7 P2,593.50 P5.00 XD 2/7 P486.50 PEN CarryOver P56,563.36 SIX CarryOver P7,553.66


RACE 05 – MAGNIFICENT LADY (14) Finish: 14/3/4/10/9/1 P5.00 WIN 14 P9.00 P5.00 FC 14/3 P50.50 P5.00 TRI 14/3/4 P8,121.00 P5.00 DD 7/14 P108.00 P2.00 QRT 14/3/4/10 P12,823.40 P5.00 DD1 5/7/14 P409.00 P5.00 XD 5/14 P57.00 PEN CarryOver P79,718.69 SIX CarryOver P9,082.58

 
 

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | November 30, 2020



Itinanghal na grand champion ang Heneral Kalentong matapos manguna sa katatapos na 3rd Leg Triple Crown Stakes Race sa Malvar, Batangas kahapon.


Makapigil-hininga ang labanan habang nauuna ang Sky Shot kasunod ang Union Bell at pangatlo ang Heneral Kalentong sa simula ng karera.


Naging mabigat para kay Union Bell para makipaglutsahan kay Sky Shot hanggang unti-unting bumitaw si Union Bell habang paparating ang kapatid na Heneral Kalentong pagsungay sa huling likuan ng karera.


Pagdating sa huling 500 meter na karera unti-unting kinuha ang pangunguna kay Sky Shot habang paparating ang Winning Bidder. Sa huling 50 meters tuluyan ng iniwan ng Heneral Kalentong ang mga kalaban habang pumangalawa ang Winning Bidder at dumating na pangatlo ang Sky Shot.


Tinanggap ang unang premyong P1.8-M ang nanalong Heneral Kalentong samantalang napunta sa winning bidder ang pangalawang premyo na P675,000 ang P375,000 sa 3rd place na Sky Shot.


Nagwagi ang Big Lagoon sa 3 Year Old Locally Bred Stakes Race sa mahusay na pagdadala ni jockey Pat Dilema sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar,Batangas.


Ang Big Lagoon ay naorasan sa bilis na 2:05 nang tapusin ang 2,000 meters at pumangalawa ang dehadong si Noon Bell na may 5 kabayo ang layo. Umalis na pangalawa ang Big Lagoon habang nauuna ang I Love 97 at Radio Gaga.


Pagdating sa huling likuan tuluyan nang iniwan ng Big Lagoon ang mga kalaban at hugandong nanalo sa laban pagsapit sa finish line. Nagkamit ng P300,000.00 premyo ang Big Lagoon sa nasabing laban.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page