top of page
Search

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | December 8, 2020



Naghatid ng Carry over ang 3rd Winner Take All (WTA) sa pagkakapanalo ng mga dehadong mananakbong A Song for Gee, Diwalwal, Wishful Thinking, Here I Am at Speak Easy sa karerang naganap noong Linggo sa Manila Jockey Club Inc (MJCI) sa Carmona, Cavite.


Naging kapana-panabik ang laban sa race 6 hanggang race 12 sa pagkakapanalo ng A song for Gee na simula ng WTA.Naging pahirapan ang pagkakapanalo ng Wishful Thinking sa 7,na sinundan ng dehadong Here I Am sa race 8.


Hindi nagpaawat ang dehadong Diwalwal sa race 11 at Speak Easy na naghatid sa Carrry Over na P287,070.08. RACE 01 – AVA’S TALE (3) Finish: 3/4/7/11/14/12 P5.00 WIN 3 P7.00 P5.00 FC 3/4 P69.50 P2.00 TRI 3/4/7 P87.80 P2.00 QRT 3/4/7/11 P183.40 P2.00 PEN 3/4/7/11/14 P1,007.20 P2.00 SIX 3/4/7/11/14/12 P1,327.80 RACE 02 – AIDA’S FAVORITE (14) Finish: 14/8/12/5/10/13 P5.00 WIN 14 P45.50 P5.00 FC 14/8 P126.00 P2.00 TRI 14/8/12 P619.80 P5.00 DD 3/14 P36.50 P2.00 QRT 14/8/12/5 P11,524.00 PEN CarryOver P3,254.26 SIX CarryOver P1,186.31


RACE 03 – BITCOIN (10) Finish: 10/13/5/2/3/9 P5.00 WIN 10 P60.50 P5.00 FC 10/13 P1,041.00 P2.00 TRI 10/13/5 P1,006.40 P5.00 DD 14/10 P166.50 QRT CarryOver P10,849.76 P2.00 DD1 3/14/10 P123.80 P5.00 XD 3/10 P153.00 PEN CarryOver P8,526.25 SIX CarryOver P2,750.95 RACE 04 – MONEY IN MY POCKET (11) Finish: 11/12/3/2/14/5 P5.00 WIN 11 P9.00 P5.00 FC 11/12 P69.00 P2.00 TRI 11/12/3 P98.40 P5.00 DD 10/11 P49.00 P2.00 QRT 11/12/3/2 P885.60 P2.00 DD1 14/10/11 P157.20 P5.00 XD 14/11 P43.00 P2.00 PEN 11/12/3/2/14 P7,881.80 SIX CarryOver P4,341.25


RACE 05 – SPEEDING HERO (14) Finish: 14/2/10/6/7/9 P5.00 WIN 14 P12.50 P5.00 FC 14/2 P51.50 P2.00 TRI 14/2/10 P54.80 P5.00 DD 11/14 P33.00 P2.00 QRT 14/2/10/6 P459.20 P2.00 DD1 10/11/14 P149.40 P5.00 XD 10/14 P189.50 PEN CarryOver P5,921.50 SIX CarryOver P8,036.33 RACE 06 – A SONG FOR GEE (13)Finish: 13/12/14/8/1/3 P5.00 WIN 13 P22.50

P5.00 FC 13/12 P317.50 P2.00 TRI 13/12/14 P617.80 P5.00 DD 14/13 P203.00 P2.00 QRT 13/12/14/8 P2,938.40 P2.00 DD1 11/14/13 P131.20 P2.00 PK5 14/10/11/14/13 ( 5 of 5 ) P6,453.80 P5.00 XD 11/13 P35.00 PEN CarryOver P10,223.68 SIX CarryOver P9,664.58

 
 

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | December 7, 2020



Nakatakdang maganap ang laban sa susunod na linggo ang 2020 Philracom Juvenile Championship at Lakambini Stakes Race Saddle and Club Leisure Park, Naic, Cavite.


May nakalaan na P2-M ang papremyo sa apat na makatatawid sa finishline na ang unang premyo ay makatatanggap ng P1.2-M ang magiging kampeon sa Juvenile Championship.


Magaganansiyahan ng P450,000 ang 2nd place, may P250,000 ang 3rd place at mapupunta ang P100,000 sa 4th place. Tatanggap ng P70,000 bilang horse breeder ang kabayong magkakampeon.


Labindalawa ang kalahok sa “Juvenile Championship” na titikada sa 1,600 meters na pangungunahan ng Ambisioso,Flattering You, Forest Gump, Hook On D Run, Kevlar, King Tiger, Lovely Julliane, Luke Skywalker, Meteora, Money Changer,Tiger Boy at Tomorrow Land.


Mahigpit na maglalaban ang Flattering You, King Tiger at Tiger Boy. Magtatagisan ng bilis at lakas ng hininga ang mga kababaihang mananakbong kabayo sa “Lakambini Stakes Race” sa naturang karerahan.


Ang mga kalahok na Bell Bell, Calbayog, Cam from Behind, Nicole’s Favorite, Radio Gaga, Runway at Zenaida ay tatawid sa 1,600 meters. Naghihintay ang papremyong P1-M na hahatiin sa unang apat na makatatawid sa finishline. Tatanggap ng P600,000 ang 1st place, mapupunta sa 2nd place ang P225,000 at makatatanggap ng P125,000 ang 3rd place at ang P50,000 ay sa 4th place.

 
 

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | December 6, 2020



Labindalawang karera ang aalagwa ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.


Magaganap ang 2020 Philracom Rating Based Handicap System Race na Class 3,4 at class 5. Walo ang maglalaban sa class 4,dalawa class 3 at class 5. Tatlo ang lalarga na Winner Take All (WTA) at Pick 5 at dalawang Pick 6 habang magaganap ang isang Pick 4.


Sa Race 1 mangyayari ang 1st WTA at pinapaboran ang Ava Tale at Lucky Saver sa Race 2 kakarera ang 1st Pick 5 at pinapaboran ang Boom Boom Thailer, Isa Pa Isa Pa, at Aida Favorite at magsisimula ang 1st Pick 6 sa Race 3 pinapaboran ang Money For Shelltex, Pendant, Hot Leg at Trust Worthy.


Sa Race 4 magaganap ang 2nd WTA na pinapaboran ang Money In My Pocket maging ang You Never Know at Golden Octagon. Sa Race 5 tatakbo ang 2nd Pick 5 at pinapaboran ang Refuse To Lose, Two Timer at Hot And Spicy.


Sa Race 6 mangyayari ang 3rd WTA at pinapaboran ang Isla Dee Zap, Sorority Girl, A Song For Gee at Hello Junior at sa Race 7 magaganap ang 2nd Pick 6 at pinapaboran ang Toni’s Wet Lips,Siquijor at Divine Dancer.


Sa Race 8, naroon ang 3rd Pick 5 na pinapaboran ang Batang Bangkal Plus, Ashea’s Will at Can you Giub habang magsisimula ang Pick 4 sa Race 9 at ipinapatok ang Kaka and Bachi at ang Prettiest Star, El Mundo at Silver Glow.


Sa Race 10 nakalalamang ang Bullet Proof habang panegunda ang This Time, liyado ang Call to Honor at makakalaban ang MacArthur Park sa Race 11 habang sa Race 12 nakalalamang ang I Love Matty at makakalaban ang Iron Hook.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page