top of page
Search

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | December 19, 2020



Siyam na karera ang hahataw ngayon sa pag-alagwa ng Condition Race, Philracom Rating Based Handicapping System (RBHS) at 3 Year Old and Above Maiden Race sa Metro Manila Turf Club sa Malvar,Batangas ngayong araw.


Sa race 1 pinapaboran ang Toscana at Marino ng Tanglaw ang makakalaban. Sa race 2 ipinapatok ang Magnum Opus at kung gusto ng dehado kunin ang Loughing Tiger. Sa race 3, ipinapatok ang Chocolate Thunder at Smiling Lady for forecast only.


Sa race 4, magtatagisan ng galing ang Dream Big at Dream Dancer habang sa race 5 panolo ang Filipino Emperor. Sa race 6 ,pinapaboran ang Cannon Ball habang ang you Are the One at Dona Susan ang makakalaban.


Sa race 7 napakahirap talunin ang Munich habang makakalaban ng Within Reach at Thy Will.Sa race 8 nakalalamang ang Yanis Pick at maakakalaban ang Extremely Touch habang sa race 9,nakalalamang ang Good Luck at Just Mark it ang tatalo.

 
 

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | December 16, 2020



Hahataw ang ikapitong Pasay The Travel Racing Festival sa Linggo sa Disyembre 20 sa Metro Manila Turf Club Inc., (MMTCI) sa Malvar, Batangas.


Magiging kapana-panabik ang tagpo at inaabangan ng Bayang Karerista ang salpukan sa racing festival na nabanggit. Ang nabanggit na pakarera na ginaganap taun-taon ay maituturing na pangunahing tourism gateway ng Pilipinas sa MetroTurf Racing Complex sa Malvar, Batangas.


Ang buong araw na horseracing festival na ito ay may apat na major races kabilang ang 7th PASAY ‘The Travel City’ Cup na nilalahukan ng imported at local entries.


Nanalo rito noong isang taon ang local runner na Summer Romance na pag-aari ni Atty. Narciso Morales. Ang tatlo pang major races dito ay ang 7th Pasay City Representative Tony Calixto Cup, ang 7th Pasay City Emi Calixto-Rubiano Cup, at ang 6th Pasay City Former OIC Eduardo ‘Duay’ Calixto Memorial Cup.


Bukod sa apat na major races ay itatampok din sa racing festival na bahagi na ng founding anniversary ng Pasay City ang 11 iba pang Trophy Races kung saan aabot sa mahigit P2- milyon ang kabuuang papremyo ng racing festival. Tinitiyak ng MMTCI na ipapatupad nito ang mga kaukulang health protocol na alinsunod sa patakaran ng gobyerno.


Narito ang mga nagsipagwagi sa Pasay ‘The Travel City’ Cup na nagsimula noong 2014, ang local-born runner na La Peregrina na pag-aari ng Jade Bros Farm of Manny Santos na sinakyan ni Chris Garganta.


Sumunod ang apat na nanalo sa karerang ito ay pawang mga imported na kabayo na sina Silver Sword (jockey John Paolo Guce – owner HF Gianan Jr.) noong 2015; Sakima noong 2016, Atomicseventynine noong 2017; at Tin Drum 2018 at ang 2019 winner na Summer Romance.

 
 

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | December 15, 2020



Nagsipagwagi sa katatapos na 2020 Philracom Juvenile Championship ang Flattering You at sa Lakambini Stakes Race ang kabayong Runway na ginanap sa Philippine Racing Club Inc.(PRCI) Saddle and Club Leisure Park sa Naic,Cavite kahapon.


Nanguna ang Flattering You habang pumangalawa ang Kevlar, pumangatlo ang Luke Skywalker at pumang-apat ang Money Changer. Naorasan sa bilis na 1:40.8 ang Flattering You na nagkamit ng 1st prize na P1.2-M.


Nagkamit ng P450,000 ang Kevlar makaraang makuha ang 2nd place at nag-uwi ng P250,000 ang 3rd place na Luke Skywalker at tumanggap ng P100,000 bilang 4th place ang Money Changer. Sa umpisa ng karera kinuha ni King Tiger ang unahan habang pangalawa ang Meteora at Tiger Boy at hindi nagtagal makikita ang pagsungaw ng liyamadong Flattering You.


Pagsapit sa huling likuan inagaw ang unahan kay King Tiger habang paparating ang kabayong Kevlar. Pagsapit sa huling 50 meter nauuna pa rin ang Flattering You habang dumarating ng malakas ang Kevlar na siyang pumangalawa.


Samantala, itinanghal na banderang tapos ang Runway makaraang panalunin ang katatapos na Lakambini Stakes Race na ginanap sa naturang karerahan.


Naorasan sa bilis na 1:40 ang Runway at pumangalawa ang Radio Gaga at pumakatlo ang Cam from Behind at dumating na pang-apat na puwesto ang Calbayog.


Sa simula ng karera agad na kinuha ng Runway ang unahan habang nakasunod ang Radio Gaga at Calbayog at pagsapit sa huling likuan ay lumayo ang Runway nakasunod ang Radio Gaga at dumating na pangatlo sa Cam from Behind ay ang Zenaida at nakuha naman ng Calbayog ang pang apat na puwesto.


Nagkamit ng unang premyo na P600,000 ang 1st place na Runway at pumangalawa ang Radio Gaga na may P225,000 bilang 2nd place habang may P125,000 ang 3rd place na Cam from Behind at P50,000 sa 4thplace na Calbayog.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page