top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | October 15, 2020



Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign, pag-usapan natin ang ugali at magiging kapalaran ng Dog o Aso ngayong Year of the Metal Rat hanggang sa 2021 o Year of the Metal Ox.

Alalahaning ang Dog o Aso ay nahahati sa limang uri o klase, batay sa taglay nilang elemento at ito ay ang mga sumusunod:

  • Metal Dog o Bakal na Aso - silang mga isinilang noong 1970 at 2030

  • Water Dog o Tubig na Aso - silang mga isinilang noong 1982

  • Wood Dog o Kahoy na Aso - silang mga isinilang noong 1934 at 1994

  • Fire Dog o Apoy na Aso - silang mga isinilang noong 1946 at 2006

  • Earth Dog o Lupa na Aso - silang mga isinilang noong 1958 at 2018

Sa mga nakaraang isyu, tinalakay natin ang kapalaran ng Metal Dog, Water Dog at Wood Dog, kaya sa pagkakataong ito, pag-usapan naman natin ang Fire Dog o Apoy na Aso.


Kung ikaw ay isinilang noong 1946 at 2006, ikaw ay mapabibilang sa impluwensiya at kapangyarihan ng Fire Dog at ganito ang mga pangunahin mong ugali at magiging kapalaran ngayong 2020 hanggang 2021.


Dahil sa taglay mong katalinuhan, mairaraos at maipagpapala mo ang 2020 kahit sabihin pang matinding pandemya ang binuno ng buong mundo. Bagama’t hindi maaalis na naapektuhan din ng pandemya ang inyong kabuhayan, madali naman itong makaka-recover at lalo pang uunlad sa mga susunod na buwan at taon.


Kung ikaw ay isinilang moong 1946, may pangako ang 2021 ng dagdag pang suwerte at magagandang kapalaran na unti-unti mo nang mararamdaman ang resulta sa kalagitnaan ng Oktubre hanggang sa pagpasok ng Nobyembre.


Bagama’t maraming hindi inaasahang suwerte ang darating, may tagubili ang nasa itaas kung saan palagi mong ingatan ang iyong kalusugan upang ang mga suwerteng darating at magagandang kapalaran ay may galak mong magamit para sa iyong ikaliligaya at lalo pang ikauunlad, hindi lamang ng iyong kabuhayan kundi pati na rin ng iyong personalidad.


Kung ikaw naman ay isinilang noong 2006, may masasarap na karanasang ipinapangako ang 2021, kaya naman dapat ngayon pa lang ay paghandaan mo na ito sa pamamagitan ng pag-iipon ng pera o pagtitipid. Dahil ang lahat ng maiipon mong pera ngayong taon ay tiyak na magagamit mong pang-gimmick sa 2021, na mas magiging masaya at makulay para sa iyong karanasan.


Bagama’t may mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran, ganundin sa iyong kapalaran, ang lahat ng pagbabagong ito ay tiyak na patungo sa ikaliligaya at ikauunlad mo, lalo na sa career, pag-aaral, pakikisalamuha sa iyong mga kaibigan at pamilya, ganundin sa paparating na isang surpresa pero hindi mo dapat na seryosohing love life.

Itutuloy

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | October 13, 2020



Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign, pag-usapan natin ang ugali at magiging kapalaran ng Dog o Aso ngayong Year of the Metal Rat hanggang sa 2021 o Year of the Metal Ox.

Alalahaning ang Dog o Aso ay nahahati sa limang uri o klase, batay sa taglay nilang elemento at ito ay ang mga sumusunod:

  • Metal Dog o Bakal na Aso - silang mga isinilang noong 1970 at 2030

  • Water Dog o Tubig na Aso - silang mga isinilang noong 1982

  • Wood Dog o Kahoy na Aso - silang mga isinilang noong 1934 at 1994

  • Fire Dog o Apoy na Aso - silang mga isinilang noong 1946 at 2006

  • Earth Dog o Lupa na Aso - silang mga isinilang noong 1958 at 2018

Sa nakaraang isyu, tinalakay natin ang kapalaran ng Metal Dog, gayundin ang Water Dog at sa pagkakataong ito, tatalakayin naman natin ang Wood Dog o Kahoy na Aso.


Kung ikaw ay isinilang noong 1934 at 1994, ikaw ay mapabibilang sa impluwensiya at kapangyarihan ng Wood Dog, humigit-kumulang ganito ang mga pangunahin mong ugali at magiging kapalaran ngayong 2020 hanggang 2021.


Bukod sa sobrang sipag, sinasabing makakatulong din sa magandang career o hanapbuhay ng Kahoy na Aso ngayong 2020 hanggang 2021 ang pagkakaroon ng grupo ng mga kasamahan dahil hindi inirerekomenda ang pagiging mapag-isa. Ibig sabihin, higit na susuwertehin ang Kahoy na Aso kung lalakad siya nang may kasama, magnenegosyo o makikipagtrasaksiyon. Kung mag-a-apply naman ng trabaho ay ganundin, kailangang may alalay o kasama siya nang sa gayun ay tulad ng naipaliwanag na, palagi siyang paboran ng suwerte at magandang kapalaran.


Sinasabi ring sa panahong ito na papatapos na ang 2020 at papasok ang 2021, sobrang gaganda ang kita at ang aspetong pampinansiyal ng isang Kahoy na Aso. Ang problema lang, kahit gumanda at dumami pa ang kita ng Kahoy na Aso ngayong 2020 hanggang 2021, kung hindi naman siya matututong magtipid at mag-ipon, madali ring mauubos at masisimot ang kanyang natiba o naibulsang salapi dahil sa komisyon at biglaang suwerte. Kaya ang dapat sa Wood Dog, kung kumita ng malaking halaga, unahin na ang pag-iipon o savings bago ang expenses o paggasta. Sa ganyang paraan, kung marunong magsinop ng nahahawakang pera ang isang Kahoy na Aso, lalo siyang papaboran ng suwerte at magagandang kapalaran. Gayundin, lalong darami ang kanyang kinikita at lalong lalago ang kanyang kabuhayan.


Sa pag-ibig, maaaring hindi pa ito ang tamang panahon para sa seryosong pakikipagrelasyon, kaya naman mas mainam na ngayong 2020, lalo mong pagpursigihan ang pagpapaunlad ng iyong career at aspetong pampinansiyal, kaysa pag-aksayahan ng panahon ang pag-ibig at pakikipagrelasyon nang wala ka namang katiyakang liligaya.


Ngunit sa career, isinulat na sa aklat ng iyong kapalaran na aangat nang aangat ang iyong income, accomplishment at higit sa lahat, ang iyong kasiglahan at satisfaction sa larangan ng materyal na bagay at career sa huling hati ng 2020 hanggang sa buong 2021. Kaya naman tulad ng nasabi na, isasantabi muna ang usaping may kaugnayan sa pag-ibig ngayon at sa 2021. Sa halip, sa 2022 ka na lang bumawi dahil sa nasabing panahon, isang surpresa at nakakikilig na romansa at pakikipagrelasyon ang kusang ipagkakaloob sa iyo ng tadhana na maghahatid sa iyo ng isang maligaya at panghabamuhay na pagpapamilya.

Itutuloy

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | October 8, 2020



Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign, pag-usapan natin ang ugali at magiging kapalaran ng Dog o Aso ngayong Year of the Metal Rat hanggang sa 2021 o Year of the Metal Ox.

Alalahaning ang Dog o Aso ay nahahati sa limang uri o klase, batay sa taglay nilang elemento at ito ay ang mga sumusunod:

  • Metal Dog o Bakal na Aso - silang mga isinilang noong 1970 at 2030

  • Water Dog o Tubig na Aso - silang mga isinilang noong 1982

  • Wood Dog o Kahoy na Aso - silang mga isinilang noong 1934 at 1994

  • Fire Dog o Apoy na Aso - silang mga isinilang noong 1946 at 2006

  • Earth Dog o Lupa na Aso - silang mga isinilang noong 1958 at 2018

Sa nakaraang isyu, tinalakay natin ang kapalaran ng Metal Dog o Bakal na Aso at sa pagkakataong ito, pag-usapan naman natin ang Water Dog o Tubig na Aso.

Kung ikaw ay isinilang noong 1982, ikaw ay mapasasailalim sa impluwensiya at kapangyarihan ng Water Dog o Tubig na Aso, humigit-kumulang ay ganito ang mga pangunahin mong ugali at magiging sadlakang kapalaran ngayong 2020 hanggang 2021.

Ikaw ay palaging nakatuon sa future at palagi mong iniisip ang magandang kinabukasan ng iyong pamilya. Masikap at masipag kang magtrabaho, kaya malaki ang potensiyal na ikaw ay umunlad at umasenso sa aspetong pangmateryal at pampinansiyal.

Ang hindi lang maganda sa iyong pagkatao, kapag nakararanas ka ng kaunting pagsubok at problema, nauuna sa isip mo ang mga negatibong bagay, kaya hindi ka makapagpatuloy at para bang laging may kaba at takot sa iyong puso. Hindi dapat umiral ang ganitong attitude, sa halip, kapag may nakasagupa kang pagsubok, tulad ngayong may pandemya, dapat maging stepping stone mo ang bawat balakid at pagsubok para sa lalo pang ikauunlad at ikatatagumpay ng iyong buhay. Kapag may pagsubok, ibulong at palaging sabihin sa sarili na, “Ito ay isang daan o paraan ng langit upang lalo pa akong tumapang, umunlad at umasenso, kaya habang may buhay at habang may hininga, magpapatuloy ako!”

Sa ganyang paraan, nakakaya at nagagawa ng isang Tubig na Aso na magpatuloy sa kabila ng mga balakid at pagsubok, mabubuo ang isang matagumpay at maunlad na indibidwal, hindi lamang ngayong 2020 kundi maging sa 2021.

Ang isa pang pangunahing ugali ng Tubig na Aso ay ang pagiging matulungin, at minsan ay inuuna niya pa ang ibang tao kaysa sa kanyang sariling pamilya. Dahil dito, minsan ay minamasama ito ng kanyang pamilya, pero sa totoo lang, ganu’n talaga ang Tubig na Aso, sadyang concern at sensitibo sa hinaing at suliranin ng mga taong inaakala niyang pinagkaitan ng katarungan at sawing palad.

Gayunman, kung matutunan ng Water Dog na sikapin munang paunlarin at pasaganain ang kabuhayan ng kanyang pamilya bago ang labis-labis at sobrang pagtulong sa ibang tao, madaling uunlad, yayaman at mas magiging maligaya ang Tubig na Aso.

Itutuloy

 
 
RECOMMENDED
bottom of page