top of page
Search

ni Sister Isabel del Mundo - @Mga kuwento ng buhay at pag-ibig | December 15, 2023


Dear Sister Isabel,


Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan gayundin ang mga kasamahan n’yo r’yan sa Bulgar. Lagi akong nagbabasa sa column n’yo. Nakakapulot ako ng mga aral sa pina-publish n’yo at kung paano sosolusyunan ang mga ito. ‘Di ko sukat akalain na may darating din palang problema sa akin na magpapagulo nang husto sa puso’t isipan ko. Naglilingkod ako sa simbahan, pagkatapos ng duty ko, umuuwi agad ako sa bahay para makaiwas sa pakikipagtsismisan sa mga kasamahan ko. 



Ang problema ko ay ang ex-boyfriend ko na nasa abroad. Umuwi na siya rito sa ‘Pinas, ayaw niya akong tantanan, at lagi siyang nakasubaybay sa akin. Umiiwas na ako dahil mayasawa siya. 


Nang bumalik ako rito sa ‘Pinas, dinededma ko lang siya na para bang hindi ko siya kilala. Kasalanan sa mata ng Diyos at sa mata ng tao kung patuloy akong makikipagrelasyon sa kanya. Gayunman, lagi pa rin siyang nakabuntot sa akin.


Sunod nang sunod kahit ‘di ko naman siya pinapansin. Hanggang isang araw, nabalitaan ko na namatay na ang asawa niya. Lalo siyang naging masigasig na ligawan ako at handa umano siyang pakasalan ako. Mayaman siya, may kotse at tiyak na masusunod ang layaw ko ‘pag pinatulan ko siya. Nag-iisa na lang siya sa buhay dahil ang mga anak niya ay may sari-sarili na ring pamilya. Kaya lang, pareho na kaming senior citizen . Ngayon pa ba ako mag-aasawang muli? 


Ano sa palagay n’yo, Sister Isabel? Tatanggapin ko ba siya sa buhay ko, kahit maputi na pareho ang aming buhok? Masakit na rin ang tuhod at malabo na ang paningin ko? Nawa’y gabayan n’yo ako sa pagpapasya.

 

Nagpapasalamat,

Vilma ng Batangas

 

Sa iyo, Vilma,


‘Ika nga sa kasabihan, “kalabaw lang ang tumatanda”. Ang puso ng tao ay nanatiling bata at naghahangad na may magmahal at mahalin din siya ng wagas. Age is just a number. Huwag mong pigilan ang damdamin mo dahil lamang senior citizen ka na.


Umibig ka upang ibigin ka rin. Enjoy your life. Minsan lamang tayo tumapak sa mundong ito, at hindi na tayo makababalik pa kung sakaling kunin na tayo ni Lord. 


Samantalahin mo ang pagkakataon habang may nagmamahal pa sa’yo. Ang pag-aasawa ay hindi lamang sex. Tanggapin mo na ang pag-ibig sa iyo ng dati mong dyowa sa abroad tutal biyudo na siya ngayon. Hindi na kasalanan sa Diyos na patulan mo siya.


Walang masama kung itutuloy n’yo ang naudlot n’yong pagmamahalan. Ngayon na ang tamang panahon para kayo ay lumigaya.

 

Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


 
 
  • BULGAR
  • Dec 13, 2023

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | December 13, 2023



ree

Ang rason kaya criminology ang kinuhang kurso ni David ay dahil nais niyang mahuli ang mga kriminal na pumatay sa kanilang magulang. 


May kumalat na video noon, kaya nakita niya ang mukha ng mga kriminal. Ngunit, kahit nakita niya ang mga ito at nagawa niyang patayin, parang hindi pa rin ito sapat para sa kanya. 


Kapag nakakakita siya ng mga madre, nakakaramdam siya ng panggigigil. ‘Di niya alam kung paano siya nakatagal sa pagpapanggap bilang madre, marahil dahil sa pagmamahal niya kay Maritoni. 


Hindi niya napigilang umiyak kapag naaalala niyang masaya na ito sa piling ng iba. Buong akala pa naman niya, sila na ang magsasama habambuhay. 


“Hindi siya puwedeng ikulong sa mga tunay na kriminal hanggang hindi siya magaling,” wika ni Mark. 


“Galit siya sa akin,” malungkot na sagot ni Maritoni. 


“Hindi mo naman kasalanan kung ako ang mahal mo.”


Marahan na tumango si Maritoni. Mahalaga sa kanya si David dahil ito ang kasama niya mula pagkabata, pero hindi niya kayang ibigay dito ang pag-ibig na nararamdaman niya para kay Mark. 


“Sana makatagpo rin siya ng babaeng mamahalin niya habambuhay.” Sambit ni Maritoni. 


Marahang tawa ang pinawalan ni Mark at sabay sabing, “hayaan mo muna siyang gumaling at pagsisihan ang ginawa niya. Halika na nga.” 


“Saan ba tayo pupunta?” Tanong niya sa binata. 


Bahagya lang siya nitong sinulyapan at sabay sabing “sa city hall, saan pa ba?”


“Ano’ng gagawin natin du’n?” Pagtataka ng dalaga.


“Magpapakasal, hindi ko hahayaang mangyari pa ang sinabi ni David na magkakahiwalay din tayo. Para makontra iyon, ngayon palang magpakasal na tayo.” Wika ni David. 


Nanlaki ang mga mata ni Maritoni nang makita niyang nasa harap na sila ng city hall. 


“Will you marry me?” Tanong ng binata sa kanya. 


“Sa wakas magiging Mrs. Ferrer na ako!” Excited niyang sabi sabay sigaw ng, “YES!”


Pagkaraan ay inangkin muna nila ang labi ng isa’t isa, pero sandali lang ito dahil mas gusto nilang maging legal na ang kanilang pagmamahalan para hindi na sila magkahiwalay pa. 

 

Wakas…

 


 
 
  • BULGAR
  • Dec 12, 2023

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | December 12, 2023



ree

“Taas ang kamay!” Wika ni Maritoni matapos siyang batiin ni David na “magdasal ka na, sister”. 


Kitang-kita niya ngayon sa mukha nito ang matinding pagkabigla. Wari’y hindi nito inaasahan ang kanyang sinabi. Dahil nakatutok na ang baril niya rito, hindi na nito nagawa pang dumukot ng baril. Sa halip, sinunod niya na lang sinabi ni Maritoni na itaas ang mga kamay nito. Agad naman itong nilapitan ni Mark at saka pinosasan. 


“At sino ka para gawin sa akin ito?” Mangha niyang tanong kay David. 


“Senior Inspector Mark Ferrer,” pagpapakilala nito. 


“Pulis ka?” Hindi makapaniwalang tanong nito. 


Hindi na siya nagtaka kung bakit nabigla ng ganu’n si David. Maski si Maritoni ay nabigla tungkol sa pagkatao ng kanyang minamahal. Para tuloy siyang napahiya dahil ito ang pinagdududahan niyang suspect. Samantala, isa rin pala itong pulis na may mataas na katungkulan. 


“Kaya, hindi mo na maliligaw ang mga pulis na ako ang kriminal gayung alam naman nating dalawa kung sino talaga. Ngayon mo sabihin kung bakit galit na galit ka sa mga madre?” 


Tumalim ang tingin ni David kay Mark at sabay sabing, “dahil sa mga madre na ‘yan, nawalan kami ng mga magulang.”


“‘Di ba dapat ang mga kriminal ang hinahanap mo?” Hindi makapaniwalang sabi ni Mark. 


Noong una, ayaw din sana niyang paniwalaan pero iyon ang katotohanan, kaya pala kahit pinagdududahan niya ito na isa itong kriminal. ‘Di niya pa rin makumbinsi ang kanyang sarili dahil talaga namang mabuti itong tao. 


“Wala na rin naman ang mga iyon, pinatay ko na silang lahat, pero hindi pa rin ako masaya. Feel ko, ‘di pa ako nakakaganti sa mga tunay na may sala, mas magiging okey ang pakiramdam ko kung uubusin ko ang lahat ng madre sa buong mundo,” wika ni David sabay halakhak na para bang nababaliw.  


Tatapusin…



 
 
RECOMMENDED
bottom of page