top of page
Search

ni Sister Isabel del Mundo - @Mga kuwento ng buhay at pag-ibig | January 3, 2024


Dear Sister Isabel,


Suwerte ako sa buhay dahil mayroon akong bahay sa Tagaytay na kung saan mayayaman lang ang nakaka-afford. Binili ‘yun ng anak ko na nagtatrabaho sa abroad para roon na ako tumira at para na rin tuwing magbabakasyon siya sa Pilipinas ay may disente siyang bahay. 


Ang problema ay isa akong church leader sa probinsya namin. May sarili akong religious group kaya umuuwi ako ru’n once a month upang pangasiwaan ang aming mga gawaing spiritual. Kung wala ako, tiyak na mabubuwag ang grupo namin at ayokong mangyari ‘yun. Dahil dyan, nagtampo ang anak ko sa abroad.


Gusto niyang bitawan ko na ang mga gawain ko sa simbahan, at du’n na lang mamalagi sa Tagaytay para ‘di rin mapabayaan ang bahay na pinundar niya. 


Hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang hindi ko kayang bitawan ang grupo kong pinangangasiwaan sa simbahan. Ayokong mabuwag iyon. Isa pa, nanghihina at nagkakasakit ako kapag walang gawaing spiritual. Parang vitamins ko na ang paglilingkod sa Diyos. 


Ano ang maipapayo n’yo sa akin, susundin ko ba ang anak ko o ang tawag ng gawaing spiritual na siyang nagpapanatiling malusog sa tunay kong edad?


Nagpapasalamat,

Elizabeth ng Lucban, Quezon


Sa iyo, Elizabeth,


Kausapin mo nang maayos ang anak mo. Ipaliwanag mong mabuti ang kalagayan mo sa simbahang pinaglilingkuran mo. Tutal naman kamo once a month lang iyon o kahit sabihin pang inaabot ka ng two weeks sa probinsya para gampanan ang gawaing nakaatang sa iyong balikat. Sa palagay ko ay maiintindihan ka ng anak mo basta’t ipakita mo lang na maayos naman ang bahay na binili niya, at hindi mo naman pinapabayaan. 


Hanggang dito na lang, daanin mo sa diplomasya ang anak mo, hindi sa magulong pagpapaliwanag. Cool ka lang, taunin mo na nasa mood siya kapag kinausap mo na siya. Gagabayan ka ng Diyos sa iyong pakikipag-usap sa anak mo. Tiyak ko iyan sapagkat ikaw ay tagapaglingkod niya.


Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


 
 
  • BULGAR
  • Jan 3, 2024

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | January 3, 2024



ree

“Magpapalit tayo, magpapalit tayo! Ikaw ay magiging ako, samantalang ako ay magiging ikaw.” Ang mga salitang ito ang paulit-ulit na binibigkas ni Baninay. 

 

Alam niyang darating din ang araw na magigising si Princess dahil siya rin naman ang may kagagawan noon. Pinatulog niya ang diwa ng dalaga para magawa niyang pasukin ang katawan nito. Kaya naman nang magising si Princess hindi niya maiwasan ang makaramdam ng pananabik kay Gabriel. 

 

Matagal na niyang gustong yakapin ito, kaya naman iyon ang gusto niyang gawin ngayon. Nais din niya itong i-kiss, pero hindi niya magawa. Marahan siya nitong tinulak na para bang hindi siya gustong mayakap at mahalikan. 

 

“Magpahinga ka muna,” wika ni Gabriel na para bang nandidiri sa kanya. 

 

Ibig sana niyang isipin na hindi na nito mahal si Princess, kaya ganu’n na lang kung umasta ito.

 

Subalit, alam niya kung gaano nito kamahal ang tunay na Princess. Pakiwari tuloy niya ay nakikita nito na ibang Princess ang kanyang nasa harapan. Bahagya siyang umiling, imposible iyon dahil iisa lang naman ang mukha nila ni Princess. 

 

Kaya nang iwanan siya nito ay wala siyang nagawa. Kailangan pa siguro niyang galingan ang kanyang pag-arte para makumbinsi si Gabriel na siya si Princess. 

 

Pagkaraan ay napabangon siya. Kailangan niyang mapaibig nang husto ang binata para maging kanya na ito habambuhay. Maganda at seksi na siya kaya kinakailangan niyang gamitin ito para maangkin na niya ang kanyang pinakamamahal. 

 

Itutuloy…

 

 

 
 
  • BULGAR
  • Dec 30, 2023

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | December 30, 2023



ree

Sobra niyang mahal si Gabriel, kaya naman nang imulat niya ang kanyang mga mata ay wala na siyang gustong gawin kundi yakapin ang kanyang pinakamamahal. Marahas na buntong hininga lang ang kanyang pinawalan dahil parang ayaw nitong maramdaman ang init ng kanyang yakap.


Para tuloy gusto na niyang magalit dito.


Ipinilig niya ang kanyang ulo, napakaimposible naman kasi ng kanyang nararamdaman.


Mahal na mahal niya si Gabriel kaya kahit kailan ay hindi niya magagawang magalit dito. Maaari lang siyang magdamdam.


Ngunit, dapat nga bang ganu’n ang maramdaman niya?


“Hindi!” Wika ng kanyang utak.


“Bakit ganyan ka?”


Pagtatanong ni Princess sa kanyang nobyo.


“Ha?”Inabot niya ang kamay nito.


Matagal nitong pinakatitigan iyon bago kinuha ang kanyang palad at dama niyang napuwersa rin itong lumapit sa kanya.“Parang hindi ka naman masaya na nagising na ako.


”“Ano bang sinasabi mo?” Kunwa'y naiiritang tanong nito. “Ramdam ko kasi ang panlalamig mo.


”“Hindi totoo ‘yan,” buong diin nitong sabi.“Bakit hindi mo ako halikan?”


Naghahamong tanong niya.Wala itong kibo. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya.


Wari’y tinitingnan kung seryoso ba siya sa kanyang sinabi. Siya naman ay naging mapaghamon din ang titig. Gusto kasi niyang halikan siya nito.


Ang ini-expect niya ay pagbibigyan siya nito, pero hindi iyon ang nangyari. Bagkus, matinding pag-iling ang ginawa ni Gabriel na para bang ikamamatay nito kapag hinalikan siya.


“Magpahinga ka na muna r’yan.


Marahas pa nitong binawi ang kamay sa pagkakahawak niya pagkaraan ay lumabas ito.


Pagkasara ng pinto, hindi niya na  napigilan ang mapasigaw sa sobrang galit.


Palpak na naman ang plano niya, nanggigigil siya, sabay tingin sa salamin at du’n niya nakita ang tunay niyang pagkatao – siya ay walang iba kundi si Baninay. 


Itutuloy…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page