top of page
Search
  • BULGAR
  • Jan 19, 2024

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Enero 19, 2024



ree

“May iba pa bang nanggagayuma kay Gabriel kaya hindi ito tinatablan ng gayumang ibinibigay ko?” Manghang tanong ni Baninay sa kanyang sarili. 


Iyon lang naman kasi ang naisip niyang dahilan kaya balewala rito ang panggagayuma niya. 


Ipinilig niya ang kanyang ulo pagkaraan, imposible naman kasing mangyari iyon.


Ngunit, bigla siyang natigilan nang may ideyang pumasok sa kanyang isipan. 


“Hindi kaya ginayuma rin ito ni Princess?” 


Umiling siya. Para naman kasing imposibleng mangyari iyon. Napakaganda na ni Princess kaya hindi na nito kailangan pang gayumahin si Gabriel. 


“Sure ka?” Dudang tanong niya sa kanyang sarili.


Wala naman na kasing pupuwedeng manggayuma kay Gabriel kundi si Princess lang. Kahit tuloy maganda si Princess ay parang gusto niyang magduda rito. 


“Paano nga kung dati ay hindi naman talaga type ni Gabriel si Princess?” 


Ibig sana niyang matawa sa naisip niyang 'yun, pero bigla rin siyang natigilan. Sa mundong ito naman kasi, hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. 


“Paano nga kung…?”  


Naisip niya na mas maigi kung mag-imbestiga siya. Kahit naman kasi komprontahin niya si Princess, hindi pa rin ito aamin, at magmumukha lang siyang kontrabida. 


Ngunit, pakiramdam niya ay may lihim siyang matutuklasan kung magiging matalino lang siya. Siyempre, ang una niyang dapat gawin ay ang mag-imbestiga. 


Kahit sinasabi ng utak niya na imposible ang naiisip niya, ang atribidang bahagi naman ng kanyang isipan ay nagsasabing, “paano nga kaya?”  


So, ano'ng dapat niyang gawin at saan siya dapat magsimula?


“Saan pa nga ba kundi sa eskwelahan,” nakangisi niyang sabi. 


Paniguradong du'n nagsimula ang kanilang kuwento. 


Itutuloy…


 
 
  • BULGAR
  • Jan 18, 2024

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Enero 18, 2024



ree


Marahas na buntong hininga ang pinawalan ni Baninay. Hindi siya makapaniwala kung bakit hindi man lang tinatablan si Gabriel ng gayuma, gayung alam naman niya na napakalakas nu’n, at hindi niya matanggap na dahil ito sa matinding pag-ibig na nararamdaman ng binata sa kanyang nobya na walang iba kundi si Princess. 


Ayon sa nakararami, kapag tunay ang pag-ibig na nararamdaman ng isang tao para sa kanyang partner, hindi magkakaroon ng epekto ang isang sumpa. Ngunit, sa kaso ni Gabriel, ni minsan ay hindi ito naapektuhan gayung dapat ay malito na ito sa kanyang nararamdaman. 


Ngunit, isang katotohanan ang agad niyang naisip, baka dahil hindi naman talaga siya nanggagayuma o nagriritwal kaya malaki ang tsansa na pumalpak siya. 


“Kumusta ka na, apo?” Wika ng matandang babae na nakasalubong niya. 


Hindi niya sana ito papansinin, kundi lang rumehistro sa kanyang isipan ang katagang apo. 


“Apo n’yo ho ako?”


“Manugang ko ang ama mo.”


“Ikaw ang nanay ng tatay ko?”


“Yes.”


“Bakit hindi ka ho bumibisita sa bahay?”


“May importante lang akong ginagawa. Ngunit, hindi na importante iyon. Ang mahalaga ay matulungan kita sa problema mo.”


Marahang tawa naman ang pinawalan nito. 


“Hindi ka dapat matawa, dahil kaya kitang tulungan sa problema mo.”


“Tulad na mainlab sa akin si Gabriel?” Naniniguro niyang tanong. 

“Yes.”


“Game!” Buong diing niyang sabi. 


Sobra siyang na-excite, at ‘di niya napigilan ang pumalakpak. 


“Baka may nanggagayuma sa’yo?” 


Itutuloy…


 
 
  • BULGAR
  • Jan 17, 2024

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Enero 17, 2024



ree

 

Nakakatiyak sina Gabriel at Princess na hindi nagbibiro ang taumbayan sa gagawing kasamaan kay ‘Baninay’ para umano maipaghiganti si ‘Princess'. 


Iyon nga lang, hindi alam ng mga tao ang tunay na sitwasyon. Nakabase lang naman kasi sila sa kanilang nakikita. 


“Hindi naman siguro nila tototohanin ‘yun?” Pagtatanong ng tunay na Princess habang yakap ang sarili. 


Sa tuwing lumalapit sa kanya si Gabriel, kaagad siyang lumalayo. Gayung pakiramdam niya’y gusto siya nitong ikulong sa mga bisig nito. 


“Ano bang nangyayari sa’yo?” Tanong nito sa kanya 

“Ha?”


“Para ka namang nandidiri ka sa akin.”


“Alam mong hindi totoo ‘yan. Saka sa ating dalawa, ikaw ang dapat na mandiri.”


“So, iyan ang dahilan kaya ganyan na lang ang pag-iwas mo?” 


Malalim na buntong hininga ang pinawalan niya pagkaraan. Hindi na rin naman niya maipagkakaila ang tunay niyang nararamdaman. Sigurado kasing kapag ginawa niya iyon, lalabas lang siyang sinungaling. Hindi siya manloloko at never siyang magsisinungaling sa kanyang nobyo. 


“Ganyan ba kababaw ang tingin mo sa akin?” Inis nitong tanong sa kanya. 


Hindi siya nakakibo dahil ang bawat katagang lumalabas sa bibig nito ay nagpapahirap din sa kanyang kalooban. 


“Kaya nga alam ko agad na hindi ikaw ang nasa katawan mo noon. Kasi ‘yun ang naramdaman ng puso ko. Baduy man pakinggan pero iyon ang totoo, mahal kita kaya ramdam ko kung ikaw ba talaga ‘yan o hindi.”


Hindi na napigilan ng tunay na Princess na yakapin ang kanyang nobyo. Ramdam na ramdam din kasi niya ang pagmamahal nito sa kanya, at nagi-guilty siya dahil pakiramdam niya ay naging masama siya rito. Hindi naman kasi nito deserve na masaktan, sinadya man niya o hindi. 


“Malalampasan din natin ito, at pangako hindi ko hahayaan na masaktan ka ninuman.”


Bigla lang siyang lumingon dahil pakiramdam niya'y may mga matang nakatingin sa kanya, at parang naghihintay ng pagkakataon upang mailayo siya kay Gabriel.

 

Itutuloy…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page