top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

namanhid ang mga kamay at na-intubate bago namatay sa bakuna.


ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Daing mula sa hukay | July 02, 2021



Napakahalaga ng mga anak para sa kanilang mga magulang. Sila ang inaasahang magdurugtong sa naiwang gawain ng huli at magpapatuloy ng kanilang angkan sa bago at darating pang henerasyon. Sila rin ang inaasahang gabay ng kanilang mga magulang sa pagtanda, ngunit higit sa mga responsibilidad na iniaasa sa mga anak at pag-asang ibinibigay nila sa kanilang mga magulang, ang kasiyahan at pagmamahal ang namumukod sa mga ito. Sa mag-asawang isa lamang ang anak, higit nilang ramdam ang halaga ng kanilang supling, kaya naman sa kanila na nawalan ng kaisa-isa nilang mutya at yaman, wala nang kasing sakit pa ang naganap na trahedyang ito. Ganito ang nangyari kina G. Jayson at Gng. Geraldine Espinilla ng Oriental Mindoro. Anila, “Napakasakit para sa amin ng biglang pagpanaw ni Jericho, lalo na at siya ay nag-iisa naming anak.”


Si Jericho P. Espinilla ay 12-anyos nang namatay noong Hulyo 9, 2018. Siya ang ika-70 sa mga naturukan ng Dengvaxia, na nakaranas ng sintomas na kasama sa common pattern of four serious adverse effects (anaphylactic allergic reaction, viscerotropism (pamamaga, paglaki at pagdurugo ng laman-loob), neurotropism (pamamaga at pagdurugo ng utak), and increase in severity of dengue disease) consistent sa Sanofi Declaration of Four (4) Identified and Expected Risks in its Submission for Authorization sa Food and Drug Administration (FDA) {22 Disyembre 2015} — na sumailalim sa forensic examination ng PAO Forensic Team, pagkatapos hilingin ng kanilang mga pamilya. Si Jericho ay dalawang beses nabakunahan ng Dengvaxia sa kanyang paaralan sa Laguna. Una siyang nabakunahan noong June 27, 2016 at sumunod noong Disyembre 8, 2016.


Noong Hulyo 2, 2018 ng umaga, pumasok pa sa paaralan si Jericho, subalit hindi na siya nakapasok ng hapon nang magreklamo siyang masakit ang kanyang lalamunan at namamanhid ang kanyang mga kamay, bandang tanghali ng araw na ‘yun. Masakit diumano ang kanyang lalamunan tuwing lumulunok siya kaya pati pag-inom ng tubig ay hindi niya magawa. Kinabukasan, dinala si Jericho sa isang health center sa Laguna. Sinabi ng doktor na namamaga ang tonsils ni Jericho, kaya siya ay niresetahan ng amoxicillin. Dahil hindi niya mainom ang gamot dahil sa sakit ng kanyang lalamunan, pinatingnan siya ng kanyang mga magulang sa isang clinic sa lugar nila, alas-11:00 ng umaga. Muli siyang niresetahan ng doktor ng antibiotic, subalit hindi pa rin niya nainom ang gamot dahil pa rin sa kanyang lalamunan. Ayon sa doktor, namamaga ang kanyang tonsils. Ni-nebulize rin si Jericho dahil hirap siyang huminga.


Bandang alas-12:30 ng tanghali, dinala siya sa isang community hospital sa Laguna dahil pahina siya nang pahina. Agad siyang kinabitan ng dextrose at oxygen sa nasabing ospital. Hindi na siya makapagsalita nang maayos at hindi niya maigalaw ang kanyang mga kamay. Matapos malaman na si Jericho ay naturukan ng Dengvaxia, sinabihan ang kanyang mga magulang na kailangan siyang ilipat sa isang ospital na may Pedia-ICU. Siya ay inilipat sa isang medical center sa Batangas City at agad na in-admit sa Pedia- ICU. Mas lumala ang kalagayan niya. Hindi na niya maigalaw nang maayos ang kanyang mga paa at hindi na siya makatayo. Sa mga sumunod na araw, hindi pa rin bumuti ang kanyang kalagayan. Sa tuwing sina-suction siya ay may mga plema siyang nailalabas.


Pagdating ng Hulyo 5 hanggang 8, 2018, naging kritikal ang kalagayan ni Jericho at ito ay humantong sa kanyang kamatayan. Narito ang mga kaugnay na detalye:

  • Hulyo 5, 2018, alas-3:00 ng hapon - Nawalan ng malay si Jericho. Nag-agaw buhay siya kaya siya ay in-intubate. May sinat na rin siya. Dahil naging kumplikado at kritikal ang kanyang kalagayan, isinailalim siya sa x-ray at CT scan. Patuloy ang paghina ni Jericho sa mga sumunod na araw.

  • Hulyo 7, 2018 - Sinubukan siyang pakainin gamit ang NGT, subalit hindi natutunaw ang mga ipinapakain sa kanya.

  • Hulyo 8, 2018, alas-5:00 ng hapon - Natulog si Jericho, mula noon ay hindi na siya nagising at hindi na bumuti ang kalagayan niya.

  • Hulyo 9, 2018, alas-9:30 ng gabi - Tuluyan nang pumanaw si Jericho. Anang kanyang mga magulang, “Ayon sa kanyang Certificate of Death, siya ay namatay dahil sa “Septic Shock” (Immediate Cause), “Nosocomial Pneumonia” (Antecedent Cause), “to consider diphtheria” (Underlying Cause).” Gayunman, nasabi nina G. at Gng. Espinilla ang sumusunod:

“Bago maturukan ng nasabing bakuna si Jericho, ay isa siyang malusog at masiglang bata. Kailanman ay hindi siya nagkaroon ng malubhang sakit. Hindi rin siya naospital mula pagkabata bukod nitong biglaan siyang nagkasakit na humantong sa kanyang maagang paglisan. Mula noong maturukan siya ng Dengvaxia, nagbago ang kalagayan ng kanyang kalusugan. Nakapagtataka na matapos niyang mabakunahan ay bigla na lamang nagbago ang estado ng kanyang kalusugan. Ito ay sa kabila ng sinasabi nilang ang Dengvaxia na itinurok sa aming anak ay makapagbibigay -proteksiyon sa kanya.”


Ang trahedyang nangyari sa kanilang anak ay inilapit nina G. at Gng. Espinilla sa aming Tanggapan, hiniling nila ang tulong legal ng PAO at forensic services ng PAO Forensic Team. Kasama na ngayon sa mga kasong aming ipinaglalaban ang kaso ni Jericho. Katarungan para sa pinakamamahal na kaisa-isa nilang anak ang dasal sa tuwina ng naiwanang mga magulang ni Jericho. Patuloy na pagkilos sa legal na pamamaraan at panalangin ang siya namang handog namin kay Jericho hanggang sa dulo ng laban upang makamit ang katarungan.

 
 

12-anyos na namatay sa Dengvaxia.


ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Daing mula sa hukay | June 25, 2021



Ang kakayahang magpasya ay napakahalagang katangian ng isang tao. Ngunit may mga sandali sa buhay, tulad ng pagsapit ng pagtanda, kung saan may mga taong hindi na makapagpasya dahil tila wala na sila sa kanilang sarili. Gayunman, tinatanggap ang panahon at pangyayaring ito na bahagi ng buhay. Subalit, paano kung “wala pa sa panahon” ang pagdating ng nabanggit na pangyayari dahil hindi pa ganap na binata ang nakaranas at nagdusa dahil dito? Ganito ang pinagdaanan (kasama ang iba pang mga karamdaman) ng Dengvaxia vaccinee na si John Harry P. Rellores bago siya namatay. Ang partikular na insidente na kaugnay dito ay ikinuwento ng kanyang mga magulang na sina G. Jose at Gng. Cristina Rellores ng Quezon Province. Anila:


“Noong ika-5 ng Hulyo 2018 ng tanghali, kung anu-ano na ang sinasabi ng aming anak. Ang mga ito ay hindi namin maintindihan. Nakakalimot na rin siya dahil may mga pagkakataon na hindi na niya matandaan kung nasaan siya. Hindi bumuti ang kanyang kalagayan sa mga sumunod na araw.”


Si John Harry ay 12-anyos nang namatay noong Hulyo 12, 2018. Siya ang ika-69 sa mga naturukan ng Dengvaxia na nakaranas ng sintomas na kasama sa common pattern of four serious adverse effects (anaphylactic allergic reaction, viscerotropism (pamamaga, paglaki at pagdurugo ng laman-loob), neurotropism (pamamaga at pagdurugo ng utak), and increase in severity of dengue disease) consistent sa Sanofi Declaration of Four (4) Identified and Expected Risks in its Submission for Authorization sa Food and Drug Administration (FDA) {22 Disyembre 2015} — na sumailalim sa forensic examination ng PAO Forensic Team, pagkatapos na hilingin ng kanilang mga pamilya.


Siya ay dalawang beses nabakunahan ng Dengvaxia sa kanyang paaralan sa Quezon Province; una noong Mayo 18, 2016 at Oktubre 19, 2016 ang ikalawa. Bago siya maturukan ng nasabing bakuna, siya ay malusog at masiglang bata. Ayon sa kanyang mga magulang, kailanman ay hindi siya nagkaroon ng malubhang sakit, subalit mula nang siya ay nabakunahan, nagbago na ang kalagayan ng kanyang kalusugan. Narito ang ilan sa nasabing mga pagbabago:

  • Agosto 2017 - Unang nakaranas ng pabalik-balik na pananakit ng ulo si John Harry. May mga panahon na hindi na siya nakakapasok sa eskuwelahan dahil sa pananakit ng kanyang ulo.

  • Oktubre 9, 2017- Nahimatay si John Harry at isinugod sa isang ospital sa Quezon Province. Na-confine siya ng dalawang araw dahil sa anemia.

  • Disyembre 2017 - Muli siyang nagreklamo ng pananakit ng ulo at hirap sa paghinga. Namumutla at nagkukulay asul ang kanyang mga kuko. Siya ay dinala ulit sa nasabing ospital sa Quezon Province kung saan kinabitan siya ng oxygen. Pagkatapos ay ni-refer sila sa isang ospital sa Lucena City at isinailalim siya sa iba’t ibang laboratory tests. Pagkatapos nito, pabalik-balik pa rin ang pagsakit ng kanyang ulo. Madalas na rin siyang nagmumuta.

Pagdating ng Marso 2018 hanggang Hulyo 2018, nadagdagan ang kanyang mga nararamdaman, naging kritikal ang kanyang kalagayan at ito ay nauwi sa kanyang kamatayan. Narito ang ilan sa mga kaugnay na detalye:

  • Marso 10, 2018 - Muli siyang nahimatay dahil hindi kinaya ang labis na pananakit ng kanyang ulo. Siya ay in-admit muli sa pinagdalhan sa kanyang ospital sa Quezon Province.

  • Marso 11, 2018 - Dinala siya sa isang pediatrician at siya ay binigyan ng bitamina.

  • Hunyo 16, 2018 - Siya ay nagkaroon ng stiff neck kaya siya ay dinala ng kanyang mga magulang sa isang ophthalmologist dahil doon at sa pagmumuta niya. Sinabi ng doktor na infection ang sanhi ng pagmumuta nito. Binigyan siya ng eye droplet para rito.

  • Ikatlong linggo ng Hunyo 2018 - Umuubo siya at isinusuka niya ang kanyang mga kinakain.

  • Hulyo 3, 2018 - Pinatingnan siya sa isang clinic sa Camarines Sur. Pansamantala ay pinainom siya ng gamot sa pagkahilo at siya ay nasweruhan at ni-refer sila ulit sa nabanggit na ospital sa Lucena City. Ayon sa doktor, kailangan siyang i-EEG (electroencephalogram).

  • Hulyo 4, 2018 - Alas-8:00 ng umaga, kinombulsiyon siya at naulit ito. Siya ay kinabitan ng oxygen dahil hirap siyang huminga. Nagsusuka rin siya nang araw na ‘yun. Ala-1:00 ng hapon, hindi na niya maigalaw ang kanang binti na parang naparalisado.

  • Hulyo 9, 2018- Alas-11:00 ng umaga nang siya ay muling matulog, subalit nang gumising siya ay nawalan na siya ng lakas ng katawan at hirap gumalaw.

  • Hulyo 10 -11, 2018 - Tuluyan nang naparalisa ang kanang bahagi ng kanyang katawan. Sa sumunod na araw ay hindi na siya makagalaw.

  • Hulyo 12, 2018 - Alas-9:00 ng umaga, pabugso-bugso ang kanyang paghinga at siya ay nag-agaw buhay. Alas-10:00 ng umaga, tuluyan na siyang pumanaw. Sa kanyang Certificate of Death, ang dahilan ng kanyang pagkamatay ay “CNS Infection” (Immediate Cause), “PCAP-C” (Antecedent Cause).

Anang kanyang mga magulang sa kanyang pagkamatay:


“Napakasakit para sa amin ang biglang pagpanaw ni John Harry. Hindi ipinaliwanag nang maigi sa amin kung ano ang bakunang isinaksak sa kanya. Inimbitahan lamang ako (Cristina) sa isang meeting kung saan ipinaalam sa amin na magkakaroon ng pagbabakuna kontra dengue ang DOH. Mahal diumano ang bakuna, ngunit ibibigay nang libre sa mga bata. Hindi pa nagkakaroon ng dengue ang aming anak bago siya maturukan ng Dengvaxia, at walang ibang kakaiba o bagong gamot o kemikal na pumasok sa katawan niya kundi ang nasabing bakuna.


Dahil sa kanyang karamdaman, si John Harry ay nakakalimot na. Nawa sa kanyang kinalalagyan ngayon ay kanyang maalala ang paglapit ng kanyang mga magulang sa PAO, at ang aming patuloy na pagpupunyagi sa kanyang kaso — upang ang mga ito sana ay makapagbigay sa kanya ng saya.

 
 

ospital, dinanas ng 12-anyos na namatay sa Dengvaxia.


ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Daing mula sa hukay | June 18, 2021



Ang kahulugan diumano ng pangalang Kelvin ay “friend of ships”. Marahil, inaasahan ng mga magulang na nagbigay ng pangalan na ito sa kanilang anak na malaya at matagumpay na makapaglalayag sa dagat ng buhay ang mahal nilang supling. Sa kasamaang-palad, si Kelvin Anten, anak nina G. Calvin at Gng. Maridith Anten ng Cavite City, ay hindi nagkaroon ng mapayapa at ligtas na paglalakbay.


Si Kelvin ay 12-anyos nang namatay noong Hulyo 12, 2018. Siya ang ika-68 sa mga naturukan ng Dengvaxia na nakaranas ng sintomas na kasama sa common pattern of four serious adverse effects (anaphylactic allergic reaction, viscerotropism (pamamaga, paglaki at pagdurugo ng laman-loob), neurotropism (pamamaga at pagdurugo ng utak), and increase in severity of dengue disease) consistent sa Sanofi Declaration of Four (4) Identified and Expected Risks in its Submission for Authorization sa Food and Drug Administration (FDA) {22 Disyembre 2015} — na sumailalim sa forensic examination ng PAO Forensic Team, pagkatapos hilingin ng kanilang mga pamilya. Siya ay nabakunahan sa isang Barangay health center sa Cavite City, kung saan siya dalawang beses nabakunahan ng Dengvaxia; una noong Abril 18, 2016 at huli noong Oktubre 21, 2016. Pagkaraan ng isang taon, nagsimulang magkaroon ng pagbabago sa katawan ni Kelvin. Narito ang ilan sa mga kaugnay na detalye, simula Oktubre 2017 hanggang Enero 2018:

  • Oktubre 2017 - Nagsimula siyang ubuhin. Pinainom siya ng antibiotics galing sa kanilang barangay health center, ngunit pagkatapos ng tatlong linggo ay hindi bumuti ang kanyang kalagayan. Pina-x-ray si Kelvin at may pneumonia diumano siya. Siya ay in-admit sa TB-DOTS at binigyan ng mga gamot kontra Tuberculosis — Rifampicin, Isoniazid at Pyrazinamide.

  • Oktubre 20, 2017 - Nagkaroon ng pabalik-balik na lagnat si Kelvin.

  • Oktubre 31, 2017 - Nag-umpisang lumaki ang kanyang tiyan, naninilaw ang kanyang mukha at mga mata. Nananakit din ang kanyang tiyan. Itinuloy pa rin niya ang pag-inom ng mga nasabing gamot, subalit hindi bumuti ang kanyang kalagayan.

  • Nobyembre 6, 2017 - Dinala si Kelvin sa isang ospital sa Manila. Pinatigil ng mga doktor ang pag-inom niya ng Rifampicin dahil sa paninilaw niya at maaaring kaugnay diumano ito sa paghina ng atay niya dulot ng nasabing gamot. Binigyan siya ng Lactulose upang idumi niya ang mga nainom na gamot.

  • Nobyembre 9, 2017 - Unti-unting nawala ang paninilaw ni Kelvin.

  • Nobyembre 2017 hanggang Enero 2018 - Naging pabalik-balik ang kanyang ubo at lagnat.

Simula Pebrero 2018 hanggang Hulyo 2018, nadagdagan ang mga nararamdaman ni Kelvin, lumubha ang kanyang kalagayan na humantong sa kanyang kamatayan. Narito ang ilan sa mga nangyari noon kay Kelvin:

  • Unang linggo ng Pebrero 2018 - Nagkaroon siya ng kulani sa leeg.

  • Ikatlong linggo ng Pebrero 2018 - Naging dalawa ang kanyang kulani. Sinabayan din ito ng lagnat at ubo. Hindi na siya makakain nang maayos at nag-umpisang mangayayat.

  • Unang linggo ng Mayo 2018 - Nag-umpisang dumami ang kulani niya sa leeg at baba. Hindi na gumagaling noon ang mga kulani niya.

  • Hunyo 15, 2018 - Sinuri ng isang pediatrician si Kelvin at sinabing siya ay may tuberculosis. Pinayuhan niya si Aling Maridith na dalhin si Kelvin sa sinabi nitong ospital sa Manila.

  • Hunyo 25, 2018 - Dinala sa naturang ospital sa Manila si Kelvin. May isinagawang laboratory tests sa kanya.

  • Hulyo 4, 2018 - Niresetahan siya ulit ng Rifampicin pero hindi bumuti ang kanyang kalagayan.

  • Hulyo 5, 2018 - Alas-5:00 ng madaling-araw, nagtae ng dugo si Kelvin. Ilang sandali lamang ay nagsuka siya ng dugo nang anim na beses at nanghihina na rin siya. Alas-9:00 ng umaga, isinugod siya ng kanyang mga magulang sa ospital sa Manila na dati nang pinagdalhan sa kanya. Sa mga sumunod na araw, hindi na siya tumigil sa pagsusuka at pagtatae ng dugo. Mula Hulyo 5, 2018 ay araw-araw na siyang sinasalinan ng dugo. Hindi bumuti ang kanyang kalagayan.

  • Hulyo 10, 2018 - Tatlong beses siyang nagtae ng dugo at nagsusuka pa rin ng dugo.

  • Hulyo 11, 2018 - Dalawang beses siyang nagtae ng dugo.

  • Hulyo 12, 2018 - Alas-8:00 ng umaga, dumaing ng pananakit ng tiyan at dibdib si Kelvin. Nagtatae pa rin siya ng dugo at nahihirapang huminga. Hindi na rin siya makausap ng mga doktor at parang na-stroke na siya. Alas-8:30 ng umaga, na-comatose na siya. Sa mga sumunod na sandali ay nag-agaw buhay na si Kelvin. Sinubukan siyang i-revive ng mga doktor, subalit pagsapit ng alas-10:48 ng umaga, tuluyan nang pumanaw si Kelvin. Ani Mang Calvin at Aling Maridith sa pagkamatay ng kanilang anak,

“Napakasakit para sa amin ang biglang pagpanaw ni Kelvin. Gaya ng nasabi namin, isang masigla at malusog na bata ang aming anak. Kaya nakapagtataka na matapos niyang maturukan ng Dengvaxia ay biglang nagbago ang estado ng kanyang kalusugan. Ito ay sa kabila ng sinasabi nilang ang bakunang itinurok sa aming anak ay makapagbibigay-proteksiyon sa kanya.”


Base na rin sa pagkakalarawan sa sinapit ni Kelvin bago siya namatay, masasabing literal na “madugo” ang pinadaanan niyang laban. Ngayon, sa matalinghagang pananalita, ang kanya namang pamilya, lalo na ang mga magulang ay dumaraan din sa madugong labanan sa hukuman upang mabigyan ng katarungan ang sinapit niyang kamatayan. Ang Public Attorney’s Office, ang inyong lingkod, ang mga katuwang kong public attorneys, mga doktor at kawani ng PAO Forensic Laboratory Division ay buong puso at giting na sumasama sa kanilang laban simula nang hilingin nila ang aming tulong at propesyonal na paglilingkod.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page