top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Daing mula sa hukay | May 26, 2023


Sa tinaguriang Dengvaxia cases na hawak ng Public Attorney’s Office (PAO), aming nakita kung gaano karaming mga bata ang naturukan ng nasabing bakuna. Nagkaroon ng napakatinding pagbabago sa kanilang pag-uugali. Isa sa mga ito ay si Ma. Vinna Mae Etang, anak nina G. Benjamin at Gng. Nancy Etang ng Pampanga.


Sa kanilang Salaysay, inilarawan nila ang ilan sa mga naganap na pagbabago sa asal ni Vinna noong siya ay nabubuhay pa:

“Nagkaroon siya ng mood swings, severe headache, at nireregla siya nang buo-buong dugo.


Naging palasagot na rin ang aming anak. ‘Yung dating mabait na bata ay naging paladabog.


Sumasagot na rin siya tuwing napagsasabihan. Kaya laking pagtataka namin dahil hindi naman siya dating ganito.”


Si Vinna, 15, namatay noong Oktubre 7, 2020. Siya ang ika-158 na mga naturukan ng Dengvaxia na under Clinical Trial Phase 3 (WHO, Peter Smith) at nakaranas ng sintomas na kasama sa common pattern of four serious adverse effects (anaphylactic allergic reaction, viscerotropism (pamamaga, paglaki, at pagdurugo ng lamang-loob), neurotropism (pamamaga, at pagdurugo ng utak), and increase in severity of dengue disease) na sumasang-ayon sa Sanofi Declaration of Four (4) Identified and Expected Risks in its Submission for Authorization sa Food and Drug Administration (FDA). Noong Disyembre 22, 2015, siya ay isinailalim sa forensic examination ng PAO Forensic Team, matapos na hilingin ito ng kanyang mga magulang. Siya ay tatlong beses na nabakunahan ng Dengvaxia sa kanilang paaralan. Una ay noong Marso 21, 2016, pangalawa ay noong Oktubre 18, 2016, at pangatlo ay noong ng Hunyo 16, 2017.



Ayon sa kanyang magulang na sina G. at Gng. Etang, si Vinna ay “Isang masayahin, aktibo, at masigla. Sa katunayan, siya ay naglalaro ng Arnis at naging champion noong Grade 5 at Grade 6. Naging Ms. Intramurals din siya sa kanyang eskwelahan. Samantala, hindi na siya isinama sa Caraga noong nalaman nilang nabakunan siya ng Dengvaxia.”


Mula taong 2017 hanggang sa namatay si Ma. Vinna Mae Etang noong Oktubre 7, 2020, narito ang kaugnay na mga detalye sa nangyari sa kanya:

  • Taong 2017 - Nagkaroon siya ng skin pigmentation at rashes. Pasulput-sulpot ito sa kanyang balat. Madalas na sumakit noon ang kanyang ulo.

  • Taong 2018 - Nagkaroon ng pagkakataon na dumudugo ang kanyang ilong. Mainit din ang kanyang pakiramdam kaya siya ay madalas na maligo. Noong siya ay Grade 8, naging madalas na kanyang pagiging bugnutin.

  • Taong 2020 - Nagpatuloy ang pagiging bugnutin niya.

  • Pebrero 2020 - Nagdugo muli ang kanyang ilong, nagkaroon siya ng rashes at buo-buong menstruation. Hindi siya dinala sa ospital dahil nawawala naman ang rashes niya.

  • Setyembre 14 - Dumugo ang kanyang gums, at nilagnat din siya. Si Vinna ay dinala sa dentist, at binigyan siya ng antibiotics dahil ‘di umano siya puwedeng bunutan ng ngipin dahil maga ang kanyang gums. Binanggit ni Gng. Nancy sa dentista na mayroong Dengvaxia vaccine si Vinna, at sinabi niya na napansin niyang mayroong pigsa si Vinna. Iniuwi rin nila si Vinna matapos na naresetahan ng antibiotics.

  • Setyembre 15 - Nagpatuloy ang kanyang lagnat at ang kanyang pigsa ay naging kulay violet na at kumalat na sa kanyang tuhod, hita at paa. Dinala siya sa clinic dahil sa patuloy na pagdurugo ng kanyang gums. Kumalat din ang dark blue spots sa kanyang kamay, paa at braso. Ayon sa doktor, mayroong problema sa dugo si Vinna, at pinayuhan sina Gng. Nancy na pumunta sa hematologist na ginawa naman nila. Isinailalim siya sa laboratory test at negative siya sa Dengue. Subalit kailangan umano niyang masalinan ng dugo. Sa kasamaang palad, hindi siya nasalinan dahil walang pang-down ang kanyang magulang sa nasabing ospital. Dahil sa kawalan ng pera, iniuwi nila si Vinna at lalong lumala ang kanyang kalagayan dahil sa pagdurugo ng kanyang gums.

Isinailalim muli siya sa laboratory tests. Naging negatibo siyang muli sa Dengue subalit mababa diumano ang kanyang platelet count kaya kinakailangan na masalinan na siya ng dugo. Noong nasa ospital ay nagpatuloy ang paglabas ng buo-buong dugo sa kanyang pwerta. Binigyan siya ng pampaampat subalit hindi ito naging epektibo. Dumumi lang siya ng itim. Nang isailalim muli siya, napag-alaman na mayroon diumano siyang Amoebiasis. Patuloy pa rin ang pagdurugo mula sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

  • Oktubre 7 - Siya ay binawian ng buhay. Ayon sa kanyang Death Certificate, ang ikinamatay umano niya ay Disseminated Intravascular Coagulopathy (Immediate Cause); Blood Dyscrasia (Antecedent Cause); Acute Leukemia (Underlying Cause); at Sepsis (other significant conditions contributing to death).

“Napakasakit sa amin ang biglang pagpanaw ng aming anak na si Vinna. Naging pabaya ang mga taong gumawa ng pagbabakuna nito sa aming anak, at sa iba pang mga bata. Sinabi nila na mabisa ito upang hindi madapuan ng dengue ang aming anak subalit ito pa ang naging sanhi ng kanyang kamatayan. Nasaan ang sinasabi nilang proteksyon ng bakunang Dengvaxia? Sa napakaikling panahon na nasa ospital siya, binigyan naman siya ng gamot ngunit hindi parin bumuti ang kanyang kalagayan. Bagkus ay mas lalo pa itong lumala.”

Ang mga naganap na pagbabago sa pag-uugali ni Vinna ay sanhi pala ng pagdurugp.


Ayon sa doktor, nagdurugo diumano ang kanyang mga organs. Nakasisindak ang kamatayang sinapit ni Vinna, gayundin ang pagkasawi ng maraming biktima na katulad niya. Nakalulungkot isipin na ang pagbabago ng kanyang ugali ay sanhi ng mga sakit na nararamdaman niya sa kanyang katawan. Ang mga sakit na dulot ng pamamaga at pagdurugo ng kanyang mga organs marahil ang nagpabago sa dating mabait na bata.


Nakita ang pagdurugo sa kanyang mga organs nang siya ay suriin kaya malinaw na dumanas si Vinna nang labis habang tinitiis niya ang sakit na dulot ng pagdurugo ng kanyang mga organs. Patunay na ang sinapit ng kamatayan ng tao ay mabisang ebidensya na totoo ang nangyari sa kanya. Ito ay kasama sa aming mga armas sa patuloy naming pagharap sa hukuman bilang mga pagtanggol sa tinaguriang Dengvaxia cases.



 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Daing mula sa hukay | May 19, 2023


Bilang mga magulang ni Maekyla S. Cruz, lubhang nasisiyahan sina G. Rodrigo Cruz at Gng. Mila Samontina ng Taguig sa mga paglalambing nito sa kanila.


Sa kasamaang palad, may mga paglalambing si Maekyla na nagpapaalala ng mapait na nakaraan. Narito ang bahagi ng kanilang Salaysay:


“Nasa bahay na kami nang makita na parang hindi na normal ang kanyang kinikilos.


Napansin din naming gumagalaw nang kusa ang kanyang mga kamay at pati na ang daliri sa kanyang paa. Lubos kaming nag-alala dahil sa mga pagbabago kay Maekyla at hindi namin maiwasang umiyak dahil sa awa. Nang napansin niyang umiiyak kami sa kanyang kalagayan ay niyakap at nginitian niya kami.”



Si Maekyla, 13, at namatay noong Agosto 21, 2020. Siya ang ika-157 na naturukan ng Dengvaxia na under Clinical Trial Phase 3 (WHO, Peter Smith) at nakaranas ng sintomas na kasama sa common pattern of four serious adverse effects (anaphylactic allergic reaction, viscerotropism (pamamaga, paglaki, at pagdurugo ng laman-loob), neurotropism (pamamaga, at pagdurugo ng utak), and increase in severity of dengue disease) na sumasang-ayon sa Sanofi Declaration of Four (4) Identified and Expected Risks in its Submission for Authorization sa Food and Drug Administration (FDA) {22 Disyembre 2015}. Siya ay sumailalim sa forensic examination ng PAO Forensic Team, pagkatapos itong hilingin ng kanyang magulang. Siya ay tatlong beses na naturukan ng Dengvaxia sa kanilang paaralan, una noong Abril 18, 2016; pangalawa noong Oktubre 21, 2016; at pangatlo noong Hunyo 29, 2017.


Si Maekyla ay masayahin, aktibo, masigla at malusog na bata. Siya ay naglalaro ng volleyball kapag may palaro sa kanilang eskuwelahan. Kailanman ay hindi siya nagkaroon ng malubhang karamdaman at ang tanging pagkakaospital niya ay noong 6-anyos siya nang magkaroon siya ng Urinary Tract Infection (UTI). Ang sumunod niyang pagkakaospital ay noong Agosto 2018 nang magkaroon siya ng dengue. Noong mga huling linggo ng Hulyo 2020, sinabi ng kanyang kapatid na madalas siyang uminom ng paracetamol at nagsasabing hindi siya makatulog. Pagdating ng Agosto 2020, narito ang pinagdaanan ni Maekyla, hanggang sa siya’y bawian ng buhay noong Agosto 21, 2020:

  • Agosto 12 - Hirap siyang makatulog. Pinayuhan siya ni Gng. Mila na uminom ng gatas upang makatulog.

  • Agosto 13 - Wala na siyang gana kumain. Namamanhid din ang kalahati ng kanyang mukha hanggang sa kanang bahagi ng kanyang kamay. Agad nilagyan ni Gng. Mila ng hot compress ang mga nasabing parte ng katawan ni Maekyla. Ang sabi niya ay nawala naman umano ang pamamanhid. Pinasulat siya ni Gng. Mila ng kanyang pangalan. Naisulat naman niya ang kanyang buong pangalan na, “Maekyla S. Cruz”. Ngunit matapos niya itong sulatin ay nahirapan na siyang magsalita na para bang may stroke.

  • Agosto 14 at 16 - Dinala siya sa isang ospital sa Taguig. Sa inisyal na diagnosis ng doktor, inirekomenda na isailalim siya sa CT scan sa ospital sa Manila, sapagkat nakita ng doktor na hindi na siya makapagsulat ng kahit ano bukod sa pangalan niya. Dahil sa sitwasyon noong pandemya, natakot ang mga magulang ni Maekyla na dalhin siya sa nasabing ospital sa Manila.


Sa kanilang bahay, naganap ang mga pangyayaring nabanggit sa unahan ng artikulong ito hinggil sa hindi na normal na mga galaw ng mga kamay ni Maekyla, pati na ang mga daliri niya sa kanyang mga paa.


Bandang ala-1:00 ng tanghali noong Agosto 14, tinawag ni Gng. Mila ang kapitbahay nilang nurse na nagtatrabaho sa isang pagamutan na pang-mental health dahil napansin nila na tila nasisiraan na ng isip si Maekyla at iba na ang sinasabi niya. Dahil hindi siya makatulog, binigyan siya ng kanilang kapitbahay na nurse ng gamot pampatulog at pampakalma. Gayunman, hindi pa rin siya nakatulog, nanghingi na ng gamot ang magulang niya sa isang doktor sa medical center sa Makati sa pamamagitan ng online consultation. Pinabili sila ng Rivotril upang ipainom kay Maekyla, ngunit ‘di pa rin siya makatulog. Hindi rin siya makapagsalita at hindi na nakakaintindi. Wala rin siyang reaksyon sa mga sinasabi ng kanyang pamilya. Kapag may nais siyang sabihin, sumesenyas na lang ito. Nagtagal ang ganitong kalagayan ni Maekyla hanggang Agosto 16, 2020. Hindi na siya makaramdam ng init dahil kinain niya nang dire-diretso ang sobrang init na kanin. Palakad-lakad at paikot-ikot na lang siya sa kanilang tahanan.


  • Agosto 17 - Dahil sa kakaibang ang inaasal ni Maekyla, dinala siya ng kanyang mga magulang sa isang ospital sa Makati kung saan nilagyan siya ng swero, isinailalim sa x-ray, CBC at swab test, at nag-negative siya sa COVID-19.

  • Agosto 18 - Napansin ni Gng. Mila na wala na siya sa sarili. Galaw nang galaw at nagwawala kaya nilagyan siya ng tali sa kanyang kama.

  • Agosto 20 - Inilipat siya sa isang ospital sa Quezon City.

  • Agosto 21 - Nagwawala na siya at galaw nang galaw kaya itinali siya ni Gng. Mila sa kanyang kama. Nang lumabas ang resulta ng CT scan niya, niresetahan siya ng steroids.


Ayon sa kanyang magulang,“Nakakapanghina dahil sa kabila ng pagpapainom sa kanya ng gamot, hindi pa rin bumubuti ang kanyang kalagayan. Hindi na siya makakain nang maayos, kaya naka-nasogastric tube na siya. Hindi na bumuti ang kalagayan niya hanggang sa siya ay bawian ng buhay.”


Dagdag pa nila, “Nasaan ang sinasabi nilang proteksyon kontra dengue ang bakunang Dengvaxia? Maliban sa siya ay na-dengue, nagkaroon pa siya ng karamdaman. Sa napakaikling panahon na nasa ospital siya, mayroon nang gamot, ngunit ‘di pa rin bumuti ang kanyang kalagayan.”


Palaisipan sa mga magulang ni Maekyla ang pagkakaroon niya ng sakit na nauwi sa kamatayan.


Nagpabigat pa rito ang kondisyon niya na nagmistula siyang baliw, samantalang mula pagkabata ay hindi naman siya kinakitaan ng kakaibang ugali dahil mabait siyang bata.


Hindi ba dapat ang bakuna ay magbibigay ng proteksyon sa naturukan nito? Ito ang katanungang isinisigaw ng bawat pamilya ng biktima ng bakunang Dengvaxia. Isang katanungang ang sagot sana natin ay “Oo”, subalit hindi tayo paniniwalaan, sapagkat marami ang nabiktima ng bakunang Dengvaxia. Kaya ang aming Tanggapan ay patuloy na makikipaglaban kasama ang pamilya ni Maekyla na makamit ang hustisyang para sa kanya. Bahagi ng ipinaglalabang katarungan nina Gng. Mila at G. Rodrigo ang pagtutuwid sa kasaysayan ng kanilang anak. Kasama ang PAO at PAO Forensic Laboratory Division na hiningan nila ng tulong sa laban na ito. Kapag natamo ang katarungan, mabibigyang-halaga ang katotohanan na naging tuntungan nito.


Ang katotohanang ito ang kasagutan para kina Gng. Mila at G. Rodrigo, para sa palaisipan na nakintal sa kanilang kamalayan.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Daing mula sa hukay | May 13, 2023


Marami sa ating sa mga kabataan ang mahilig sa sports, ngunit ‘di man sila nagiging atleta sa kanilang eskuwelahan, nakakapagbigay naman sila ng saya sa kanilang magulang.


Kabilang na rito sina G. Orlando at Gng. Ma. Cristina Nayve ng Caloocan City.


Ang kanilang anak na si Zorev Nayve na may hilig sa sports ay napalitan ng lungkot at hindi mapawing pagdadalamhati. Ayon sa kanilang salaysay, si Zorev ay “Isang masayahin, aktibo, masigla at malusog na bata. Siya ay mahilig sa sports. Sa katunayan ay naglalaro rin siya ng basketball at taekwondo. Kailanman ay hindi siya nagkaroon ng malubhang karamdaman at hindi pa siya na-ospital, maliban na lamang noong buwan ng Agosto 2019, mga ikalawang linggo, kung saan siya ay nakaramdam ng pagkahilo at pagsusuka sa kanyang eskwelahan.”


Si Zorev, 14, namatay noong Agosto 29, 2020. Siya ang ika-156 na mga naturukan ng Dengvaxia na under Clinical Trial Phase 3 (WHO, Peter Smith) at nakaranas ng sintomas na kasama sa common pattern of four serious adverse effects (anaphylactic allergic reaction, viscerotropism (pamamaga, paglaki, at pagdurugo ng laman-loob),


neurotropism (pamamaga, at pagdurugo ng utak), and increase in severity of dengue disease) na sumasang-ayon sa Sanofi Declaration of Four (4) Identified and Expected Risks in its Submission for Authorization sa Food and Drug Administration (FDA). Noong Disyembre 2015, siya ay sinailalim sa forensic examination ng PAO Forensic Team, matapos na hilingin ito ng kanyang mga magulang.


Siya ay tatlong beses naturukan ng Dengvaxia sa kanilang paaralan sa Pasay City. Noong una ay Abril 11, 2016, pangalawa noong Enero 10, 2017, at pangatlo ay noong Hulyo 12, 2017.


Simula Setyembre hanggang Disyembre 2019, nadagdagan pa ang mga sintomas na nararamdaman ni Zorev at patuloy na lumubha ang kanyang kalagayan. Narito ang ilan sa mga detalye:

  • Setyembre - Nahilo at nagsuka siya sa eskuwelahan. Iniuwi siya ng kanyang ina, at pinainom ng paracetamol, at naginhawaan siya.

  • Oktubre 16 - Sunud-sunod ang kanyang pagkahilo at pagsusuka. Dinala siya sa isang ospital sa Quezon City. Nalaman na mataas ang kanyang blood pressure. Hindi na siya inilabas sa ospital, isinailalim siya sa iba’t ibang laboratory examinations, at lumabas sa resulta na mataas ang kanyang creatinine. Siya ay inilagay sa intensive care unit (ICU), dahil kailangang isailalim sa peritonial dialysis. Ayon sa kanyang mga magulang, ‘yun ang kauna-unahang pagkakaton na siya ay nadala sa ospital, subalit sinabi sa kanila na Chronic Kidney Disease Stage 5 umano ang sakit ni Zorev.

  • Oktubre 18 - Inoperahan siya upang ilagay sa kanya ang catheter para sa peritoneal dialysis na isinagawa sa kanya. Umayos naman ang kanyang pakiramdam, subalit nanatili siya sa ospital dahil kailangang isagawa ang dialysis sa kanya kada dalawang oras. Gayunman, kahit na siya ay isinailalim sa dialysis, mataas pa rin ang kanyang creatinine at siya ay namamanas, at taas-baba ang kanyang blood pressure.

  • Nobyembre 11 hanggang 20 - Bahagyang umayos ang kanyang kalagayan. Nabawasan ang kanyang pagkamanas hanggang siya ay pinalabas sa ospital. Sa kanilang tahanan, ipinagpatuloy ang kanyang peritoneal dialysis at dinadala siya sa Quezon City Hospital every week para sa kanyang check-up.

  • Disyembre 16 at 19 - Sumakit ang ulo, nahilo, nagsuka at nag-seizure siya. Muli siyang ibinalik sa Quezon City Hospital. Habang nasa emergency room ay nawalan na ito ng paningin. Isinailalim siya sa CT scan, at wala umanong pumutok na ugat sa kanyang ulo. Ayon sa ospital, normal na epekto ng seizure ang pagkawala ng paningin, kaya inilipat siya sa ICU at ipinagpatuloy ang dialysis. Tumaas din ng kanyang blood pressure at creatinine kaya naging kritikal ang kalagayan niya hanggang Disyembre 19, 2019.

  • Disyembre 20, 2019 - Unti-unting bumalik ang kanyang paningin. Umayos na ang kanyang pakiramdam, subalit ang blood pressure ay ‘di pa rin bumababa. Nagpatuloy ang kanyang dialysis, ngunit kaunting likido lang ang lumalabas sa kanyang catheter.


Noong 2020, narito ang ilan sa mga pinagdaanan ni Zorev hanggang sa siya ay pumanaw.

  • Enero 3 - Lumaki at sumakit ang kanyang tiyan. Nagsuka at tumaas ang kanyang blood pressure, kaya inilipat ito sa ibang ospital sa Quezon City.

  • Enero 9 - Nabingi na siya.

  • Enero 12 - Nagsimula na ang kanyang hemodialysis.

  • Pebrero 5, 8, at 9 - Nagkaroon siya ng hypertension, at nawala ang kanyang lagnat kaya siya ay iniuwi na.

  • Pebrero 20 hanggang Marso 10 - Muli siyang sinugod sa ospital sa Quezon City dahil sa pananakit ng kanyang ulo. Nalaman na mababa ang kanyang red blood cells, at hindi mapababa ang kanyang blood pressure. Nanatili siya sa ospital hanggang Marso 10, 2020.

  • Hulyo 23 - Nalaman ng doktor na nahihirapan siyang huminga, inirekomenda niya na isailalim si Zorev sa 2D Echo. Nalaman na mayroon siyang sakit sa puso.

  • Hulyo 23 - Nagpatuloy ang kanyang dialysis.

  • Agosto 29 - Isinagawa ang dialysis bandang alas-7:00 ng umaga. Dahil aabutin ng apat na oras ang dialysis, bumili si Gng. Ma. Cristina ng french fries at hamburger para kainin ni Zorev habang isinasagawa ang dialysis dahil nagugutom na umano siya, at gusto niya nito. Matapos niyang kainin ang hamburger, nagsuka siya, at hindi na rin makahinga hanggang siya ay tuluyan nang pumanaw.


Sa kanilang salaysay, sinabi ng mag-asawang Nayve, “Napakasakit ng biglaang pagpanaw ni Zorev. Palaisipan sa amin ang pagkakaroon niya ng sakit, sapagkat masigla, aktibo at malusog na bata ito. Kaya nakakapagtaka na matapos niyang maturukan ng Dengvaxia ay biglang nagbago ang estado ng kanyang kalusugan. Ito ay sa kabila ng sinasabi nila na ang Dengvaxia na itinurok sa kanya ay makapagbibigay ng proteksyon laban sa dengue infection.”


Ang sakit na kanilang nararamdaman at ang nasabing palaisipan ay dalawa lamang sa matitinding dahilan na naghatid sa mag-asawang Nayve sa aming Tanggapan upang hilingin ang legal na paglilingkod ng PAO, at ang forensic services ng PAO Forensic Laboratory Division.


Hindi matanggap ng mga Nayve na nagkasakit nang malubha ang kanilang anak na si Zorev, samantalang kahit minsan ay hindi ito naospital. Hindi man sila dalubhasa sa medisina, alam nila na malusog ang kanilang anak bago nailagay sa katawan niya ang bakunang Dengvaxia.


Patuloy ang aming pagpupunyagi sa kaso ni Zorev na ipinaglalaban na sa hukuman. Sa dulo ng aming laban, nawa ang sakit na kanilang nararamdaman ay maibsan ng katarungan at ang nasabing palaisipan ay maliwanagan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page