top of page
Search

ni Lolet Abania | September 15, 2021



Nasa kabuuang 104 healthcare workers ang naitalang nasawi dahil sa COVID-19, batay sa datos ng Department of Health (DOH). Sa pinakabagong situational report ng DOH, may kabuuang 24,284 healthcare workers ang nagpositibo sa test sa COVID-19 na nai-record hanggang Setyembre 13.


Sa nasabing bilang, nasa 23,814 naman ang nakarekober na habang 366 ay patuloy na ginagamot at nagpapagaling. Sa ngayon, may 221 ang active cases ng COVID-19 sa mga health workers na nakararanas ng mild symptoms, 95 sa kanila ay asymptomatic, 21 ay severe ang kondisyon, 20 ang nasa moderate condition, at siyam ang kritikal.


Samantala, matatandaang ang mga healthcare workers ay nagsagawa ng nagkilos-protesta hinggil sa pagkaantala ng kanilang special risk allowances (SRA) sa gitna ng pandemya.


Dahil dito, ayon sa Department of Budget and Management, nag-release sila ng karagdagang P888.12 milyon para sa pondo sa SRA ng mga health workers, habang sinabi ng DOH na patuloy silang nangangalap ng budget para tugunan ang kakulangan pa at maibigay na ang mga benepisyo ng mga medical frontliners.

 
 

ni Lolet Abania | September 11, 2021



Nakarekober na ang beauty queen na si Shamcey Supsup sa COVID-19. Ito ang nai-share ni Shamcey sa kanyang Instagram ngayong Sabado, kung saan inamin niyang tinamaan siya ng virus tatlong linggo na ang nakalipas.


“3 weeks ago, what we all thought was just a simple flu turned out to be COVID,” caption ni Shamcey sa kanyang IG. Aniya, mabuting fully vaccinated na siya dahil sa nakaranas lamang siya ng mild hanggang moderate symptoms.

“I would describe it as a really, really bad flu. It was also the first time that I’ve experienced a total loss of smell and taste,” sabi pa ng beauty queen. “Lucky enough, we were able to get better at home,” dagdag niya. “Praying for everyone’s safety and for the pandemic to end soon.”


Sa ngayon, nagsisilbi si Shamcey bilang national director ng Miss Universe Philippines. Noong 2011 ni-represent ni Shamcey ang Pilipinas at nagwaging third runner-up sa 60th Miss Universe pageant.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page