top of page
Search

ni Lolet Abania | December 27, 2021



Nakapagtala ang bansa ng dagdag na Omicron variant case, kaya nasa apat na ang kabuuang kaso ng nasabing virus.


Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang ikaapat na kaso ay isang 38-anyos na babae mula sa United States na dumating sa Ninoy Aquino International Airport nitong Disyembre 10 via Philippine Airlines PR 127.


“She was quarantined upon arrival,” ani Vergeire sa isang media forum ngayong Lunes.

Ang pasyente ay nakaramdam ng throat itchiness at sipon nitong Disyembre 13.


Agad namang dinala sa isolation facility ang pasyente matapos na magpositibo sa test nitong Disyembre 15.


“She was discharged after a 10-day isolation on December 24. She remains to be asymptomatic as of this time,” sabi ni Vergeire.


Ayon sa DOH, ang positive result para sa Omicron variant ng nasabing traveler ay lumabas nitong Disyembre 25.


“Kasi ‘yung detection ng Omicron dito, ‘yung detection natin sa sequencing for this fourth case ng Omicron came after when the individual was discharged already,” paliwanag ng opisyal.


“Alam natin na kapag wala ka naman variant of concern, you follow the existing protocol that we have. So nagkaroon siya ng 10 days na isolation,” dagdag ni Vergeire.


Sinabi ni Vergeire na kasalukuyang isinailalim sa home quarantine ang traveler at patuloy na mino-monitor. Nakatakda naman siya para i-retest sa Martes.


Samantala, ayon kay Vergeire nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa Bureau of Quarantine at sa Department of Transportation hinggil sa flight manifest para sa contact tracing.


“Rest assured na lahat naman po ng dumarating, kapag dumating po sila, for example the US, a yellow country, they are all quarantined for five days, tested on the fifth day, once negative, they are sent home but they have to do home quarantine until the 14th day,” saad ng kalihim.


Kaugnay nito, binanggit ni Vergeire na ang mga naging close contacts ng mga Omicron variant cases ay wala pang naire-report na COVID-19 symptoms.


“We are still verifying the other two passengers and lahat naman po ito ay naka-isolate or naka-quarantine pa din po and they are being monitored,” wika ni Vergeire.


Ayon kay Vergeire, may kabuuang 115 bansa sa ngayon ang naka-detect ng Omicron variant, kung saan 51 ang kumpirmado o suspected local transmission.

 
 

ni Lolet Abania | December 22, 2021



Ipinahayag ng Malacañang ngayong Miyerkules na nasa 45 milyong Pilipino na ang fully vaccinated kontra-COVID-19.


Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles, ang bilang ng mga fully vaccinated na indibidwal kontra-COVID-19 ay 45,284,617 base sa latest count.


Ang bilang naman ng mga nakatanggap na ng unang dose ng bakuna ay 60,212,001.


Hanggang nitong Disyembre 21, umabot na sa kabuuang 102,995,133 milyon doses ng COVID-19 vaccines ang kanilang na-administer.


Target ng gobyerno na maging fully vaccinated ang 54 milyong Pilipino sa pagtatapos ng taon, 77 milyon sa Marso 2022, at 90 milyon sa panahong magtapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30, 2022.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 20, 2021



Kinumpirma ng health ministry ng bansang Iran ang pagkakaroon nito ng unang kaso ng Omicron COVID-19 variant.


Ayon kay Deputy Health Minister Kamal Heidari, ang naturang infected person ay isang middle-age Iranian man na kababalik lamang sa Iran mula sa United Arab Emirates.


"The necessary measures were taken to quarantine this person who lives in Tehran and those who were in contact with him," pahayag ni Heidari. "This is the first case of Omicron [coronavirus] variant that has been identified in Iran."


Umabot na sa 131,083 katao ang namatay sa Islamic republic dahil sa COVID-19, ayon sa health ministry.


Samantala, sa 85 milyong populasyon ng Iran ay mahigit 50 million na ang nakatanggap ng dalawang dose ng coronavirus vaccine.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page