top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | January 3, 2022



Sa ikalawang pagkakataon ay nagpositibo muli sa COVID-19 si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, ayon sa public information office (PIO) ng lungsod.


Sa anunsiyo ng Pasay Public Information Office (PIO) ngayong araw ng Linggo, sumailalim sa COVID test ang alkalde matapos makaranas ng pananakit ng lalamunan o sore throat nitong Sabado.


Sa ngayon ay naka-isolate ang alkalde sa isang health facility, kung saan itutuloy pa rin umano nito ang kanyang mga trabaho.


Unang nagkaroon ng COVID si Rubiano noong Pebrero 2021.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 30, 2021



Trending ngayon sa social media ang isang babaeng nagngangalang Gwyneth Chua matapos umanong lumabag sa quarantine protocols.


Ayon sa social media posts, galing si Chua sa ibang bansa at nang dumating sa Pilipinas ay nagbayad umano sa hotel facility upang payagang makalabas at hindi na mag-quarantine pa.


Ang ikinababahala ng netizens ay positibo umano ito sa Omicron variant ngunit dumalo pa ito ng party sa Poblacion, Makati kung saan nakahawa ito ng nasa 12 indibidwal.


Nakarating umano sa Department of Health (DOH) ang insidenteng ito at ayon sa ahensiya, iniimbestigahan pa ang kaso at nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang tanggapan upang maberipika ang pangyayari.


“The DOH is aware of a circulating social media post about an alleged individual who violated quarantine protocols. We are still investigating the case and coordinating with concerned offices to further determine the veracity of the claims in the said post,” pahayag ng DOH.


Sa ngayon ay patuloy na kumakalat ang usaping ito sa social media.


 
 

ni Lolet Abania | December 29, 2021


Ipinahayag ni ‘Wolverine’ star Hugh Jackman na nagpositibo siya sa test sa COVID-19.


“I just wanted you to hear from me that I tested positive this morning for COVID,” post ng Australian actor na si Jackman sa kanyang IG ngayong Miyerkules.


“As soon as I am cleared I’ll be back on stage,” sabi pa ni Jackman, kung saan inamin niyang nakaranas siya ng mild symptoms tulad ng sipon, pangangati ng lalamunan at runny nose.


Sa ngayon, naka-isolate na ang aktor at nagpapagaling.


“Stay safe, be healthy, be kind,” sabi pa ni Jackman.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page