top of page
Search

ni Lolet Abania | January 4, 2022



Sumailalim si Senador Panfilo Lacson sa self-quarantine matapos na ma-expose sa kanyang anak na lalaki na nagpositibo sa test sa COVID-19.


Sa isang statement sa mga reporters ngayong Martes, sinabi ni Lacson na nagpa-test na siya para sa virus, at hinihintay na lamang niya ang resulta nito sa Miyerkules, Enero 5.


“Our maid and driver tested positive this morning, a lawyer friend’s whole household also positive. Some relatives also exhibiting symptoms. I got exposed to my son last Sunday. His positive RT-PCR test result arrived last night, hence my self-isolation,” pahayag ni Lacson na isang presidential aspirant.


“Already informed all those I got in contact with. They’re taking precautions already,” dagdag ng senador.


Hinikayat naman ni Lacson ang publiko na patuloy na sumunod sa mga health protocols habang iginiit nito ang pagkakaroon ng puspusang mass testing, contact tracing at booster shots.

 
 

ni Lolet Abania | January 4, 2022



Ipinahayag ni dating Senador Joseph Victor “JV” Ejercito na tinamaan siya ng COVID-19 sa gitna ng pagtaas ng impeksiyon sa Metro Manila.


Unang binanggit ni Ejercito na sana’y agad makarekober si Navotas City Mayor Toby Tiangco, na nagpositibo sa COVID-19, habang sinabi nitong tinamaan din siya ng naturang sakit.


“Pareng @TobyTiangco get well soon! Sabay pa tayong nag-positive! Bilis kumalat nitong Omicron pero buti na lang mild lang siya! Ingat lang lahat!” ani Ejercito sa isang tweet.


Sa hiwalay na statement sa mga reporters, sinabi ni Ejercito na nakaranas siya ng mild symptoms at aniya, ito ang unang beses na na-infect siya ng virus.


“Pero it’s mild, after two days wala na ako fever or other symptoms,” sabi ni Ejercito sa kanyang Viber message.


Muling tatakbo sa senatorial bid sa 2022 elections si Ejercito, kung saan nabigo siyang makapasok sa Magic 12 noong 2019 midterm elections.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 4, 2022



Nagpositibo sa COVID-19 si PNP Chief Dionardo Carlos. Ito ay kanyang kinumpirma ngayong Martes.


“This is to confirm that I, Police General Dionardo Carlos, tested positive for COVID-19 virus (suspected Omicron variant),” ayon sa kanyang mensahe sa mga reporters.


Ayon kay Carlos, sumailalim sila ng kanyang close-in security at staff sa RT-PCR test noong Linggo matapos makaranas ng fever at chills ng isa sa kanyang mga personnel.


Maliban sa kanya ay nagpositibo rin sa COVID-19 ang kanyang driver at aide.


“I experienced fever, chills, and body sweats Sunday evening but come Monday, only lower back pain remains,” ani Carlos.


Mula 8 ay naging 107 na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa mga PNP personnel ngayong Martes.


Batay sa datos ng PNP, ang mga bagong talang kaso na ito ay nagdulot ng kabuuang 164 active cases sa kapulisan.


Samantala, umabot na sa 42,370 cases ang naitala ng PNP kung saan 42,081 dito ay naka-recover habang 125 naman ang nasawi.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page