top of page
Search

ni Lolet Abania | January 19, 2022



Dalawa ang nasawi matapos na tamaan ng Omicron COVID-19 variant na parehong mula sa 492 dagdag na kaso ng lineage na nai-record sa bansa, batay sa pahayag ng Department of Health (DOH) ngayong Miyerkules.


Ayon sa DOH, ang dalawang namatay ay parehong na-detect sa latest whole-genome sequencing na kanilang ginawa. Ani ahensiya, “The two were aged more than 60 years, unvaccinated, and had pre-existing medical conditions.”


“While Omicron mostly presents with asymptomatic and mild disease, our data shows that those most at risk for fatalities are still the elderly and those with co-morbidities and unvaccinated,” paliwanag ng DOH.


Ayon pa sa DOH, ito ang kauna-unahang nai-report na nasawi sa Omicron cases.

Sa ngayon, nakapagtala na ang bansa ng 535 cases ng Omicron variant.


 
 

ni Lolet Abania | January 19, 2022



Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong Miyerkules ng 492 dagdag na kaso ng mas nakahahawang Omicron COVID-19 variant, kaya umabot na sa 535 ang bilang ng kumpirmadong kaso nito sa bansa.


Ayon sa DOH, 332 sa bagong kaso ay local habang 160 ay returning overseas Filipinos (ROFs).


Sa 227 kaso, sinabi ng ahensiya na may mga address ito sa National Capital Region (NCR), 76 sa Calabarzon, 11 cases sa Central Luzon, at lima sa Central Visayas.


Mayroon ding tig-dalawang kaso mula sa Cagayan Valley, Western Visayas, Davao Region, Soccsksargen, at sa Cordillera Administrative Region (CAR), at tig-isa naman sa Ilocos Region, Mimaropa, at sa Bangsamoro Region.


Base sa case list, ayon sa DOH, 3 kaso ang nananatiling active, 2 kaso ang nasawi, habang 20 kaso ay bineberipika pa.


Gayundin, sa latest run ay nakapag-sequenced na ng 714 samples.


“With the high transmissibility of the Omicron variant and the increasing number of COVID-19 cases, the DOH urges the public to follow protective health protocols and adhere to minimum public health standards,” pahayag ng DOH.


Patuloy naman ang panawagan ng DOH sa puliko na magpabakuna na laban sa COVID-19.


“Getting vaccinated is still our best line of defense when it comes to fighting and preventing severe and critical disease. Regardless of the variant, we must always keep our guards up against the enemy that is COVID-19,” ani pa ng ahensiya.


 
 

ni Lolet Abania | January 18, 2022



Nasa 300 empleyado ng Department of Health (DOH) ang nagpositibo sa test sa COVID-19 habang halos 400 naman ang sumasailalim sa quarantine, ayon sa isang opisyal ng ahensiya.


“Marami rin po infected, marami rin po naka-quarantine kaya ngayon po medyo mababa po ‘yung workforce namin. But we are still doing and continuing work,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang radio interview ngayong Martes.


Sinabi ni Vergeire na ang operasyon ng DOH ay hindi naman masyadong naapektuhan dahil bawat unit ng ahensiya ay may nakalaang skeletal workforce.


Gayunman, ayon sa kalihim, marami na sa mga personnel ng ahensiya ang nagsimula nang magbalik sa kanilang trabaho dahil sa bagong polisiya hinggil sa pagpapaiksi ng isolation at quarantine period para sa mga fully vaccinated healthcare workers na na-infect o na-expose sa COVID-19.


“But because of this new policy direction that we have, ‘yung shift, nakapagbawas na po kami and we are slowly nakakapag-return sa mga bilang ng mga tao sa bawat opisina,” sabi pa ng opisyal.


Una namang sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na ang pagpapaiksi ng isolation ay discretionary lamang para sa mga medical frontliners matapos na maraming sektor ang nagpahayag ng pagtutol hinggil dito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page