top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | February 23, 2022



Kabilang ang COVID-19 sa mga nangungunang dahilan ng pagkamatay sa Pilipinas sa unang 11 buwan ng taong 2021, ikatlo kasunod ng ischemic heart at cerebrovascular diseases, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).


Sa pinakabagong datos ng PSA, nanguna ang ischemic heart diseases bilang sanhi ng mortality sa bansa mula January hanggang November 2021, na may 125,913 cases o 17.9% ng total deaths.


Tumaas ito ng 31.9% mula sa dating 95,439 cases o 17% ng total deaths sa parehong panahon noong 2020.


Ikalawang sanhi naman ang Cerebrovascular diseases na may 68,180 deaths o 9.7%.

Ayon sa PSA tumaas ito ng 16.6% mula 58,476 deaths o 10.4% sa parehong period noong 2020.


Ang mga pagkamatay dahil sa COVID-19 (virus identified) ay ang ikatlong sanhi na mayroong 67,494 deaths (9.6%).


"Figures in this release, specifically for deaths due to COVID-19, may differ from the one released by the Department of Health (DOH) because the figures in this release were obtained from the certificates of death particularly the descriptions written on the medical certificate portion therein as reviewed by the health officer of the local government unit concerned," pahayag ng PSA.


"On the other hand, the figures released by the DOH were obtained through a surveillance system. Furthermore, figures in this release for deaths due to COVID-19 refer to both confirmed and probable cases as of registration."


Ang Neoplasms or cancer naman ang ikaapat na sanhi na mayroong 54,853 cases o 7.8%.


Ang mga pagkamatay naman dahil sa diabetes mellitus ay 44,491 o 6.3%, na siyang panlima listahan.

 
 

ni Lolet Abania | February 22, 2022



Ipinahayag ng Hong Kong authorities na may natagpuan silang COVID-19 sa mga samples na nakuha sa mga packaging ng mga in-import na frozen beef mula sa Brazil at frozen pork skin na galing naman sa Poland, habang nangakong pag-iibayuhin nila ang pag-inspeksyon ng mga imported na pagkain.


Sa report, kumuha ang Centre for Food Safety (CFS) ng 36 samples para magsagawa ng testing mula sa isang batch ng tinatayang 1,100 karton ng frozen beef, na may bigat na 29 tonnes sa kabuuan, na in-import mula sa Brazil na sa dagat ibiniyahe.


Matapos nito, lumabas na ang isang outer packaging at dalawang inner packaging samples ay nagpositibo sa test sa COVID-19.


Nagkolekta rin ng 12 samples mula naman sa isang batch ng tinatayang 300 karton ng frozen pork skin, na may bigat na nasa 7 tonnes, na in-import mula sa Poland na sa dagat ibiniyahe. Lumabas din sa isang inner packaging sample na positibo ito sa test sa COVID-19.


“The CFS has ordered the importers concerned to dispose the beef and pork skin of the same batches,” ayon sa HK government sa isang statement nitong Lunes. “In addition, the CFS will step up the sampling of similar products for testing,” dagdag ng gobyerno ng HK.


Magtagal nang nagmo-monitor ang Hong Kong government ng mga frozen food imports simula pa noong mid-2020, kung saan natagpuan ang mga positive samples ng COVID-19 mula sa pomfret fish packaging noong Agosto 2021 at sa cuttlefish packaging naman noong Nobyembre 2021.


“COVID-19 is predominantly transmitted through droplets and cannot multiply in food or food packaging, and that it is unlikely that it can be transmitted to humans via food consumption,” ayon sa HK authorities.


Gayunman, pinayuhan naman ang publiko na dapat na ihiwalay nang maayos ang mga raw food na kanilang mabibili, magsagawa ng tamang hygiene rules at lutuing mabuti ang mga pagkain.


Samantala, ang global financial hub ay nag-deploy na ng isang “dynamic zero COVID” strategy na katulad ng sa mainland China na layong labanan ang mga outbreaks sa anumang paraan.


Nasa high alert na rin ang mga awtoridad dahil anila, ang bagong wave ng impeksyon ay napatunayang mahirap na ikontrol.


Batay sa ulat, ang bilang ng kanilang daily infections ay matinding tumaas ngayong taon, kung saan umabot na ang nai-record sa 7,533 cases nitong Lunes, habang walang humpay ang mga testing ng naturang gobyerno at napupuno na rin ang mga ospital at kanilang quarantine capacities.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page