palaging out of town kuno ang rason kay misis, may ibinabahay palang 19 years old na seksi at flawless na kolehiyala!
ni Chit Luna - @Yari Ka! | August 13, 2020
Palaging naka-smile ang poging kongresista mula sa South Luzon.
Ito ang dahilan kung bakit maraming kababaihan ang todo-kilig ‘pag siya ay nakikita. Walang negatibong masasabi sa kongresista, lahat ng request ng kanyang mga kababayan ay ginagawan niya ng paraan.
Kahit sino, puwedeng-puwede siyang lapitan — mahirap man o mayaman. Kaya sikat na sikat ang kongresista na simpatiko at iniidolo siya ng masa.
Tingin nila, ang kongresista ang kanilang pag-asa. Siya rin kasi ang pulitiko na kahit kailan, hindi mo makikitang nakikipag-away o nagtataas ng boses sa kanyang mga empleyado kaya matindi ang pagiging loyal nila sa kanilang boss.
Sabi nga nila, ipaglalaban nila ito ng patayan. Pero kung ang kanyang nasasakupan ay satisfied sa kanyang performance, mayroon isang nilalang naman na nagdadalamhati, at ito ay ang kanyang misis.
Para kay misis, hindi na niya nararamdaman ang pagmamahal ng kanyang asawa. Aniya, “woman’s instinct.” Ramdam niyang mayroon na siyang kahati sa pagmamahal ng asawa.
Palagi kasing out of town ang opisyal at sa tuwing mawawala, sinasabi nitong, “Kasama ko si Coach.”
At dahil malakas ang kutob ni misis, maya’t maya’y tinatawagan nito si “Coach” kung talagang magkasama ang dalawa.
Kahit nakukonsensiya, kinukumpirma ni “Coach” na kasama nga siya ng pulitiko. Sa kabila nito, nagdududa na rin si esmi sa mga ikinikilos nito.
Palagi siyang iniiwasan at sa ilang mga pagtawag niya, hindi na nito sinasagot ang tawag.
Tama kaya ang pagdududa ni misis?! Hmmm…
Heto na nga’t ayon sa ating mga deep penetration agent (DPA), sa isang subdivision daw sa South Luzon ay may 19 years old na kolehiyalang ibinabahay ang pulitiko.
Maganda, seksi, makinis at maputi ang batambatang estudyante na ayon pa sa ating mga mata, sino ba ang hindi mabibighani sa kanya, artistahin ang hitsura at super sweet kapag kausap mo.
Kapag dumarating sa kanilang ‘love nest’ ang pulitiko, iniistimang mabuti ito ng kanyang bravo.
Parang “hari” ang turing dito na kung anuman ang gusto ni Congressman Simpatiko, agad niya itong gagawin.
At bakit hindi? Well, super galante ang kongresista. Magarang bahay at lahat ng luho sa buhay lang naman ang kanyang ibinibigay. Bongga!
Ano pa nga ba ang hahanapin ng kolehiyala, dahil lahat ng puwedeng hanapin niyang katangian ng isang lalaki ay nasa kongresista na! Iba talaga!
‘Yun nga lang, seryoso ang misis ng kongresista. Kailangang, by hook or by crook, malaman niya kung sino ang kinahuhumalingan ng kanyang mister.
Pero matinik din talaga si mister, walang nagbibigay ng tip sa kanyang misis dahil super bait niya sa lahat ng tao kaya walang kaduda-duda.
Walang nangangahas na lumaban sa kanya sa eleksiyon dahil nakuha niya ang simpatiya at suporta ng kanyang mga nasasakupan.
Sa kasalukuyan, kongresista siya dahil ang kanyang kapatid ang mayor. Pero sa susunod na halalan, magpapalit na sila ng posisyon. Tiyak na patok na naman ang simpatikong pulitiko.
Ngunit sino nga ba siya?
Clue: Walang oras na hindi siya nakangiti. ‘Yan ang kanyang panggayuma sa masa. Hi-hi-hi!