top of page
Korina Sanchez-Roxas - IG.jpg
Search

ni Chit Luna @Brand Zone | March 24, 2024




Ang mga kalahoKinumpiska ng mga team ang 1.6 milyong pakete ng mga ilegal na sigarilyo na nagkakahalaga ng P184.7 milyon mula sa bodega sa Dasmarinask sa isang panel discussion sa nakaraang Global Forum on Nicotine ay sumang-ayon na ang nikotina ay kinikilala na ngayon sa mas malawak na gamit nito.


Mahigit sa 3.12 milyong pakete ng mga pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P358 milyon, kasama ang walong ( 8 ) makina sa paggawa at pagpapakete ng sigarilyo sa isinagawang raid ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga ilegal na pabrika at bodega sa Dasmarinas City at Indang, Cavite nitong nakaarang araw.


“Bahagi ito ng direksyon ni BIR Comm. Romeo Lumagui Jr. na paigtingin pa ang kampanya laban sa illegal na sigarilyo, para mapunuan ang bilyong piso na nawawala sa kaban ng bayan dahil sa ilegal na gawaing ito. Bukod sa nagdudulot ito ng higit na panganib sa kalusugan ng taong bayan, napakalaki din ng negatibong epekto nito sa ekonomiya ng bansa,” sabi ni Regional Director Eric Diesto, BIR Director for CABAMIRO.


Ayon kay Jesus Manapat, NBI-Intellectual Property Rights Division (IPRD) Chief, “This concerted effort aims to thwart illegal operations by organized crime syndicates, especially those involving foreign nationals, and to protect our people from the harmful effects of illegal cigarettes. By putting a stop to the selling and manufacturing of illegal cigarettes, we are also hoping to help bolster economic activities, employment and to provide our local farmers better opportunities.”


Pinangunahan ni Atty. Jason Torres, hepe ng BIR Regional Investigation Division-CABAMIRO, at NBI-IPRD Ex O John Ignacio, ang operasyon bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa patuloy na paglaganap ng ilegal na mga sigarilyo, na nauwi sa taunang pagkawala ng hanggang P100 bilyon sa kita mula sa buwis ayon sa BIR.


Kinumpiska ng mga team ang 1.6 milyong pakete ng mga ilegal na sigarilyo na nagkakahalaga ng P184.7 milyon mula sa bodega sa Dasmarinas at karagdagang 1.1 milyong pakete na nagkakahalaga ng P126.6 milyon mula sa pabrika sa Indang.


Kinumpiska rin nila ang dalawang linya ng mga makina sa paggawa at pagpapakete ng sigarilyo mula sa dalawang lokasyon.


Samantalang ang isa pang pasilidad sa Dasmarinas ay nahulihan din ng 408,000 pakete na nagkakahalaga ng P46.76 milyon, kasama ang katulad na setup ng mga makina.


Ang bawat linya ng makina ay maaaring magprodyus ng hanggang 175 pakete bawat minuto o hanggang sa 43.7 milyong pakete kada taon, na pwedeng humahantong sa halagang P2.7 bilyon na nawalang kita mula sa buwis kung magpapatuloy ang ilegal na produksyon.


Ang mga nakumpiskang brand ng sigarilyo, kabilang ang Carnival, HP, Troy, Cannon, Victor Agila, New Orleans, Two Moon, at Fort, ay hindi rehistrado sa BIR at walang mga selyo ng buwis o mga mandatoryong babala sa kalusugan ng Department of Health.


Nagsasagawa ang mga awtoridad ng masusing imbestigasyon matapos 12 Chinese nationals ang iniulat na sangkot sa operasyon, at ang mga pasilidad ay napatunayang inuupahan lamang.


Binigyang-diin ni Direktor Diesto ang commitment ng gobyerno na labanan ang ilegal na kalakal ng tabako at ang operasyong ito ay isa lamang sa maraming pagsisikap ng BIR at mga ahensya ng gobyerno upang tuparin ang mandato ng Pangulo na labanan ang mga kriminal.

 
 

ni Chit Luna @Brand Zone | March 13, 2024




Ang mga kalahok sa isang panel discussion sa nakaraang Global Forum on Nicotine ay sumang-ayon na ang nikotina ay kinikilala na ngayon sa mas malawak na gamit nito.


Kinikilala ng mga medikal na propesyonal at mga dalubhasa sa pampublikong kalusugan ang nagbabagong pananaw sa nikotina kasabay ng paglipat ng mga naninigarilyo sa mga makabagong produktong walang usok tulad ng vape, heated tobacco at nicotine pouch.


Ang mga kalahok sa isang panel discussion sa nakaraang Global Forum on Nicotine ay sumang-ayon na ang nikotina ay kinikilala na ngayon sa mas malawak na gamit nito.


Dapat na anilang itigil ang pagsisi sa nikotina bilang sanhi ng mga sakit na nauugnay sa tabako.


Sinabi ni Dr. Garrett McGovern, isang dalubhasa sa addiction medicine na ang nikotina ay tila sinisisi at itinuturing bilang scapegoat ng iilan.


Ayon kay Dr. McGovern, ang popularidad ng e-cigarette kaysa sa sigarilyo ay nagpabago ng interes ng publiko sa epekto ng nikotina.


Aniya, walang malawakang diskusyon tungkol sa nikotina at epekto nito sa utak bago ipinakilala sa merkado ang e-cigarette o vape. "It's time to liberate nicotine and explore its potential benefits," sabi ni Dr. McGovern.


Pinasinungalingan naman ni Mark Oates, direktor ng We Vape at Snus Users Association, ang maling akala ng publiko na ang nikotina mismo ay nagdudulot ng mga sakit na nauugnay sa paninigarilyo.


Sinabi naman ni Clive Bates, direktor ng Counterfactual Consulting Limited, na malaki ang magagawa ng tobacco harm reduction para matulungan ang 1.1 bilyong naninigarilyo sa buong mundo.


Walong milyong tao ang namamatay mula sa paninigarilyo taun-taon at daan-daang libong tao ang nagkakasakit. Ito ay maiiwasan kung ang mga naninigarilyo ay lilipat sa mga produkto na makakabawas ng pinsala, sabi ni Bates.


Ibinahagi ni Dr. Carolyn Beaumont mula sa Australian na ang kanyang karanasan sa pagreseta ng nikotina sa mga naninigarilyo na lumipat sa vaping. Ang kanyang pananaliksik ay nagsiwalat na higit sa kalahati ng kanyang mga pasyente na lumipat sa vaping ay mga lalaki na may edad 30 hanggang 50. Ito, aniya, ay nagpapahiwatig ng kanilang kagustuhan para sa mas ligtas na mga alternatibo.


Idiniin ni Dr. Alex Wodak, dating direktor ng Alcohol and Drug Service sa St. Vincent's Hospital sa Sydney, ang kahalagahan ng harm reduction para pigilan ang pagkamatay ng 8 milyon dahil sa paninigarilyo. Ang bilang na iyan ay katumbas ng populasyon ng Switzerland, dagdag niya.


Sinabi ni Dr. Wodak na ito ang dapat pagtuunan ng pansin at maging pangunahing layunin ng lahat.


Sinabi niya na habang ang mga tao ay naninigarilyo para sa nikotina, madami ang mamamatay kung patuloy na tututulan ang harm reduction.


Inilarawan ni Dr. Paul Newhouse, direktor ng Vanderbilt Center for Cognitive Medicine, ang nikotina bilang isang kumplikadong sangkap na may magkakaibang epekto sa utak.


Binanggit niya ang dalawahang katangian ng nikotina, kabilang ang pagbibigay ng libangan at potensyal na therapeutic na gamit nito.


Ayon kay Dr. Newhouse, maaaring walang gamit ang nikotina sa ibang tao, subalit para sa ilan, ito ay kapaki-pakinabang at mahalaga para sa kanila, “For a certain percent of the population, nicotine will be helpful… We have to acknowledge that for some folks and for some brains, nicotine has beneficial effects.”


Sinabi naman ni Oates na wala siyang nakitang katibayan ng alinmang lipunan na nagsimulang gumamit ng nikotina at biglang tumigil sa paggamit nito.


Ayon kay Oates, ang tanging nakita niya ay mga bansang tulad ng Sweden na lumipat sa mas ligtas na produktong nikotina kumpara sa sigarilyo. Ang Sweden ang may pinakamababang antas ng paninigarilyo sa buong mundo.


Sinabi ni Oates na dapat tanggapin ng mga awtoridad na ang tanging paraan para matulungan ang mas maraming naninigarilyo ay ang paglipat sa mas ligtas na produkto.


 
 

ni Chit Luna @Brand Zone | March 5, 2024





Isang dating opisyal ng US Food and Drug Administration (FDA) ang nagsabing maaaring makatulong ang Zyn nicotine pouch, isang bagong popular na produkto sa Amerika, sa paghinto ng paninigarilyo.


Ayon kay Dr. Scott Gottlieb, isang doktor at dating commissioner ng US FDA sa panayam ng CNBC, makakatulong sa kalusugan ng mga nininigarilyo kung sila ay lilipat sa modified-risk products tulad ng Zyn nicotine pouch na sumisikat ngayon sa tulong ng social media.


“If we can convert more currently addicted adult smokers onto these modified risk products [Zyn nicotine pouches] that don't have all the harms associated with combustion, we can achieve a substantial net public health benefit,” sabi ni Dr. Gottlieb.


Ginawa ni Dr. Gottlieb ang pahayag sa gitna ng tumataas na katanyagan ng Zyn nicotine pouch sa US na mabilis na nalampasan ang benta ng iba pang produkto. Ang Zyn nicotine pouch ay walang usok na oral nicotine delivery system.


Sinabi ni Dr. Gottlieb na sa pagtaas ng benta sa merkado ng Zyn nicotine pouch, dapat muling pag-usapan ang konsepto ng tobacco harm reduction, dahil ang kawalan ng pagsunog at usok tulad ng mga bagong produktong ito ay maaaring maging kapaki-pakinabang na alternatibo sa sigarilyo. Ang usok mula sa pagsunog ng tabako ang pangunahing sanhi ng pagkamatay at sakit na nauugnay sa sigarilyo.


Aniya, ang nikotina ay hindi ang sanhi ng kamatayan at sakit mula sa paninigarilyo. Ang totoong dahilan, ayon kay Dr. Gottlieb, ay ang usok mula sa pagkasunog.


Ang tobacco harm reduction (THR) ay itinuturo ng mga eksperto bilang isang siyentipiko at nakabatay sa ebidensya na diskarte sa pampublikong kalusugan na makakatulong sa milyun-milyong naninigarilyo na lumayo sa usok.


Naniniwala ang mga eksperto na ang pagtaas ng access at pagtanggap sa mga modified-risk products tulad ng Zyn nicotine pouch ay maaaring makatulong na mabawasan ang kamatayan at sakit na nauugnay sa paninigarilyo. Ito ay napatunayan sa mga bansa tulad ng Sweden, United Kingdom at Japan na nakaranas ng makabuluhang tagumpay sa THR.


Ayon kay Dr. Gottlieb, 28 milyong Amerikano ay patuloy na naninigarilyo hanggang ngayon. Aniya, habang bumaba ang antas ng paninigarilyo sa mga nakaraang taon, ito ay bumabagal. Ang makatutulong ng malaki ay ang pagpapakilala ng mga produktong may mas mababang panganib kaysa sigarilyo sa mga naninigarilyo na nasa hustong gulang.


Kinumpirma ni Prof. David Sweanor, isang adjunct law professor sa University of Ottawa at isang nangungunang tagataguyod ng harm reduction, na maraming naninigarilyo ang lumipat na sa mga modified-risk products tulad ng vape, heated tobacco at nicotine pouch mula sa mga tradisyonal na sinusunog na sigarilyo.


Namangha si Prof. Sweanor sa mabilis na pagbulusok ng Zyn nicotine pouch na nalagpasan ang benta ng ibang brand tulad ng Copenhagen, Grizzly at Skoal. Ito ay nagpapatunay ng pagiging dynamic ng dating tahimik na merkado ng oral nicotine, aniya.


Iginiit ni Dr. Gottlieb na may papel ang Zyn nicotine pouch bilang transisyonal na produkto na paglayo sa paninigarilyo, subalit dapat aniyang magkaroon ng tamang regulasyon para dito.


Sinabi ni Dr. Gottlieb na dapat ding higpitan ng mga social media platform tulad ng Facebook, Instagram, Twitter, Snapchat, Youtube at Tiktok ang alituntunin sa advertising ng mga produktong ito.


Mayroong 600,000 aplikasyon ang nakabinbin sa FDA para sa iba't ibang mga produktong tabako. Sinabi ni Dr. Gottlieb na dapat unahin ang mga produktong may mas mababang panganib para maaprubahan at matiyak na naaangkop ang posisyon nila sa mercado.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page