top of page
Search

ni Chit Luna @News | Jan. 15, 2025


Photo File: DepEd Philippines / Brian Poe Llamanzares


Iminungkahi ng unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan party list na si Brian Poe Llamanzares na dapat bigyan ng gobyerno ng pantay na sahod ang mga guro at maayos na edukasyon para sa lahat ng kabataan bilang paraan upang mapaunlad ang bansa at ang mamamayan.


Nagpahayag ng pasasalamat si Poe sa taunang ulat ng pandaigdigang pang-ekonomiyang pananaw mula sa London-based Center for Economics and Business Research (CEBR) at umaasa na ang ekonomiya ng Pilipinas ay aangat mula ika-33 pwesto sa 2024 patungo sa ika-23 sa 2039.


Ayon kay Christopher Breen, pinuno ng Economic Insight ng CEBR, ang ulat ngayong taon ay nagpapakita na ang pananaw sa pandaigdigang ekonomiya ay apektado ng ilang bagong reyalidad.



Sinabi ni Breen na sa maraming ekonomiya sa buong mundo, magiging mas mahirap ang kabataang henerasyon kumpara sa kanilang mga magulang dahil sa epekto ng tumatandang populasyon sa pampublikong pananalapi.


“Ngunit harapin natin ang mga hamon na ito sa mga positibong inisyatiba,” sabi ni Poe, “Dahil mayroon tayong mga kalamangan na mapagtatanganan at maraming dapat ipagpasalamat para sa Pilipinas sa 2025 at lampas pa,” ayon pa rito.


Hinimok ni Poe na kailangan sumulong, lalo na ngayong taon, upang ang mga mag-aaral mula sa pinakamahihirap na pamilya ay makapagpatuloy sa pag-abot ng kanilang mga pangarap sa halip na mapilitang tumigil sa pag-aaral dahil sa kakulangan ng pondo ng kanilang pamilya.


Kinilala ni Poe ang kasipagan ng bawat pamilyang Pilipino.


'Halos lahat ng mga magulang ay nagsusumikap upang matiyak na nagkakaroon ng magandang edukasyon ang kanilang mga anak hanggang matapos ang isang programa sa akademiko at makahanap ng magandang trabaho, " saad ni Poe.


Ang maingat na pag-aaral na optimistikong pananaw ng CERB ay naaayon sa ating pananaw na AmBisyon Natin 2040 para sa Pilipinas bilang isang “maunlad, karamihan ay nasa gitnang uri ng lipunan kung saan walang mahirap,” ayon kay Poe.


Kinakatawan ng AmBisyon 2040 ang sama-samang pangmatagalang pananaw at aspirasyon ng sambayanang Pilipino para sa kanilang sarili at sa bansa sa susunod na 25 taon.

 
 

ni Chit Luna @News | Dec. 19, 2024




Isang tanyag na ekonomista ang nagmungkahi sa gobyerno ng Pilipinas na suriin ang antas ng buwis sa tabako kasunod ng pagbaba ng koleksyon at paglaganap ng puslit na sigarilyo sa merkado.


Ayon kay Dr. Arthur Laffer, dating miyembro ng Economic Policy Advisory Board ni Pangulong Ronald Reagan at chairman ng Laffer Associates, isang kilalang consulting firm sa Estados Unidos, kailangang ihanay ang tax rate sa tabako sa antas na magdudulot ng pinakamalaking kita sa gobyerno.


Ipinaliwanag ni Dr. Laffer na ang kita sa buwis ay tumataas kasabay ang pagakyat ng antas ng buwis hanggang sa maabot ang pinakamataas na kita.


Pagkatapos nito, ang anumang karagdagang pagtaas sa antas ng buwis ay nagreresulta sa pagbaba ng kita. Aniya, ang karagdagang pagtaas ng buwis na nagdudulot ng pagbaba ng kita ay hindi kailanman isang makatwirang solusyon.


Ayon sa datos, bumababa ang koleksyon ng excise tax ng tabako sa nakalipas na dalawang taon mula sa pinakamataas na P176 bilyon noong 2001 sa P160 bilyon noong 2022 at P135 bilyon noong 2023.


Sa parehong panahon, tumaas din ang insidente ng ipinagbabawal na kalakalan ng sigarilyo mula 13.6 porsiyento noong 2021 hanggang 15.2 porsiyento noong 2022. Noong 2023, naitala ito sa 19.6 porsiyento, ayon sa Euromonitor.


Iminungkahi ni Laffer na ang mataas na presyo dulot ng taunang pagtaas ng buwis sa sigarliyo ay nagtulak sa mga mamimili na tangkilikin ang murang ilegal na sigarilyo na hindi nagbabayad ng buwis.


Sinabi ni Dr. Laffer na bagama't ang Pilipinas ay nakagawa ng mahusay na pagbabago sa sistema ng pagbubuwis sa tabako mula sa isang komplikadong multi-tiered system tungo sa isang simpleng istraktura na may pare-parehong antas ng buwis para sa lahat ng sigarilyo, ang tobacco excise tax rate ay umabot na sa "prohibitive: range, at ito ay pinatunayan ng pagbaba ng kita ng gobyerno.


Ayon kay Dr. Laffer, ang mainam na sistema ng pagbubuwis ay isa sa nagtataas ng kinakailangang kita para sa pamahalaan.


Sa kaso ng excise tax sa tabako ng Pilipinas, ang mekanismo na nagresulta sa taunang pagtaas sa antas ng buwis ay nabigo na makamit ang inaasahang kita, sabi niya.


Si Dr. Laffer ang lumikha ng Laffer Curve na naglalarawan ng kaugnayan sa pagitan ng antas ng buwis at kita ng gobyerno. Ito ay nagsusulong sa isang sistema ng buwis na nagpapataas ng kinakailangang kita habang pinapaliit ang pinsala sa ekonomiya.


Napansin ni Dr. Laffer na sa Pilipinas, ang antas ng buwis sa tabako ay lumagpas na sa punto ng pag-maximize ng kita sa Laffer Curve, at anumang karagdagang pagtaas sa antas nito ay malamang na magreresulta sa pagbaba ng kita at paglaganap ng illicit trade.

Sinabi niya na ang paglaganap ng ipinagbabawal na kalakalan ay naiimpluwensyahan ng mataas na antas ng buwis kasabay ang pagtaas ng presyo ng produkto.


Dahil sa pagbaba ng kita sa buwis at paglaganap ng ipinagbabawal na kalakalan ng tabako sa Pilipinas, oras na para muling suriin ang pinakamainam na antas ng buwis sa sigarilyo, sabi ni Dr. Laffer.


Pinuri rin ni Dr. Laffer ang diskarte ng Pilipinas sa pagbubuwis ng mga makabagong produktong tabako at nikotina, ngunit hinimok niya ang pamahalaan na pasimplehin ang istraktura ng buwis nito sa e-cigarettes.


Hindi tulad ng iba pang produkto ng tabako at nikotina, ang e-cigarette ay binubuwisan sa ilalim ng dalawang antas na sistema sa Pilipinas, na humahantong sa problema sa pagpapatupad.


Ang pagpapa-simple sa pagbubuwis sa e-cigarette tulad ng ginawa para sa iba pang mga produktong tabako at nikotina ay dapat maging priyoridad ng pamahalaaan, aniya.

 
 

ni Chit Luna @News | Dec. 6, 2024





Nagbabala ang isang nangungunang economist sa Estados Unidos na umabot na sa “prohibitive range” ang antas ng excise tax ng tabako ng Pilipinas, at ito ang dahilan ng pagbaba ng kitang gobyerno.


Ayon kay Dr. Arthur Laffer, founder ng Laffer Associates, isang economic research at consulting firm sa America, tila lumampas na ang antas ng buwis sa tabako sa Pilipinas sa tinatawag na “prohibitive range”.


Ito ay batay sa karanasan ng Pilipinas kung saan ang pagtaas ng buwis sa tabako ay sinundan na pagbaba ng kita ng gobyerno.


Si Laffer, isang dating miyembro ng Economic Policy Advisory Board ni Pangulong Ronald Reagan, ay kilala sa tintatawag na Laffer Curve, na naglalarawan sa kaugnayan ng buwis at kita ng gobyerno.


Ipinaliwanag niya na batay sa Laffer Curve, ang kita sa buwis ay tumataas kasabay ng pagtaas ng buwis hanggang sa maabot ang pinakamataas na lebel. Pagkatapos maabot ito, ang anomang karagdagang pagtaas sa buwis ay nagreresulta sa pagbaba ng koleksyon.


Iminungkahi ni Laffer na dapat gumawa ng mga hakbang ang gobyerno para i-realign ang antas ng buwis sa tabako para maabot ang pinakamataas na kita. Aniya, ang karagdagang pagtaas ng buwis ay hindi kailanman isang makatwirang solusyon sa pagkawala ng kita.


Ipinaliwanag ni Laffer na ang mga pagbabago sa antas ng buwis ay may epekto sa ekonomiya. Ang mas mababang antas ng buwis ay nagbibigay ng karagdagang produksyon, trabaho at pagkonsumo, na nagpapataas naman sa koleksyon ng buwis.


Sa Pilipinas, ang sunud-sunod na pagtaas ng buwis sa tabakoay tila lumampas na sa punto ng pag-maximize ng kita batay sa Laffer Curve, at ang anumang karagdagang pagtaas ay malamang na magreresulta sa pagbaba ng kita at pagtaas ng ipinagbabawal na kalakalan, aniya.


Nagbabala si Laffer na ang mataas na antas ng buwis ay maaaring magtulak sa illegal na bentahan o pagpupuslit ng mga kalakal.


Ayon kay Laffer, kapag ang isang kalakal ay nagging masyadong mahal para sa mga mamimili dahil sa pagbubuwis, babawasan nila ang pagkonsumo ng kalakal na iyon o tataas ang pagkonsumo ng mga ipinagbabawal na kalakal na mas mura ang halaga.


Binanggit din ni Laffer ang likas na katangian ng tabako bilang isang kalakal, kasama ng iba't ibang istraktura ng presyo at buwis sa iba't ibang bansa o rehiyon.


Aniya, dapat timbangin ng Pilipinas ang potensyal na epektong pagtaas ng buwis laban sa posibilidad na pagtaas ng bawal nakalakalan.


Pinuri ni Laffer ang pagsisikap ng Pilipinas na pasimplehin ang sistema ng buwis sa tabako, ngunit nagbabala siya laban sa labis na pagtaas ng buwis.


Dahil sa pagbaba ng kita sa buwis at paglago sa illegal na kalakalan ng tabako, oras na para muling suriin ng pamahalaan ang pinakamainam na antas ng buwis sa sigarilyo, wika niya.


Pinuri rin ni Laffer ang diskarte ng Pilipinas sa pagbubuwis sa mga bagong produktong tabako at nikotina tulad ng heated tobacco at nicotine pouch. Gayunpaman, hinimok niya ang gobyerno na pasimplehin ang istraktura ng buwis nito para sa e-cigarettes.


Ang e-cigarette ay binubuwisan sa ilalim ng dalawang antas na sistema sa Pilipinas, na humahantong sa problema sa pagpapatupad. Ang pagpapatupad ng parehong buwis ay isang agarang prayoridad, ayon kay Laffer.


Nagsusulong si Laffer para sa isang sistema ng buwis na nagpapataas ng kinakailangang kita habang pinapaliit ang pinsala sa ekonomiya.


Sa pamamagitan ng pagpapalawak ng base ng buwis at pagbaba ng antas ng buwis, maaaring palakasin ng Pilipinas ang koleksyon nang hindi nalalagay sa alanganin ang paglago ng ekonomiya, aniya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page