top of page
TEKA NGA - SEN. ROBIN, NAUNTOG NA PARA LANG SA MALAKAS ANG LOOB ANG PULITIKA SA ‘PINAS-FB
Search

by Info @Buti na lang may SSS | March 22, 2026



Buti na lang may SSS


Dear SSS,


Magandang araw! Ang mother-in-law ko ay isang SSS pensioner. Sa kasalukuyan, siya ay naninirahan sa Tring, Hertfordshire, United Kingdom. Nais sana niyang malaman kung paano siya magkakapag-comply sa ACOP gamit ang Facial Authentication? Salamat. 


— Alexa



Mabuting araw sa iyo, Alexa.


Ang Annual Confirmation of Pensioners Program o ACOP ay ang taunang pagre-report ng mga pensyonado sa Social Security System (SSS) upang masiguro ang patuloy nilang pagtanggap ng buwanang pensyon.


Kamakailan, inilunsad ng SSS ang Facial Authentication with Liveness Check para sa ACOP sa pamamagitan ng PhilSys e-Verify System. Ang bagong programang ito ay naglalayon na mapatunayan at maberika ang pagkakakilanlan ng mga pensyonado kaya’t higit nitong pinatitibay ang integridad ng pagbabayad ng pensyon.


Ang Facial Authentication ay gumagamit ng makabagong proseso ng beripikasyon sa ilalim ng PhilSys e-Verify biometic authentication, kung saan ang mga pensyonado ay nagsasagawa ng face scan. Tinitiyak ng prosesong ito ang presensya ng isang buhay na indibidwal (liveness check) sa oras ng beripikasyon, na nagsisilbing karagdagang proteksyon laban sa panlilinlang at maling pagkakakilanlan.


Sinisiguro ng SSS ang madali at ligtas na ACOP compliance sa pamamagitan ng protektadong Facial Authentication. Maaari nang kumpletuhin ng mga pensyonado ang kanilang ACOP requirement online nang hindi na kinakailangang bumisita sa SSS branch.


Ang Facial Authentication method ay maaaring magamit ng mga sumusunod na uri ng pensyonado na naka-rehistro na sa Philippine Identification System (PhilSys) o national ID system:


  • Retirement pensioners na naninirahan sa Pilipinas na 80 taong gulang pataas;

  • Retirement pensioners na naninirahan sa ibang bansa; at

  • Survivorship (death) pensioners.


Sa online option na ito, pinapadali ng SSS ang ACOP compliance ng mga pensyonado sa pamamagitan ng ligtas, mabilis at fraud-proof na Facial Authentication gamit lamang ang mobile phone, computer, o iba pang camera-enabled device. Sa pamamagitan nito, nagiging mas madali at mas maginhawa ang beripikasyon ng pagkakakilanlan ng mga pensionado nang hindi isinasakripisyo ang seguridad. Hindi na kailangang mag-log in ng pensyonado sa kanilang My.SSS account dahil ma-access ang facility na ito sa SSS website, www.sss.gov.ph


***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa bagong loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang (5) taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Kung mayroon kayong mga katanungan ukol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.

 
 

by Info @Buti na lang may SSS | March 15, 2026



Buti na lang may SSS


Dear SSS, 

 

Magandang araw po. Ako ay nagtrabaho bilang kasambahay ng mahigit isang taon na at sumasahod po ako ng P3,500 kada buwan. Simula ng pumasok ako sa aking amo ay hindi nila ako hinulugan ng SSS. May karapatan ba akong maghabol sa aking mga kontribusyong hindi nila naihulog sa SSS? Salamat.  — Tanya



Mabuting araw sa iyo, Tanya!


Sa ilalim ng Republic Act 10361 o Batas Kasambahay, obligasyon ng mga kumukuha ng katulong o household employer na hulugan ng kontribusyon sa SSS ang kanilang mga kasambahay. Ipinatupad naman ng SSS ang pagsaklaw sa mga kasambahay tulad ng mga labandera, hardinero, yaya, cook, atbp simula Setyembre 1, 1993 kung saan binibigyan ng SSS ng social security benefits ang ating mga kasambahay sa panahon ng kanilang pagkakasakit, panganganak, pagkabalda, unemployment, pagreretiro, at pagpapalibing o pagkamatay. Sa pagpapatupad ng RA 10361 noong 2013, mandato na ang kanilang pagsaklaw bilang mga employed members na tulad ng ating mga manggagawa sa pribadong sektor.


Sa ilalim ng Batas Kasambahay, kung ang kasambahay ay kumikita sa isang buwan ng mas mababa sa P5,000, sasagutin ng household employer ng buo ang buwanang kontribusyon nito sa SSS. Subalit kung ang kanyang buwanang sahod ay P5,000 o higit pa, ibabawas dito ang kaukulang bahagi ng kasambahay sa kontribusyon sa SSS. Ito ay buwanan ding ibabayad sa SSS ng household employer kasabay ng kanyang kaukulang bahagi sa kontribusyon.


Bukod sa SSS, kailangan ding bayaran ng household employer ang kontribusyon para sa Employees’ Compensation. Sa kasalukuyan, ito ay nagkakahalaga ng P10.00 kada buwan para sa mga sumasahod ng mas mababa sa P14,750, at P30 para sa sumasahod ng P14,750 o higit pa.


Dahil hindi ka nahuhulugan sa SSS, naipagkait sa iyo na maging kwalipikado sa mga benepisyo na maaaring tamasin ng mga miyembro ng SSS tulad ng benepisyo sa pagkakasakit, panganganak, pagkabalda, pagkamatay, pagpapalibing, pagreretiro o pagkawala ng trabaho. 


Maaari kang maghain ng reklamo laban sa iyong amo ayon na rin sa itinatakda ng Republic Act (No. 11199 o ang Social Security Act of 2018. Magsadya lamang sa pinakamalapit na sangay ng SSS sa inyong lugar at dalhin ang kopya ng inyong payslips bilang katibayan. Dahil hindi kayo nahuhulugan ng kontribusyon, maaaring maapektuhan ang pagkuha ninyo ng mga benepisyo sa SSS. Kung mapatunayang nagkasala ang iyong amo, sisingilin ng SSS ang lahat ng kontribusyon na dapat naihulog nito para sa iyo. Maaari din siyang mabilanggo at pagbayarin ng multa dahil sa paglabag sa Social Secuirty Law. 


***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa bagong loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang (5) taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.



Kung mayroon kayong mga katanungan ukol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.

 
 

by Info @Buti na lang may SSS | March 8, 2026



Buti na lang may SSS


Dear SSS, 

 

Magandang araw. Ako ay driver ng ride sharing app dito. Batid ko sa araw-araw na aking pamamasada ay may kalakip itong panganib. Kaya nais kong malaman kung maaari nga din ba akong makapaghulog sa SSS? Salamat. — Luigi, Quezon City



Mabuting araw sa iyo, Luigi!


Malugod naming ipinaaalam sa iyo na maaari kang maging miyembro ng SSS o ipagpatuloy ang iyong SSS membership bilang self-employed. Simula pa noong 1980 ay itinakda sa ilalim ng Republic Act 1161 o Social Security Act of 1957 ang pagsakop sa mga self-employed na indibidwal na may buwanang kita na P1,000 o higit pa mula sa kanyang sariling negosyo o propesyon na walang employer kung hindi ang kanyang sarili habang hindi pa siya umaabot ng 60 taong gulang.


Kabilang dito ang mga propesyonal tulad ng abogado o doktor, may sariling opisina man o wala, mga nagmamay-ari o magkasosyo sa negosyo, mga artista, direktor o manunulat ng pelikula na hindi itinuturing na empleyado, mga propesyonal na atleta, coaches, hinete at tagapagsanay, gayundin ang mga magsasaka at mangingisda na sinaklaw naman noong 1995. Kabilang rin dito ang mga nagtitinda sa palengke, tricycle o jeepney drivers, at mga contractual at job order na empleyado na nagtatrabaho sa mga ahensya ng pamahalaan.


Sa kasalukuyan, ang SSS contribution rate ay 15% at ang monthly salary credit ay hanggang P35,000. Maaari mo namang ibatay ang halaga ng iyong magiging buwanang kontribusyon sa monthly salary credit o ang salary level kung saan nakabase ang iyong buwanang kita na idineklara mo naman sa iyong registration form o SSS Form E-1 (Personal Record).  Kung may SS number na at nahinto lamang sa pagiging aktibong SSS member, maaaring mag-update ng membership type gamit ang Member Data Change Request Form (SS Form E-4). Samantala, ang table ng SSS contributions ay makikita sa SSS website, www.sss.gov.ph o kaya’y sa Facebook page nito sa Philippine Social Security System. Dagdag dito, ang buwanang kontribusyon ng self-employed ay maaaring tumaas o bumaba batay sa iyong aktwal na kinikita.


Ang pinakamabababang buwanang kontribusyon para sa mga self-employed ay P760 na binubuo ng hulog sa regular na SSS (P750) at hulog sa Employee’s Compensation (EC) Program (P10). Samantalang, P5,280 ang pinakamataas na binubuo ng P3,000 para sa regular na SSS, P2,250 para sa Mandatory Provident Fund Program, at P30 para sa hulog mo sa EC Program.


Para sa iyong kaalaman, Luigi, ang EC Program ay para sa mga work-related contingencies bunsod ng pagkakasakit, pagkabalda, o kaya’y pagkamatay na maaaring mangyari sa self-employed na gaya mo habang nagtatrabaho. Dagdag proteksyon naman din ito bukod sa regular na SSS benefits na matatanggap mo sa hinaharap. 


Kung wala ka pang SS number, maaari ka na ring mag-apply sa pamamamagitan ng online. Magtungo lamang sa SSS website at i-click ang link sa Apply for an SS Number. 


Matapos nito, maaari ka ng magbayad ng iyong kontribusyon kada buwan o kaya ay quarterly. Para makapagbayad ka naman ng iyong kontribusyon, kailangan mo munang makakuha ng Payment Reference Number (PRN) para sa iyong gagawing pagbabayad. Maaari kang makapag-generate ng PRN gamit ang iyong My.SSS account. 


***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa bagong loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang (5) taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Kung mayroon kayong mga katanungan ukol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page