top of page
Search

by Info @Buti na lang may SSS | February 3, 2026



Buti na lang may SSS


Dear SSS,


Magandang araw! Nais kong malaman kung bakit mahalaga ang tinatawag na Mandatory Provident Fund Program para sa mga miyembro ng SSS? At paano ko makikita ang record ng naihuhulog ko sa nasabing programa?  Salamat po. — Sonia



Mabuting araw sa iyo, Sonia!


Mahalaga ang Mandatory Provident Fund (MPF) Program sapagkat ito ay nagsisilbing karagdagang social protection ng mga miyembro na naghuhulog sa matataas na Monthly Salary Credit (MSC) bukod sa kanilang regular SSS program.


Ang MPF Program ay pagpapatupad ng isa sa mga probisyon sa ilalim ng Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018 na sinimulan noong Enero 2021. Ito ay isang retirement savings program na pinangangasiwaan ng SSS upang matulungan ang mga miyembro na makaipon ng mas malaki para sa kanilang pagreretiro. Tulad ng regular SSS program ay hinuhulugan din ito kada buwan.


Nasasakop ng MPF Program ang mga miyembro na ang compensation base o kinikikita nila ay nasa ilalim ng P20,500 MSC hanggang P35,000 MSC at walang final claim sa ilalim ng regular SSS program. Ang MSC ang siyang basehan ng contributions at benefits ng SSS.  Ang bawat halaga ng buwanang kontribusyon ng isang SSS member ay may karampatang MSC.  Awtomatikong magiging MPF contributor ang mga miyembro na naghuhulog sa mga nabanggit na matataas na MSC.


Ang kanilang magiging buwanang hulog ay mula P75 hanggang P2,250. Kung sila ay employed member, paghahatian nila ng kanyang employer ang hulog para sa MPF Program. Kailangan namang ang miyembro ay aktibong naghuhulog ng kanyang buwanang kontribusyon sa ilalim ng regular SSS program.


Halimbawa, kung ikaw ay kumikita ng P23,750 kada buwan, bawat buwan ay maghuhulog ka ng P3,630 kada buwan kung saan ang P3,000 ay para sa iyong regular SSS contribution, P600 para naman sa MPF Program, at P30 na hulog para sa Employees’ Compensation (EC) Program.  Yung EC Program po ay programa ng pamahalaan na pinangangasiwaan din ng SSS na nagbibigay ng dagdag-benepisyo kung ang aksidente, disgrasya, o sakit na may kaugnayan sa hanapbuhay.  


Sa mga covered employee o mga miyembro na may employer na pinapasukan, paghahatian nila ang hulog sa MPF Program, gaya ng sa regular na hulog sa SSS. Halimbawa, ikaw, Sonia ay kumikita ng P23,750 kada buwan, kung saan ang P600 nito bawat buwan ay para sa MPF, sagutin ng employer mo ang P400 bilang employer share samantalang, sa yo naman ang P200 bilang employee share.


Maaaring ma-check ng miyembro ang posting ng kanyang kontribusyon sa MPF Program sa pamamagitan ng kaniyang My.SSS account. Mag-log in sa kaniyang account sa My.SSS. 


Ilalagak ng SSS sa iba’t-ibang investment instruments ang mga kontribusyon ng mga miyembro sa MPF Program. Ang anumang kikitain dito ay ibabalik nang proporsyonal sa miyembro depende sa halaga ng kanilang contributions. Ang posted contribution sa isang buwan ay magkakaroon ng share sa investment income simula sa unang araw ng susunod na buwan. Hindi lamang nag-iipon ang miyembro kundi kumikita pa ang pinag-iipunan niya.


Sa iyong pagreretiro, Sonia, pareho mong makukuha ang iyong retirement benefit mula sa regular na programa ng SSS at ang iyong naipon sa MPF Program. Ang MPF Program ay magandang pagkakataon upang magkaroon ka ng isang mas komportableng pagreretiro kung saan lahat ng iyong naipon ay siya mo namang pakikinabangan sa kinabukasan. Bukod dito, ang iyong maiipon sa MPF Program ay tax-free at ginagarantiyahan ng SSS.  

 

***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa bagong loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Kung mayroon kayong mga katanungan ukol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.

 
 

by Info @Buti na lang may SSS | January 25, 2026



Buti na lang may SSS


Dear SSS, 

 

Magandang araw! Ako ay doktora rito sa Mandaluyong City. Ano ang schedule ng pagbabayad sa SSS ng katulad kong doktora. Salamat. —Mia



Mabuting araw sa iyo, Mia! 


Itinuturing ng SSS ang mga katulad ninyong doktora bilang mga self-employed member. At para sa mga self-employed member, ang deadline ng pagbabayad ng inyong kontribusyon sa SSS ay tuwing huling araw ng kasunod na buwan ng applicable calendar quarter.

Kung nagbabayad ka nang quarterly, tuwing last working day ng kasunod na buwan ng applicable quarter ang inyong deadline. Ibig sabihin ang iyong kontribusyon para sa 4th quarter ng 2025 (Oktubre hanggang Disyembre 2025) ay maaari mong bayaran hanggang 31 Enero 2026.

Ito rin ang sinusunod na deadline ng contribution payment ng mga voluntary at non-working spouse member ng SSS gayundin ng ibang self-employed members na katulad mo.


Subalit alinsunod sa SSS Circular No. 2022-028, ang mga magsasaka, mangingisda, at iba pang self-employed members na kabilang sa informal economy ay mayroong flexible payment schedule kung saan pinapayagan ng SSS na bayaran nila ang kanilang kontribusyon sa nakalipas na 12 buwan mula sa kasalukuyang buwan. Halimbawa, ngayong buwan ng Enero 2026, maaari nilang bayaran ang mga kontribusyon para sa Enero 2025 hanggang Disyembre 2025.


Iba rin ang payment schedule ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) members. Ang kanilang SSS contributions para sa sa Enero hanggang Setyembre 2025 ay maaari nilang bayaran hanggang sa huling working day ng December 2025, habang ang hulog para sa Oktubre hanggang Disyembre ay dapat bayaran bago matapos and Enero 2026. 


Tandaan na hindi pinahihintulutan ng SSS ang retroactive payments. Halimbawa, kung hindi nabayaran ng isang self-employed member ang kanyang kontribusyon para sa Setyembre 2025, hindi na niya ito maaaring bayaran pa ngayong buwan at ito ay magiging laktaw sa kanyang contribution records. Napakahalaga na alam ng isang miyembro ang akmang contribution payment deadline sa kaniya.


Mas pinadali na rin ng SSS ang pagbabayad ng kontribusyon na maaaring gawin sa iba’t ibang SSS-accredited payment channels tulad ng accredited banks, payment centers, online banking, at e-wallet facilities.


***


Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa bagong loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.




Kung mayroon kayong mga katanungan ukol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.

 
 

by Info @Buti na lang may SSS | January 18, 2026



Buti na lang may SSS


Dear SSS,


Magandang araw! Ako ay isang college student na gustong mag-part time work. Nag-apply ako sa isang call center at natanggap naman ako. Isa sa requirements ay ang pagkuha ng SSS number ngunit wala pa ako nito. Hindi ako makapunta sa branch ninyo dahil may pasok ako sa school. May paraan bang makakuha ako ng SSS number na hindi na pupunta sa SSS branch?  Salamat. —Randy



Mabuting araw sa iyo, Randy!


Sa Pilipinas, ang pag-secure ng iyong kinabukasan ay nagsisimula sa isang simpleng hakbang: pagkuha ng Social Security (SS) number mula sa Social Security System (SSS). Fresh graduate ka man, overseas Filipino worker (OFW), self-employed individual, o corporate employee, ang SS number ay hindi lamang paperwork—ito ang iyong tiket para sa pinansyal na proteksyon at kapayapaan ng isip.


Hindi mo na kinakailangang magtungo sa alinmang sangay ng SSS upang kumuha ng iyong SS number sapagkat available na ito online sa pamamagitan ng aming website, www.sss.gov.ph.


Inilunsad ito ng SSS upang mapabilis ang pagkuha ng SS number with My.SSS registration, lalo na ang mga bagong tapos sa kolehiyo at kabataang naghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon. Kasama rin ang pagbibigay ng SS number sa patuloy naming kampanya na mapalawak pa ang kapasidad ng aming website sa pagbibigay ng mas magandang alternatibo sa mga over-the-counter na aplikasyon.


Upang makakuha ng SS number, pumunta sa SSS homepage at pindutin ang “Apply for an SS Number Online” na makikita sa ibabang bahagi ng SSS website. Pagkaraan ay lalabas ang step-by-step guide na dapat mong sundin para umusad ang iyong online application.


Kinakailangang ibigay mo ang iyong mga personal na impormasyon gaya ng pangalan, petsa ng kapanganakan at email address. Dapat maging maingat at suriing mabuti ang mga personal na datos na iyong ilalagay bago mo ito isumite. Pagkatapos isumite ang mga impormasyong ito, padadalhan ka ng link sa iyong ibinigay na e-mail kaya dapat ito ay aktibo at laging ginagamit. Sa iyong e-mail address, kailangan mong kumpirmahin ang link na ipinadala sa iyo sa loob ng limang araw dahil kung hindi mo ito gagawin ay uulitin mo ang buong proseso.

Pagkatapos ma-isyu ang SS number, ipapakita sa screen ang iyong personal record at SS number slip. Maaari mo itong i-print bilang katibayan ng iyong online registration. Magpapadala naman ng soft copy ng iyong Personal Record (E-1) sa rehistradong e-mail address na ibinigay mo sa SSS. Maaari mo nang ibigay sa iyong employer ang naisyung SS number. 

Upang maging permanent naman ang status ng iyong SS number, kinakailangan mong magsumite online o sa pinakamalapit na SSS Branch ng mga documentary requirements katulad ng Birth Certificate. Maaari mong itong gawin sa iyong libreng araw.

Kung sakali namang mayroon kang dapat baguhin o itama sa iyong personal na datos, ito ay maaari mong gawin gamit ang My.SSS account o ‘di kaya’y sa pagsusumite ng Member's Data Change Request kalakip ang mga kaukulang dokumento at ipasa ito sa alinmang sangay ng SSS.


***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa bagong loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.



Kung mayroon kayong mga katanungan ukol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page