top of page
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | Mar. 11, 2025



Philippine Book Festival 2025

Hello, Bulgarians! Tara na sa pinakamasayang book event ng taon – ang Philippine Book Festival, mula March 13 hanggang 16!


May meet and greet sa authors at creators, book launches at book signings, libreng art at writing workshops, bukod pa sa maraming discounted books!


Isama na ang buong pamilya at barkada para sa masayang book experience sa Megatrade hall, SM Megamall, Mandaluyong City mula 10 a.m. hanggang 8 p.m.

FREE entrance para sa lahat!


Ang Philippine Book Festival ay isa sa mga pangunahing inisyatibo ng National Book Development Board (NBDB), sa pangunguna ni Executive Director Charisse Aquino-Tugade, na naglalayong itaguyod ang book publishing industry sa bansa at palakasin ang kultura ng pagbabasa at authorship ng mga Pilipino.


Ang BULGAR ay isa sa mga opisyal na media partner ng Philippine Book Festival.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | Mar. 9, 2025



PhilHealth Anniversary

Hello, Bulgarians! Hinihikayat ng National Book Development Board ang publiko na suportahan ang idaraos na Philippine Book Festival 2025 na magaganap sa Marso 13 hanggang 16. Isasagawa ang pinakamalaking Pinoy book fair sa Megatrade Hall, SM Megamall, Mandaluyong City.


Ang Philippine Book Festival ay isa sa mga pangunahing inisyatibo ng NBDB, sa pangunguna ni Executive Director Charisse Aquino-Tugade, na naglalayong itaguyod ang book publishing industry sa bansa at palakasin ang kultura ng pagbabasa at authorship ng mga Pilipino.


“We created a marketplace for Philippine books because it’s difficult for Filipinos to easily access them. We sat down with the Department of Education (DepEd) to address this problem, and now we have the PBF, which is this marketplace for Philippine books, but also a site for the DepEd to purchase quality education materials for schools across the country,” pahayag ni Tugade.


Itinuturing ng NDBB ang PBF hindi lamang bilang marketplace para sa mga Filipino-authored books kundi isang lugar na masayang makakapagsama-sama ang buong pamilya at magkakabarkada habang nakikilahok sa mga aktibidad sa book fair.


Kabilang sa mga aktibidad na ito ay ang meet and greet sa book authors at artists, book launches at book signings, libreng art at writing workshops, at marami pang iba.


Giit ni NBDB Executive Director Charisse Aquino-Tugade, ang pagsuporta sa Philippine Book Festival ay malaking tulong din sa Filipino authors at creators upang sila’y tangkilikin at makilala ang kanilang husay sa paglikha ng libro.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | Mar. 8, 2025



PhilHealth Anniversary

Hello, Bulgarians! Simula Enero 30, 2025, ipinatupad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pinalawak nitong benepisyo para sa operasyon sa katarata kasama ang paglalagay ng intraocular lens (IOL) para sa matatanda at bata.


Ito ay sang-ayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na palawakin pa ang mga serbisyong pangkalusugan ng PhilHealth.


Batay sa PhilHealth Circular 2025-0001 na inilathala noong Enero 15, 2025, ang benepisyo para sa operasyon sa katarata sa mga matatanda ay tumaas nang higit sa apat na beses at nagsisimula sa P20,200. 


Ang benepisyo ay depende sa uri ng lens, kung saan ang mga operasyon na gagamitan ng monofocal IOL o standard lens ay may halagang P28,300 bawat mata. Ang mga premium lens naman tulad ng monofocal toric IOL na nagbibigay ng malinaw na paningin sa isang partikular na distansya habang inaayos ang astigmatism ay sasagutin sa halagang P43,800 bawat mata. 


Samantala, ang multifocal IOL na tumutulong makakita ng malinaw sa malapit at malayo ay may halagang P66,900 bawat mata, habang ang multifocal toric IOL na nag-aayos ng astigmatism at nagbibigay ng malinaw na paningin sa iba’t ibang distansya ay sagot ng ahensya sa halagang P80,900 para sa kanang mata.


Samantala, ang coverage para sa operasyon ng katarata sa mga bata ay umaabot ng hanggang P135,000 bawat mata at P139,050 para sa parehong mata. Kung kasama ang intraocular lens, ang coverage ay nasa P179,000 bawat mata at P187,100 para sa parehong mata.


Dating nagbabayad ang ahensya ng P16,000 bawat mata para sa pagtanggal ng katarata sa matatanda at bata.


Nananawagan ang ahensya sa mga accredited healthcare facilities na panatilihing may sapat na supply ng Intraocular lenses, gamot sa mata, IV fluids, at iba pang mga kagamitan upang masigurong hindi na kailangang gumastos ng pasyente sa pagbili ng gamot sa labas ng pasilidad.


Sa buong 2024, ang PhilHealth ay nakapagbayad ng kabuuang P3.58 bilyon para sa 224,209 na operasyon sa katarata.



Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page