top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 13, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Natagpuan ng isang mangingisda sa Talibon town, Bohol ang ang patay na giant leatherback sea turtle o mas kilala sa tawag na pawikan nu’ng Linggo.

Ayon kay Talibon Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Elpidio Palaca, ang marine reptile ay 1.9 meters long, 160 centimeters wide at may bigat na 200 kilograms.

Saad naman ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Provincial Director Charlie Fabre, ang patay na pawikan ay dadalhin sa Tagbilaran City ng National Museum of the Philippines-Bohol and Bohol Environment Management Office personnel sa Miyerkules.



 
 

ni Thea Janica Teh | July 7, 2020


ree


Nakita na ng Argentina paleontologist ang natitirang labi ng isang 70M year-old predator fish na may habang 6 metro.


Ito ay naisulat sa isang scientific journal na Alcheringa: An Australian Journal of Palaeontology.


Ayon sa isang pahayag, lumangoy ang isdang ito sa Patagonian sea sa katapusan ng Cretaceous Period nang ang temperature noon ay mas mataas kaysa ngayon.


Natagpuan ang carnivorous animal na may matalim na ngipin at nakakatakot na itsura malapit sa Colhue Huapial lake na halos 1,400 km south ng capital Buenos Aires. Ang kaniyang katawan ay payat at may matulis na malaking ulo. Mayroon itong malaking panga at malalaking pangil tulad sa pating.


Ito ay kabilang sa Xiphactinus genus na largest predatory fish na existed sa history ng buong mundo.

 
 

ni Lolet Abania | July 2, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Isang tooth fossil ng Megalodon, pinakamalaking pating na nabubuhay sa mundo na tatlong beses ang laki nito kumpara sa white shark, ang natagpuan sa Maribojoc, Bohol.


Nadiskubre ang mga ngipin ng ancient shark, na nabuhay ng 23 million taon, ni Christian Gio Bangalao, mangingisda sa lugar. Inilagay na ang tooth fossil sa NM Bohol Area Museum.


"All signs of the megalodon’s existence ended 2.6 million years ago in the current fossil record. Confirmed and suspected fossilized megalodon teeth from Bohol are of smaller sizes but this may suggest that these specimens came from juveniles and baby sharks may have frequented the shallow sea waters of Southwestern Bohol, what is now the Maribojoc area,” pahayag ng pamunuan ng NM Bohol Area Museum.


Ito ang ikalawang beses na nakadiskubre ng megalodon specimen sa lugar na may 7.6 cm x 6.5cm ang sukat, ayon sa report ng museum.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page