top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 17, 2021


ree

Natagpuan sa Botswana ang 1,098-carat stone na pinaniniwalaang third largest diamond sa buong mundo, ayon sa Debswana Diamond Company noong Miyerkules.


Noong June 1 natagpuan ang naturang bato na ipinakita kay President Mokgweetsi Masisi.


Pahayag ni Debswana Managing Director Lynette Armstrong, "This is the largest diamond to be recovered by Debswana in its history of over 50 years in operation.


"From our preliminary analysis it could be the world's third largest gem quality stone. We are yet to make a decision on whether to sell it through the De Beers channel or through the state owned Okavango Diamond Company."


Ang pinakamalaking diamond sa mundo na nadiskubre ay ang 3,106-carat Cullinan na natagpuan sa South Africa noong 1905.


Ang second largest diamond naman ay ang 1,109-carat Lesedi La Rona na kasinglaki ng isang tennis ball na nadiskubre sa Karowe, northeastern Botswana noong 2015.


 
 

ni Thea Janica Teh | October 8, 2020


ree

Namataan ng ilang residente ngayong Huwebes ang 70 patay na dolphin sa baybayin ng

Barangay Bon-ot sa bayan ng San Andres, Catanduanes.


Ayon sa team leader ng Fisheries Regional Emergency Stranding Response Team ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Bicol na si Nonie Enolva, ang mga nakitang dolphin ay melon-headed whaled.


ree

Sa kanilang imbestigasyon, nakita na lumalangoy ang mga ito sa baybayin nitong Miyerkules.


Pagdating ng Huwebes nang umaga, nakita na ang mga itong palutang-lutang at na-

stranded sa baybayin at tuluyan nang namatay.


Posible umanong ang dahilan ng kanilang pagkamatay ay blast fishing o malakas na

pagsabog kung saan natagpuan ang mga dolphin.


Makikita sa video na ipinadala ng BFAR na mga nakaangat ang mga ulo ng mga dolphin na indikasyon na may ininda ang mga ito.


Kaya naman pinaalalahanan ng BFAR ang lahat ng mga residente rito na huwag lumapit sa mga dolphin at ‘wag kuhanan ng litrato upang maiwasan na ma-stress ang mga ito.

 
 

ni Lolet Abania | October 5, 2020


ree

Nagwagi ang dalawang American at isang Briton sa 2020 Nobel Prize for Physiology or Medicine para sa natatanging nagawa, ang pagdiskubre sa Hepatitis C virus na nagiging sanhi ng sakit na cirrhosis at liver cancer.


Ayon sa Nobel Assembly sa Karolinska Institutet sa Sweden, napili nilang bigyan ng nasabing parangal sina Harvey Alter, Charles Rice at Briton na si Michael Houghton dahil sa pagdiskubre ng tatlong scientists na labanan ang sakit na Hepatitis C.


"Prior to their work, the discovery of the Hepatitis A and B viruses had been critical steps forward," pahayag ng award-giving body, kasabay ng pagkakaloob ng prize na 10 million Swedish crowns o $1.1 million sa tatlong dalubhasa.


"The discovery of Hepatitis C virus revealed the cause of the remaining cases of chronic hepatitis and made possible blood tests and new medicines that have saved millions of lives," pahayag pa ng Nobel Assembly.


Gayundin, sa tatlong siyentipiko ibinigay ang Nobel Prize for Medicine dahil sa natatanging kontribusyon ng mga ito sa pagsugpo sa blood-borne hepatitis na isa nang pangunahing problema sa kalusugan sa buong mundo at nagiging sanhi rin ng cirrhosis at liver cancer.


Samantala, ang Hepatitis C ay isang impeksiyon na pangunahing nakakaapekto sa atay. Kadalasan, walang mga sintomas ngunit ang matagal at pabalik-balik na impeksiyon ay posibleng makasugat sa atay na humahantong sa sirosis at kanser sa atay. Kapag lumala pa ito, mauuwi sa pagkamatay dahil sa pagdurugo ng atay.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page