top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Janiz Navida @ShowbizSpecial | August 21, 2023


BLIND ITEM:


Ewan kung aware ang isang male celeb na kapatid ng sikat na young actress na inoobserbahan siya ng ilang bisita sa isang showbiz gathering dahil sa kanyang malambot na kilos at mga hand gesture na galawan ng mga kabilang sa LGBT community.


To be fair sa male celeb, hindi naman siya ganu'n ka-loud sa pagiging pa-girl at discreet pa rin naman. 'Yun nga lang, sadyang lumalabas pa rin ang kanyang 'natural self' at mababasa nga sa galaw ng kanyang mga kamay at pagkilos ang pagiging 'mahinhin'.


Matangkad ang male celeb kaya talaga namang agaw-pansin siya sa naturang showbiz gathering.

Ang tanong tuloy ng ilang Marites na nag-oobserba sa mga kilos ng male celeb, alam kaya ng kanyang astig na tatay na aktor na may kalambutan ang kanyang unico hijo at tanggap kaya niya ito?


Well, wala namang problema kung 'yun ang sexual orientation ng male celeb. Hindi mo naman ito masisisi dahil puro girlash ang mga ate niya at baka lumaki kasi siya na ang mga ito ang kasa-kasama kaya naimpluwensiyahan siya.


Ang mahalaga naman, hindi nagdadala ng kahihiyan sa pamilya ang male celeb at mukhang smart pa nga ito tulad din ng isang dating child actor na tuluyan nang nagladlad at very much happy ang love life ngayon.


 
 

ni Janiz Navida @ShowbizSpecial | August 13, 2023


BLIND ITEM:


Nalungkot kami sa kuwentong nakarating sa amin na mukhang umakyat na sa ulo ng mga nakapaligid sa young actress ang kasikatang tinatamasa niya ngayon.


Marami nang pinagbidahang serye ang aktres at in fairness, sikat na sikat na talaga siya dahil may napatunayan na hindi lang sa pag-arte kundi maging sa pagiging product endorser, kaya nga mabentang-mabenta rin siya sa mga commercials.


Ganito ang eksena. One time, nasa dressing room ang isang byuting aktres na kasabayan ng sikat na young actress. Pareho silang guests sa isang TV show kaya pinagsama sila sa dressing room.


Pagpasok ng madir ng sikat na young actress, hindi raw nito nagustuhan na may ibang kasama sa dressing room ang kanyang anak kaya nag-dialogue ito ng "Akala ko ba, solo lang ng anak ko ang dressing room na 'to?"


Nagulat ang byuting aktres sa narinig at napaiyak na lang sabay labas ng dressing room.


Walang nagawa ang byuting aktres dahil hindi niya kasama that time ang kanyang manager na sana ay nakapagtanggol sa kanya sa pagpaparinig ng madir ng sikat na young actress.


Napatanong tuloy kami sa source namin kung alam kaya ng sikat na aktres ang ginawa ng kanyang madir na may pagka-gangster pala ang asal, at kibit-balikat na lang ang isinagot ng aming kausap.


Hay, sana lang 'wag masira ang aktres kung ganito pala ang asal ng nanay, ha?!


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | August 9, 2023



BLIND ITEM:


Hindi kami makapaniwala na may kakaiba palang topak itong kilalang young actor.


Noon pala kasing kasagsagan ng promo ng isang teleseryeng kanyang pinagbibidahan, may ilang insidente palang nakuwestiyon ang pagiging propesyonal, mabait at marespeto nito.


Una na riyan ang insidente sa isang weekend show na nag-promote ito. May mga spiels kasi itong ayaw basahin o banggitin dahil ayon sa mga sources natin, “Nahahabaan,” daw ito. Considering umano na tungkol sa series, names ng mga co-stars at places abroad lang ang babasahin ni sikat na aktor, ha?


Nauwi nga raw sa generic na “Abangan” at pagbanggit sa ilang names ng co-actors niya ang sinabi ni young actor na ikinadismaya ng mga nasa produksiyon.


Then, another incident happened when in another show ay nag-request ang same young actor na huwag siya ang patawagin sa mga co-lead stars niya to appear on stage.


May tsika pa umano ito na hindi naman siya dapat gawing host o interviewer dahil bida rin siya sa series, kundi man siya ang pinaka-bida. Hindi man daw masyadong natutuwa ang mga nasa produksiyon sa sinasapit ng series ngayon dahil sa lackluster performance nito sa TV ratings despite ng mga bonggang promo, in a way daw ay nagdarasal silang mabilaukan ang sikat na young actor.


Sa medyo chararat daw kasing pag-attitude nito during promo ay tila nag-translate sa ‘poor’ ratings ang mga inasal nito. Sa totoo lang, mga Ka-BULGAR, nakaka-shock ito dahil sa maamong mukha pala ni sikat na young actor ay may kakaiba itong asal.


Ang madalas na pag-viral ng mga videos at posts ni young actor ang best clue na maibibigay namin! Kuha ninyo?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page