top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Janiz Navida @ShowbizSpecial | September 3, 2023


BLIND ITEM:


Jusko, paano kaya naatim ng isang sikat na hunk actor ang mangutang sa kanyang supposed to be ay future mother-in-law?


Yes, you heard it right, walang pag-aalinlangang nangutang ang naturang hunk actor sa mother dear ng kanyang GF na byuting sikat na aktres.


Ni hindi man lang ito tinablan ng hiya knowing na may trabaho rin naman siya at malaki rin ang kinikita sa showbiz.


Ang hindi lang namin sure ay kung nabayaran na ba ng hunk actor ang utang niya sa mother ng byuting sikat na aktres dahil matagal na silang hiwalay ng GF.


May kani-kanyang karelasyon na ngayon ang dalawa. Sana lang, hindi na ito ulitin ng aktor sa nanay ng bago niyang GF dahil baka ma-red flag siya or worst, madyombag pa!


Nyahahaha!


Walanjo talaga! Ibang klase, matindi ang hunk actor, 'no?!



 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | August 24, 2023


BLIND ITEM:


Grabe naman ang kilalang hunk actor sa tila pagkakahilig umano nito sa mga kakaibang pantasya pagdating sa mga intimate scenes o moment sa mga movies o series na kasali ito.


Ayon sa aming nasagap, very dedicated si hunk actor sa kanyang mga gawain at dahil nai-involve na rin ito sa mga behind the cameras’ actions (parte ng production as assistant director o minsan ay director), may mga gusto raw itong ipagawa sa mga co-actors minsan na medyo kakaiba.


Gusto umano nitong out of the box kumbaga ang mga eksena kapag intimate scenes ang isyu.


Ayaw daw nito ru’n sa basta normal o natural lang na ginagawa ng magdyowa o mag-partner.


In short, trip daw ni hunk actor na ipagawa ‘yung mga napapanood lang sa adult sites o p*rn sites, lalo na ru’n sa mga eksenang may 'aura' ng masokismo, nag-e-enjoy sa sakitan, etc..


Binata pa si hunk actor at may dyowa rin itong very simple showbiz girl na kilala rin sa kanyang larangan.


Marami tuloy ang napapaisip kung sa totoong buhay daw ba ay gawain din ito ng aktor o sadyang 'wild at weird' lang ang imahinasyon nito?


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 24, 2023



BLIND ITEM:


Trulili kaya na binigyan ng ultimatum ng sikat na aktres ang boyfriend niyang aktor din na kapag umulit pa sa ginawa nitong pambababae ay totally iiwanan na niya ito?


Ilang beses na kasing nahuli ng sikat na aktres ang boyfriend niyang aktor na nambababae at ilang beses na rin itong humingi ng tawad sa kanya at nangakong hindi na uulitin, pero naulit na naman.


Kaya sa nth time ay binigyan na ng choice ng sikat na aktres ang boyfriend na aktor na kapag umulit pa sa huling pagkakataon ay wala nang usapang mangyayari dahil ‘babu na’ talaga.


Ayon sa aming source na nakausap ang sikat na aktres, sobrang na-depressed siya sa ginawa ng boyfriend niyang aktor dahil hindi niya inakala na magagawa ito sa kanya kaya panay ang iyak nito noon.


Pero ngayon ay matigas na ang sikat na aktres at kaya na niyang mawala sa buhay niya ang boyfriend na aktor dahil kung paulit-ulit naman daw itong hindi tapat sa kanya, 'di bale na lang.


“Nagsawa na, actually hinahayaan na nga ni (sikat na aktres) si (boyfriend na aktor) kapag nagpapaalam na aalis o may lakad kasama ang friends. Dati kasi, dami pang tanong ni (aktres), ngayon, ‘okay’ na lang ang sagot,” kuwento ng aming source.


Ang dami raw nagpaparamdam sa sikat na aktres, pero hindi nito pinapansin kasi nga loyal siya sa boyfriend niyang aktor.


Si sikat na aktres ay maganda at magaling umarte kaya posibleng hindi na niya kawalan ang boyfriend niyang aktor kapag naghiwalay sila dahil ilang taon na rin naman siyang nagtiis sa pambababae nito.


“Hindi talaga niya kawalan kahit pa sabihing bagay sila,” diin ng aming source.

Abangan ang update ng dalawang ito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page