top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

FEMALE HOST, NABIGYAN LANG NG SHOW DAHIL SA KAANAK, BIGLANG YABANG, NAWALAN NG KAYOD DAHIL SA COVID-19, TAMEME NA NGAYON

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 15, 2020



Blind item:


Lihim na natutuwa ngayon ang mga taong masamang-masama ang loob sa isang female celebrity na sumobra ang yabang at angas nang mabigyan lang ng show sa isang network dahil sa koneksiyon ng isa niyang kaanak.


Dati-rati ay hindi naman siya pinapansin dahil lumampas na ang kanyang kabataan at kasikatan. Hindi na siya sexy at lumapad na ang katawan dahil may mga anak na. Sinuwerte lang na sumikat ang isa niyang kaanak kaya nadawit at naambunan din siya ng suwerte.


Binigyan ng show si female celebrity kasama ang dalawang sikat na artista ng network. Pero kasabay ng kanyang exposure sa telebisyon ay nagbago na rin ang kanyang aura. Nakapagpundar na siya ng mga properties. Tumaas na ang kanyang tingin sa sarili at feeling sikat na sikat na.


Minsan ay umiiral ang kanyang pagiging taklesa at binu-bully ang isa sa mga kasama niya sa show. Nagkaroon na ito ng amnesia dahil hindi na nakaalala sa mga taong tumulong at dumamay sa kanya noong siya ay taghirap pa!


Kaya naman hindi na rin pinapansin ang female celebrity. May katapusan naman daw ang lahat at muling aapak sa lupa ang mga paa ng mapagmalaking babae.


At heto na nga ang Covid-19 na siya lang palang magbibigay ng leksiyon sa female celebrity. Nahinto ang ipinagmamalaki niyang show, inabot ng indulto at nawalan na siya ng exposure. Matetengga na naman siya sa bahay! Hindi na siya makakapagmalaki nang husto. Nabali na ang kanyang pakpak!

 
 

DALAGITANG AKTRES, BINU-BULLY ANG BATANG AKTRES NA KA-LOVE TEAM NG BF NIYA, SUPER-ANGAS DAHIL MALAKAS SA NETWORK

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 13, 2020



BLIND ITEM:


May sama ng loob ang batang aktres sa co-star niyang dalagitang aktres sa isang teleserye na malapit nang mag-resume dahil binu-bully siya nito sa harap ng mga katrabaho sa set at maging sa social media.


Nu’ng una ay hindi pinapansin ng batang aktres ang dalagitang aktres dahil akala niya, likas lang na mapagbiro. Pero sa kalaunan ay nananadya na pala at ipinakikitang hindi siya gusto.


Hindi na pinansin ng batang aktres ang dalagitang aktres para walang isyu. Kaya lang, sadyang inaasar pala talaga siya at ang kuwento ay dahil sa ka-love team niya.


Tsika sa amin ng taga-production, “Si (dalagitang aktres), iritang-irita kay (batang aktres) kasi ‘yung boyfriend niya (aktor din) ay ka-love team at maraming followers. ‘Yan ang kuwento talaga.”


Nabanggit pa na kaya malakas ang loob mang-bully ng dalagitang aktres ay dahil malakas siya sa management ng network na siya ring nagma-manage ng career niya.


“Favorite kasi siya (dalagitang aktres), in fairness sikat naman sa mga kasing-edad niya at maraming followers sa social media, pero hindi dahilan ‘yun para mang-bully siya. That's foul,” sabi pa sa amin.


Minsan daw ay napagalitan ng EP (executive producer) ang dalagitang aktres nang umalis ng set dahil masama ang pakiramdam kaya na-pack-up ang taping.


"So, okay lang. Eh, kaso, ginawa ulit. Nakagalitan na kasi ang daming naghihintay sa set, ang daming kukunan tapos sinumpong lang ng topak?" dagdag pang kuwento ng source.


Markado na rin ang dalagitang aktres sa mga kasama niya sa teleserye na may attitude problem dahil kapag may offer daw na kasama siya ay tatanggihan nila.


Hmmm, sa panahon ng banta ng covid19 pandemic, lahat ay kailangan ng work, posible bang may tumanggi?


“Puwede namang tanggapin, pero siguro, pagsasabihan na kaagad siya (dalagitang aktres) sa simula pa lang para alam niya na alam ng lahat na diva-diva siya,” say pa ng taga-prod.

 
 

2 FEELING-SIKAT NA MALE SINGERS, NAG-OBER DA BAKOD, AKALA MAS SISIKAT ABROAD, NALAOS SA NILIPATAN DAHIL WALANG SHOW

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 12, 2020



BLIND ITEM:


Noong una pa lang na nagdesisyon ang dalawang male singers na mag-ober-da-bakod at iwan ang network na nagbigay sa kanila ng chance upang mapasama sa isang malaking musical show, marami na ang nag-advise na huwag silang masyadong mag-apura. Darating din ang pangarap nilang big break sa kanilang career. Hindi naman sila natetengga sa dati nilang network.


Pero hindi rin nagpapigil ang magkaibigang singers sa kanilang desisyon. Gustung-gusto na nilang maka-level ang malalaking singers sa lilipatang network. Gusto rin nilang makilala nang husto sa ibang bansa dahil mas malawak ang nararating ng musical show ng nilipatang network.


Naunang lumipat si Male Singer A na RNB ang forte. Feeling niya ay big star na siya. Sumunod sa kanya si Male Singer B na hindi pa naman gaanong established ang singing career pero nagkailusyon na sikat na rin siya.


Pero nang napasama na sa musical show, bigla silang natabunan ng mga mas sikat at mas magagaling na singers-performers. Hindi naman sila lumutang at napansin. Kaya ngayon, nagsisisi ang dalawang male singers kung bakit umalis pa sila sa dati nilang network. Lalo na silang makakalimutan dahil wala na silang shows.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page