top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

SINGER-TV HOST, NAGPABONGGA NG KASAL MAIBIGAY LANG ANG HILIG NG GF, PROBLEMADO DAHIL LUBOG SA UTANG

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 19, 2020



BLIND ITEM:


Problemadung-problemado ngayon ang isang singer-tv host dahil bukod sa buntis na ang kanyang young wife, marami pa silang utang na dapat bayaran.


'Yun ang mga utang sa nagastos nila sa napakabongga nilang kasal. Mahal na mahal kasi ng singer- tv host ang kanyang pinakasalan kaya kahit kapos at hindi kaya ng budget ay sinunod niya ang kahilingan ng kanyang bride na magkaroon ng bonggang wedding.


Kung kani-kanino lumapit at nangutang ang singer-tv host para lang may magastos sa kasal. Hindi niya kailanman naisip na may malaking pagsubok na darating sa kanilang buhay.


Dahil sa Covid pandemic ay nawalan ng show ang singer-tv host at 'yun ang hindi nila napaghandaan.


Bale ba ay wala naman silang naipon. Paano na ang magiging buhay nila ngayon? Wala rin naman silang kamag-anak na dadamay at tutulong sa kanilang problema.

 
 

BIGLANG-SIKAT NA CELEB, SOLO FLIGHT NA SA BAHAY, WA' PA KAYOD KAYA DEPRESSED, NAG-IINGAY AT NANINIRA SA SOCMED, MGA MISMONG KAANAK, WA' PAKI

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 18, 2020



BLIND ITEM:


Kawawa naman ang biglang-sikat na personalidad dahil wala pala siyang karamay sa kinakaharap nitong depresyon ngayon.


“Wala kasi siyang malalapit na kaibigan na puwedeng dumamay o magpayo sa kanya, pati sariling kaanak, dedma sa kanya,” ang pahayag sa amin ng taong minsang nakatsikahan ang biglang-sikat na personalidad.


Idinaan ng biglang sikat na personalidad sa social media account niya ang mga sama niya ng loob o galit sa mundo lalo’t walang pumapansin sa kanya dahil pati mga nakabasa ng mga posts niya ay hindi sang-ayon sa mga pinaggagawa niya.


Binasa namin isa-isa ang mga komento at iisa ang sinasabi, "Mag-move on siya, huwag sirain ang sarili at marami pang magagandang bagay na nakalaan sa kanya."


“Sana, nabasa niya lahat ng mga sinasabi ng netizens sa kanya. May mga payo, sana, sundin niya,” sabi pa ng kausap namin.


Ang hindi namin maintindihan ay kahit sariling kaanak ng biglang-sikat na personalidad ay hindi pinapansin ang pinaggagagawa niya.


May nagparating na raw sa kaanak ng biglang-sikat na personalidad tungkol sa pinagpopo-post nito sa social media, pero deadma at seen-zone lang sila.


Sa madaling salita, hindi concerned ang kaanak? As in wala lang o baka naman sanay na?


Anyway, mukhang hindi naman nagtatagumpay ang biglang-sikat na personalidad sa paninira niya sa mga taong pinariringgan niya dahil abala sila sa kanilang trabaho ngayon.


“'Yan ang napapala ng walang trabaho, tapos hindi ka pa ni-renew ng network na pinagsilbihan mo. Then, pandemic pa, mag-isa sa place niya, makakapag-isip ka talaga ng hindi maganda,” say pa ng taong nakakakilala sa personalidad na laman ng blind item namin.

 
 

CONTROVERSIAL BUSINESSWOMAN, NAGPAPA-PRESSCON TUWING MAY BAGONG DYOWANG AKTOR O PULITIKO MAPAG-USAPAN LANG

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 16, 2020



BLIND ITEM:


Star struck sa mga sikat na aktor at pulitiko ang isang kontrobersiyal na businesswoman. Noong kasagsagan ng kanyang pagnenegosyo ay type na type niyang nali-link sa mga male celebrities at napag-uusapan sa showbiz.


Talagang nagpapatawag pa siya ng media at nagpapa-presscon kapag may bago siyang papa na sikat. Na-link siya sa dalawang action stars at sa isang pulitiko.


Masayang-masaya si businesswoman at proud na proud kapag nadidikit ang kanyang name sa mga aktor. Feeling niya ay diyosa siya ng kagandahan na pinag-aagawan ng mga guwapong lalaki.


Ang kanyang mga negosyo at naipundar na properties ang kanyang ginagamit upang mapansin at mapalapit sa mga male celebs. Pero, hindi naman nagtatagal dahil umaatras agad ang mga lalaking nabobola niya.


May kakaibang ugali kasi ang rich businesswoman na inaayawan ng mga iniilusyon niyang male celebs. Ginagawa niyang pang-display at trophy BF ang sinumang aktor na nali-link sa kanya. Reregaluhan niya ng mga mamahaling gamit ang lalaki, tapos ipapamalita sa kanyang media friends. Napapahiya tuloy ang guy kaya kumakalas sa kanya.


Ang siste, may pagka-Indian giver pala ang kontrobersiyal na businesswoman, binabawi ang ibinigay kapag siya ay hiniwalayan na.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page