top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

HUNK ACTOR, GINAGAMIT LANG ANG GF NA AKTRES PARA SA CAREER PERO WALANG BALAK PAKASALAN

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 13, 2021



Blind item:


Marami ang labis na nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin maamoy ng isang sikat na young actress na ang BF niyang aktor ay hindi naman seryoso sa kanya at nakikisakay lang sa gusto ng kanilang mga fans.


Nakakatulong kasi ang sikat na young actress sa kanyang career dahil napag-uusapan siya at nagkakaroon ng publicities. Matagal nang bulung-bulungan sa sirkulo ng showbiz ang pagdududa sa machong image ng aktor. May ilang netizens ang nagsasabing ginagawang cover-up at front lang ng aktor ang nobyang sikat na young actress upang itago ang kanyang lihim.


In denial naman ang young actress at ayaw paniwalaan ang sinasabi ng mga tao sa tunay na pagkatao ng kanyang actor boyfriend. Paniwalang-paniwala ang sikat na aktres na mahal siya ng BF niya.


Marami naman ang nagpupustahan at nagsasabing hinding-hindi mangyayari ang pinapangarap ng young actress na aalukin siya ng kasal ng BF niyang hunk actor. Walang-wala sa plano ng aktor ang magpakasal dahil mawawala na ang kanyang kalayaan at matatali siya sa isang relasyon na hindi niya ginusto.


Kaya 'pag nagpo-post ang young actress ng mga photos nila ng BF niyang actor sa social media, napapansin ng marami na hindi masaya ang aura ng hunk actor. Obvious na napipilitan lang siya talaga.

 
 

SIKAT NA AKTRES, FEELING PINAGLARUAN NG GRUPO NG ENTERTAINMENT PRESS, 2 DEKADA NA, 'DI PA RIN NAPAPATAWAD

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 10, 2021



Blind item:


Malalim at matagal magtanim ng tampo ang isang sikat na sikat na aktres. Matandain ito kapag may taong nakakasamaan ng loob. Tulad ng ginagawa niyang pandededma sa isang grupo ng manunulat sa showbiz.


Matagal na panahon nang hindi niya pinapansin ang mga ito. Mahigit dalawang dekada nang nangyari ang isang insidente kung saan sumama ang kanyang loob.

Isang malaking event 'yun sa showbiz at sa isang production number ng ilang press ay na-spoof siya at inakala ng sikat na aktres na siya ay pinaglalaruan at iniinsulto.


Simula noon, hindi na niya gaanong pinapansin ang grupo ng entertainment press at kahit inimbita siya na dumalo sa mga big events ay diretsahan itong tumatanggi. At kahit Pasko, hindi rin ito nakakaalalang magpadala ng regalo.


Anyway, naiintindihan naman ng mga dinededma niyang entertainment writers ang sentimyento ng sikat na aktres. Sadyang matagal siyang makalimot at hindi basta-basta nagpapatawad. Kahit pa siguro ilang beses maglitanya ang media ng mga naitulong ng mga ito sa kanyang career para siya sumikat noon ay hindi na maaalis ang kanyang tampo. Paninindigan na niya ang kanyang ginawa kahit pa siguro hanggang sa mawala na ang ningning ng kanyang showbiz career.

 
 

SIKAT NA YOUNG ACTRESS, BUHAY NA BUHAY KAHIT WA' CAREER DAHIL IBINAHAY NG MASYONDANG BILYONARYO

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | February 7, 2021



Blind item:


Isang libong beses mang mag-deny ang sikat na young actress na bigay ng bilyonaryong negosyante ang kanyang magarang bahay, hindi niya makukumbinse ang mga nasa sirkulo ng alta-sosyedad dahil alam na alam daw nilang matagal nang 'alaga' ng may-edad nang businessman ang young actress.


Kaya naaawa sila sa hunk actor na nali-link sa sikat na young actress dahil ginagamit lang daw itong pang-front o panakip-butas para hindi sumingaw ang lihim sa Pandora's box ng aktres.


Kaya nga raw kahit nag-pandemic at walang career ang sikat na young actress, hindi ito problemado sa pambayad ng kanyang monthly bills dahil sabi nga, mayaman si Papa!!!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page