top of page
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 15, 2022



Blind item:


Sumobra raw ang ilusyon ng isang dating sikat na singer-actress.


Matagal-tagal din siyang nawala sa sirkulasyon. Wala siyang show o concert at walang bagong kanta na sumikat. Hindi naman siya lumalabas sa telebisyon o pelikula at halos limot na ng karamihan ang kanyang pangalan.


Hindi kasi siya nagmarka sa publiko noong pumasok siya sa showbiz kaya hindi siya naging kawalan, lalo na't maraming artista ang nagsulputan na mas bata at mas talented.


Pero, may ilan siyang kaanak na aktibung-aktibo pa rin sa showbiz at regular na napapanood sa telebisyon. Halos kasing-edad din ng singer-actress ang mga ito.


Kaya naman isang TV executive ng malaking network ang nakaisip na isama siya sa cast ng bagong serye. Pero sa halip na ma-excite at matuwa ang hindi na sikat na singer-actress, medyo nag-alangan pa na tanggapin ang offer sa kanya dahil hindi siya ang bida sa serye kundi kontrabida ang kanyang role.


Isa pang dahilan ng singer-actress ay 'yung mga eksenang kailangan niyang gawin sa serye. Sa tagal daw kasi niya sa showbiz ay never pa siyang gumawa ng love scene.


Wow! At her age na may anak na nga siya ay choosy pa talaga ang laos nang singer?


Feeling like a virgin ang drama niya sa buhay. At ang ilusyon niya ay marami pa siyang fans na excited na siya ay mapanood sa TV, may ganern???


Anak ng… Teteng! Sarap ipako sa krus, ha?!


 
 

NG PIZZA PARLOR 'PAG 'DI IKINAMPANYA ANG MANOK NA PRESIDENTIABLE


ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 12, 2022



Blind item:


Nakakalokah naman ang pambabrasong ginagawa ng mister ng sikat na TV celeb sa kanyang mga staff sa pagmamay-aring pizza parlor.


Nakarating sa amin ang kuwentong may utos daw ang mister ng sikat na TV celeb na kailangan, 'pag nag-umpisa na ang kampanya, maglalaan ng 2 oras ang kanyang mga staff para lumabas at ikampanya ang ineendorsong presidentiable ng kanilang bossing.


Pinag-iikot niya talaga ang mga staff niya sa pizza parlor sa mga kalsada, palengke at kung saan-saan pa para maikampanya si presidentiable.


Eh, teka lang muna, hindi naman 'yun part ng trabaho nila, ba't may ganern?


Ang siste, kawawa ang mga pobreng staff dahil 'pag 'di nila sinunod ang kanilang bossing, wala silang suweldo.


Tsk, tsk, tsk! So, may makakapalag pa ba? Hay, life!




 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 06, 2022



Blind item:


May kasabihang “Once an actor, always an actor,” dahil siyempre, mahirap naman talagang talikuran at kalimutan ang showbiz world, lalo na kung nasanay ka na sa kasikatan at luxurious lifestyle.


Pero ibang usapan kapag sa sugal naging sugapa, ‘yung tipong kahit huling sentimo na lang, eh, itataya mo pa sa kagustuhang makabawi.


Ito ang feeling naming nangyari sa sikat na aktor-pulitiko na ang buong akala namin ay nagbago na, pero halleeeer, nagbago lang pala ng pagkukunan ng funds, pero adik pa rin sa casino. Tsk, tsk, tsk!


Paaaak! Ganern na nga!


Noon pa itsini-chika ng aming source na sugapa talaga sa casino ang sikat na aktor-pulitiko. Nu’ng palarin siyang manalo sa mataas na posisyong inaasinta niya, akala namin ay nagbago na siya.


Pero ilang araw pa lang ang nakakaraan, nakarating na naman sa amin ang balitang nagpatalo pala ng P300 milyon sa loob lang ng isang gabi, ha, take note, itong si sikat na aktor-pulitiko.


Juskolooooord! Saan niya kaya hinugot ang P300 milyon at bakit ganu’n kalaki ang budget niya?


Eh, teka, kung ‘di kami nagkakamali, tumatakbo uli ngayon sa isang posisyon itong si sikat na aktor-pulitiko. Hindi kaya campaign funds na ang ginagamit niya?


Halaaaa! Pa’no na lang pala kapag nanalo siya uli, malamang pati kaban ng bayan, eh, itaya niya.


‘Kalokah! Ano’ng akala niya, pinupulot lang ang pera?


Tsk, tsk, tsk! Sayang si aktor-pulitiko, sayang na sayang!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page