top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 19, 2022



Blind item:


Marami ang labis na nanghihinayang kung bakit pinakawalan pa ng isang actress-singer ang BF niyang actor-TV host na ilang taon na niyang karelasyon.


Disente, mabait, magalang ang actor-host-singer-dancer at may ibubuga rin naman sa aktingan.


Goal-oriented din ito at talagang dedicated sa kanyang career. Dahil talented at masipag, nabibigyan siya ng magagandang projects.


Pero, dahil sa sobrang abala sa kanyang career, bihira na nga silang magkita ng GF. Kaya, hindi nakuntento ang aktres-singer sa kanilang relasyon. Nababanggit ng singer-actress sa kanyang mga kaibigan na boring at walang challenge ang boyfriend niyang sobrang bait at disente.


Ang type ng aktres ay lalaking macho at may experience na sa buhay. 'Yung maraming alam kung paano mapapasaya ang isang babae.


Dismayado kasi ang actress-singer sa kanyang BF na actor-TV host dahil kulang ito sa diskarte at kaalaman. Noong bumiyahe raw sila abroad ay walang kaalam-alam ang aktor-host sa mga tourist destinations na kanilang pupuntahan. Wala itong plano para sa kanilang bakasyon, kaya, hindi nag-enjoy ang GF niyang singer-actress.


Hanggang sa nauwi na nga sa paghihiwalay ang lahat. Ngayon, sa chickboy na aktor na nakasama niya sa isang project nali-link ang singer-actress. Exciting daw kasama ang aktor kumpara sa ex-BF niya.


Well, wish ng mga fans, sana ay hindi nagkamali ang singer-actress sa kanyang pinili. At sana nga, hindi niya pagsisihan ang kanyang naging desisyon sa kanyang love life.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 16, 2022



Blind item:


Hindi na nagtataka ang mga dating kaibigan at kakilala ng isang morenong aktor kung paano siya yumaman at naging pulitiko.


Medyo patpatin pa siya nang unang pumasok sa showbiz. Pero dahil sa tulong ng kanyang manager na malakas sa mga movie producers, nagkaroon ng mga pelikula ang morenong aktor.


Naikuha rin siya ng malalaking endorsements at nagkaroon siya ng mga TV shows.


Nang magtagal sa showbiz ay lumawak ang kanyang connection at nakakilala ng maiimpluwensiyang tao sa lipunan. Kaya, nagkaroon din siya ng ambisyon na maging pulitiko.


Pero, sa mga unang subok at sabak niya sa pulitika, olats at nabigo ang morenong aktor.


Hindi siya basta sumuko. Muli siyang kumandidato sa bayan ng kanyang napangasawa. Malakas ang impluwensiya ng pamilya ng napangasawa ng aktor kaya naipanalo niya ang isang posisyon.


Kinarir nang husto ng aktor ang pagiging pulitiko at proud sa kanyang posisyon. Kaya naman ngayon, kahit wala siyang pelikula at TV shows, nakuha naman niya ang lahat ng pinangarap sa buhay.


Bukod sa may mansion siya sa probinsiya na kanyang pinamumunuan, may magara rin silang mansion sa Forbes Park kung saan nakatira ang mga rich and famous. Meron din siyang mga luxury cars.


Ang layu-layo na ng narating ng morenong aktor dahil magaling siyang dumiskarte sa buhay.


Napag-iwanan na niya sa yaman ang ilang aktor na nakasabayan niya noon sa showbiz.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 13, 2022



Blind item:


Sobrang masigasig sa kanyang pag-iikot sa mga probinsiya ang isang male celebrity na tumatakbo ngayon sa mataas na posisyon.


Marami siyang pinahanga sa dami ng nagawa niya nang mamuno sa isang malaking lungsod.


Kaya, marami ang nag-udyok sa kanya na tumakbo na sa mas mataas na posisyon. Malaki raw ang laban niya sa mga beteranong politicians na kalaban niya.


Nag-pledge ng financial support sa kanyang kandidatura ang mayayamang negosyanteng nakilala niya, kaya wala siyang sariling pera na gagastusin sa kanyang pangangampanya.


Kung tutuusin, kahit matalo pa ang male celebrity sa darating na eleksiyon ay panalung-panalo pa rin siya dahil tiyak na malaki ang kanyang maisusubi sa kanyang campaign fund.


Marunong sa buhay ang male celebrity at kailanman ay hindi na niya dadanasin ang maghirap tulad ng buhay niya noong bata pa siya.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page